Kabanata 1

2135 Words
REBECCA “Mommy, don’t put on makeup, you are already too pretty. Boys can’t like you. You are just for Daddy.” Napatingin ako sa isa sa mga kambal ko na nakasimangot habang pinapanood akong mag-ayos. This little man is a bit possessive. “Okay, okay,” saad ko matapos mag-apply ng lipstick sa aking mga labi. Humarap ako rito. I am wearing a simple black below the knee dress na tenernuhan ko ng two inches black heels. Hinayaan ko na lang nakalugay ang may kahabaan at tuwid na tuwid na buhok ko. “Mommy, can I go with you?” naka-pout na tanong ni Eros habang nagmamakaawang nakatingin sa akin. He looks cute. Tila nagmamakaawa ito na isama ko siya pero hindi pwede. “I am sorry baby, but kids are not allowed there,” malumanay na sagot ni ko kay Eros. “Mommy! Mommy! How about me? I am older than him,” hyper naman na bungad ni Cupid mula sa pintuan. Nagtatalon-talon pa ito habang yakap-yakap pa nito ang malaking stuff toy na niregalo ko sa kaniya noong nakaraang birthday nila. “You are just 15 minutes older than him, Cupid,” naiiling pero nakangiting saad ko Cupid. Napalabi naman ito sa sinabi ko. Cupid always loves bragging that he is older than Eros. “Will you back early?” muling tanong ni Eros. Sa kambal ito ang tila seryosong-seryoso palagi. May pinagmanahan ito ng ugali pero sigurado akong hindi sa akin. “I will.” Wala naman talaga akong balak na magpagabi ng husto dahil alam kong magtatanong ang mga ito bukas kung anong oras ba ako umuwi. Daig ko pa ang may strict parents dahil sa kambal. Inalam kasi ng mga ito bawat galaw ko. “No boys?” It is more of a reminder than a question from Eros. “No boys,” I said, raising my right hand as a pledge. Lumapit ako sa kambal na parehong nakaupo sa kama habang pinapanood ako. “Mommy will go out with your Tita Margarita but it doesn’t mean that the two of you will sleep late because I am not around. Remember, if you want to grow fast, dapat hindi nagpupuyat.” Sabay namang tumango ang kambal sa akin kahit halatang labag sa loob nila dahil tahimik pa rin ang mga ito. “Okay, kiss na kay mommy.” They kissed my cheeks and hugged my neck na para bang ayaw akong pakawalan. Naglalambing ang mga ito pero nakapangako na ako kay Margarita na sasama ditong lumabas ngayong gabi to chill out. Kulang na lang ay tutukan ako ng kutsilyo noon para lang sumama ako kaya hindi na ako nakatanggi. Isa pa birthday nito kaya pinagbigyan ko na. Idagdag pang madalang lang naman magyayang lumabas si Margarita dahil alam nitong hindi niya pwedeng basta-basta na lang iiwan ang kambal. “Don’t worry kids, mabilis lang si Mama.” Pagkatapos ay iginaya ko na ang kambal upang mahiga sa kama. Cupid even gave me a puppy looks habang pinapatulog ko ang mga ito. Mahilig kasi itong maglaro ng gadget kaya madalas kapag wala ako nagbabad ito pero nakikinig naman kapag sinabihan ko na bawal, iyon nga lang nakakalusot minsan. Inihabilin ko ang kambal kay Nerma na siyang nagbabantay sa dalawa kapag wala ako bago tuluyang lumabas ng kwarto. “Ang tagal mo,” bungad sa akin ni Margarita nang maabutan ko itong naghihintay sa akin sa sala. Prenteng nakaupo ito habang tila lukot na ang mukha. Halatang inip na inip na. Nakasuot ito ng red mini dress spaghetti straps. Sobrang sexy nito sa suot na damit. Pakiramdam ko nga kapag tumuwad ito ng kaunti ay makikita na ang lahat-lahat dito. Pero sanay na ako sa sexy na pananamit nito kaya hindi ko na lang pinansin. Isa pa birthday nito kaya ayaw kong maging kj. It’s her fashion at bagay naman dito, hindi naman masagwang tingnan dahil magaling ito magdala. “Alam mo naman ‘yung kambal, kailangan munang pakiusapan,” paliwanag ko at lumapit dito. “Tulog na ba?” Tumango lang ako bilang sagot. ”Okay, tara na. Almost eight na,” yaya nito at tumayo na. Nauna na itong lumakad palabas ng bahay kaya sumunod na lang ako. Wala naman itong kotse kaya ang second hand na Kia Picanto ko ang sasakyan namin. Hindi naman halatang second hand ang mumurahing kotse ko dahil alagang-alaga