Pagkapasok ko sa kwarto ay agad kong tinawagang muli si Margarita.
Mabilis namang sumagot ang huli.
“Hello, hindi pa ako tapos magsalita kanina pinagbabaan mo na ako,” bungad agad nito. Tila nayayamot sa ginawa niyang biglaang pagbaba ng tawag kanina.
“I need you to find my car,” walang paligoy-ligoy na pahayag ko.
“Huh? Bakit? Hindi mo ba sinakyan iyon pauwi kagabi?”
“No. Something happened last night.”
“Ano? H'wag mo nga akong binibitin,” reklamo nito sa kabilang linya.
“Hindi ako nakauwi. Basta mahabang kwento. Sa ngayon dadalhin ko muna ang kambal sa mall para bumawi dahil mukhang nagtatampo sila,” paliwanag ko kay Margarita.
“Teka, isa-isa nga lang. Hindi ka nakauwi? Kung ganoon saan ka nagpunta? Ano ba talaga ang nangyari pinapakaba mo ako, babae,” sunod- sunod na tanong nito, halata sa boses nito ang pagka-inip at pag-aalala.
“Hanapin mo muna ang ang kotse ko. Baka nasa bar. Ewan, hindi ako sigurado. Basta, iiwan ko kay Nerma ang susi, ikaw na ang bahala. Saka na ako magkukwento sayo, kailangan ko munang maligo." Pakiramdam ko nanlalagkit na ako. Inamoy ko ang sarili ko, may halong amoy alak at mint ako. Nalukot ang ilong ko sa pinaghalong amoy.
“Siguraduhin mo lang na talagang magku-kwento ka. Sabado ngayon pero marami pa rin tayong customer pero inuutusan mo ako,” may pagmamaktol sa boses nito pero alam niyang nagbibiro lang ito. “Kunsabagay, boss nga rin pala kita."
“H'wag kana magdrama. Bibili rin ako ng gift mo, nakalimutan ko kasing bumili noong isang araw.”
“Oh, sige. Magpapaalam lang ako kay Anji." Tukoy nito sa receptionist ng botique. "Bibilisan ko, basta ’yung regalo ko h'wag mong kalimutan. Bye!” Ito na ang tumapos at nagbaba ng tawag.
Naiiling na nagtungo na lamang ako sa bathroom upang magligo.
Napatulala ako sa repliksyon ko nang makita ko ang dibdib ko na puno ng mapupulang marka ng mahubad ko na ang lahat ng saplot ko sa katawan. Hindi mapigilang mag-init ng aking mga pisngi.
Dali-dali akong tumapat sa shower. Inaasahang mabubura ng tubig na dumadaloy rito ang nangyari ng nakaraang gabi. Ngunit kahit wala akong maalaala may naiwan namang ebidensya sa katawan ko. Mariin kong kinuskos ang bawat parte ng katawan ko na tila b mabubura noon ang bakas ng nangyari ng nakaraang gabi.
Bakit ba sa tuwing may gagawin akong kagagahan sa buhay kailangan sangkot palagi si Dwayne?
Dalawang beses. Dalawang beses na akong nakagawa ang malaking katangahan kasama ang lalaking hindi niya inaasahan.
Mabilis akong nagbihis matapos magligo. Dahil alam kong kukulitin na naman ako ng kambal kapag natagalan.
“Mommy, nasan ang car natin?” tanong ni Cupid ng lumabas kami ng tarangkahan at mapansin nitong wala ang sasakyan.
“Hiniram kasi ng tita Margarita n'yo pero isasauli rin naman niya mamaya. Kaya magta-taxi na lang muna tayo,” pagsisinungaling ko. Tila dumadami na ang listahan ng kasalanan ko. Baka hindi na ako tanggapin sa langit sa dami ng kasinungalingan ko.
Mabilis naman kaming nakasakay at nakarating sa pinakamalapit na mall. Nag-iisang mall ito sa San Antonio na pagmamay-ari ng mga Deocrasis.
“Cupid, don’t run,” saway ko kay Cupid nang bigla itong tumakbo habang nanatili namang tahimik sa tabi ko si Eros.
Nasa loob kami ng department store. Nasa kids clothes section sila ng tumakbo si Cupid papunta sa toys section, kaya napasunod na lang kami ni Eros. May kakulitan pa namang taglay si Cupid, kaya mas kailangan ko itong bantayan at baka mawala rin ito. Maliit lang ang mall na kinaroroonan namin, pero mahirap nang malingat.
Pagkatapos naming mamili ng mga laruan ay tumungo naman kami sa book store upang bumili ng librong gusto ni Eros.
“Baby Eros, you already had a lot of books in our house," saad ni Cupid habang nakikitingin din sa mga libro.
“Stop calling me baby,” nakasimangot na saad naman ng kakambal nito.
“But you are my baby, and I am your older brother," makulit na komento ni Cupid na lalong ikinasama ng tingin ni Eros dito.
“I am not your baby, I am mommy's baby," ani ni Eros at kumuha ng libro tungkol sa mga hayop.
“Wow, animals book,” tuwang-tuwang saad ni Cupid pumalakpak pa ito.
Pinapanood ko lang naman ang mga ito. Sanay na siya sa minsan ay asaran ng dalawa. At mas lalong sanay na ako magmukhang parang alalay ng dalawa, dahil madalas kapag namimili kami hinahayaan ko silang mamili ng gusto nila. Hindi naman sila magastos, kuntento na sila sa isang bagay na bibilhin, kaya hindi ako namomroblema.
“Yes, I love animals, that’s why I love you,” seryosong saad ni Eros at nauna nang lumakad papunta sa counter.
“Mommy, he’s bad,” naka-pout na sumbong sa akin ni Cupid. Nagpapaawa ang mukha nito sa kanya.
Bahagya kong ginulo ang buhok nito. “Inaasar mo kasi."
“Because he is always pikon,” anito at humagikhik.
Matapos naming magbayad sa biniling libro ni Eros ay nagtungo naman kami sa isang store para bumili ng regalo ko kay Margarita. Habang namimili ako ng bag ay bigla na namang tumakbo si Cupid habang yakap-yakap ang bagong transformer na laruan nito.
Sinundan ko na naman ito habang hawak niya sa kamay si Eros.
“Cupid, I said don’t run!” saway ko rito.
Lumingon sa akin si Cupid habang tumatakbo pa rin. Kaya nabangga ito sa nakasalubong pero nagsiklab sa galit ang nadarama ko nang itulak pa ito dahilan para matumba ang bata.
Dali-dali naman akong lumapit kay Cupid at tinulungan itong tumayo.
Hinimas ko ang mga binti nitong nasaktan. “Are you okay?” nag-aalalang tanong dito.
Tumango naman si Cupid kahit na namamasa-masa ang mga mata nito halatang pinipigilang umiyak.
“You witch! Why did you push my brother?” biglang sikmat naman ni Eros sa nakabangga ni Cupid.
“Eros, stop it,” saway ko.
Galit ako sa babaeng nakabangga ng anak, pero ayaw ko namang maging bastos ang kambal.
Hinawakan ko sa magkabilang kamay ang kambal bago tumayo at hinarap ang babae ngunit parang na-estatwa ako ng makita ang mukha nito.
Ano ang ginagawa nito sa San Antonio? Bakit tila lahat ng taong parte ng nakaraan ko ay sabay-sabay na bumabalik?
Masaya akong makita itong muli ngunit mas nangibabaw ang takot na aking nadama o mas tamang sabihin nakokonsensya pa rin ako. Baka nga habang buhay ko nang dalhin ang guilt na nadamarama ko.
My best friend is now in front of me. Hindi ko alam kung ano ba dapat at tamang maging reaksyon ko sa muling pagkikita namin.
“Parang nagulat ka yata,” komento ng babae nang matigilan ako.
“Michelle...”
Biglang nablangko ang utak ko. Hindi ko alam kung magagalit sa babae dahil sa ginawa nitong pagtulak sa anak ko o lalayo na lang para umiwas dahil hanggang ngayon puno pa rin ng guilt ang puso ko dahil sa nagawa ko noon dito. Kasalanang nagbunga at kailanman ay hindi ko matatakasan, pero hangga't kaya kong itago ay gagawin ko.
“The one and only. Ang tagal mong nawala dahil ba sa kanila?” mapanuyang tanong nito habang tinitingnan ang mga anak ko. “Nabuntis ka? Tapos hindi pinanagutan? Tama ba ako? Kaya bigla kang naglaho. Hindi ko alam na may kalandian ka din palang taglay, akala ko pa naman santo ka. Mali pala ako.”
Masakit ang bawat salitang binitawan nito, pero ayaw ko ng gulo lalo na sa harap ng mga anak ko.
Hindi ako malandi, hindi ko lang sinasadyang magkamali.
“Pasensya na pero sana hindi mo itinulak ’yong bata, hindi naman niya sinasadyang mabangga ka," tugon ko na binabaliwala ang mga pasaring niya. Hindi ko siya papatulan dahil alam kong may kasalanan ako sa kanya, pero wala pa rin siyang karapatan na pagsalitaan ako ng ganoon. Wala siyang alam sa totoong nangyari at wala na akong balak pang ipaalam sa kanya baka kamuhian pa niya ako lalo.
“Dapat kasi hindi ka pabayang ina. Alam mo ng matao dito sa mall, pero hinayaan mong tumakbo ’yang anak mo," paninisi pa nito sa akin. Alam kong may kasalanan ako, pero hindi naman na nito kailangang itulak pa ang bata. Masyado naman yata itong marahas.
Nagbago na ito. Hindi na ito ang Michelle na nakilala ko. Masyado ng magaspang ang ugali nito ngayon.
“Hindi ako pabayang ina. Wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganyan. Bakit ba gan’yan ka kung makapagsalita? Nawala lang ako ng mahigit anim na taon pero naging malala na yata ang pagiging magaspang ng ugali mo.” Hindi ko na mapigilang sagutin ito. Kapag anak ko na ang pinag-uusapan, wala akong uurungang laban.
“Ikaw na rin ang nagsabi mahigit anim na taon kang nawala. Kaya marami nang nagbago pero ang malas ko yata kasi nakita pa ulit kita.” May galit sa tinig nito. Mapait din itong nakangiti sa akin na para bang naasar sa nangyayari ngayon.
Hindi ito masaya na makita akong muli. Habang ako inaasam na sana magkita kaming muli kahit na may takot at kaba sa puso nimko kapag nangyari iyon, pero ngayon pinagsisihan ko ng minsan hiniling ko ang bagay na iyon.
“Pasensya kana, h'wag kang mag-alala. Aksidente lang ang pagkikita natin ngayon at kahit ako hindi ko na rin hahangarin mag-krus pa ang landas natin.” Nasasaktan ako sa mga sinasabi ko ngayon pero kung ayaw na niya akong makita pang muli hindi ko na ipipilit pa. Siguro mas mabuti na rin iyon para mabawasan ang guilt na nararamdaman ko.
“Mabuti dahil ng mawala kang parang bula mahigit anim na taon na ang nakakaraan. Kinalimutan ko na rin ang pinagsamahan nating dalawa," anito. Parang tinatarak ng kutsilyo ang puso ko sa mga katagang binibitawan nito. Masakit.
Tila ba balewala rito ang pagkakaibigan nila. Kungsabagay ako naman ang may kasalan kung bakit nasira iyon. Dahil sa kasalanang nagawa ko.
Bumaling ito sa mga anak ko. “Be careful next time, kiddo.”
Nagtago naman sa likuran ko si Cupid na tila natatakot dito.
“Pasensya na. Pero sana huwag mo na lang basta-basta itutulak ang nakakabangga sayo lalo na kung bata.”
Michelle rolled her eyes. “Huwag mo akong turuan ng dapat kung gawin.”
Base sa reaksyon nito nagsasayang lang ako ng oras at laway sa pakikipag-usap dito.
Isa pa madami na ang napapatinging mga sa gawi namin, kaya iiwas na lamang ako.
“Mauna na kami,” paalam ko kay Michelle, pero pinigilan bigla nitong hinawakan ang braso ko ng akma na akong tatalikod.
“No. Wala kang karapatang talikuran ako. Ako dapat ang magwo-walk out, hindi kayo. Bye,” saad nito at mabilis nang tumalikod at naglakad palayo sa amin.
“Mommy, she's scary,” saad ni Cupid nang makalayo na ng tuluyan si Michelle.
“Nope, she’s weird,” kontra ni Eros na nakakunot pa ang noo habang tinatanaw ang lugar na tinungo ni Michelle.
“Don’t mind her, guys. She's just angry, but she's actually nice,” saad ko sa kambal at binigyan ang mga ito ng matatamis na ngiti.
Siguro nga may hindi kami pagkakaunawaan ni Michelle base sa naging sagutan namin, pero ayaw kong mag-isip ang mga anak ng masama laban dito.
“Do you know her, mom?” Cupid asked.
“Yeah. She’s my best friend.”
“But why is she angry?”
“It's a long story, Cupid. Saka na iku-kwento ni mommy. Saka 'di ba sinabi ko sayo na huwag kang tatakbo?" Pag-iiba ko ng usapan.
“Sorry, Mommy. Sorry for making you worried,” malambing na saad nito at yumakap sa beywang ko.
Napangiti naman ako sa inasal nito.
“Basta next time, don’t run, okay?” Tumango naman ito bilang sagot.
“Are you really okay?” bigla namang tanong ni Eros dito habang tinitingnan ang mukha ng kapatid na nakasubsob sa beywang ko.
“Yes, I am a big guy na. Big guy, don’t cry na daw sabi ni Ninang Margarita,” sagot ni Cupid dito.
Bahagya kong ginulo ang mga buhok ng kambal.
“Let us buy a gift for Ninang Margarita. Then we will eat at your favorite fast food restaurant.”
“Okay, mom.”
“Yehey!”