CHAPTER 4

2335 Words
-   "Spell marupok." Halos matumba si Naia sa pagkagulat. Synn was leaning by the wall next to the door outside Mr. Montecillo's room. "Solyn!" bulalas niya sabay sapo ang dibdib sanhi ng pagkagulat. "May balak ka bang patayin ako? Jesus Christ!" Pero imbes na sagutin siya ng babae, bigla na lamang nito hinablot ang kanyang braso at hinila papalayo.  "Sinasabi na nga ba!" anas nito habang patuloy pa rin siya nitong hinihila. But they weren't heading towards the cafeteria. "Kahit kelan ay hindi namali ang intuition ko. Napadpad sila maya-maya sa likuran ng gymnasium. Gulat siya dahil naroroon na rin sina Yoon at Arika na busy sa pagpapak ng manok. "Oh. Andito na rin sila sa wakas," ani Arika sabay wagayway ng kamay. Napatingin naman sa direksyon nila si Yoon na kanina'y nakatalikod. "Oh, bakit ang tagal niyo?" the girl said scooting towards Arika to give her and Synn some space. "Sabi netong si Hapon eh maaga kayo dinismiss." "Ask her," turo agad sa kanya ni Synn. "Nakipagpalitan pa ng oral fluids 'yan kay Sir Montecillo." Naibuga ni Arika ang iniinom habang si Yoon nama'y nangunot ang noo. "What?!" bulalas ng una. "You were kissing our hot teacher—" Natatarantang tinakpan niya ang bibig ng kaibigan na balak pa ata ianunsyo sa buong mundo ang nalaman. "Shhh!" saway niya dito. "Okay, okay. I admit it. We kissed. Pero, please don't judge me. Hindi ko rin naman alam na magiging professor pala natin siya." "Girl, hindi kito jina-judge," ani Arika. "Naiinggit ako. Gaga ka. Kaya pala ang lagkit ng tinginan niyo kanina. Teka. Siya din ba 'yun nandilig sa'yo?" Napakagat siya ng labi. She was guilty. "I had no idea na teacher pala si Jarvis—" "Wait. Jarvis?! As in my boss, Jarvis Montecillo?" bulalas ni Yoon after niyang magsalita. Tumango siya bilang tugon. "Boss? Pano mo naging boss si Mr. Montecillo?" curious na tanong ni Synn. "I work for his coffee shop. Isang shift lang," kwento nito. Agad naman napapalakpak si Arika. "Yung coffee shop na tinatambayan natin? Holy s**t, Arabella! Dapat sinabi mo sa'min na may gwapo kang boss." "That's exactly the reason why I didn't tell you guys," lahad nito. "I don't like sharing. Pero ang tindi talaga ng kamandag netong si Danaia. You just hit yourself a jackpot! Gwapo, mabait, matalino at galing pa sa isang magandang pamilya. Alam niyo ba yung La Monte Corporation? Sila ang may-ari 'non." "In case you missed it, Yoon, Uychengco 'tong si Naia," kontra naman ni Synn. "She doesn't need a rich man. She already is." "True," segunda ni Arika na kanina pa kain ng kain. "Pero mga sizzzt. Ang pogi talaga ni Mr. Montecillo. Daddy type. Pero mukhang si Naia na ang apple of the eye. Wala akong laban sa isang Uychengco." "Gaga," asik niya sabay kuha ng isang pirasong manok. "I'm not even sure I'd want to continue seeing him." Sabay-sabay namang napatingin sa kanya ang mga kaibigan at pinangtaasan siya ng kilay. Wow. In-sync. "What?" "Girl. Ang lakas ng pull of attraction sa pagitan niyo," ani Synn. "Bibihira lang ang ganyan. And seeing how close you two were, he must be a legend or something para mapaamo ka. The Danaia Martienne Uychengco." "Tumpak!" Si Yoon. "Wag sana sasama ang loob mo sa sasabihin ko pero, inakala ko dati that you're frigid or something. Lahat ng pumuporma sa'yo eh binabasted mo agad. Hearing that you're finally seeing someone is great news for me. Normal na tao ka pa pala." "Isa ka din," saway niya sa kaibigan. Then she sighed. "I really like him. Jarvis. Pero... I can't help but feel anxious, you know? Teacher siya, estudyante niya ako. No fraternizing, remember? Plus, ano na lang ang iisipin