-
"Special delivery!" Sabay na sigaw ng kambal na hindi naman magkamukha.
Buti na lamang ay kakaunti lang ang tao sa café—hopefully hindi mga estudyante ng UDSA, kaya't hindi pa katapusan ng kanyang mundo.
Hindi siya binitiwan ng dalawa mula pa sa UDSA hanggang makarating dito. Hindi rin napapalis ang napakalawak na ngisi sa mga labi nito.
Great. Hindi pa nga nagsisimula eh matatapos na agad...
She scanned the place and didn't see Jarvis. Base sa sinabi noon ni Elise at sa sinabi kanina ni Yoon, hindi naman daw talaga tumatambay sa café. Though he's always seen in the kitchen helping out with the pastries.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang kaibigang si Synn na nakaupo sa dulong parte ng establishimento.
"Solyn!"
Agad naman niyang nilapitan ang kaibigan. She felt so relieved 'coz she can finally escape the Montecillo twins. Matutuyuan ata siya ng utak kakasubok intindihin ang mga pinagsasabi nito.
"I knew you'd be here," anito nang magtama ang kanilang mata sabay ngisi. "And if you're going to ask or something, hindi ko pa siya nakikita dito mula kaninang pagdating ko."
Akmang uupo na sana siya sa tabi nito nang bigla namang sumulpot si Seven at tinabihan ang kanyang kaibigan.
"Hey there," nakabungisngis na sambit nito. "Bakit ka mag-isa? A beautiful lady like you shouldn't be alone. Gusto mo samahan kita?"
Tumaas baba pa ang mga kilay nito. Synn's eyebrow raised. Napangiti siya as she folded her arms and watched.
Now this is going to be exciting.
"You're Seven Montecillo, am I right?"
"The one and only," ngumiti pa ito—yung tipong nakalalaglag panty na ngiti. Kung normal na babae si Synn, panigurado'y kinilig na ito. Seven Montecillo was really handsome. A pair of expressive brown eyes, chiseled jawline, symmetrical face and that unique boxy smile.
But Synn wasn't just any ordinary girl.
"Pwede sana kaso hindi ako pumapatol sa mga hindi pa tuli, eh," nakangiting sagot ng kaibigan sabay balik sa walang emosyong mukha. "Doon ka na lang muna sa kids' section. Wala akong oras mag-babysit."
Napamaang ito at hindi napigilang tumawa ng pagkalakas ang kakambal na hindi niya namalayang nasa tabi niya na pala. Even Kendall couldn't help but laugh as well.
Pa-inosente namang ngumisi si Solyn bago tinapon ang atensyon pabalik sa sinusulat nito. Seven pouted adorably.
"Grabe ka! Foul 'yan. Ate Naia o. Yung friend mo ang sama. Tuli na kaya ako. Si Kuya Jarvis 'yung hindi," anito sabay tago sa likuran niya. Natawa naman siya dahil from the playboy persona he had going on kanina ay tila nagi itong isang bata na naghahanap ng kakampi.
"I'm pretty sure tuli na 'yung kuya mo—"
It was too late for her to realize what she just had said. Ngumisi ng pagkalawak si Seven maging si Box. Si Synn nama'y hindi rin napigilan ang sarili't natawa. Si Kendall naman ay nashock.
"I mean, ang tanda na kaya ni Mr. Montecillo. For sure namang nakapagpatatak na 'yon," bawi niya. But the three gave her knowing looks.
"Right..." ani ng mga ito sabay tango.
Pulang-pula na ang mga pisngi niya. Kung pupwede nga lang eh sana lunukin na siyang buo ng lupa. So, she did what anyone in her situation would do. Escape. Pero pagkaikot na pagkaikot niya's tumama siya sa katawan ng kung sino.
"So," ani ng pamilyar na baritong boses. "Mind explaining why you're all discussing whether I'm circumcised or not?"
God! Please kill me now.
She hid herself inside the restroom at wala siyang balak lumabas mula roon. She just paced back and forth for a good fifteen minutes of so bago narinig ang pagkatok sa pinto.
"It's okay, Naia. It's not that big of a deal. Please, come out."
Nakakahiya. Nakakahiya talaga. Narinig niya pa pala. Jusko! Hindi pa nga sila nagsisimula magdate nang patago, ang dami na agad may alam.
She's the type of person who's always on the top of her game. Pero bakit ngayon eh parang nabaliktad iyon? Ang kalat kalat niya na kahit wala pa talaga silang naeestablish na relasyon.
Nagulantang naman siya nang biglang pumihit ang doorknob nang banyo. May susi siya sa CR?!
"Naia—"
"Bawal ka dito!" sigaw niya sabay isod sa may lababo. "p*****t!"
"Okay lang basta ikaw lang bobosohan ko."
Ngumisi pa ito kaya pinamulhan nanaman siya ng mukha.
"Bastos—"
Agad siyang natigilan nang bigla na lamang siya nitong hinapit sa baywang sat tinabing ang buhok sa kanyang tenga.
"Hi..." sambit nito in a very low tone. His eyes looking straight into hers. Nakakalunod.
"H-Hi..." agad niya namang sagod—nakikipaglaban sa titigan. She felt something in her chest tighten na bit.
"How was the rest of your day?" tanong nito moving into a position where she's trapped in between him and the lavatory. He was also leaning a bit too close as his hand played with the loose strands of her hair. Para bang wala sila sa loob ng banyo ng mga babae. "You seem a bit tensed."
"Who wouldn't be?" diretsong sagot niya. She figured that now was the best time to discuss their relationship. "Jarvis... About the other day, I want you to know that I don't regret it. Sa katunayan, it was the first time in a long time na naging masaya ako. Like, genuinely happy."
She heard him sigh softly. But he didn't let her go.
"I hear a 'but'..."
"But you know the rules of the school," paalala niya dito. "Hindi pwede magkaroon ng relasyon ang professor sa estudyante niya. You'll get suspended if the dean finds out."
"So are you saying we..." His grip around her waist slowly grew loose. "... stop?"
Kitang kita sa mga mata nito ang kalungkutan. And for some reason, she hated seeing that.
"I... I like you, Jarvis," aniya sabay buntong-hininga. "You have no idea how much. And... I don't get like this very often. Pero... I... We..."
She can't seem to construct a full sentence. Kanina, before she bumped into his cousins and got into this whole predicament, she was all set for the secret relationship thing. But she couldn't even go through a whole day hiding it from the people around her.
Alam niyang suportado siya ng mga kaibigan. Siguro ga'non rin ang mga pinsan nito. But how about the others? Pa'no kung malaman iyon ng ibang tao? They would judge them. Especially her kasi let's face it. Lagi na lang babae ang nagiging masama sa mga ganitong context. Ano na lamang ang sasabihin ng mommy at daddy niya?
She took a deep breath.
"Alam mo bang I was already set on doing this with you?" saad niya while trying to put on a genuine smile. "That's how much I like you. Pero wrong timing eh. Wrong timing talaga. But I just can't risk it. I'm sorry, Jarvis. I really am."
She didn't give him the chance to say anything and bolted out of the restroom. Nagulat pa siya nang mabungaran doon sina Box, Seven, Kendall at Synn.
"Naia..." ani ng kanyang kaibigan.
Tipid siyang ngumiti. "I know what you're gonna say, Synn. Pero I've made up my mind. Dala mo ba kotse mo? I need a ride home. Hindi ko feel mag-taxi ngayon."
Agad naman iyong tumango.
"Yeah. Dala ko," sagot nito. "Let me just get my stuff and we'll go—"
"Hatid na kita," putol dito ni Jarvis. "I asked you to come here so ako dapat maghatid sa'yo pauwi."
"That won't be necessary—"
"Please, Naia," pilit nito. "Kahit ito na lang, pagbigyan mo ako. I won't push you into something you're not comfortable with. I promise."
Napatingin siya dito. Medyo nagi-guilty siya kaya't pumayag na lamang siya sa nais nito.
"Box, close the place for me. Didiretso na 'ko sa bahay after." Then he turned to her. "Let's go?"
Tumango siya. Their ride to her place was fairly silent. And true to his word, he didn't push it. He didn't even try to flirt with her tulad nang dati.
Was she regretting it? Her decision? Umiling siya. She shouldn't. Even if she did, she shouldn't be regretting it.
"We're here," anito nang inihinto ang kotse. Parang bigla siyang tinamaan ng Deja vu.
"Thank you," sambit niya bago tinanggal ang kanyang seatbelt. Akmang lalabas na siya nang bigla siyang pinigilan ni Jarvis.
"Naia," anito. She felt her heart thump loudly. "I... I'm really sorry. For... for not telling you. And for making you feel uncomfortable in any way."
"It's okay," nakangiting sagot niya. "It was an honest mistake and I honestly don't regret meeting you. Good night, Mr. Montecillo."
She didn't look back. Dire-diretso siya sa elevator ng building at patakbong tinungo ang kanyang unit. Kanina pa kasi nagbabadya ang mga luha sa kanyang mata na hindi niya alam kung papano niya nagawang pigilan.
Maya-maya pa'y biglang nag-ring ang kanyang door bell.
Was it him? May naiwan nanaman ba siya?
Parang may tambol sa loob ng kanyang dibdib habang tinatahak niya ang daan patungo ng kanyang pintuan.
It wasn't him.
"Kung aakyat ba ako ng ligaw kay Lantis, papayag kaya si mommy?"
Binatukan niya agad ang pinsan bago ito pinapasok sa kanyang condo. Nadistract naman siya nito kahit papano but it was only for the rest of the night.
So, what about the rest of the year?
-
So out came another regular—boring, day for her. And as always, she's forced to attend Jarvis' class. Halos magdadalawang linggo na rin since she broke it off with him. Sinubukan niyang ma-transfer sa ibang klase pero wala na raw ibang available na pwede niyang lipatan—well aside from the Ethics class na ito rin naman ang nagtuturo.
"So, class, what can you say about Schrödinger's cat?"
She's stuck with this one whilst pretending she isn't even a tad bit affected—acting as normal as she could kahit napaka-awkward na sa parte niya. Hindi na rin siya nakarinig ng pangungulit mula sa mga kaibigan.
Jarvis looked fine, though. Mukhang naka-move on na ito at parang isang normal na estudyante na lamang siya para dito. Dapat ay masaya siya dahil ginusto niya iyon. She was the one who broke things off with him.
Pero ang hirap. Ang hirap talaga magkunwari na okay ka kahit hindi naman. Even her friends are starting to worry.
"No one? Okay, ako na lang mag-eexplain." Umani iyon ng mahinang tawa mula sa klase. "The main idea of the Schrödinger's cat experiment can be seen as a paradox..."
She heaved a sigh. Paano ba siya makakapag-concentrate kung ganito ka-charming at gwapo ang taong pilit niya kinakalimutan? At nakikita niya pa parati. It was just too difficult.
"The scenario presents that Mr. Fluffy here—" muli ay nagtawanan ang mga estudyante. "—can be simultaneously be alive and dead. But when you go and open the box, Mr. Fluffy the cat can either be alive or dead. This state is called quantum superposition. The case of 'Pano mo malalaman kung 'di mo susubukan.'"
Hindi siya nakakibo. Though her mind was floating around, nakikinig pa rin siya sa lesson. She still can't flunk the subject.
"Hugot ba 'yan sir?" Tanong ng isang estudyante na ikinatawa ng lahat.
"You can say tha—"
Napahinto ito nang biglang may kumatok sa pinto. It was a girl. A very pretty girl.
"Rhi?" anito sabay guhit ng isang malapad na ngiti sa mukha ng lalaki. May kung anong kirot siyang naramdaman nang makita ang lubog nitong dimples. "Excuse me, class. I'll be back in a few minutes."
"OMG. Siya ata yung tinutukong ni sir Jarvis nung first meeting natin," ani ng isa nilang kaklase mula sa may likuran.
"Totoo? Pano mo naman nasabi?" Tanong naman ng katabi nito.
"I saw them noong isang araw doon sa café sa may kanto," kwento nito. "Ang cute nila tingnan habang naguusap. Nakita ko pa nga nung tanggalin ni Sir Montecillo yung dumi sa may bibig niya. Grabe. Ang ganda niya din pala kapag malapitan na."
"So talaga ngang hindi na available si Sir Montecillo," malungkot na turan ng kausap nito. "Pero at least maganda 'yung kadate niya. Bagay sila. Panigurado pogi at magaganda magiging mga anak niyan."
Hindi niya na napigilan ang sariling hindi magselos. Alam niyang wala siyang karapatan dahil siya din naman 'yung unang bumitaw pero, that doesn't mean it didn't hurt. She's not in love with him but she really did like him. Scratch that. She still likes him.
So, she shoved all her things inside her bag at biglang tumayo. Napatingin naman agad sa kanya sina Synn at Arika.
"San ka pupunta?" tanong bigla ni Arika.
"Uwi na muna ako. Medyo sumama bigla pakiramdam ko," dahilan niya sabay lakad patungo sa pinto. Sakto naman ang naging pagbalik ni Mr. Montecillo.
"Miss Uychengco," anito. "Where are you going?"
"I... Bigla pong sumakit ang ulo ko, sir," paalam niya without even looking at him. "Sorry po, but I have to go."
"Wait—"
Dali-dali siyang lumabas ng silid at tinahak ang daan patungo sa main entrance ng paaralan. Hindi niya na talaga kaya. Ida-drop na lang talaga niya 'yung subject. Pwede pa naman 'yon since hindi pa siya nakakapag-midterm. To hell with that Latin Award.
Nagulat siya nang may isang kotseng huminto sa kanyang harapan. Ibinaba niyo ang bintana ng kotse.
"Ate Naia?"
On instinct ay napatingin siya sa nagsalita. It was Seven.
"S-Seven! Um... Hi."
"San ka pupunta? Hatid na kita," offer nito. "Don't worry. Harmless po ako. May 'no touch' rule pong naka-impose sa'yo."
No touch? Must be because of Uno.
"Ah, sige," payag niya. Mahirap din naman kasing maghanap ng taxi kapag ganitong malapit na mag-lunch.
Sumakay siya sa passenger's seat at sinuot ang seat belt.
"Doon na lang ako sa may Lamery—"
Pagtingin niya sa may windshield ay napakunot ang kanyang noo.
"Bakit tayo pabalik sa loob ng campus?" Nagtatakang tanong niya.
"May kukunin lang ako saglit, Ate. Notes," sagot nito sabay ngiti. Napakacharming talaga ng ngiti nito. Medyo may kanto pero hindi siya creepy na parang sa manyak.
Huminto ito sa tapat ng Science building. Kung saan siya galing kanina.
"Wait lang po Ate Naia, okay? Diyan lang ako sa May library," paalam nito. Tumango naman siya agad. Sino ba naman siya para magreklamo, 'diba?
Kinuha niya mula sa dalang bag ang kangang telepono. Tinted naman siguro ang kotse nito kaya hindi naman siya mamumukhaan ng ibang estudyanteng dumaraan.
Five minutes passed and bumalik na sa sasakyan si Seven.
"Nakuha mo na—"
She wasn't able to continue her question. Bakit? Dahil hindi si Seven ang pumasok sa kotse.
It was Jarvis.
-