My father congratulated me. It’s the first time. Sapat na iyon sa’kin. Hindi man siya nakapunta sa graduation ceremony ko, ikinagalak pa rin ng puso ko na binati niya ako.
Siguro para sa iba mababaw ang kaligayahan ko, pero iyon ang unang beses na binati ako ni Dad. Kahit birthday ko hindi niya ako binabati. Kahit sa mga naging achievements ko sa school, mula noong bata pa ako, never niya akong binati. Ibig sabihin lang, na-acknowledge niya ang nataggap ko sa pagtatapos ko ngayon kahit na hindi ko naabot ang expectations niya. Kahit na c*m laude lang ako at hindi summa c*m laude. Sensitive lang siguro akong masyado, kaya nagdamdam ako ng husto kanina.
Pinahid ko ang luha ko at tumayo na upang bumalik sa aking kwarto. Magaan na ang pakiramdam ko.
Alas otso pa lang naman ng gabi kaya pupuntahan ko muna si Roy. Ang balak ko sana ay bukas ko siya pupuntahan upang yayaing lumabas kami, pero susundin ko na lang ang gusto ni dad na pumasok na agad ako sa kompanya. Papatunayan ko ang sarili ko sa kanilang lahat. Isa akong Rodrigo, may karapatan akong maging isa sa mga namumuno sa kompanya hindi dahil sa apilyedo ko kundi dahil sa kakayahan ko.
Matapos kong magbihis ay nagtungo ako sa garahe. Gagamitin ko na ang regalo sa akin ni tita Cordelia.
Matagal na akong may driver license kahit wala pa akong kotse noon dahil si tita rin mismo ang nagturo sa aking magmaneho at kumuha ng lisensya para raw hindi na ako mahirapan kung sakaling magkaroon na ako ng sarili kong sasakyan. Siguro ginawa niya iyon noon dahil may balak talaga siyang regaluhan ako ng kotse.
Bumili muna ako ng cake bago tuluyang nagtungo sa condo ni Roy. A cake is needed for the celebration.
Sa almost one year naming magkarelasyon, madalang akong magtungo sa condo niya dahil lagi naman siyang busy sa opisina. Madalas sa labas lang kami nagkikitang dalawa. Kaya alam kong maso-sorpresa siya kapag nakita niya ako ngayon.
Ilang beses akong kumatok sa pinto ng condo ni Roy, pero walang sumasagot. Alam kong nasa loob siya dahil nakita ko na ang kotse niya sa parking lot kanina nang mag-park ako.
Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang tawagan si Roy. Baka nakatulog na siya, pero patay ang kanyang telepono. Siguro tulog na siya, madalas kasi hindi ko talaga siya matawagan kapag gabi na, maaga siyang matulog palagi ayon sa kanya. Siya lang ’yong kilala kong strict sa sleeping habit. Ayaw na ayaw niyang nagpupuyat.
Sinubukan kong pihitin ang door knob at hindi ito naka-lock, kaya inimbitahan ko na ang sarili ko ng kusa pumasok sa loob.
Napakunot ang noo ko ng makita ang sapatos niya na nakakalat sa sahig. He is a very organized man, kaya nakapagtataka na nakakalat ang sapatos niya. Pero mas lalong kumunot ang noo ko ng ang t-shirt naman niya ang nakita ko sa lapag. Pinulot ko ito at mabilis na nagtungo sa kwarto niya.
Bigla akong napahinto ng may makita akong tela sa hagdanan. It's a black mini dress.
Kumabog ng malakas ang aking dibdib. Is my boyfriend a cross dresser? A gay? Oh no, no way. Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa mga tumatakbo sa utak ko. Dahil kung mali ang unang iniisp ko, imposibleng may babae siya at niloloko ako. Palagi lang siyang walang oras sa akin, pero umaasa akong hindi niya ako kayang lokohin. Mabait si Roy, hindi niya magagawa iyon.
Hahakbang na sana ako nang makarinig ako ng tila ungol. Tuluyan nang lumakas ang hinala ko, ang dibdib ko ay walang tigil sa pagkabog. Mabilis akong nagtungo sa kwarto ni Roy binaliwala ko na ang mga nagkalat na damit na nadaraanan ko, pero na-istatwa ako sa kinatatayuan ko ng tuluyan na akong makalapit sa kwarto. Para akong tinuklaw ng ahas sa aking nakita.
Bukas ang pintuan ng kwarto at kita ko sa loob ang nobyo kong naka-ibabaw sa isang babae habang sabay nilang nilalasap ang kamunduhan.
Hindi ko alam kung ano ba ang nararandaman ko. Nasasaktan ako sa na nakikita ko, parang hinihiwa ang dibdib ko habang nang gagalaiti ang mga kamay kong manakit.
Huminga ako ng malalim bago humakbang papalapit. Abala pa rin sila sa ginagawa nila, kaya hindi napapansin ang presinsya ko. Parang gusto kong masuka sa kahayupan nila. Tila sarap na sarap sila. Mga hayop!
Sumandal ako sa hamba ng pintuan bago walang emosyong nagsalita, “Is this the urgent meeting you were talking about?”
Nanlalaki ang mga matang sabay silang napatingin sa akin. Hindi sila magkandaugaga upang takpan ang mga nakalantad nilang hubad na katawan.
Pumailalim ang babae sa puting kumot habang nagmamadaling itinaas ni Roy ang boxer short niya na nasa binti na niya kanina.
Hindi ko na napigilan ang galit na pilit kumakawala sa dibdib ko. Ibinato ko sa kanila ang cake na hawak-hawak ko pa rin pala. Napaigtad si Roy ng tamaan ito. Kulang pa iyon, kumpara sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Manloloko siya.
“Rebecca?! Are you crazy?” galit na tanong nito habang galit na nakatingin sa akin.
Ang kapal ng mukha nito. Ito pa talaga ang may ganang magalit.
“Maybe I am. Hindi lang baliw, tanga pa dahil pumatol ako sa isang gaya mo. Ang kapal ng mukha mo. Busy? Bakit siya ba ang ipanagkakaabalahan mo? May meeting? Saan sa kama? Sa tuwing patay ang cellphone mo, siya ba ang kasama mo? Bakit ko pa ba itinatanong. Malamang kayo ang magkasama mula opisina haggang kwarto,” mahabang lintaya ko. Tumingin ako sa sekretarya nito na kulang na lang ay mabali ang ulo sa pagkakayuko habang nakabalot sa puting kumot.
“You can’t blame me. She can give you something you can't.”
”Her body? Pasensya na pero hindi ako parausan,” I put sarcasm in my tone.
“Hindi ako parausahan. Pasensya kana, Ms. Rebecca. Hindi namin sinasadya,” naiiyak na saad ng sekretarya nito. Umismid ako sa sinabi nito.
“Hindi n’yo sinasadya? Sigurado ako hindi ito ang unang beses. Hindi ako tanga gaya ng inaakala mo. Malandi ka!”
“Stop it, Rebecca. Pag-usapan natin ’to.” Binalak hawakan ni Roy ang braso ko para pakalmahin ako, pero tinabig ko ang kamay niya.
“Wala na tayong dapat pang pag–usapan pa. Tapos na tayo. Kung hindi ko kayo nahuli ngayon hanggang kailan mo ako pagmumukhaing tanga?” nanggagalaiting tanong ko. Gusto kong kalmutin ang mukha niya sa galit. “Magsama kayong dalawa. Mukhang sarap na sarap ka naman sa kanya.”
“Yeah, she’s good, unlike someone who does not even know how to kiss.” He is mocking me. He really has the guts. Pwe!
Pero hindi ako papatalo sa kanya. Sinaktan na niya ang puso ko, hindi na ako papayag na sagiin niya pati ang ego ko.
“Because my performance depends on a man. Sinagot lang kita dahil sa utos ni dad, hindi dahil gusto kita.” Totoo naman iyon, pero kalaunan nahulog din ang loob ko sa kanya, pero sana hindi na lang pala kung alam ko lang na lolokohin lang niya ako.
“That’s why you can’t break up with me. Your dad will be angry. So just go home and forget what you see,” baliwalang saad nito.
Tuluyan ng kumawala ang galit na tinitimpi ko. Akala mo kung sino siya para utusan akp na kalimutan na lang basta-basta ang nangyari na parang wala lang. Kakalimutan ko ang nangyari kasama ng paglimot ko na nakilala ko siya. Pero bago iyon. Nilapitan ko siya at diretsong sinuntok sa mukha.
Sorry to him, but I don’t know how to slap, but I know how to punch.
Napangiwi pa ako dahil masakit ang kamay ko sa pagkakasuntok sa kanya, sa sobrang tigas ba naman ng mukha niya. Hindi na nakakapagtaka.
Napamura ito, habang matalim na tumingin sa akin. Habang ang sekretarya naman nito ay hindi alam kung mananahimik na lang ba o lalapitan ba si Roy upang tulungan dahil dumudugo ang ilong nito sa lakas ng suntok ko.
Pero hindi ko inaasahan ang biglang paglapit nito sa akin sabay hila ng malakas sa buhok ko. Napapikit ako sa sakit.
“Let me go,” nahihirapang saad ko habang pilit inaalis ang kamay niya.
“After you punched me? No way.” Pakiramdam ko matatanggal ang anit ko sa higpit ng pagkakahawak niya sa buhok ko.
He is totally different now from the guy I knew o baka naman ito ang tunay niyang kulay. Itinago lang niya para mauto ako noon.
“You deserve it.”
“Ang tagal kong nagtimpi sayo. Masyado kang pakipot. Why don’t you join with us now? Moan my name and I'll forget that you punched me.” Nakangisi ito habang pinapasadahan ng tingin ang katawan ko.
Gusto kong masuka sa pinagsasabi niya. I banged my head at him. Dahilan para lumuwag ang hawak niya sa akin. Hindi ko na inalintana ang sakit at sinamantala ko ang pagkakataong iyon para sipain ang hinaharap niya. Sana mabasag ang dapat mabasag sa kanya sa lakas ng sipa ko. Napaupo ito sa sobrang sakit habang sapo ang bagay sa pagitan ng mga hita nito.
“We’re over. You cheater,” matigas na saad ko bago lumabas ng kwarto.