ng ibang tao?" "Then date in secret. What they don't know won't hurt them," suhestyon ni Arika na ikinataas ng kanyang kilay. "Look. Kung gusto mo talaga siya and gusto ka niya, then go for it. Minsan ka na nga lang madiligan, aatras ka pa." "Hoy!" Arika rolled her eyes as the other two snickered. "What I'm saying is, stop overthinking. Try mo muna and kapag hindi nagwork, eh di hindi." "But—" "Uunahan na kita," singit bigla ni Yoon. "Paano mo malalaman kung worth it kung hindi ka susubok, Naia? Stop thinking critically. Kahit ngayon lang. Loosen up a bit. Sir Jarvis is a nice guy and I've been working for him for quite a while now. Hindi naman kita basta-basta na lang ipapaubaya sa kung sinong Poncio Pilato kahit pa gwapo't mayaman 'yan." Hindi niya napigilang mapangiti dahil napaka-supportive ng nga ito. And they're not the type pf people who judges you as if they haven't done anything wrong in their entire lives. "Okay," saad niya sabay ngiti. "I'll give this a try. Not because you guys told me to but because I really do like him." Nagsitilian naman ang tatlo na tila kilig na kilig para sa kanya. "I'm so happy for you, Naia!" ani Yoon. "Isang Montecillo ang nabingwit mo. Eh madalang pa sa ulan sa disyerto kung magpakita ang mga Montecillo. Especially Jarvis. Sa pitong Montecillo kasi siya 'yung hindi masyadong lumalabas talaga eh." "Pito?" tanong agad ni Arika na tila nabuhayan ng dugo. "You mean to say is marami pang mala-Jarvis na umaaligid sa UDSA?" "Actually, tatlo na lang 'yung natitira dito sa UDSA," sagot nito. "I'm surprised hindi mo sila kilala, Arika. Nasa Engineering department 'yong tatlo." "Hold the f**k up. Engineering sila?! Eh ang sikat na sikat 'don eh si yung kambal na babaero saka 'yung pinsan nilang isa ring babaero," pagayag nito. "Box, Seven and Yvo. The three musketeers na kahit poste basta naka-palda eh papatulan." "Exactly. Box Montecillo, Seven Montecillo and Yvo Montecillo. Pinsang buo sila ni Sir Jarvis. Nung nagsaboy ng kagwapuhan eh nasa unahan ata ang magpipinsang 'yon. Jusko! Ang gwapo rin nung tatlo. Kung medyo bata-bata pa 'ko eh baka pinatulan ko na 'yung mga 'yon." "Bakit?" tanong niya making the two turn to her. Synn was busy eating dahil mukhang hindi naman ito interesado sa usapang lalaki. "How old are they exactly?" "Si Box at Seven, nineteen," sagot ni Yoon. "Yvo is eighteen." Napangiwi siya. Tama nga ito. Masyadong bata pa nga ang tatlo. But bakit parang familiar ang mga pangalan na 'yon sa kanya? "Twenty pa lang ako kaya pwede sila sa'kin," sambit ni Arika sabay belat. "So that's 4 out of five. How about the rest?" "Inno Montecillo. Older brother ni Jarvis," Yoon answered. "But trust me, wag ka na 'don." "Why? Dahil ba subsob sa trabaho?" "As if," anito while rolling her eyes. "That guy is the most irritating person in the entire world. Feeling gwapo saka mayabang. Sasakit lang 'yang see-through bangs mo sa sobrang konsumisyon." "So hindi siya pogi?" "Pogi pero... ah basta! Wag ka na nga kasi 'don. Trust me on this one. Tatanda ka ng maaga kapag pinag-interesan mo si Inno." "O...kay. Dibs na pala," pangaasar ni Arika na ikinatawa niya rin. "Gaga ka!" "So that's five out of seven na," Arika ignored Yoon. "Baka yung susunod eh siya na ang Mr. Right 'ko." "Ha! 'Yon ang akala mo. Dos Montecillo is mine," deklara nito. "He's my future baby daddy kaya wag ka nang mag-ambisyon." "Ay. Naka-reserve na pala. Next, sis." Tawang-tawa siya sa usapan ng dalawa. Si Synn naman eh nakikinig lang habang may kung anong sinusulat sa trusty notebook niya. Napansin nito ang kanyang titig kaya't kinindatan siya. "Research," anito. "Baliw," she mouthed. "I've only met River once sa café," rinig niyang patuloy ni Yoon. "He's really sweet at nuknukan ng bait. Gwapo rin. Kung hindi ako nagkakamali, he's a nurse at sa St. Luke's nagtatrabaho." "Oooooh," sambit ni Arika sabay ngisi. "Nurse. Bagay sa'kin. Nurse and future Engineer. NursEng. Bongga!" "He's twenty-five." "Walang problema. Age doesn't matter naman," katwiran nito. "Five years is nothing in the world of love." Natawa siya sa kaibigan. Mukhang interesadong-interesado ito sa tinutukoy ni Yoon na River. "Parang bet ko tuloy tumambay every day doon sa café ng lalaki nitong si Naia," deklara pa nito. "Tutal, regular customers naman tayo doon, why not gawin na nating araw-araw, dba? Ay wait, gano na nga uli kalayo 'yung St. Luke's dito?" "Akala ko ba bet mo 'yung mga Conde?" Tanong bigla ni Synn. "Sino nga uli 'yon? 'Yung Primo?" "Don't worry, sissy. Happy crush ko lang si River Montecillo. Primo Conde pa rin for the win." Itinaas pa nito ang isang kamay at sinuntok sa ere. Maya-maya pa'y naramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang telepono. Na-maxed out na ba agad ni Isadora ang credit card niya?   From: +639XX-XXX-XXX Will I be seeing you later?   Nangunot ang kanyang noo. Sino ba 'to?   From: +639XX-XXX-XXX This is Jarvis, by the way. Kinuha ko sa class record yung number mo since I forgot to ask for it. I hope you don't mind...   Bakit ba kahit sa text eh parang ang manly-manly niya? Like, habang binabasa niya iyon eh parang naririnig niya ang baritong boses nito malapit sa kanyang tenga. "Hala! Ayan nanaman siya o. Ngumingiti ng mag-isa!" bulalas ni Arika. Tumawa si Synn. "Mukhang may diligan nanamang magaganap mamaya," komento nito sabay ngisi. "Yes naman!" hiyaw ni Yoon. "Tigang no more na si Danaia! Congratulations!" "Hoy!" Pero imbes na tumigil walang pigil pa rin ang pangaasar ng mga ito hanggang matapos ang kanilang lunch break.   To: +639XX-XXX-XXX See you...   After eating ay pumasok na sila sa kani-kanilang mga klase. She couldn't stop herself from sneaking a few glances on her phone—unlocking then locking it, just to check the time. To say that she's excited to see Jarvis again was an understatement. When their prof dismissed them ay agad siyang nakipagunahan palabas—subtly, of course. She was walking towards the East gate kung saan pinakamalapit ang cafe. "Ate Naia?" Agad siyang napatingin sa biglang tumawag sa kanya. "Ate!" It was Kendall. Magiliw pa nitong iwinagayway ang kamay bago patakbong lumapit sa kanya. Behind her were two guys who followed. "How's the Psych subject going?" "Okay naman," matipid niyang sagod sabay ngiti. Para namang may dalawang toreng sumulpot sa likuran nito nang makarating ang dalawang kasama. "We have a new teacher kasi biglang nag sabbatical leave si Miss Rivera." "Really?" hindi makapaniwalang sambit nito. "That's great news!" Tila nahalata naman nito ang naiilang niyang tingin sa dalawang kasama na kung makatitig eh parang nang-aakit. Napaka-gwapo ng mga ito at mukhang mayaman judging by the Louis Vuitton and Gucci fanny packs they were wearing. Ferragamo pa nga ata 'yung sapatos nung isa. "Oh, right. Ate, this is Seven and Box Montecillo," pakilala nito sa mga kasama. "Mga friends ko sila from high school. Kilala din nila si Uno." So that's why their names sounded familiar. Na-mention na ata ni Uno itong Box before. 'Yung tinutukoy nitong best friend kuno ni Ken. "Boys, this is Naia Uychengco. Campus beauty s***h future summa c*m laude of UDSA." "Um... Hello." Hindi niya alam kung pano ba dapat magreact sa pagpapakilala ng babae. Isang tango lang ang binigay niya dito at matipid na ngiti. Ngumiti naman ang dalawang lalaki. Gosh! They both look incredibly handsome. Totoo ngang nabiyayan ng magagandang genes ang pamilya ni Jarvis. Though these two look a bit more on the 'pretty boy' side. Lalo na 'yung Box. "Uychengco? Kapatid mo si Dora the Explorer?" Tanong bigla nung mas matangkad. Seven ata ang pangalan nito. "Dora the Explorer?" Kunot-noong tanong niya dito. "Si Isadora. Kung saan-saan kasi napapadpad eh," paliwanag nito. "Ah..." tumango-tango siya. "Hindi ko siya kapatid. Pinsang buo ko siya." Bigla naman itong tumingin kay Kendall. "Hindi kapatid, Ken. Baka naman labas na siya sa off-limits rule ni Dora?" "Hindi pwede," saway nito. "Saka di ka naman papatulan ni Ate Naia. She has taste 'no." Tumawa ng malakas ang lalaking nasa kalowa nito. 'Yung best friend. At base sa pagkaka-akbay nito kay Kendall, naniniwala na siya ngayon na hindi lang mag-best friend ang dalawa. There was something. "Hindi rin ako pumapatol sa mga naka-diapers pa," aniyang naka-ngisi na ikinagulat nito. Tunawa naman yung kunwari hindi mag-jowa. "Pinsan ka nga ni Dora," nakabusangot nitong sambit. "Pareho kayo ang sakit magsalita." Hindi niya napigilang mapangiti. Ang cute kasi nito tingnan. He looked like a kid na pinagbawalang maglaro sa labas. Nagulat naman ako nang bigla nitong sinapo ang dibdib. "Aray ko po!" hiyaw ng lalaki. Napapikit pa ito. "Ang ganda pa ngumiti. Hindi 'to kaya ng puso ko. Masyadong masakit!" Natawa talaga ako. Kung sa iba'y corny ito tingnan o hindi kaya nakakadiri, sa lalaki'y napakacute. Now she knows why girls would like him. Kendall rolled her eyes while shaking her head at her friend's antics. "So ate, where are you going?" tanong nito sa kanya. "Are going home na?" Bigla niyang naalala ang pinadalang text kay Jarvis. "See you..." Hindi naman siguro mahahalata kung sasabihin niyang sa café siya pupunta, right? Everyone these days go there to study. Or maki-wifi. Or kahit nga magpalipas oras lang. Umiling siya. "I'm heading to the café sa may crossing. I need to um...study." Napataas ang kilay 'nong Box bago bumaling sa kapatid nitong si Seven. Mukhang may kung anong komunikasyong nagaganap sa pagitan ng dalawa which she hoped does not include the possibility of them knowing her ties with the café's owner. "OMG! We're going there din!" excited na turan ng babae. Umalis ito mula sa pagkakaakbay ng best friend at biglang kumapit sa kanyang braso. "Sabay na lang us, ate. I'm meeting Uno po kasi." Hindi siya naka-imik. Pupunta din doon si Uno? Patay na. That cousin of hers will see right through her lies. Bakit ba kasi hindi siya marunong magsinungaling nang maayos? And of all people na makakasama ni Kendall, mga pinsan pa ni Jarvis? Buti na lang at nakapagtake siya ng crash course tungkol sa mga ito thanks to Yoon. "Ahm... Ano—"   Naputol bigla ang sasabihin ko nang biglang kumapit sa kabila niyang braso si Seven at sumingit naman sa gitna niya't ni Kendall si Box. Now both guys were clinging on her arm that shocked not only Kendall but also the other students—who she didn't notice that was looking at them until now. "Pupunta ka pala sa Café Haven," ani ng ngayo'y nakangising si Box. "Escortan ka na namin." "Oo nga," segunda naman ni Seven. "Delikado pa naman papunta doon. Baka mapano ka." Nagpasalin-salin siya ng tingin sa dalawa bago tumingin kay Kendall who just shrugged. "So, Ate Naia. Tara?" sabay at nakangising sambit pa ng dalawa. "Hindi dapat natin pinaghihintay si kuya. Mainipin 'yon." Wait. What? Her eyes grew wide. Oh my God. They know! -  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD