Kabanata 2

1687 Words
I woke up with massive headaches. Parang minamartilyo ang ulo ko sa sobrang sakit. Ilang segundo ko munang itinuon ang tingin sa kisame bago ko inilibot ang aking mga mata sa paligid. Bigla akong napakunot ng noo nang mapansing iba ang desinyo ng paligid. Hindi ito ang kwarto ko, wala ako sa sariling kwarto ko dahil wala ang litrato ng kambal sa lamesa kalapit ng kama ko. Inilibot ko ang tingin sa buong paligid ngunit tuluyang nanlaki ang mata ko nang magawi ang tingin ko sa lalaking mahimbing na natutulog sa aking tabi. Nakatagilid ito, habang nakaharap sa gawi ko. Lantad din sa mga mata ko ang malapad na likod nito dahil wala itong damit pang- itaas. Napatingin ako sa mukha nito. He’s handsome. Para itong anghel na payapang natutulog. Pero hindi iyon ang ikinabahala ko. I know him. Tuluyan ng kumabog ang dibdib ko. Parang gusto kong maglaho o kaya bumuka na lang sana ang kinahihigaan ko at lamunin ako. Kilala ko ang lalaking nasa tabi ko. Kilalang-kilalang. Ang taong hinihiling kong sana ay hindi na muling makasalubong pa sa daan. Ang kahuli-hulihang lalaking gusto kong makitang muli. Dwayne Miguel Ventura, my best friend's boyfriend more than six years ago. Hindi ko alam kung ang dalawa pa rin hanggang ngayon dahil matagal na panahon na akong walang balita sa lahat, pero ang magising na katabi ito ay isang pagkakamali. Napakalaking pagkakamali. Sa dami ng lalaki sa mundo, bakit laging siya pa? Napahilamos ako ng mga kamay sa mukha ng wala sa oras at nang itaas ko ang puting kumot at tingnan ang mga katawan namin. Gusto kong sabunutan ang sarili ko nang makumpirma ang hinala ko. Wala kaming suot na kahit anong saplot, hindi ko maiwasang mapasinghap. Gusto niyang batukan ang sarili. Nakagawa na naman siya ng isang kamalian. Kinakabahan ako ng todo. Parang gustong lumabas ng puso ko sa dibdib ko sa sobrang lakas ng t***k nito. Parang gusto ko na lang ipukpok ang ulo ko sa dinding upang makalimot. Maingat ngunit mabilis akong bumangon at nagbihis hindi ko na alintana ang pumipintig na litid sa aking ulo. Kailangan ko munang makalabas sa kwartong kinaroroonan namin bago pa man magising si Dwayne. Nagkalat pa ang mga damit namin sa sahig. Nahirapan pa akong hanapin ang isang pares ng sandals ko na nakita ko sa may center table. Hindi ko alam pero parang dinaanan ng bagyo ang buong kwarto. Nagkalat ang mga unan sahig at kung saan saan niya nakuha ang mga damit niya. Matapos magbihis ay mabilis ngunit may pag-iingat akong lumabas ng pinto. Binigyan ko pa ng huling tingin ang lalaking natutulog pa rin bago tuluyang isinara ang pintuan. Nakahinga ako ng maluwag bago napatingin sa relong pambisig. Six-thirty na ng umaga. Muli ay nanlaki ang aking mga mata ng maalaala ang kambal. Patakbo kong tinungo ang elevator. Kailangan kong makauwi agad sa bahay bago pa man magising ang kambal ngunit kadalasan alas sais ay gising na ang mga ito. Kaya mas lalong siyang nababahala. Tinawagan ko si Margaret nang makasakay na ako sa elevator pababa. Nakailang ring pa bago ito sumagot. “Hello,” inaantok na sagot ng kaibigan niya. “Hello, where are you?” tanong ko agad. “Ikaw ang dapat kong tinatanong niyan. Asan ka? Alam mo bang mas nahilo ako sa kakahanap sayo kaysa sa mga alak na nainom ko. Saan ka ba pumunta at bigla kang nawala?” pagbubunganga agad nito, bahagya ko pang inilayo sa tenga ang cellphone dahil kulang na lang ay sumigaw si Margarita buhat sa kabilang linya. “I'll explain to you later. Bye,” putol ko agad sa usapan namin at ibinaba ang tawag. Parang minamartilyo pa ang ulo ko. Hindi pa nagsi-sink in sa akin ang lahat ng katangahang nagawa ko kaya iiwasan ko muna ang sermon mula kay Margarita. Nang makalabas ako sa hotel, hindi ko pa alam kung saan sasakay dahil hindi ko alam kung nasaan ba ang kotse ko. Kaya nagtaksi na lang ako upang mas mabilis na makauwi. Saka ko na po-problemahin ang kotse, mahalaga makauwi muna ako sa mga anak ko dahil sigurado akong nag-aalala na ang mga ito ng husto. Hindi ko alam kung ano ang uunahing isipin. Ang katangahang nagawa ko na naman o ang mga tanong na sasalubong sa akin dahil inumaga na akong umuwi. Kilala ko ang mga anak ko, hindi ako tatantanan ng mga ito hangga't hindi ako nagpapaliwanag at ano ang sasabihin ko? Na natulog ako kasama ang lalaking hindi ko na dapat makita pa. Napakalaki ko talagang gaga. Habang nakasakay sa taxi pauwi pilit kong inaalala ang nangyari ng nakaraang gabi. Ngunit wala akong maalala, sumasakit lang ang ulo ko. Ang natatandaan ko lang ay umiinom ako sa isang tabi habang binabantayan si Margarita na nagsasayaw sa gitna ng dance floor. Hanggang doon lang ang naalala ko. Tapos tila black out na. Wala na akong maalaala. Ilang beses kong tinuktok ang ulo ko ngunit napa-aray ako ng may maliit pero matigas na bagay na tumama dito. Napatingin ako sa kanang kamay ko. Kulang na kang lumuwa ang mga mata ko nang makita ang singsing na nakasuot sa right ring finger ko. Saan nanggaling ang singsing na suot niya? Wala akong matandaan na may suot na singsing ng nakaraang gabi at lalong wala akong pag-aaring singsing na mukhang mamahalin base sa mga batong nakapalibot dito. It looks expensive. Unang tingin pa lang, alam ko nang hindi biro ang halaga nito. Simple lang ang design, pero halatang sobrang mamahalin. Paano ito napunta sa daliri ko? Hindi naman siguro ako nagnakaw, 'di ba? Wala naman siguro ako ginawang mas malala pang katangahan kagabi maliban sa sumiping siya sa lalaking pagmamay-ari na ng iba, higit sa lahat ng best friend ko pa. Nilalamon na naman ako ng guilt. Nalasing lang ako pero tila ang daming nangyari ang kaso wala akong matandaan kahit isa. Sa dami nang nakalimutan ko bakit ang nangyari pa kagabi? Nangangapa tuloy ako ngayon. Hinubad ko ang singsing at inilagay sa bag. Hindi sa akin ang singsing kaya mas mabuting itabi ko na lang muna ito. Pagkababa ko ng taxi ay patakbo akong pumasok ng bahay. Napatigil ako ng bumungad sa akin ang kambal na anak na seryosong naka-upo sa sofa sa sala na tila hinihintay talaga ang pagdating niya. “Bakit ngayon ka lang, Mommy?” agad ay tanong ni Cupid na nakakunot pa ang noo. “Where have you been, mom?” tanong naman ni Eros na masusi akong pinagmamasdan. Lagot na. Paano ba ako magpapaliwanag? “I am sorry, guys,” panimula ko. Lumakad ako papalapit sa dalawa, pero hindi man lang kumilos ang mga ito para lapitan din ako, kaya umupo na lang ako sa isang pang-isahang sofa. “Mom got drunk and slept at Tita Margaret house,” kalahating totoo at kalahating kasinungalingang paliwanag ko. “You promised to come back early," naka-ingos na saad ni Eros. Englishero talaga ang isang ito masyado hindi gaya ni Cupid na nagtatagalog. “Early means, maaga mommy, not umaga,” ani naman ni Cupid. Para akong batang tumakas na nahuli ng magulang sa sitwasyon namin ngayon. Minsan ako ang nahihirapan sa pagiging matalino ng mga anak ko. Hindi ito gaya ng ibang normal na bata na madaling mauto at madalas nahihirapan akong magpalusot kapag may nagagawa akong kasalanan o hindi nagustuhan ng dalawa. Masyadong matanong ang dalawa na hindi ako tatantanan hanggang sa maliwanagan ang mga ito. “Mommy will promise that she will not drink again and will never ever break her words,” I promised while raising her right hand to swear. “So can you forgive mommy now?” Mataman muna akong tiningnan ng dalawa na para bang tinitimbang ang aking sinabi. “But you just broke your promise last night,” seryosong saad ni Eros. ”Mommy said she slept with Ninang Margarita," pagtatanggol naman sa akin ni Cupid. ”I knew, but I am just worried,” komento ni Eros na seryoso pa rin ang mukha. ”I am worried too, but mommy already said sorry. Can we just forgive her?” Nanonood lang ako sa pag-uusap ng dalawa. Hinahayaan kong magdebate ang mga ito kung patatawarin ba siya o hindi. Naaaliw rin ako sa paraan nang pag-uusap ng kambal. “But what if she breaks her promise again?” may lungkot sa tinig ni Eros. Hindi ko maiwasang makonsensya. “Then we will not talk to her for a day,” suhestiyon naman ni Cupid. “You can’t do that because you talk a lot. You are too talkative.” “No, I am not. I am your Kuya believe me.” Hindi ko maiwasang mapangiti. Ang mga anak ko lang talaga ang kaya akong pangitiin sa kabila ng mga iniisip ko. ”Okay, did you eat your breakfast?” pag-iiba ko ng usapan, sabay namang tumango ang dalawang bata. “Mommy, sandali. Nag-uusap pa kami kung patatawarin ka namin,” ani ni Cupid. “You won't forgive mommy, kahit sabihin ko na pupunta tayo ng mall?” “Really?” nangingislap sa tuwang saad ni Cupid, habang tahimik naman sa katabi nito si Eros. "Yes, pero dahil hindi n’yo naman yata ako bati h’wag na lang.” “Mommy, no. We already forgave you. Basta uuwi kana palagi. Hindi kana mag-e-sleep kina Ninang Margarita,” mabilis na saad ni Cupid. “That's good. Now, call Yaya Nerma and take a bath. We will go to the mall,” wika niya na ikinangiti na ng mga ito. “Yehey, Mommy, are we going to buy toys?” excited na tanong ni Cupid. “Yes.” “Mommy, I don’t like toys. I want books,” Eros said. “Okay. Now go, prepare yourselves, boys,” utos ko. Masayang tumayo ang dalawa. They kissed my cheeks first before they ran to their rooms while shouting their yaya's name. “Ang bilis mong mauto.” Narinig ko pang saad ni Eros kay Cupid bago pumasok ang dalawa sa kwarto na ikinangiti nila. Marahan naman akong tumayo. Masakit ang balakang ko, pero kailangan kong kumilos upang igala ang mga bata para makabawi sa mga ito. ​
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD