Kabanata 7

1546 Words
Sinapo ko ang masakit kong anit at ulo, maging ang kamay ko ay masakit din. Namumula mula pa ito ng tingnan ko pero hindi ko maiwasang mapangiti. Ngayon ko lang natuklasang may marahas pala akong side. Dahil sa unang pagkakataon nagawa kong manakit ng pisikal sa sobrang galit at upang ipagtanggol na rin ang aking sarili. Madalas mahinahon ako pero sa nasaksihan ko nawaglit lahat ng pasensyang inipon ko. Kahit sino naman ang nasa sitwasyon ko magpupuyos sa galit. Inayos ko ang nagulong buhok ko dahil sa pagkakasabunot ni Roy habang sakay ako ng elevator. Hindi ako makapaniwala, nagawa niya akong saktan, physically and emotionally. Roy deserved my punch and kick. Kulang pa nga iyon kumpara sa sakit na naidulot niya sa akin. Inunawa ko siya ng paulit-ulit dahil abala kuno siya sa negosyo ng pamilya niya pero wala akong kaalam-alam na niloloko n’ya lang pala ako. Na iba pala ang pinagkakaabalahan niya. Pinagmukha niya akong tanga. Pinipigilan kong umiyak. Hindi niya deserve ang luha ko. Kaya hindi ko iiyakan ang lalaking mas masahol pa sa aso. Nauto niya ako sa kabaitang pinakita niya, iyon pala peke. Napakalaking pagkakamali na nahulog ako sa isang gaya niya. Sinasayang niya ang nararamdaman ko. Pero nang makapasok ako sa kotse ko at wala nang nakakakita sa akin. Bumuhos ang mga luha ko. Kahit anong pilit kong tatagan ang sarili ko, nasasaktan ako. Bakit ba sa daming lalaki sa mundo, manloloko pa ang napunta sa akin? Tila puro kamalasan na lang ang napapala ko. Marahas kong pinahid ang luha ko bago pinaandar ang kotse. Pero kahit anong pigil ko tila bukal na tumutulo ang mga iyon. Kung kanina matapang ako sa harap nila, hindi ko pala kayang panindigan. Hindi niya deserve ang luha ko pero hindi ko mapigilang umiyak dahil nasasaktan ako. Minahal ko siya, eh. Totoo ’yong nararamdaman ko. Tapos mahuhuli ko lang siyang gumigiling sa ibabaw ng ibang babae. Instead of saying sorry, ako pa ang sinisi niya. Napakawalanghiya talaga. Dapat nagce-celebrate ako ngayong araw pero puro sakit lang ang natatanggap ko. Akala ko pa naman siya ang pinakamatinong lalaking nakilala ko. Akala ko lang pala. Katawan ko lang pala ang habol niya. Gaya rin pala siya ng iba na mas inuuna ang tawag ng laman. Sa relasyon namin ako ’yong tamang tao na napunta sa isang hindi marunong makuntento. He’s a cheater, a worthless man. Nang sabihin ni dad sa akin na si Roy ang tamang lalaki para sa akin, hindi ako kumontra. Dad likes him dahil sa status niya, alam ko iyon. Pero pinakita kasi niya sa akin na matalino at mabuti siyang tao kaya nahulog din ang loob ko katagalan. Pero ngayon pinagsisihan ko nang minahal ko siya dahil kasinungalingan lang pala ang lahat ng mga pinakita niya sa akin. Isa rin pala siyang dakilang manloloko. Umiiyak ako habang nagmamaneho. Paminsan-minsan ko rin pinupokpok ang dibdib ko upang mamanhid ito at mawala ang sakit na nararamdaman ko. Pero kahit anong gawin ko ramdam ko pa rin ang kirot. Kaysa umuwi sa bahay ay sa condo ni Michelle mas ninais kong magtungo. Alam kong wala siya roon dahil out of town pa rin siya gaya ng sinabi niya kanina nang tumawag siya pero alam ko ang password ng condo niya kaya malaya akong nakakapasok doon anong oras ko man gustuhin. Nanghihinang umupo ako sa sofa nang makapasok ako sa condo. Mabuti at nakarating ako ng ligtas kahit na wala sa pagmamaneho ang utak ko at puno ng luha ang mga mata ko. I want to escape and forget everything even just for tonight, kaya dito muna ako dumiretso ng uwi kaysa sa mansion. I want to get drunk, at kapag sa mansion ko iyon ginawa, tatadtarin ako ng tanong at sermon ni dad. Michelle’s condo is also my hideout. I roamed my eyes at may nakita akong champagne na naka-display lang naman sa glass cabinet ni Michelle. Kinuha ko ito at tinungga sa mismong bote. Napapikit ako ng mariin nang sumayad sa lalamunan ko ang alak. Hindi ako sanay uminom pero alak ang paraan para makalimot ako kahit panandalian lamang. Alam kong sakit lang ng ulo ang mapapala ko sa pag-inom pero ito lang ang naiisip kong paraan para ibsan ang sakit na nararamdaman ko. Alak ang magiging karamay ko ngayong gabi. I turned the lights off. Na para bang natatakot ako na may makakita sa sitwasyon ko ngayon. Tahimik na umiiinom ako sa dilim habang nakaupo sa lapag. Nagkulang ba ako para lokohin niya? Ginawa ko naman lahat para maging mabuting girlfriend sa kanya. Pero nagawa pa rin niya akong lokohin. Willing pa nga akong mag-adjust sa aming dalawa, pero siya may iba na pala. Hindi ba talaga niya kayang makapaghintay? Kaya tumikim siya ng iba. Baka hindi talaga niya ako minahal kaya napakadali para sa kanyang lokohin ako. Sapat ako, hindi lang siya nakuntento. Hindi ako nagkulang, mas inuna lang niya ang tawag ng laman. Kaya hindi ko na siya dapat iyakan pa. Muli kong pinahid ang luhang kuwala sa mata ko at bumuga ng hangin. This will be the last time. The last time na iiyak ako at magpapaloko sa isang lalaki. Ipinapangako ko sa sarili ko na hindi na muling tutulo ang luha ko dahil sa isang lalaking gaya ni Roy. Once is enough. Sapat na ang isang beses para matuto ako, katangahan na kapag naulit pa. Suminghot ako bago muling tumungga ng alak. Tama si Dad, hindi dapat ako maging mahina. Dahil maraming tao ang sasamantahin ang kahinaan ng iba para sa pansariling kaligayahan nila,gaya ni Roy. Paulit-ulit akong tumungga ng alak. Maya-maya pa pakiramdam ko namanhid na ako. Wala na ring luhang punapatak buhat sa aking mga mata. Kumikirot pa rin ang puso ko pero hindi ko na ito iniinda. I am just broken hearted pero hindi pa ito ang katapusan ng mundo. Bukas okay na ako, kaya nga nilalabas ko na lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon, dahil bukas trabaho na ang pagtutuunan ko ng pansin. Bukas kailangan ko nang umakto na okay lang ako. Ipinilig ko ang aking ulo. Pakiramdam ko lumulutang na ako. Sinubukan kong tumayo pero nanlalambot ang mga binti ko. Kaya sa sofa na lang ako nahiga. Lasing na yata ako. Gayong kakaunti pa lang naman ang nainom ko. Ipinikit ko na ang mata ko at handa nang matulog. Hindi ko na kayang maglakad papuntang guestroom kaya dito na lang ako sa sofa matutulog. Namaluktot ako habang nakahiga. May narinig akong click pero hindi ko na pinansin. Mabigat na ang talukap ng aking mga mata. “Babe, why are you sleeping here? Why you turned off the lights?” a baritone voice asked. Naramdaman ko rin ang presinsya nito sa tabi ko, kaya humawak ako sa damit nito. “Let me go. I will just turn the lights on.” Pero hindi ko ito binitiwan, mas lalo pang humigpit ang hawak ko sa damit nito. Nakapikit pa rin ako pero kumunot ang noo ko. Kailan pa naging lalaki ang boses ni Michelle? Saka bakit niya ako tinatawag na babe? Lasing ba siya? “Hmmm...” Naramdaman ko na lang na bigla akong lumutang. Napasiksik pa ako ng husto sa katawan niya. Ang bango. Kailan pa naging amoy mint si Michelle? Saka bakit kayang-kaya niya akong buhatin? Malakas pala siya. Napahagikhik ako sa aking mga naiisip. Inilapag niya ako sa kama pero naupo ako. “You’re drunk.” Umiling ako at itinaas ang dalawa kong mga kamay. “Yes, you are,” giit nito. Napalabi ako. Sabing hindi ako lasing, ang kulit. Pinilit kong imulat ang mga mata ko pero madilim. Wala akong makita. “I c-can’t see y-you.” He chuckled. “ Of course, you can’t see me because the lights are off. You’re drunk. Just sleep.” “W-why y-you... you s-sound so sheksi?” I giggled again. Hindi ko alam pero natatawa talaga ako. “Because I am,” he whispered in my ears. I can feel his hot breath. I touch his chest. Napakunot ako ng noo. Kinapa kong muli pero hindi ko madama ang hinahanap ko. Flat and hard? He is not my best friend! My best friend is a girl and she was blessed in the chest area. This person in front of me is not Michelle. He is a man. I am sure of that now. Tinuro ko siya. “Y-you’re n-not... n-not...” Hinawakan niya ang daliri kong nakaturo sa kanya. “Just sleep.” I shook my head and clung my arms around his neck. I can smell his breath, a mint. I don't know what urges me, but I want to taste his lips. “K-kiss m-me.” And he did. His lips landed on mine. I savor his kisses until his expert hands roam on my body. He kissed every inch of my skin. I can feel the heat. He does the job, while I am just biting my lips and moaning with pleasure. This is heaven. “That... h-hurts..” I can feel a fang of pain between my legs. “I’m sorry. I’ll be gentle, don’t move.” He is breathless. I nodded. He moves again. My fingers dig into his shoulder when he fully enters me. I can feel that something inside me was ripped. A tear escaped from my eyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD