RAPH'S POV
"WTF!!! Raph, you win again! kailan mo ba ko pababawiin, pare?" tanong sakin nitong kaibigan kong si Dwayne.
We are now in a Country Club playing golf. As usual talo na naman sakin si mokong dahil imbis na magfocus sa laro...hayun nakikipag-flirt sa mga babaeng kasabay namin maglaro kanina. Tapos magrereklamo kapag natalo.
"Focus on the game, Dwayne, after all ikaw ang nagyaya sakin dito at pati na rin kay Fritz and stop flirting with those girls para naman manalo ka at hindi ka dada ng dada dyan". Niyaya nya kami ni Fritz this early in the morning para maglaro ng golf, para daw makabawi naman sya ng talo nya sakin...pero ang mokong iba pala ang motibo kaya nag-aya dito. He's now flirting with the girls na napag-alaman kong isa dun ang pinopormahan niya.
"Damn you, Raph! Nahahawa ka na ata kay Fritz, ang sungit mo na rin. Diba, girls?" Aba't kinuntyaba pa talaga niya yung mga babae nya. Hindi naman sa ayaw ko sa mga girls, Ako pa? hindi ata nakakahindi ang girls sakin. Pasalamat na lang si Dwayne at wala ako sa mood ngayon.
"Whatever. Bahala ka na dyan, pupunta na lang ako kay Fritz." Solohin mo attention ng mga babaeng 'yan dahil kapag bumalik ang gana ko, lilipat sakin yang mga babae mo. Iniwan ko na sya dun pero maya-maya lang narinig kong nagpaalam na si Dwayne sa kanila at bigla akong binatukan.
"Aray! f**k you ka talaga Dwayne. Wag na wag mo kong tatawagan ulit para lang sa mga kalokohan mo, ha? kung di ko pa alam, isa sa kanila yung pinopormahan mo." Ang sama na ng tingin ko sa kaniya.
"Uy! Chismis 'yan. Saka wala dun yung pinopormahan ko, nag out of town daw. Bakit ba init ng ulo mo ngayon? Di ka nakascore kagabi noh?" at ang mokong tumawa pa.
Yung tinutukoy nya ay yung babaeng kasama ko kagabi sa Bar na pagmamay-ari ni Fritz. Ako pa ba hindi makakascore? eh no one can resist my charm. Nabadtrip lng ako at hindi natuloy yung something na dapat sana gagawin namin. Kasi naman while we're making out, pumasok na naman sa isip ko ung babaeng 'yun, tulad na lang ngayon.
"Damn that girl," nabulalas kong bigla. Nakakainis talaga!
"Uh-oh someones mad dahil hindi naka-score. Akala ko ba okay 'yung kagabi? Binitin ka ba?" Ngiting-ngiti pa tong hudas na to.
"It's not what you think Dwayne. I-I can't still forget that girl." Nasabi ko na sa kanila ni Fritz yung tungkol dun sa babae and damn, why can't I forget her?
"Oh! yung babaeng after you give the taste of heaven she slapped your face?" Tarantadong 'to, sige ipaalala pa. Kinakalimutan na nga eh diba?
"You know what, bakit di mo na lang ipahanap sa P.I. mo yang girl na yan para matahimik na 'yung buhay mo. Pagnahanap mo na pasamapal ka ulit." Suggestion ni Dwayne at sabay tumawa ng malakas.
Ay, gago nga!!! naiinis na talaga ko. Takte asan na naman ba si Fritz? Malamang nagpapakalunod na naman sa kape yun.
Isa rin sira ulong 'yun eh. Nagpapaka-emo lagi.
"Pre san bang lupalop natin iniwan si Fritz? Hindi ko makita eh." Kanina ko pa hinahanap yun eh, putek nawawala na naman.
"Tumawag sakin kanina, mauuna na raw siya. Bumalik na ata ng Pilipinas si Nat eh. Alam mo naman 'yung isang 'yun, basta tungkol sa asawa niya kinakalimutan ang lahat ng nasa paligid."
Yes, you heard it right. May asawa na si Fritz at matagal nya ng hinahanap 'yun. But it's a long story, pero syempre may sariling kwento si Fritz. kwento ko to eh, ako muna, ako bida dito eh!
"Okay," tipid kong sagot. Wala nga kasi ako sa mood. Pagkaupo ko umorder agad ako ng kape. Bakit ba, adik kami sa kape eh.
Sya nga pala ang haba na ng usapan namin hindi ko pa napapakilala yung sarili ko. I'm Ralph Jacob Montefalco, 29 yrs. old, 6'1 in height and the only son of Don Alfonso Montefalco and I'm also the President of Montefalco Group of Companies. One of the Hottest Bachelor in town, ang yabang ko ba? well di lang talaga ko marunong magsinungaling.
'Yun nga palang dalawang kasama ko ay mga bestfriend ko since highschool. Si Dwayne and Fritz. Also one of the hottest bachelor except Fritz dahil may asawa na nga sya.
"Bro, hindi kaya mahipan ka ng hangin? Tulaley ka na naman eh."
Sinamaan niya ito ng tingin. "Bumalik ka na nga lang dun sa mga babae mo, ang ingay mo."
"Bro, bakit di mo seryosohin yung suggestion ko, ipahanap mo na lang 'yung girl. Pare, baka pag-ibig na 'yan kaya di mo makalimutan, ayie!" s**t na Dwayne to! So gay. Pero hindi pwedeng bakla to, Bakulaw eh.
"You sound so gay Dwayne, hindi ko susundin yang suggestion mo kasi wala na kong pakialam sa babaeng 'yun." Hindi ako mag-aaksaya ng yaman para lang hanapin ang babaeng 'yun. Buti sana kung thank you ibinigay sakin eh hindi, sinampal pa ako pagkatapos kong ipatikim sa kanya ang langit.
"Weh, wala nga ba?" Nagiging usisero na tong kaibigan ko. Imbis nanpansinin pa ang pang-aasar niya ay tumayo na ako.
"Hoy! Saan ka pupunta? Gagawin mo na yung suggestion ko?" At tumawa pa nga ang buang.
"You wish man. Bayaran mo na lang 'yang kape ko, mayaman ka naman eh," sabi ko na iniwan na siya. Pero kahit nakalayo na ako ay tawa pa rin siya nang tawa. Nainis na naman ako ni gago. Makapunta na nga lang ng opisina. Magtatanong na rin ako kung may nahanap na silang ipapalit sa secretary kong aalis na.
SHAM'S POV
"WHAT?!"
Aray! sakit sa tenga talaga tong pinsan kong to eh. Sasabunutan ko na to mamaya.
"Statistics lang tinanong sayo tapos hired ka na?" Nanlalaki pa mata nya. Paulit ulit lang? Unlimited? kanina pa kasi nya 'yan tinatanong.
"Oo nga, ang kulit mo rin eh, noh." Tapos ngumiti ako ng ngiting aso.
"Pero bakit 'yun ang tanong? kasama na pala ngayon sa requiremnts 'yun? Aba! Saan ba 'yang kompanyang 'yan ng makapag-apply." At namewang pa nga si loka.
"Hindi ka tatanggapin dun, hindi ka naman sexy." May pang-aasar na nginitian ko siya.
"Hoy sakit mo magsalita ah! Sexy ko kaya. Ako kaya pinaka-sexy sa buong school namin, bruha ka!" ayan kunyari ngtatampo na sya, ako naman si gaga maglalambing sa kaniya at mambobola. Ganyan lang naman kaming magpinsan eh.
"Sows to naman, di na mabiro...syempre sexy ka, magpinsan tayo eh. Tayo kaya ang pinaka-sexy at pinakamaganda dito sa lugar natin. Wag ka ng magtampo." Pinisil ko pa yung tungki ng ilong nya.
"Aray! Oo na, matagal ko naman ng alam yan na tayo ang pinagkakaguluhan dito sa ating lugar." Ay ibinabalik po nya si yolanda. Isa ring mayabang to eh.
"Pero, Sham, bakit ba 'yun ang tanong sayo?" naguguluhan pa rin niyang tanong. Kahit man ako, nagtataka rin sa naging tanong sa akin sa interview.
"Eh request daw nung brother niya na sexy ang secretary," sabi ko, pero sino kaya iyung kapatid nun? Gwapo siguro kasi ang ganda ni Ma'am Cameron eh.
"Baka naman manyak 'yang magiging boss mo ha? Naku! Subukan ka lang niyang harasin at magkikita agad sila ni satanas." Pero syempre joke nya lang iyan. Hindi naman kasi bayolente itong pinsan ko, pero ipagtatanggol talaga ko nito.
"Pero bru, kung gwapo yung boss mo paharass ka na," anito na humalagapak ng tawa.
Tang-ina akala ko concern eh, at talagang tumawa pa! Kung gwapo nga talaga ha, pero paano kung hindi, tapos matanda na pala? Napangiwi ako sa naisip ko na 'yon.
"Gaga! Bakit ko naman gagawin yun? Ano ko desperado?" Syempre kahit gwapo ang magiging boss ko, hindi ako pahaharas noh! Subukan lang niya!
"Eh, paano nga kung gwapo tapos magkagusto sayo, tapos niligawan ka, tapos naging kayo, tapos niyaya kang pakasal? Ay, bongga pinsan! Basta maid of honor ako ha?" at talagang nagnining-ning pa ang kaniyang mga mata habang sinasabi niya ang mga walang katuturan na salita.
Ayos din sa mag-ilusyon itong pinsan ko eh. Kanina lang harassment pinaguusapan namin tapos ngayon kasal na, ang bilis ng mga pangyayari at ang bilis niya mag-iba ng aura ha.
"Pinsan ba talaga kita? di mo naman siguro plano na ibenta ko? Di mangyayari iyang mga sinasabi mo kasi mayaman 'yun, ang hahanapin nun mayaman din."
That's the reality of life, ang mayayaman ay sa mayaman lang ding tulad nila napupunta. At wala pa sa utak ko ang mga ganyang bagay, magtatrabaho muna ko bago lovelife. Iling-iling na nagtungo ako sa kusina para uminim ng tubig.
"Tsk! Ito naman, malay mo naman bru. Malay mo maakit yun sa kagandahan mo at alindog mo diba? Tapos pakasalan ka after nun magha-honeymoon kayo somewhere in Europe. Oh, diba bongga?! Matitikman mo na ang pinakamasarap na luto sa lahat. Ang luto ni God," aniya na tumawa.
Hindi ko akalain na sinundan niya pala ako at halos masamid ako sukat doon sa mga sinabi niya.
"Oy, bru, okay ka lang? kasi naman hindi magdahan-dahan sa pag-inom eh," aniya na pinapalo-palo ang likod ko.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano ba kasi iyang mga pinagsasasabi mong luto ni God, ha? Siguro iyan tinuturo mo sa mga estudyante mo, no? Kung magluto ka kaya ng makakain natin ngayon diba? Hindi 'yungbkung anu-ano ang mga lumalabas diyan sa bibig mo," pag-iiba ko sa usapan.
Naalala ko na naman kasi iyung lalaking nang araw na 'yun, kahit wala akong maalala sa mga nangyari samin dahil sa kalasingan ko. Peste kasi! Bakit pa kasi ako naglasing eh?! kasalanan itong lahat nung bwisit na Martin na 'yun eh! Manloloko! Akala ko kasi mahal niya talaga ako, ayan tuloy naglasing ako at naibigay ko si bataan sa hindi ko kilalang lalaki.
"Oh, bru, tulala ka na dyan? Ayoko magluto kaya ikaw na magluto. Sarapan mo ha? Kasing sarap ng luto ni God," anito na tinawanan pa ako.
Gago lang talaga itong pinsan ko. Hayun tumakas na naman kasi ayaw magluto. Tinawanan lang ako at nilayasan. Wala akong magagawa kundi magluto dahil magugutom kami.
Luto ni God? Naku, pinsan kung alam mo lang ang mga nangyari sa akin. Baka makurot mo ako sa singit at masabunutan mo pa ako. Sabi ko sa aking isipan.
Isang linggo na rin ang nakalipas mula nang mangyari iyun sa amin ng estrangherong lalaki.
Takte naman kasi! Haaay! kakalimutan ko na nga ang lalaking iyon, tutal hindi naman na kami siguro magkikita ng kumag na iyun. Tama!!! kakalimutan ko na lang siya. Teka! Magluluto na ako at baka matuluyan akong maging baliw kakakausap ko sa sarili ko.