ko ito. “Hanggang 10-11 pm lang tayo,” saad ko ng magsimula nang magmaneho. “Excuse me?” Nakataas ang kilay nito habang mataray na nakatingin sa akin nang lingunin ko siya. “Hindi na tayo teenager na may curfew. Saka sabado naman bukas, kaya okay lang magpuyat. Minsan lang ’to kaya h’wag kang killjoy. Isa pa, tandaan mo birthday ko kaya pagbigyan mo na ako,” nagmamakaawang wika nito ngunit hindi ako sang-ayon sa gusto nito. Magbabar kami pero hindi magpapawalwal ng husto. Mahirap nang magpakalasing sa panahon ngayon, marami ng taong mapagsamantala sa kapwa nila lalo na kapag may alak ng laman ang utak. Isa pa may mga anak akong naghihintay sa pag-uwi ko. “Paalala lang may mga anak ako kaya kahit sabado bukas busy pa rin ako,” depensa ko habang sa daan nakatutok ang tingin. “Alam ko, kung may huwarang ina award siguro sure ako naiuwi mo na. Pero kaya nga rarampa tayo ngayong gabi para humanap ng tatay ng cute kong mga inaanak,” nakangising saad nito na ikina-iling ko ng husto. Minsan talaga tagilid ang takbo ng utak nito. Pinanlakihan ko ito ng mga mata. “Tantanan mo ako. Hindi ko kailangang humanap ng magiging ama ng mga anak ko. Isa pa hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko. Sapat na ang kambal,” seryosong saad ko habang patuloy pa ring nagmamaneho. Kaya nga ako napadpad sa San Antonio dahil nagtatago siya sa mga lalaking naging dahilan ng pagdurusa at kasalanan niya. Natuto na ako at hindi na ulit magpapakatanga. Kaya kong buhaying mag-isa ang anak ko, hindi ko kailangan ng lalaking magiging sakit lang sa ulo sa huli. “Hindi ka naghahanap ng ama para sa mga anak mo. Eh, sila ba?” tanong ni Margarita na bahagya kong ikinatahimik. “Basta, mag-a-unwind lang tayo. Walang boy hunting na mangyayari,” pag-iiba ko ng usapan na ikinasimangot nito. “Hays, napaka-killjoy mo talaga.” Iiling-iling pa si Margarita na parang sinasabi na wala na akong pag-asa pang magbago. Madami ng tao nang makarating kami sa bagong bar. Bagong bukas lang ito kaya kinukuyog pa ng marami. Ganoon naman talaga sa probinsya may mga negosyong sa una lang malakas. Pero kapag magaling ka naman magmanage talagang papatok. Sabay kaming pumasok ni Margarita sa loob ng bar. Kulang na lang ay maubo ako sa iba’t ibang usok na nalalanghap ko mula sa vape ng ilang customer. Hindi pa man ako nakaka-inom ng kahit anong alak pero umiikot na ang paningin ko dahil sa mga nagkikislapang iba’t ibang kulay ng ilaw. Hindi talaga ako sanay sa mga ganitong lugar. Ito pa lang ang ikalawang beses na nagtungo ako sa bar, noong unang beses ay nang sinama ako ni Michelle pitong taon na ang nakakaraan. Hindi naman ako mahilig gumimik kahit noon pa kaya hindi ako sanay sa mga lugar na gaya nito. Nakipagsiksikan kami ni Margarita hanggang sa makarating sa front bar. “Two Margarita, please,” nagpapa-cute na agad na saad ni Margarita sa bartender. “Let us get wasted tonight.” Then she winked at me. Unang tikim ko pa lang ay napapikit na ako ng husto sa pait na nalasahan ko. Hindi talaga masarap ang alak pero nakapagtataka na marami ang gustong-gustong uminom nito. Patikim-tikim lang ang pag-inom ko dahil hindi talaga ako sanay uminom. Hindi gaya ni Margarita na ginawang tubig ang alak. Daig pa nito ang broken hearted kung makalaklak. Sunod-sunod ang pag-inom nito. “Hinay-hinay lang, hindi ka mauubusan,” saway ko dito pero inikutan lang niya ako ng mga mata. “Ano ka ba? Minsan lang ’to. We are here to have fun kaya bawasan mo muna pagiging kj mo. Bar po ito, hindi kumbento” ani nito at inabutan ako ng panibagong baso ng alak. “Birthday ko ngayon kaya sasamantalahin ko na ang pag-inom ko dahil bukas huwarang anak na naman ako.” Hindi naman ako banal gaya ng iniisip nito. Baka nga mas makasalanan pa ako dito. “Huwarang anak ka naman talaga. You are a good daughter.” “And a good provider too,” anito at mapaklang tumawa. “Are you okay?” nag-aalalang tanong ko dito. Ito kasi ang sumusuporta sa buong pamilya nito. May trabaho ang ama nito pero maliit lang ang kita sa pagmamaneho ng dyip kaya madalas si Margarita ang sumasalo ng lahat ng gastusin. Alam ko ang bagay na iyon dahil madalas humihiram ito ng pera sa akin upang ipandagdag sa tuition ng mga kapatid nito. Minsan nga napapabayaan na nito ang sarili dahil mas inuuna ang pamilya. Kaya nang yayain ako nitong magsaya sa unang pagkakataon pumayag na ako dahil alam kong kinabukasan balik na naman ito sa pagiging masigasig nito. Nagtatrabaho ito sa botique na pag-aari ko at nagluluto rin ng mga pang-ulam na benebenta nito at kung ano-ano pang pagkakakitaan ang pinagkakaabalahan nito. Raketera ito. “I am not okay but I have to be okay. Maraming umaasa sa akin kaya kahit mahirap na, kahit pagod na pagod na ako, kailangan kong maging okay. Today is my birthday pero kaysa pagbati, sumbat pa ang naririnig ko.” Hindi na nito napigilan ang mga luhang bumagsak mula sa mga mata nito. Marahan kong hinagod ang likod nito habang nakayuko itong umiiyak. Hindi ko alam kung papaano pagagaanin ang nakakaramdaman nito, alam kong nahihirapan ito pero wala akong magawa. “Wala ako sa kalagayan mo pero naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Basta tandaan mo if you need help, nandito lang ako. Kung gusto mo ng balikat na masasandalan, nandito lang ako.” She suddenly hugged me. “Masaya talaga ako na nakilala kita. Kahit may pagka-killjoy ka, lagi kang nandiyan para sa akin.” I hugged her back. “Of course, I am your friend.” Humiwalay ito sa pagkakayakap sa akin. Pinahid nito ang mga luha at ngumiti na parang walang nangyari. “Tama na ang drama. Let’s dance!” “No, ayoko,” tanggi ko habang bahagya pang iwinagayway ang kamay ngunit hindi niya ako pinakinggan at biglaang hinila papunta sa dance floor. Todo sayaw si Margarita na tila ba nakawala sa hawla habang nakatayo lang naman ako sa gitna at pinapanood ito. Hindi ko talaga kayang sabayan ang pagkawild nito minsan pero hinahayaan ko na lang siya dahil madalang lang rin naman itong magsaya. Makalipas ang ilang sandali, bumalik ako sa kinauupuan namin kanina. Naupo na lamang ako habang sumisimsim ng alak at pinapanood itong nagsasaya sa dance floor. Hindi ko namamalayan na napaparami na rin pala ang inom ko. Hindi ko napansin na ilang beses nang nagre-fill ang bartender sa hawak kong wine glass dahil abala ako sa pagbabantay sa kaibigan kong sumasayaw sa gitna ng dance floor. Hindi pa naman mataas ang tolerance ko sa alak. Nang iikot ko ang paningin sa buong lugar ay tila lumilindol ang paligid. Kapag tumingin naman ako sa sahig ay tila napakalalim nito. Bahagya kong ipinilig ang ulo ko upang ibalik ang aking sarili sa katinuan ngunit umiikot na talaga ang paningin ko. Hinanap ko si Margarita pero tila nagiging magkakamukha ang nakikita ko. Pinilit ko pa ring i-focus ang paningin ko pero umiikot na talaga ang paningin ko. Tatayo na sana ako ngunit nanlalambot na ang aking mga tuhod. Muntikan na akong bumagsak sa semento mabuti na lang at may matitigas na brasong nakasalo sa akin. ‘Hmm, ang bango naman.’ Amoy mint. Pinagsisinghot ko pa ng paulit-ulit ang naamoy ko hanggang sa tumama ang ilong ko sa matigas na bagay. Kinapa ko ang nabangga ng mukha ko. Damit pero may matigas sa loob nito. Ipinasok ko ang kamay ko sa loob ng damit. Tila may mga bato-bato akong nakakapa. Marahan ko itong dinama. Nakarinig ako nang pagsinghap. “You’re drunk,” malamig na boses na ani ng lalaki nakasalo sa akin. “No, I am not,” tanggi ko at umiling-iling. Inalis ko ang kamay sa loob ng damit niya. Tatayo sana ako ng tuwid pero napahawak ako sa mga braso nitong sumusuporta sa akin. Tila gusto na talagang bumigay ng mga binti ko. “Then marry me,” saad nito na marahas kong ikinatingala upang tingnan ang mukha nito. Malabo na ang paningin ko pero naaninag ko pa rin ang mala-adonis na mukha nito. I touched his face, then giggled. “Marry you? You...” I pointed the left part of his chest while leaning to the right part. “You're handsome, why not?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD