ALTHEA
Nang makabit ko na ang seat belt ay agad na niyang kinabig ang manibela paalis.
Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa 'min. Nangingimi akong magbukas ng paksa.
Ni hindi ko magawang maibuka ang bibig ko.
At malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko, mas malakas pa 'ata kesa sa bagyo.
Pigil na pigil din ang aking paghinga.
"May tama na ang pinsan mo, kaya ako na lang ang sumundo sa'yo." Pag basag niya ng katahimikan.
Marahil nabasa nito ang gulat at pagtataka sa mukha ko kanina kung bakit siya ang sumundo sa akin.
"Pasensya ka na, naabala pa tuloy kita. Wala kase talaga akong makuhang sasakyan, Hindi rin ako masusundo ni Daddy eh," ang nahihiya kong paliwanag. Bahagya ko lang itong sinulyapan. Napatingin lamang ako dito nang magsalita itong muli.
"Don't mention it. Ako ang nag-presinta kay Noah para sunduin ka." Tugon nito na bahagya pa kong nilingon saglit at binalik ulit ang paningin sa kalsada.
Nakita ko ang kislap ng mga mata nito, ewan ko pero mukha talaga itong masaya.
Masaya ba ito sa pag sundo sa 'kin? Wow! ha teh asa? Baka maganda lang talaga araw niya huwag masyadong ambisyosa! Pakli ng kontrabidang bahagi ng isip ko.
Pero 'di ko pa rin maipagkakaila na kinikilig ako. To know that he volunteered to fetch me, napakalaking bagay na 'yon sa puso ko.
Kung lagi siya sanang ganito, eh di sana dumalas na lang ang bagyo.
Ang piping sigaw ng isip ko. Nakahinto kami sa stop light ng lumingon ito sa'kin.
Bahagya itong nakatitig sa kung saan, he suddenly looks amazed na napalitan ng konting pag alala.
"Are you cold? Are you ok? Your clothes a bit wet." Sinundan ko ang kanyang tingin at muntik na akong tumalon sa hiya.
Bigla kong natutop sa dibdib ko ang hawak kong backpack. Bahagyang bumakat ang suot kong itim na bra sa medyo basa kong damit.
Kasunod ng tila pag aapoy ng pisngi ko. Nangingiting hinubad nito ang suot niyang suit, at inabot sa'kin.
" Here... Para 'di ka lamigin." Alanganin kong abutin, nakakahiya.
" Come on, nilalamig ka na," his encouraging tone.
Pagkwa'y pilit ang ngiti kong inabot na rin iyon mula sa kanya.
"Nakita mo?" Ang wala sa loob na tanong ko. Parang tumayo lahat ng balahibo ko sa batok sa isiping nakita nito ang suot kong bra.
"Ang alin?" ang painosente niyang balik tanong sa 'kin.
"Kulay itim ba?" Nanlaki ang mga mata ko. And now, he's teasing me.
Bahagya pa itong nakangisi.
Namula ako sa inakto nyang iyon. Gusto kong makaramdam ng inis pero mas lamang 'ata ang pagkahiya kong nararamdaman.
"'Di ko masyadong nakita pero sigurado akong kulay itim siya." Ang walang gatol nitong litanya. Bagay na kinaawang ng labi ko.
" Bas--tos ka..." Mahina at 'di makapaniwala kong sambit at napabusangot.
Napahigpit ang hawak ko sa bag na yakap ko.
I heard him chuckled naughtily.
"You asked and I just answered. Isa pa, hindi ko sinasadyang makita." Dagdag pa nito na pigil ang tawa. Para bang pinagkakatuwaan ako.
Nanahimik na lang ang bibig ko pero ang puso ko? Patuloy na nagwalala at nag seserko!
'Di ko na mapirmi pa ang t***k ng puso ko, at habang tumatagal pabilis nang pabilis ang pintig nito.
Huminga ako ng malalim at binaling ang tingin sa bintana. Bakit nga ba ganito ang nararamdaman ko sa tuwing nasa malapit lang siya? Pero aaminin ko na mas gusto ko ang Kiel na kasama ko ngayon.
