Text Message

1167 Words
  Makalipas ang ilang buwan. “Millie, laway mo tumutulo. Punasan ko ha? Nalusaw na din sa titig mo si Henry.” Tukso ni Jessica kay Millicent habang akto na pinupunasan nito ang kanyang baba gamit ang kanyang panyo.   Napalingon naman si Millie sa kaibigan na pinagtatawanan na pala siya habang nakamasid sa kanya.   Third year college na sila sa kasalukuyan sa pribadong paaralan ng Saint Thomas University. Mapalad si Millie na makapag-aral dito nang makapasa siya bilang isang scholar.   Pupunta sana sila sa library upang magreview nang makita ni Millie na nakaupo sa bench sa courtyard ng kanilang university ang kanyang long-time crush na si Henry Samaniego. Kaya naman inaya na lang niya si Jessica na maupo sila sa bench sa hindi kalayuan upang doon na lamang magreview.   Graduating college student naman si Henry at talagang magandang lalaki. Halos lahat yata ng babae sa campus nila ay nagkakagusto dito. Bukod sa varsity player ito ng basketball, anak din ito ng isa sa mayamang angkan sa kanilang lugar.   “Ano ka ba, Jess? Huwag ka ngang maingay diyan. Baka mamaya e may makarinig sa iyo.” Saway niya sa kaibigan.    “Alam mo ba kung ilang oras ka ng nakatitig diyan sa crush mo? Kahit walang makarinig sa akin e halatang halata ka naman."   “Ang exaggerated mo naman. Para iilang minuto pa lang e.” Katwiran niya sabay irap sa kaibigan.   “Anong iilang minuto? Anyway, magreview ka na at baka wala ka pang maisagot sa exams natin mamaya. Ikaw pa man din ang scholar diyan.” Sermon nito sa kanya.   “Okay po.” Sagot niya sabay yuko ng kanyang ulo upang basahin ang libro sa kanyang harapan.   “Asa ka pa Millicent na magkakagusto sa iyo si Henry.” Sarkastikong komento ng pamilyar na tinig ng isang babae mula sa kanyang likuran.   Nagkatinginan muna sila ni Jessica bago niya ito nilingon at hindi nga siya nagkamali.   “Brenda, ano na naman ang pinagsasasabi mo?” Taas-kilay na tanong niya sa kaklase. Nainis siya sa panghihimasok nito sa usapang nila ni Jessica.   Humalikipkip ito sabay sabi. “Huwag ka ng magmaangmaangan dahil narinig ko kayo, ’no?”   Millie rolled her eyes. “Wala kang pakialam!”    “Anong wala? Akin lang si Henry, Millicent. At tingnan mo ang gagawin ko.” Sabi ni Brenda na may malisyosong ngiti sa kanyang mga labi. Pagkatapos ay lumapit ito kay Henry at animo linta kung makadikit sa pagkakaupo.   Naiinis na binaling na lamang ni Millie ang atensyon niya sa pagrereview. Ngunit palinga-linga pa din siya sa direksyon ni Henry kung saan masaya itong nakikipagkwentuhan kay Brenda.   Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ni Jessica.   “Tsk, tsk. Text na naman mula sa mga walang magawang scammer.”   “Anong text? At paano mo nalamang scammer?” Kunot ang noo na tanong ni Millie sa kaibigan.   “Click ko daw ang link para i-update ang account ko. E wala naman akong account dito sa bangko na sinabi nila kaya alam na alam kong scammer.” Paliwanag nito.   “Ahh, wala kasi akong bank account at wala ding cellphone kaya hindi ko alam ang mga iyan.”   “Magkakaroon ka din balang araw kaya tandaan mo na hindi ka dapat basta-basta naniniwala sa mga text messages. Lalo na pag may pinapaclick na link dahil dun nila makukuha ang details mo at mahahack na ang account mo.”   “Opo, lola.”   “Lola ka diyan!” Singhal ni Jessica pero nakatawa.   “Para ka kasing lola ko kung magsalita.” Natatawang sagot niya. Medyo nakalimutan na niya ang inis at selos na nararamdaman kanina.   Lumaki si Millie sa pangangalaga ng kanyang Loly Fely dahil namatay ang kanyang ina sa panganganak sa kanya samantalang sumakabilang bahay naman daw ang kanyang ama, sabi ng kanyang lola. Noong bata pa siya ay hindi pa niya masyadong naiintindihan ang ibig sabihin ng kanyang lola. Akala niya ay sa ibang bahay lamang ito nakatira. Iyon pala ay mayroon ng ibang pamilya.   “Dahil pareho kaming nagmamalasakit sa iyo.” Sambit ni Jessica na may matamis na ngiti sa mga labi.   Sinuklian naman ni Millie ng isang matamis din na ngiti ang kaibigan. Masaya siya dahil may kaibigan siyang tulad ni Jessica na hindi tumitingin sa estado ng buhay.   Matapos ang klase ay deretsong umuwi ng bahay si Millie. Subalit laking gulat niya sa kanyang nasaksihan ilang metro ang layo sa kanilang bahay.   “Baka maaari pong humingi ng palugit dahil kapos po talaga ako ngayon.” Pakiusap ni Lola Fely kay Aling Linda na may-ari ng kanilang inuupahang bahay.   “Palugit na naman? Hindi maaari! Lumayas kayo dito sa bahay ko kung wala kayong pambayad!” Sigaw ni Aling Linda sabay tulak sa kanyang lola at tuluyang pumasok sa loob ng bahay.   Na-out of balance naman ang kanyang lola at nabuwal. Nanlaki ang mga mata ni Millie dahil kitang kita niya ang pangyayari.    “Lola!” Bulalas niya sabay takbo palapit sa kanyang lola na nakahandusay na sa lupa.   Mabilis siyang napaupo at tinulungan ang kanyang lola sa pagtayo. Namumutla ito habang hawak ang kanyang dibdib at animo nanghihina.   Maya-maya pa ay isa-isang hinagis ni Aling Linda ang kanilang mga damit sa labas ng bahay.   “Magsilayas kayo! Mga hampaslupa! Palagi na lang kayong late magbayad ng renta. Nauubos din ang pasensya ko. Anong akala niyo sa akin? Nagkakawanggawa? Kailangan ko din ng pera! Kung gigipitin niyo lang ako ay mabuti pa na umalis na kayo upang makahanap ako ng maayos na titira dito. Yung magbabayad ng tama sa oras!” Mahabang sermon nito sa kanila.   “Aling Linda, nakikiusap po ng maayos ang lola ko. Bakit kailangan mo pa siyang itulak?” Galit na tanong ni Millie. Hindi niya matanggap kung paano sinigaw-sigawan ni Aling Linda ang kanyang lola.   “Aba at may gana ka pang magalit sa akin? Paanong hindi ko siya itutulak, ayaw niya akong papasukin.” Wika nito habang nakapamewang.   “Kahit na po. Tama na kayo ang may-ari ng bahay pero mas matanda pa din sa inyo ang lola ko. Igalang niyo sana siya bilang tao.” Katwiran niya sa sobrang inis.   “Millie, tama na. Tara na at umalis na lamang tayo.” Saad ni Lola Fely sa malungkot na tinig.   “At ako pa ang masama ngayon? Magsilayas na kayo at ayaw ko ng makita pa ang mga pagmumukha niyo dito!” Muling sigaw ni Aling Linda sa kanila.   Walang nagawa si Millie at Lola Fely. Unti-unti nilang pinulot ang kanilang mga damit na nagkalat sa lupa. Subalit bigla na lamang nabuwal na muli si Lola Fely at nawalan ng malay.   “Lola!” Gulat na napasigaw si Millie nang makita na bumagsak ang kanyang lola.   Mabilis niyang binitawan ang mga hawak na damit upang daluhan ang kanyang Lola Fely. Lumuhod siya at iniangat ang kalahating katawan nito. Tinawag niya ito ng makailang ulit habang tinatapik ang maputla nitong pisngi subalit hindi ito sumasagot.   Wala siyang nagawa kundi ang umiyak habang sumisigaw at humihingi ng tulong sa mga kapitbahay.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD