bc

The Coffee Guy, Jarvis

book_age16+
941
FOLLOW
2.4K
READ
teacherxstudent
arranged marriage
goodgirl
student
drama
sweet
bxg
campus
professor
passionate
like
intro-logo
Blurb

A night brought upon by a single failing elective, over-achiever Danaia Martienne Uychengco finds herself trapped in a secret relationship with a brooding young man she met at a local coffee shop.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"I'm screwed. I'm totally f*****g screwed." Paulit-ulit na turan ni Naia habang tinitingnan ang napakalaking dos sa isang sulok ng kanyang hawak na papel. Sa apat na taong inilagi niya sa paaralan ay ngayon lamang siya nakatanggap ng ganoong marka. This can't be happening! Ano na lamang ang sasabihin ng Lolo Alfonso niya? Kung bakit pa kasi sa lahat ng Elective na pu-pwede niyang kunin eh Psych 101 pa. "This better be good, Ate," ani ng pamilyar na tinig na bigla na lamang sumulpot sa kanyang tabi. It was her cousin, Uno. "Ang sarap-sarap ng tulog ko sa condo tapos gagambalain mo 'ko—Tangina! Dos 'yan 'diba?!" "Buti marunong ka pa pala magbasa, Isadora," sambit niya sabay hablot pabalik ng papel na kanina'y inagaw ng kanyang pinsan. "Patay ka ngayon kay Lolo, Danaia. Paboritong apo ka pa man din," asar pa nito sa kanya kaya napairap siya. "Hindi ko naman kasalanan kung may lahing monster 'yung prof namin sa Psych," pagdadahilan niya na for some reason ay ikinatawa nito. "Remember what I told you last time? Yung first day ko sa class and Miss Rivera was out to get me?" "Yung sinabi mong pinahiya ka sa class?" Uno confirmed. "The one who said na 'beauty with no brains' ka?" "'Pretty face with no brains to match'," pagtatama niya. Uno just shrugged. "Same thing." "Basta, 'yon," she said dismissively. "So, I think binabawian niya ako dahil nalaman 'yon ni Lolo tapos binawasan yung research fund niya—which I highly think is ikaw ang nagsumbong." "Wala kang ebidensya, 'inamoka," pagtanggi agad nito. "But if I did—which I totally didn't, she f*****g deserved it." Uno even rolled her eyes. "Napaka-judgmental niya eh hindi naman siya ga'non katalino. Ang sabihin niya 'kamo, bitter lang siya dahil kinulang na nga siya sa utak, mukha pa siyang pinaglihi sa sama ng loob. Excuse me? No one does that to an Uychengco. May araw din 'yang manang na 'yan sa'kin." She can't help but smile. That's her cousin, Uno. The one and only self-acclaimed black sheep of the family—the total opposite of her. But even though they were polar opposites, they never saw each other as competition. Ang totoo pa nga niyan eh, daig pa nila totoong magkapatid. They've always been there for each other, ready to fight. "Pero sinabihan na 'kita, Ate. Take the Ethics class. Gwapo na 'yung prof, ang taas pa magbigay ng grade," pangaral nito sa kanya. "Napaka-Jollibee mo kasi eh. Kaya ayan. Nakaka-karma ka." "Jollibee? Yung fastfood?" "Oo. Jollibee. Bida-bida," paliwanag nito na ikina-kunot ng kanyang noo. "Kaya I can't with your overachieving ass. Nakakaloka ka." "Makapagsalita ka parang magka-edad tayo," asik niya dito. "Hoy! Ate mo pa rin ako. Gumalang ka!" Imbes na sumagot ay binelatan lamang siya nito. Sakto naman ang pagdating ng best friend nitong si Kendall. "Hoy babae!" sigaw nito sabay hampas ng dalang Gucci bag sa kanyang pinsan. "I've been looking everywhere for you. You're here lang pala. Box told me what you just did to Yvo. You're so maldita talaga!" "Aray naman Jeorgette! Makahampas 'to!" Tila napansin naman ng babae ang presensya niya kaya't bigla itong bumaling sa kanya sabay bumati. "Hi Ate Naia!" magiliw nitong sambit. Napakabait talaga nitong si Kendall. Hindi niya nga lubos maisip kung paano ba naging magkaibigan ito at ang demonyita niyang pinsan. But since high school pa lang eh magkadikit na ata ang bituka ng dalawang 'to. "Are you okay? Why do you look so badtrip? Let me guess, Uno's making kotong money from you, 'no?" "Hoy! Paalala ko lang sayo, Jeorgette ha. Mayaman ako!" "If you're mayaman, why do you always make palibre ng fishball 'don sa kanto?" tanong nito na ikina-ismid ng pinsan niya. "Naiwan ko kasi wallet ko sa condo," simpleng sagot nito sabay irap. Napailing siya. Napaka talaga nitong pinsan niya.  "Every day? Whatever, Uno." Ibinalik ni Kendall ang atensyon sa kanya. "So ate, what's the problem ba?" "Bobo kasi siya," natatawang sambit ng demonyo. Isang hampas naman ang iginanti niya dito. "Aray naman! Makahampas 'to." "Ang bantot talaga niyang bibig mo, Isadora," asik niya sabay pinandilatan ito. "Isa pa't isusumbong na talaga kita kay Tita Cathy!" "Ay, foul. Walang ganyanan." She rolled her eyes before turning back to Kendall. Mas may katuturan kasi itong kausap kesa sa pinsan niyang mukhang nalipasan nanaman ng gutom.  "Dos lang kasi yung grade ko sa Psych 101," paliwanag niya sa babae. "I need at least a one point twenty-five final grade to retain my Summa status for grad. If not, lagot ako kay Lolo at Dad." "Psych 101? That's Miss Rivera's class, right?" Kendall asked. Tumango naman siya bilang tugon which made the girl grimace.  "That sucks," anito. "Her point system kasi is mabigat when it comes to term papers. But it's just prelims so don't worry. She doesn't give midterm exams naman po but just another term paper kaya you still have hope. If you get an uno there, you can make bawi your grade up to one point five on midterms. And if you get another uno in the finals, that one point twenty-five is in the bag." "Pero pinagiinitan niya ako, Ken," giit niya. She was really losing hope. "She's out to get me. Pwede ko pa naman siguro i-drop yung subject." "She pulled the 'beauty with no brains to match' on you too, am I right?" Napamaang siya. How'd she know? "They say Miss Rivera is like that talaga when she sees potential in her students," Kendall explained. "That only means she's challenging you to do better and to prove her wrong. She also said that po to my Ate George last sem on her Psych class." "George?" "Yung kapatid niyang nanalong Miss Campus Queen. Georgina Gray," paliwanag ni Uno na busy kaka-scroll sa hawak nitong telepono. Mukhang wala talaga itong interes tulungan siya sa kanyang dilemma. "Yup!" kumpirma ni Kendall. "Ate George was so furious at Miss Rivera to the extent na halos magsunog ng kilay si ate sa kakaaral for that elective—oh crap." Sabay silang napatingin ni Uno sa babae na nakatingin sa hawak na telepono. She immediately typed something on her phone bago muling bumaling sa kanila. "Sorry Ate Naia, Uno, pero I need to go," paalam nito sabay tayo. "I need to make daan pa kasi sa Engineering building to get some of my things. But I hope the Psych stuff would get better, Ate. I'll ask ate George if she can send me some of her notes para makatulong on your paper." Hindi na siya naka-sagot dahil dali-daling tumakbo ang babae paalis. Napatingin siya sa pinsan. "May date?" "Walang jowa 'yan si Ken. Kasing tigang mo 'yon," barumbadang sagot ni Uno sa kanya. "Best friend niya 'yung pupuntahan niya sa Engineering Department." "Wait. Akala ko ba ikaw 'yung best friend niya?" kunot-noong tanong niya kay Uno. "Oo. Ako talaga 'yung best friend niya," walang kalatoy-latoy nitong sagot. "Press release niya lang 'yang best friend niya daw si Box para di mahalatang in love siya 'don. Ayaw lang umamin. Pabebe amputa." "Isa pa talaga, Isadora, at paiinumin na kita ng Zonrox. And dumi ng bibig mo!" pagalit niya sa nakababatang pinsan. "Kaya mo? Kaya mo?" pang-uuya nito. "Baby mo 'ko kaya di mo 'ko kayang saktan." "Hinahamon mo bo 'ko, Isadora Aranthxa?" pinang taasan niya ito ng isang kilay sabay abot ng isang libro. Agad naman nitong kinuha ang dalang gamit sabay tayo mula sa kinauupuanat kumaripas ng takbo. Napailing na lamang siya't iginaya ang atensyon sa pagaayos ng gamit. She's craving for some Iced Americano. Baka sakali makapag-aral siya ng matiwasan sa coffee shop—na pinagtatrabahuhan ng kaibigan niyang si Yoon. Hindi pa rin maalis sa sistema niya ang inis. Challenge my ass! Kung gusto ng isang professor na i-challenge ang isang estudyante, dapat eh sa tamang paraan. Hindi 'yong namamahiya. Tapos 'yung grade na ibibigay eh hindi niya naman talaga deserve. Nakakairita lang. Napabuntong-hininga siya. She needed to concentrate on her major subjects—which is 'yon naman talaga dapat, and not on these minors na feeling major. Kung hindi lang talaga siya running for Latin awards, hindi niya na pagkakaabalahan ang elective na 'yon. Being an Uychengco for her was both a blessing and a curse. Blessing dahil sa karangyahang natatamasa. Curse naman dahil sa mala-imposibleng standards na dapat i-maintain for the sake of the family name. And being the eldest in her generation, all eyes are carefully watching her every move. San Agustin Group of Companies is widely known in various fields. Hindi rin maitatanggi ang impluwensya ng kanyang abuelo mapa-Business man 'yan o politika. Their family was never low key like how she wished they were. Alfonso Uychengco, Sr. did not believe in such thing as "laying low" or "simplicity" dahil para dito, everything you do must have an impact. And of course, it should benefit you and the whole family.  Siya ang panganay na anak ni Danilo Uychengco, pangalawang anak at kasalukuyang namamahala ng Uychengco Group. Si Uno naman ay anak ng bunsong si Catalina Uychengco. If you're asking as to why it was her father seating as the chairman and not the eldest, it's because their Tito Alfie chose to step down from the post. Kasalukuyan itong tumatayo bilang Director ng Uychengco Museum at isa ring kilalang pintor. Wala itong naging anak ngunit sobrang spoiled nilang dalawa ni Uno sa tiyuhin. He's like the 'cool dad' na minsan ay ikinaiingit ng kanyang sariling ama. Usually, sa anak na lalaki ipinapasa ang pamamahala ng kompanya. But her grandfather did not believe in that either. He said that whoever was born first—may it be a girl or a boy, ito ang magmamana ng kompanya. As long as he or she wants to. Kumbaga, may choice ka pa rin. Hindi totoo 'yung mga cliché scenarios sa telenovela na lalaki lang ang dapat na tagapagmana. "Hi. Isang Iced Americano please," order niya pagkarating sa paboritong tambayan. "Si Yoon? Tapos na ba shift niya today?" "Ay, kaaalis lang po, ma'am Naia," magiliw na sagot ni Elise, isa sa mga nagtatrabaho doon. "Nagmamadali nga po eh. Late na po ata sa klase niya." "Oh, I see," aniya sabay ngiti. "'Yang babae talagang 'yan, kung kelan sobrang lapit ng pinagtatrabahuhan saka naman nale-late." "Nawili po kasi ma'am sa pagserve kanina. Kung hindi pa nga po ako dumating, di niya mapapansin yung oras." Natawa siya sa sinabi ng babae. That girl tends to get so into her work, she forgets everything around her. May balak ata maging milyonarya. "Here's your drink po, ma'am," ani ng babae sabay abot ng kanyang binili. Nagpasalamat naman siya't dumiretso sa kanyang 'spot' which was on the far end at katabi ng glass wall. Ewan niya ba kung bakit pero, seeing people outside the window doing their own thing calms her. There's always something about watching people that makes her forget about her problems and such. "Nasaan ang manager niyo?! I demand to talk to the owner of this shop!" Napakunot ang kanyang noo nang marinig ang isang pamilyar na nakakairitang tinig. Tumingin siya sa may counter at nakita ang number one salot sa kanyang buhay. "Pero ma'am, na-serve na po talaga yung strawberry cheesecake sainyo kanina—" "Do you think magrereklamo ako if na-serve na yung inorder ko?" Pananaray pa ng impakta sa kawawang si Elise. "Bobo ka kasi kaya hindi mo maisip that I don't need to scam anyone 'coz I'm rich. Hindi mo ba ako kilala? I'm Ayra Lopez. Lopez. I can buy you, your friends and this whole damned coffee shop if I want to!" "Pwede ba, tumahimik ka?" hindi niya napigilang sambit mula sa kinauupuan. Rinig na rinig iyon dahil napatingin pa sa kanya ang malditang babae at mga alipores nito. Kitang-kita niya pa ang pandidilat ng mata ni Ayra. As if naman she looked good doing that. Mukha siyang isda. "Ginagambala mo kaming ibang customers dito." Totoo naman 'yon. Everyone in the cafe were already looking at them dahil bigla-bigla na lang nangiistorbo ang mga ito. "So what if mayaman ka? Kung totoo ngangmayaman ka, hindi ka mageeskandalo nang dahil lang sa isang slice ng cheesecake. You can just buy another slice." Napamaan ito sa kanya. Ngunit agad naman itong nakabawi at pinagkrus ang mga bisig. "Well, well, well. The infamous Danaia Uychengco," anito sabay baling sa kanya. "Hindi ka ba tinuruan ng lolo mong huwag makisabat sa usapan ng iba? Or are you just plain pakialamera that's why you just can't seem to mind your own business?" She rolled her eyes at the girl. Typical. Isasama nanaman nito ang kanyang pamilya sa usapan. White lies aren't bad kung tutulong ka naman sa nangangailangan, right? "Gusto mo makausap yung manager 'diba?" she asked as she propped her hand on to her hip. "I'm here. Tell me what your problem is instead of terrorizing my employee." "This your place?" Hindi makapaniwala nitong turan. Bumaling pa ito sa kasamang kulang na lang ay maghubad sa sobrong tipid sa tela ng suot na pang-itaas. "I thought Jarvis owns this place?" Jarvis? Kaya pala ito nageeskandalo. May masamang binabalak. Pathetic. Napatingin siya kay Elise. Magsasalita sana ito ngunit inunahan niya ito. "Partners kami ni Jarvis dito," aniya to support her lie. Napasubo na siya eh so, idederetso niya na lang. She's helping his employee naman so, baka maintindihan naman nito ang ginawa niya. "Gusto mo pa ba ng business permit saka BIR clearance as proof?" Bakit, sa tingin ba nito ay hahayaan niya na lamang alipustahin ng spoiled brat na ito si Elise na wala namang masamang ginagawa?  Isa pa, nasisiguro niyang aside sa gusto nito makita ang sinasabing Jarvis nito, sure siyang bored lamang ito sa buhay kaya't naisipan nanamang man-trip ng ibang tao. Borderline KSP at attention seeker talaga ang babae simula pa elementary sila. Kaya nga ito inis na inis sa kanya mula pa noon ay dahil siya lagi ang center of attention sa UDSA being both an honor student at apo ni Alfonso Uychengco—who happens to own majority shares of Unibersidad de San Agustin. Obvious naman ata sa pangalan. And besides, she would never pass on a chance to piss this brat off. It's like hitting two birds with one stone. "No wonder this place is trash," napaismid nitong sambit sabay tingin sa mga alipores na tumawa on cue. As if naman witty ang sinabi nito. Napataas na lamang siya ng kilay. Magsasalita pa sana siya nang may biglang sumingit sa kanilang usapan. "What seems to be the problem here?" ani ng baritong boses mula sa kanyang likuran. Kitang-kita ang gulat sa mukha ni Ayra na mukha nang constipated dahil hindi na nito alam ang gagawin. She has read all sorts of cliché stories and watched dozens of romantic films to last her a lifetime. Lagi niyang kine-kwestyon ang mga 'slow-mo' scenes ng mga bidang lalaki at bidang babae dahil hindi naman iyon nangyayari sa tunay na buhay. But boy was she wrong about that one. Kulang ang katagang 'tumigil ang pag-ikot ng mundo' nang masilayan niya ang mukha ng lalaking nagmamay-ari ng baritong boses. To say he was just handsome was an understatement. Ito na ba ang knight-in-shining armor niya? Ang icing sa ibabaw ng kanyang cupcake— "Sir Jarvis!" Jarvis?! Siya ang Jarvis?!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Married By Mistake

read
173.4K
bc

His Property

read
950.6K
bc

That Professor is my Husband

read
507.8K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
6.3K
bc

Love Donor

read
87.6K
bc

A Night With My Professor

read
515.1K
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
329.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook