“What?! Paki-ulit nga. Nabingi yata ako.” Kinalikot pa nito ang tenga.
“Hindi ko na uulitin,” nakalabing saad ko habang nakayuko.
Problemado ako dahil sa nangyari, pero hindi ko maiwasang mag-init ang mukha ko tuwing naalala ko iyon.
“Iyong nangyari sa inyo o ’yong sinabi mo?” Muli akong napatingin sa kanya. Malaki ang mga ngisi nito habang malisyosang nakatingin sa akin.
“Margarita!” napipikon nang saad ko.
“Okay, seryoso na. Ibig mong sabihin ang lalaking nagdala sayo sa paraiso kagabi ay ang tatay ng kambal mo?”
“Tinagalog mo lang ang sinabi ko. Saka anong paraiso ang pinagsasabi mo?”
Paraiso? Eh, wala nga akong matandaan sa buong pangyayari.
“Rebecca, my dear. That's destiny. Akalain mo sa dami-daming lalaki sa mundo sa ama pa ng kambal mo ikaw muling sumuko.”
Nag-aalalang napatingin ako sa sala kung nasaan ang kambal dahil sa medyo may kalakasang boses ni Margarita.
“Hinaan mo nga ang boses mo, baka marinig ka ng kambal. And it's not destiny, but stupidity. Sa dinami-rami ng lalaki bakit sa kanya pa?” nanghihinang saad ko.
Ang ibigay ko ang sarili ko sa isang lalaking hindi ko naman karelasyon ay isang pagkakamali na, pero ang may mangyaring muli sa amin ni Dwayne ay talagang mas malaking pagkakamali. Tila sinasaid na ang konsensyang meron ako. Lalo na at matapos ang nangyari kagabi ay muli pa kaming nagkitang muli ni Michelle. Tila pinapaalala ng pagkikita namin kanina ang kasalanang nagawa ko.
Napakalaki ng Pilipinas, napakadaming lalaki, pero bakit siya pa? Hindi ako liberated, pero siguro kung ibang lalaki ang nakasiping ko kagabi hindi masyadong malaki problema ang iniisip ko.
”Teka, kasal na ba siya sa iba kaya problemado ka? Nakipagjerjer ka sa may asawa na ganoon?”
”Hindi. Hindi pa yata, ewan hindi ako sigurado.”
Hindi talaga ako sigurado. Anim na taon na ang nakakalipas kaya maaaring may posibilidad kasal na siya. Sila ni Michelle.
Idagdag pang parehong nandito sa San Antonio sina Michelle at Dwayne, malaki ang posibilidad na magkasama sila tapos may nangyari na naman sa pagitan namin ni Dwayne. Sa ikalawang pagkakataon, nakagawa na naman ako ng malaking pagkakamali na dadalhin ng konsensya ko habang buhay.
“So, hindi ka sure. Kahit kailan hindi ka nagkwento about sa tatay ng kambal tapos biglang boom nasisiid na naman niya ang perlas sa karagatan.”
Minsan talaga hindi ko alam kung seryoso ba siya o hindi dahil sa mga choice of words niya. Minsan ako ang na-iiskandalo sa mga pinagsasabi niya.
“Hindi pa kasi ako handang magkwento noon pero siguro panahon na para malaman mo ang totoo. Hindi ako perpekto gaya ng tingin n'yo sa akin,” pag-amin ko.
Matagal na kaming magkakilala, pero kahit kailan hindi ako nagkwento sa kanya. Hindi rin naman niya tinangkang magtanong kaya wala pa talaga siyang alam tungkol sa akin. Maliban sa nabuntis ako at itinakwil ng aking ama.
“I know. Una sa lahat wala namang perpektong tao. Lahat tayo nagkakamali pero kung ano man ang nagawa nating pagkakamali sa nakaraan natin hindi iyon batayan para masabi na masamang tao na tayo.” Napangiti ako sa sinabi niya. Tumango rin ako bilang pagsang-ayon.
She's really something. Gustong-gusto ko kapag seryoso siya, marami akong natutunan sa kanya. Mga bagay na minsan hindi aasahan ng iba na masasabi ni Margarita.
“I will tell you the truth about me and my past. You are my most trusted friend kaya gusto kong makilala mo ako ng husto. May nagawa akong pagkakamali sa nakaraan ko. Kung husgahan mo man ako, matatanggap ko.” Umirap ito sa sinabi ko.
“Anong husga ang sinasabi mo? Hindi kita huhusgahan. Kung may nagawa ka mang mali sa nakaraan mo, ang mahalaga pinagsisihan mo na iyon. Isa pa hindi rin naman ako perpektong tao para husgahan ka. Kaibigan mo ako, ang role ko intindihan ka hindi ang husgahan ka.”
Tumingala ako upang pigilan ang luhang nais kumawala sa aking mga mata. Sana lahat ng tao gaya ni Margarita. ’Yong iintindihan ka muna at hindi huhusgahan ng basta-basta. Ang swerte ko na naging kaibigan ko siya, kahit madalas may kalaswaan ang bunganga niya. At least totoo at maasahan talaga.
“But I made the biggest mistake in the past, na habang buhay ko ng dadalhin sa konsensya ko,” nahihirapang saad ko.
Isipin pa lang ang nagawa ko ay nakokonsensya talaga ako. Pero kung ano man ang naging bunga ng pagkakamali ko, minahal ko ito. Ang kambal.
“Kung ano man ang nagawa mo, ramdam ko, alam ko hindi mo ginusto. Kaya pwede ba huwag mong pahirapan ang sarili mo. Nagkamali ka, ang mahalaga natuto kana. Sabi nga naitatama ang pagkakamali pero hindi na dapat inuulit.”
“Pero naulit, Marg. Naulit siya, kagabi lang. ’Yong bagay na pilit kong kinakalimutan at iniiwasang mangyaring muli, nangyari na naman,” frustrated na saad ko.
Minsan hindi ko alam kung malas lang ba talaga ako, o sadyang may katangahan akong taglay. Siguro nga tama si Dad, hindi ako matalino gaya ng mga kapatid ko.
“Kung hindi ka pa handang i-kwento ang istorya mo, okay lang sa akin. Hindi naman kita pinipilit.”
“No, I want you to know the truth para rin mailabas ko na rin ang mga bagay na matagal ko nang kinikimkim sa dibdib ko.”
“Okay, I will listen.”
Ngumiti ako dito bago sinimulang alalahanin ang nakaraan.
More than six years ago...
Graduation ko today, pero hindi ako masaya sa kabila ng honor na matatanggap ko mamaya. I am c*m laude but my father is still disappointed. I am just c*m laude; he expected more, a summa c*m laude. Para sa kanya, hindi sapat ang naabot kong honor para maniwala siya sa kakayahan. I am a disappointment for him.
Last night, when I asked him if he could attend my graduation, he didn’t bother to answer. He ignored me, but I am still hoping that he will come.
Sanay na akong binabaliwala niya. Kahit kailan hindi siya dumalo sa mga school events ko mula noong bata pa ako. Palaging si Tita Cordelia ang nandoon para sa akin, kaya lihim kong hinihiling na sana kahit ngayong araw na magtatapos ako, kahit ngayon lang sana sa unang pagkakataon makapunta si Dad. Pero tila malabong mangyari ang hiling ko.
Kanina pa ako tumitingin sa entrance ng hall at nag-aabang sa pagdating niya, pero wala.
“He will not come,” bulong ni ate Sophia buhat sa tabi ko nang mapansin niya na kanina pa ako tumitingin sa paligid, umaasang makikita kahit ang anino ni Dad. Pero si ate na mismo ang kumompirma na hindi ito makakarating.
“But...”
“You knew him. Masyadong mataas ang expectations niya sa lahat, and sadly, para sa kanya, hindi mo naabot ’yon. He wanted us to be on top.”
Lumaglag ang balikat ko dahil sa sinabi niya. Alam ko naman iyon, but this is my biggest day. Hindi ba siya pwedeng umattend na lang bilang ama ko? Mahirap ba talaga ang gusto kong mangyari. Subalit impossible talaga ang nais ko. Loser pa rin ako sa paningin ni Dad because I didn't reach the top and meet his expectations. Hindi magaling at hindi pwedeng ipagmalaki.
Gustong-gusto nang tumulo ng mga luha ko, pero pinipigilan ko. Sayang ang makeup ko at mas lalong ayaw kong mas magmukhang kawawa.
Kinagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko upang hindi pumatak ang mga luha ko.
“Hindi pa ba sapat na kinuha ko ang kursong gusto niya para sa akin?” namamasa ang matang tanong ko. Umiling ito.
“Dad is someone who is hard to please, and you are someone who needs to prove yourself to everyone that you have the right to carry our name. I am against about it, but wala rin akong magagawa, si Dad pa rin ang masusunod.”
Natawa ako ng mapakla. “Ang unfair kasi, I am his daughter, too. Doesn't that give me enough reason to be part of the family?”
Matagal ko ng tanong ang bagay na iyon, pero hanggang ngayon hindi pa rin ako mabigyan ng kasagutan.
”It is enough, you are a Rodrigo, whether they like it or not. Just don’t mind them. If some can’t accept you, I am here, always. Graduation mo, kaya h’wag mo na munang intindihin ang mga bagay na makakasira ng araw mo. Smile, cheer up, okay,” anito at inayos ang hood ko.
Tumango lang ako sa sinabi niya. Nagbabara pa rin kasi ang lalamunan ko dahil sa pinipigilang iyak.
Tumingin ako sa paligid, lahat sila ay masaya. May ilang nagpapa-picture pa, pero heto ako sa isang tabi dinadamdam ang hindi pagdating ni Dad.
I am still thankful kay ate Sophia. Siya iyong unang taong tinanggap ako bilang isang Rodrigo. While others think that I am still an outsider because I am a love child, My perfect father’s mistake. The dirt on his name.
”Tita Cordelia will be here too. May meeting lang siya, but she promised that she will come. And of course, your boyfriend is too sure naman ako na darating siya, kaya ngumiti kana.” Napipilitang ngumiti ako dahil sa sinabi niya.
Tita Cordelia is like a mother to me. Siya na ang nag-alaga sa akin mula nang mamatay ang aking tunay na ina. Nakababatang kapatid siya ni Daddy, may sarili ng pamilya, pero madalas pa rin niya akong dinadalaw noong bata pa ako. Until I grew up, she still took care of me.
The graduation ceremony was done, and my dad didn’t come. A better smile escaped from my lips.
“Hey, darling. I am sorry, I am late." It’s Tita Cordelia. She kissed me on the cheek.
“It’s okay, Tita. I know you are very busy, but I am happy that you'd be able to come.” Nakangiting niyakap ko ito.
Sumenyas naman si Ate Sophia sa amin na may sasagutin lang daw itong tawag habang nakaturo sa cellphone niya. Tumango ako dito bago muling bumaling kay tita Cordelia.
“Of course. It’s your graduation. I want to witness your success.”
“Thanks, ’Ta.”
“Here’s my gift,” nakangiting binigay nito sa akin ang isang maliit na box.
“Thank you, Tita. What’s this?” kunot noong tanong ko habang inaalog ang kahon malapit sa tenga ko. “Jewelry?”
She didn’t answer, but she winked at me.
“Let’s go. I have prepared something to celebrate your graduation. I cooked your favorite adobo,” said Cordelia. Yumakap naman ako sa braso niya.
“I am sorry, Tita, but I can't go with you. Tumawag si Dad, Kailangan daw ako sa opisina,” singit ni ate Sophia na kalalapit lang sa amin.
“It's okay, hija. Sige lang,” ani ni tita Cordelia. Binigyan ko naman ng ngiti at tango lang si ate.
Si dad ang tumawag, kaya alam kong wala siyang choice. Humalik muna siya sa pisngi namin bago nauna nang umalis. Nagmamadali pa ang bawat hakbang nito.
“Iyang ama mo, napakatigas talaga,” nakasimangot na komento ni tita habang naglalakad kami patungo sa kotse niya.
Hindi ako nagsalita, pero mapait akong napangiti. Sanay na ako. Sanay na ako sa ugali ni dad. Alam ko naman na mas may priority pa siya kaysa sa akin, sa amin.
Habang nakasakay kami sa kotse patungo sa bahay ni Tita Cordelia ay biglang nag-beep ang cellphone ko.
‘I am sorry. I can't come. Urgent meeting.’
Iyan ang mensahe mula kay Roy. He is my boyfriend. Boyfriend na pinili para sa akin ni Dad. Lahat naman si Dad ang nasusunod, siya ang may hawak ng takbo ng buhay ko. Mula sa kurso hanggang sa kung sino ang dapat kong maging nobyo, dapat naayon sa kanyang gusto.
Mabait naman si Roy, iyon nga lang madalas wala siyang oras para sa akin dahil abala sa negosyo ng pamilya niya. Naiintindihan ko naman. Wala naman akong choice kundi intindihin sila.
Mapait akong napangiti. Masyado ng late ang mensahe niya, tapos na nga ang programa. Okay lang naman sa akin kung hindi sila makapunta dahil may mas importanteng bagay silang dapat unahin, pero sana sa una pa lang sinabi na nila para hindi ako umasa.
“Okay lang,” pag-aalo ko sa sarili ko at tumingin sa bintana ng kotse bago pasimpleng pinahid ang luhang kumawala sa aking mga mata.
It's already seven in the evening. Matapos kumain sa bahay nina tita Cordelia ay umuwi na rin agad ako. Wala pang tao sa bahay maliban sa mga katulong na abala sa mga gawain nila.
Siguro may dinaluhan na namang event or dinner meeting si Dad, may sariling condo naman na si ate Sophia kaya madalang na siyang umuwi sa mansion habang palagi namang wala si Kuya Lexus. Kaya madalas ako lang talaga ang naiiwan sa bahay kasama ng mga katulong.
Dumiretso ako sa kwarto ko at marahas na ibinagsak ang katawan ko sa kama. Humiga ako habang nakasayad ang mga paa sa sahig. Nakakapagod.
Pipikit na sana ako nang bigla kong maalaala ang regalo sa akin ni tita Cordelia. Dali-dali kong kinuha ang bag ko.
Maliit lang ang kahon, siguro singsing o hikaw ang laman nito. Madalas kasi alahas ang regalong natatanggap ko buhat sa kanya.
Binuksan ko ang kahon ngunit hindi alahas ang laman nito kundi susi. Susi ng kotse. Napasuntok ako sa hangin sa sobrang saya. Excited akong bumaba sa kama at tumakbo papuntang garahe.
Nanlaki ang mata ko sa tuwa habang nakatingin sa sasakyang nasa aking harapan. Isang mamahaling pulang kotse.
Bahagya kong pinadaan ang aking daliri sa ibabaw ng kotse upang damhin ito. Binuksan ko ito, napahinga ako ng malalim habang sinisinghot ang amoy brand new na leather. I sat on the driver's seat at kinalikot ang loob ng kotse.
Matagal ko nang pangarap na magkaroon ng sariling kotse, pero ayaw ni Dad. Sa aming magkakapatid ako lang ang walang sasakyan. Hindi naman sa materialistic ako, pero minsan hindi ko maiwasang mainggit sa mga kapatid ko. Lahat kasi ng gusto nila mabilis na ibinibigay ni Dad, kahit na istrikto rin ito sa kanila. Habang sa akin lagi niyang sinasabi na kung may gusto ako dapat paghirapan ko. May point naman siya, but still, I want him to treat me like how he treated my siblings.
I dialed my aunt's number.
“Thank you so much, ’Tita. Ikaw na talaga ang favorite tita ko,” masayang bungad ko na may halong biro.
“You are welcome, darling. Saka ako lang naman ang tita mo, kaya h'wag mo na akong bolahin. I hope you like it.”
“I love it, ’Ta.” Malaki ang ngiti ko.
This is my dream car. Akala ko matatagalan pa bago ako magkameron nito. Tila nakalimutan ko ang lahat ng sama ng loob ko kanina dahil sa natanggap kong regalo.
Malaki ang mga ngiting bumalik ako sa aking kwarto. I was about to go into the bathroom to clean myself when my phone rang.
Si Michelle ang tumatawag, she is my best friend.
“Congratulation!” sigaw nito sa kabilang linya. Bahagya ko pang-inilayo ang cellphone ko sa tainga ko dahil sa lakas ng boses niya.
“Thank you, Mich.” May tipid na ngiti sa labi ko kahit na hindi niya ako nakikita.
Buti pa ito kahit busy naalala ang graduation ko.
“I am sorry kung hindi kita masasamahan mag-celebrate today. Dapat nagpa-party tayo, but I am still here in Sorsogon for my photoshoot. Don't worry, babawi ako pagbalik ko,” hinging paumanhin nito.
“Okay lang. Naiintindihan ko, alam kong busy ka. Sikat yata ang best friend ko,” pagbibiro ko pa. Pero totoo naman sikat na ito, hindi man sobrang sikat pero madami na itong proyekto, kaya madalas sobrang abala na ito.
“Nagsisimula pa lang ako, ikaw naman advance mag-isip.”
“Come on, Mich. Sure ako, sisikat ka ng higit pa. Ikaw pa, maganda na, matalino pa.” Pagboboast ko sa kanya.
She’s a model and actress, nagsisimula pa lang siya sa industriya, pero marami na agad siyang tagahanga. Kaya alam ko balang-araw mararating niya ang pangarap niyang maging isang tanyag na artista. At nandito lang ako lagi para suportahan siya
“Best friend talaga kita, ang galing mo mambola. Basta babawi ako pagbalik.”
“Dapat lang," natatawang saad ko.
“Promise 'yan. Sige ibaba ko na ito, tawag na ulit ako. Bye.”
Marahas akong napabuga ng hangin nang maibaba ko na ang hawak kong cellphone. She always said, na babawi siya, pero minsan nakakalimutan na niya dahil sa sobrang dami niyang trabaho, pero nauunawaan ko naman siya. Hindi niya hawak ang oras niya at madalas out of town pa siya dahil sa nature ng trabaho niya. Hindi gaya dati na lagi kaming magkasama.
Lahat sila busy, si dad, si Roy, and my best friend, and I have no choice but to understand them. ’Yon naman ang role ko, ang intindihin sila. Kahit na minsan nakakasawa ring umintindi, pero wala akong choice. Ayaw ko naman mag-demand ng isang bagay na alam kong hindi nila maibibigay.
Mabilis lang akong naligo. Balak kong maagang matulog ngayon dahil medyo napagod ako kanina, idagdag pa ang sama ng loob ko lalo na sa nobyo ko na matapos akong i-text na hindi makakapunta dahil may urgent meeting daw ay hindi na ulit tumawag pa.
I know Roy is busy, but can’t he spare a little time for me? Mula nang maging kami, parang kailangan ko pang mamalimos ng time para magkita kami. Hindi naman ako pwedeng mag-complain sa sitwasyon namin dahil ng minsang ginawa ko iyon nagalit pa siya, dahil para sa future raw naman namin ang ginagawa niya. Kaya nanahimik na lang ako.
Ipipikit ko na sana ang mata ko, pero nakarinig ako ng katok.
“Rebecca, hija,” tawag mula sa labas ng kwarto.
Tinatamad na bumangon ako.
“Yes? May kailangan po ba kayo?" tanong ko sa katulong namin na si Nanay Belen.
“Pinapatawag ka ng daddy mo. Nasa study room siya,” pag-iimporma nito.
Tumango ako. “Sige po,” nakangiting tugon ko bago nagtungo sa study room.
Kumatok muna ako bago tuluyang binuksan ang pintuan.
“Ayusin mo ang trabaho mo. Hindi kita pinapasweldo para lang maging sakit ng ulo ko,” galit na saad ni Dad sa kausap nito sa telepono. Matigas din ang ekspresyon ng mukha nito.
Walang imik na naupo ako sa sofa. Agad din naman nitong ibinaba ang tawag at humarap sa akin.
“Go to work tomorrow,” diretsang saad nito at sumandal sa swivel chair nito.
“Can I start on Monday instead? Friday naman na bukas, Dad.” Dumilim ang mukha nito sa sinabi ko.
”And what are you going to do tomorrow? Are you busier than me?” sarcastic na tanong nito.
I am planning to be a good girlfriend tomorrow. Bago sana maging busy na ako at tuluyan na kaming mawalan ng oras sa isa’t isa. Isa ang kailangan mag-adjust sa relasyon namin ni Roy, at ako iyon. Dahil oras na hindi mag-work ang relationship namin bagong disappointment na naman iyon kay dad.
“No, dad. Pero hindi ba pwedeng huminga muna ako bago magsimulang magtrabaho. Kaga-graduate ko pa lang today, isa pa I need to prepare first,” depensa ko. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang talagang nais ko. Dahil sigurado akong mas iinit ang ulo niya sa akin.
“Prepare for what? Why don’t you just be happy na may trabaho ka agad hindi gaya ng iba na kailangang pang mag-apply. You already have the privilege, h’wag mong abusuhin.” Tumataas na ang boses niya habang nagsasalita.
Kaga-graduate ko lang, pero sasabak na ako sa trabaho. Okay lang naman sana dahil matagal na niya akong tini-train, pero sana bigyan n'ya muna ako ng time mag-adjust.
“Dad, you don’t get me. Hindi ko naman tatakbuhan ang trabahong binibigay mo pero hindi ba pwedeng magka-free day muna ako. Three days lang naman ang hinihingi ko,” paliwanag ko. Hindi naman siguro mabigat ang hinihingi ko.
“You are really a disappointment.” Umiling-iling ito habang nakatingin sa akin.
Ngumiti ako ng pilit.
“I am sorry if I didn’t meet your expectations. Pasensya kana kung hindi ako kasing galing nina ate at kuya,” naluluhang saad ko.
Masakit pala kapag harap-harapang sinasabi sayo ang mga salitang iyon. Disappointment. Gan’yan naman lagi ang tingin niya sa akin.
“H’wag mo akong dramahan Rebecca. This is for your own good. You are still nothing, that’s why you need to work hard.”
Parang tinarak ng libo-libong kutsilyo ang dibdib ko sa sinabi niya. Kailan ba niya ma-a-appreciate ang mga efforts ko? Sinunod ko naman ang lahat ng gusto niya. Bakit laging kulang pa?
“I am already working hard, dad,” may bara sa lalamunang saad ko.
“Work harder.” Tumayo ito. “ I am not hard on you, I just want you to learn that everything is not easy. You will soon run a business, and in the business world, weaklings never win.”
Nakayuko lang ako upang itago ang luhang pumapatak sa aking mga mata. Mahina ako, ’yon ang tingin niya sa akin at maging ng mga taong nasa paligid ko. Para sa kanila extra burden lang ako, kahit na ginawa ko naman na ang lahat para patunayan ang sarili ko.
Tuluyan nang lumaglag ang luha sa aking mga mata. Ngunit hindi na ito nakita ng aking ama dahil tumalikod na ito upang magtungo sa pinto.
Bago ito tuluyang lumabas ay may mga kataga itong binitiwan na nakapagpangiti sa akin.
“Congratulation on your graduation.”