DWAYNE
The constant knock on the door and the ringing of my phone woke me up. I open my eyes lazily and look at my phone. Cohen's calling. This is the first time I've had a good night's sleep in a long time, but it was disrupted by him.
I get up on the bed, irritably. When I looked around, I noticed my clothes on the floor. What happened last night flashes in my mind.
I move my gaze around the room. Someone has fled, but she will not be able to hide from me. I can't stop smiling.
I put on my boxers and opened the door. This is Cohen. He hung up on the call, which I didn't even bother answering, and put his phone in his pocket.
"Bro, it's already nine o'clock in the morning. Remember, you need to go back to Manila to meet with a new investor," he said as he entered my room. He looked at me after noticing my unkempt bed and my clothes, which were still strewn across the floor. "Oh, you seemed to have partied with someone last night."
He gave me a sly grin, but I just smirked.
""Where is she now? Already gone? Did she run away? ” He has a lot of questions.
As an answer, I shrugged and went to the bathroom to freshen up before returning to Manila.
I'm experiencing back pain, and I checked in the mirror to see what's causing it. I noticed a few long scratches. It’s her fingernails that cause it. The girl from the night before.
"I need you to find her," I explained before starting my car.
Cohen gave me a nod.
REBECCA
“Ninang!” masayang saad ni Cupid nang makita nito si Margarita sa sala ng bahay namin pagka-uwi namin galing mall.
Tila inip na inip na si Margarita sa pagkakaupo nito, pero umaliwalas ang mukha nang makita kami.
“Kupido, the baby wearing a diaper,” ganting bungad naman ni Margarita habang nakangiti na ng todo at nakabukas ang dalawang kamay upang salubungin ng yakap ang biglang napahintong si Cupid.
“Ninang, hindi na ako nagda-diaper. Big boy na ako 'di ba?” nakasimangot na saad ni Cupid.
“She is just messing with you, Cupid,” singit ni Eros. Lumapit ito kay Margarita upang humalik sa pisngi nito bago seryosong naupo sa sofa.
Naupo naman ako sa pang-isahang sofa at inilapag sa center table ang dala kong paper bag.
Masakit pa rin ang ulo ko dahil sa hangover ko kagabi, pero hindi ko pwedeng ipahalata lalo na sa kambal. Kaya tinitiis ko na lang. Mas mag-aalala sila, isa pa tatanuningin nila ulit ako about last night.
Pasimple kong hinihilot ang sintido ko habang nanonood lang sa kanila. Hindi talaga ako sanay uminom, pero mukhang naparami ang nainom ko kagabi na pati nangyari ay hindi ko na maalaala.
“Eros don't buking-buking ninang, okay?” Nakalabing muling bumaling si Margarita kay Cupid nang hindi man lang ito tinapunan ng tingin ni Eros. Tutok na ang huli sa hawak nitong libro. “Yes, big boy kana pero ikaw pa rin ang cute baby boy ni Ninang.” Niyakap ito ni Margarita at pinanggigilan. Tumatawa naman si Cupid habang pilit namang kumawala sa yakap ng ninang nito.
“She is saying something ironic, Cupid. Don't be fooled by her,” seryosong singit ulit ni Eros. Sabay-sabay kaming napatingin sa kanya ngunit tila wala itong pakialam sa paligid at muling nagbuklat ng bagong libro na binili namin kanina.
“I am not. I just play along with ninang para hindi siya sad. Kasi ’di ba dapat kahit hindi funny we should laugh to elders joke as a sign of respect?” inosenteng saad ni Cupid habang nakatingin sa kapatid nito.
Nanlaki naman ang mata ni Margarita sa sinabi ni Cupid. Tila hindi ito makapaniwala sa mga binitiwang salita ng kambal. Minsan talaga hindi ko mapigilan ang bibig ng anak ko. Medyo nagiging matalas ito kapag masyado siyang nagiging honest.
Lumapit si Cupid kay Eros at naupo sa katabi nito.
Bumaling sa akin si Margarita habang itinuturo pa ang sarili. “Did they just mock me?”
May pagka-exaggerated pa ang expression nito, kaya bahagya akong natawa.
“Nope. They are just too smart,” balewalang saad ko.
“Naloloka ako sa kambal mo. ’Yong isa matabil ang dila samantalang ’yong isa masyadong matalas. Sure ka bang anim na taon pa lang ang mga iyan?”
Nagkibit balikat lang ako bilang sagot.
“Hindi sa’yo nagmana si Eros at Cupid. Talino pa lang nila halatang-halata na.”
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. “Sinasabi mo bang hindi ako matalino?”
Bahagya itong ngumiti tapos ay nag-peace sign sa akin. “Matalino ka naman pero genius naman ang mga anak mo. Ang hirap utuin, lalo na si Eros parang fifty years old kung mag-isip.”
Because Eros is his exact copy, while Cupid is our combination.
Hindi na lang ako umimik at iniabot sa kan’ya ang hawak kong paper bag. Laman noon ang bagay na matagal na nitong gustong bilhin ngunit nagtitipid ito, kaya hanggang ngayon hindi pa rin nito nabibili.
“Wow, best friend boss ka talaga,” kumikinang ang mga matang saad nito habang hawak-hawak ang bag na binili niya para dito. “Ang mahal nito. Salamat!”
“Alam kong matagal mo ng gusto 'yan kaso nagtitipid ka ng husto.”
Sa kabila ng dami ng raket nito minsan kinakapos pa rin ito, kaya madalas hindi nabibili ang gusto. Minsan nga pakiramdam ko nakakalimutan na nito ang sarili dahil busy itong buhayin ang pamilya nito.
“The best ka talaga.” Binigyan pa ako nito ng dalawang thumbs up habang nakangiti ng todo.
Kumindat lang naman ako dito at tumayo sa kinauupuan ko upang magtungo sa kusina upang uminom. Nanunuyo kasi ang lalamunan ko.
Sumunod naman sa akin si Margarita habang naiwan ang kambal sa sala na may mga sarili ng mundo. Si Eros na nagbabasa ng animal book nito habang nanonood naman ng cartoon si Cupid habang yakap-yakap ang bagong laruan nito.
“Oh.” Binigay sa akin ni Margarita ang susi ng kotse ko.
“Salamat.”
“Sa parking lot ng mismong bar na pinuntahan natin kagabi ko nahanap ang kotse mo. Bakit mo ba kasi naiwan? Anong nangyari? Malaking palaisipan sa akin ang lahat,” puno ng kuryosidad na tanong nito habang sinusundan ako ng tingin.
“Mahabang kwento.” Inilapag ko ang basong pinag-inuman ko.
“Willing akong makinig kahit gaano pa kahaba 'yang kwento mo. Kulang na lang tubuan ako ng ugat sa pagkakaupo ko sa sala, ang tagal kong naghintay sa inyo para masagap ang tsismis mo,” may halong birong saad nito.
Kumuha ito ng mansanas na nasa center ng dining table at marahas na kumagat.
“Now explain. I need an explanation. I need an acc—”
“Umayos ka. H’wag kang overreacting d’yan,” putol ko sa drama niya.
“Wow, ako pa ang oa ngayon. Hoy, alam mo bang kinabahan ako nang malaman ko na hindi ka pala nakauwi kagabi. Akala ko iniwan mo na ako kagabi kasi kahit saang sulok ng bar hindi kita makita. Mas sumakit ang ulo ko sa kakahanap ko sayo kaysa sa mga alak na nainom ko. Ano bang nangyari? Bakit bigla kang nawala? Saan ka nagpunta? Ano hindi ka magsasalita? Hindi ka ba magpapaliwanag man lang?” walang prenong saad nito. Bahagya pa nitong niyugyog ang balikat ko.
Inalis ko ang pagkakahawak niya sa balikat ko. Lalong sumasakit ang ulo ko sa dami niyang tanong pero hindi ko naman siya masisi dahil unang beses itong nangyari.
“Paano ako magsasalita? Hindi mo naman ako binigyan ng pagkakataong ibuka ang bibig ko. Isa-isa lang pwede?”
Umupo ako, mabilis naman itong sumunod sa akin at naupo rin sa tabi ko.
“Kasi naman sa mahigit anim na taon nating pagkakakilala ngayon lang ito nangyari.”
“Dahil kagabi lang naman tayo nagbar,” pamimilosopo ko.
Pinanlakihan naman ako ng mata nito. “H'wag kang pilosopo. Kilala kita, ikaw 'yong tipong aligaga lagi umuwi dahil naghihintay sayo ang kambal. Kagabi nga gusto mo hanggang eleven lang tayo. Pangalawa, hindi mo iiwan ang kotse mo ng basta-basta na lang. Kaya sigurado ako, something happened,” paliwanag nito at nagdududa akong tiningnan kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.
She's right, something happened. May nangyari na hindi dapat. Ang malala pa nito, hindi ko maalaala ang eksaktong nangyari. Nangangapa ako. Ang mga marka sa dibdib ko at nararamdaman ko lang ang palatandaan ko sa naganap kagabi, pero maliban doon wala na akong alam sa mga naganap.
Pinukpok ni Margarita ang lamesa nang hindi ako magsalita.
“Nanahimik ka. Ano ba kasing nangyari? Pakiramdam ko kasi ako ang may kasalanan kung bakit hindi ka nakauwi kagabi dahil ako ang nagyaya sayong lumabas tayo. Wala namang nangyaring masama sayo ’di ba?”
Tiningnan ko lang muna ito. Hindi ko kasi alam kung saan ko sisimulan i-kwento ang lahat. Lalo na at hindi ko naman maalaala ang buong pangyayari.
“Huwag mo akong tingnan lang. Wala namang nangyari masama kagabi, ’di ba? ’Di ba?”
Balak na naman nitong hawakan ang balikat ko upang yugyogin, pero umiwas ako. Sumasakit ang ulo ko lalo sa ginagawa niya.
“Walang nangyaring masama,” pag-a-assure ko dito. Nakahinga naman ito ng maluwag sa sinabi ko. ”Walang nangyaring masama sa akin, pero may nangyari.”
Nanlaki ang mata nito sa sinabi ko.
“Rebecca?! H'wag mo akong binibitin. May nangyari bang masama or something kakaiba? Ano?” Aligaga na ito sa kinauupuan.
“Something happened.”
“And?”
Napabuga ako ng hangin. “And that should not happen.”
Napatampal ito sa noo. “Goodness, Rebecca. Magkwento ka ng buo. H'wag putol-putol. Nakakaloka ka, maryosep.”
“One-night stand,” mabilis na saad ko kulang na lang ay hindi bumuka ang bibig ko.
Lumuwa ang mata nito sa sinabi ko. Napatakip pa ito ng kamay sa bibig nito.
Tumili ito ng walang boses na lumalabas sa bibig nito. Para nga itong baliw na bahagya pang nangisay sa kinakaupuan nito. Kulang na lang magtatalon ito sa tuwa.
“OMG?!” Hindi na ako nakaiwas nang muli nitong hinawakan ang balikat ko at niyugyog ng malakas. “Finally, after more than six years, nadiligan kana ulit. Tagtuyot is over. The flower will bloom again.”
Napasimangot ako sa sinabi nito. Akala ko ba concern siya sa akin, pero bakit mukhang nadiwang pa siya sa nalaman niya.
Pinagsaklop nito ang mga kamay at tumingin pa sa itaas. Kumikislap ang mata nito at tila kinikilig pa sa narinig. Masaya siya sa katangahan ko.
“Iyan talaga ang reaksyon mo? Akala ko ba nag-aalala ka sa akin kanina bakit mukhang masaya ka pa sa nangyari sa'kin? Kaibigan ba talaga kita?” panunumbat ko.
Kapag naalala kong may nagawa na naman akong pagkakamali kagabi kinakain ng guilt ang puso ko. Tinakasan ko ang unang pagkakamaling nagawa ko, pero instead na makalimot nadagdagan pa ito.
“S'yempre kaibigan mo ako, maliban sa boss din kita. Kaya nga masaya ako na may dayuhang sumakop sa iyong bataan kagabi. Pero mukhang may problema. Maliit ba? Hindi ba magaling? Nabitin ka ba? Ano?”
Tumirik ang mata ko sa mga tanong niya. Napabuntong hininga rin ako ng malakas.
Mas sumasakit ang ulo ko sa mga tanong ni Margarita.
“Margarita, nakipag-one-night stand ako. Isang bagay na hindi dapat nangyari,” may diin ang bawat salitang binitiwan ko. Nais kong ipa-intindi sa kanya na hindi ako masaya sa nangyari.
“Pero nangyari na. Saka single ka naman kaya siguro wala namang masama sa nangyari. Minsan talaga nagkakamali tayo pero kung wala naman tayong inaapakang ibang tao wala tayong dapat ipag-alala. Alam kong conservative ka pero nangyari na, eh. Wala ka nang magagawa kundi kalimutan na lang.” Bigla itong nag-seryoso.
Tama ito nangyari na, pero ang kalimutan ang nangyari parang imposible yata. Napaka-imposible.
Kulang na lang walang lumabas na boses ng magsalita ako, “Margarita, I had a one-night stand with the father of my twins.”
Biglang lumaglag ang mga panga nito dahil sa sinabi ko.