Masaya at lagi nakangiti. Nagagawang nitong magbiro. Medyo magaan kasama...
Ang Kiel na to e, malapit lapit sa Kiel na nakakasama ko sa pantasya ko.
Napangiti ako ng lihim sa naisip. 'Di ko na namalayan ang paghinto ng sasakyan sa tapat ng gate namin.
Sinipat ko ang oras sa hawak kong cellphone, 11pm na. Malakas pa rin ang buhos ng ulan.
" Puwede ba akong magpatila ng ulan at makainom ng kape?" Nagulat man ako sa hiling niya, ay pumayag na rin ako.
Besides, siya naman ang nagmagandang loob na sunduin ako.At isa pa, gusto ko pa itong makasama.
Weeh... landi pa more! Ang pakli ng kontrabidang bahaging 'yon ng isip ko.
"Buksan ko lang ang gate," ang sabi ko at mabilis na akong lumabas ng kotse. Mabilis akong lumapit sa gilid at pinindot ang password ng gate at kusa na itong bumukas.
'Di ko maiwasang 'di makaramdam ng kilig. Mas pinili niyang manatili kaysa umalis agad.
Gaga baka nakakalimutan mo ayon sa balita magdamag na bubuhos ang ulan dahil sa pagdaan ng bagyo. Ang lakas nga ng ulan 'di ba?
May mga ilang kalsada na rin ang lubog sa baha remember? Duh ambisyosa! Pag papaalala ng kontrabida sa utak ko.
Mabilis niyang pinasok ang kotse sa loob ng bakuran namin at pinarada sa tabi ng kotse ni Daddy.
Agad kong binuksan ang pinto, nakasunod lamang siya sa'kin.
"Tuloy ka," ang mahina kong sabi at binuksan ang ilaw malapit sa front door.
Naglakad kami patungo sa may kalakihan naming sala. Nakapatay na lahat ng ilaw pero bukas pa ang tv.
Nabungaran ko si Mommy na nakatulog na rin sa mahabang sofa.
Nakatulog na marahil sa kakahintay sa akin.
Mahina kong tinapik tapik ang balikat ni Mommy para gisingin ito.
"Mom, I'm home," ang mahina kong tawag. Dahan dahan naman itong napamulat ng mga mata.
Bakas sa mukha nito ang pag alala.
"I'm glad you're finally home," agad siyang napabangon mula sa pagkakahiga.
" I'm with someone Mom." Ang mahina kong sabi. Napabaling naman ang tingin ni Mom sa aking likod.
"Ikaw pala Kiel, salamat sa paghatid dito sa 'min Unica hija." She is now sounds relieved.
"Good evening Tita. It's my pleasure po." Sagot niya with his gentle tone.
Bakit parang pakiramdam ko matagal na siyang kilala ni Mommy? Palaisipan iyon sa 'kin. But maybe, naisama na ito ni Kuya Noah before kaya kakilala ito ng aking ina.
"Mom, He wants coffee and I need to go upstairs to change my clothes."
Ang bulong ko kay Mommy. She just nodded. Huwag kang matatagal pahabol pa ni Mom sa akin.
Pagbalik ko'y nasa kusina na sila nakaupo si Kiel, sa isang stool sa may counter island. Nagkuwekuwentuhan ang mga ito at naputol lamang ng dumating ako.
Agad din nagpaalam si Mommy. Ayon dito, ay pagod ito sa maghapong pagbabantay sa aming tindahan at ipinaalam din niya sa'kin na nakauwi na si Daddy at masama ang pakiramdam kaya 'di ako nasundo.
Sinabi rin niya na magpapalipas ng gabi sa'min si Kiel dahil sa walang humpay pa rin na buhos ng ulan at paghampas ng hangin.
Ilang kalsada na rin lubog sa baha at isa pa, alanginin na rin ang oras. Baka tumirik pa ang sasakyan nito kung saan, kawawa naman.
Wehehe... gusto mo rin! Ang tudyo ng isip ko.
Nag-aalala si Mommy na baka mapano pa 'to sa daan. Ang pagkukumbinsi ko sa sarili.
Bagay na sinang ayunanan naman ng puso ko. Bukod pa sa labis na tuwa ng puso ko nang marinig ang balita.
Pumalakpak din 'ata ang tainga ko nang oras na iyon.
Matutulog siya sa 'min wow! Magbunyi!
Lihim akong kinilig .
Kahit paano naging magaan ang paligid para sa'min dalawa 'di tulad noong mga huling encounter ko sa kanya.
Naiilang ako't naaasiwa. Ngayon ay mas panatag na ang loob ko sa harap nito.
"Nakapunta ka na ba dito before?" Ang simple kong tanong. Umupo na rin ako sa upuan na katabi niya.
"Pakiramdam ko kilalang kilala ka ni Mommy e, pero never pa kitang nakita. Una kitang nakita noong sinundo ko si Kuya." Pagpapatuloy ko.
"Hmm..yes. I've been here like, a couple of times already, and I met your parents also from some business ocassions. Company nyo rin ang naging supplier ng ilang projects na hinawakan ko," pagpapaliwanag pa niya.
Talaga ba? Balita ko ang laki at kilala ang kompanya nila, malamang malalaking project din ang hawak nila.
Ang kompanya namin ay maliit lang kami oa rin ang napili niyang humawak at maging supplier ng ibang project nila, nakakatuwa naman.
Ewan ko ba pero sa tuwing magtatama ang paningin namin ay bumibilis talaga ang pintig ng puso ko...
Para rin may magnet ang mga mata nito na tila humihigop sa akin para pagmasdan ang napakaguwapong mukha nito.
"Never mo 'kong nakita siguro dahil maaga akong umuuwi, hindi tulad ni Carl at Matthew na gusto dito na sa inyo na yata tumira." Pahabol pa nito, at natawa ng mahina.
I just slowly nodded. Natitig lang ako sa napakaguwapo niyang mukha.
"Ikaw, kaano-ano mo si Jake?" he asked back. Nagulat ako sa tanong niya. The most unexpected question from him.
Ang layo yata sa topic...
"Sinong Jake?" Patay malisya ko namang balik tanong.
"Si Jake 'yong kasama mo sa cafe, 'yong tinatawag kang, B-babe? "
Pagpapaalala nito habang nakatingin sa ibang dereksyon.
Medyo tumikwas pa nga ang pagkabanggit nitong Babe. Parang may diin, parang may halong galit. Ewan ko, but he sounded like a jealous boyfriend o, nagiging assuming lang ako? Iyong imahenasyo ko kung saan na yata nakakarating.
'Di ako sure, puwede rin na baka curious lang siya. Pero bakit? Hilim na tanong ng isip ko.
"Kaibigan ko lang 'yon. Ganun talaga 'yon pero 'di naman nanliligaw talaga 'yon sa 'kin. Matagal-tagal ko na siyang kilala . Mabait siya , may pagka baliw lang." Oooppps.. Damn. Do I sounded so defensive? Wow, hindi naman ako ganito dati ah.
"Alam niya wala pa 'kong balak mag-boyfriend hanggat 'di ako nakakatapos. Isa pa, kung manligaw man siya, wala siyang mapapala sa akin kase may iba na akong gusto." Ang wala sa isip na pagpapatuloy ko, kahit nga ako nabibigla na rin sa mga lumalabas sa bibig ko.
Para siyang nagulat sa sinabi ko at napatingin sa 'kin, matiim akong tinitigan. Hindi ko masalubong ang titig niya kaya nagbaba na lang ako ng tingin.
Tinutok ko ang tingin sa hawak kong basong may laman din mainit init na gatas, nakalahati ko na iyon. Pakiramdam ko nga nanginginig pa ang mga kamay ko e, habang hawak ang baso.
Lihim akong napamura sa kabang lumukob sa aking dibdib.
"Sino? Sa school niyo ba or kilala ko ba?" Parang napaka interesado nitong tanong, and he sounds a bit worried. His jaw clenched, na ipinagtaka ko. Galit ba ito?
Kung ano ang dahilan, 'di ko alam. 'Di ako sumagot. Nagkibit balikat lang ako.
Hindi pa rin niya inaalis ang titig sa'kin kaya nag-umpisa na 'kong maasiwa.
Iniiwasan ko rin na magtama ang mga mata namin, I was worried na mabasa niya sa mga mata ko kung sino ang gusto ko talaga. Kinalma ko ang aking sarili bago sumagot.
"Naku, 'di naman ako gusto nun e, kaya kahit 'di niya pa alam na gusto ko siya, nagmo- move on na 'ko."
Pagbibiro kong sabi at tumawa ng bahagya habang nakatingin pa rin sa ibang dereksyon. Gusto ko lang pagaanin ang paligid na napuno yata ng tensyon. Gusto ko na rin umiwas sa paksang iyon. Baka mabuking pa ako, lagot!
"Is he crazy?" palatak nitong tanong.
"Y--you're so beautiful Thea. Imposibling 'di siya magkagusto sa'yo."
Mahina pero klaro kong dinig na sinabi niya. Pakiramdam ko humaba ang tainga ko sa narinig. Halos 'di ko na mahabol ang pintig ng puso sa sobrang bilis. He said, I'm beautiful.
He said, I'm beautiful. He complement me!
Nag umpisa na rin magrambulan ang mga paro paro sa tiyan ko.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko lalo. Wow s**t !!! Nagagandahan siya sa 'kin !!!! Pagdiriwang ng isip ko.
Nang makabawi ay ako rin ang nagtanong sa kanya.
"I--ikaw may girlfriend ka na ba?" Ang alanganin ko pang tanong. Kinurot kurot ko ang aking daliri. Nahiya ako sa tanong ko. s**t!! Gusto kong batokan ang sarili ko kase para pa ngang nabulol ako.
" Wala. May gusto ako pero 'di rin niya alam. Inaantay ko pa ang tamang panahon. A Good timing... I guess. Baka kase 'di rin niya ako magustuhan." Walang gatol niyang sagot. Napatingin ito sa akin, ewan ko pero parang may gustong sabihin ang mga mata nyang iyon.
" Bakit naman? Sa guwapo mong 'yan? Ang guwapo mo kaya, plus sexy pa ng body mo at mayaman ka pa. Siguro dalasan mo lang ang pag ngiti, 'yon lang kulang sa 'yo." Wala sa loob kong litanya.
Parang nabigla rin siya sa sinabi ko at kahit nga ako nabigla rin sa lumabas sa bibig ko.
Huli na nang ma-realised ko ang mga sinabi ko. Pinamulahan ako ng mukha...
Parang natanggal ang ulo ko sa hiya.
Isa pa talaga matatahe ko na ang bibig ko. Pahamak baka mahalata pa ako.
Humarap siya sa'kin . Napayuko naman ako.
Ayaw kong salubungin ang mata niya pero naramdaman ko na lang dahan dahan niyang tinaas ang mukha ko.
Gamit ang kayang hintuturo, tinaas niya ang baba ko para mag pantay ang mukha namin.
At sobrang lapit ng mukha niya sa'kin, humahalik na ang mabangong hininga nito sa aking ilong.
Habang akoy pigil na pigil ang paghinga. 'Di ako sanay na may lalaking ganito kalapit ang mukha sa mukha ko.
"You think, she'll gonna like me? k--kung ikaw, siya magugustuhan mo ba ako?" Ang medyo nahihirapan nitong tanong.
Rumagasa ang kaba sa aking dibdib. Pabilis ng pabilis ang t***k ng aking puso.
Matagal kaming nagtitigan at bago pa ako nakasagot.
Binaba na niya ang kamay niya, at umiwas ng tingin sa'kin.
"Never mind," ang mahina niyang sabi. He sounds sad though.
Napansin ko rin ang pag kulimlim ng kanyang mukha...