Chapter One

1802 Words
"HOY, babae! Bumangon ka na dyan. Baka nakakalimutan mong may interview ka, anong oras na, aba! Male-late ka na." "Hmmmm...Oo na, babangon na nga oh!" Grabe ang kulit talaga ng babaeng to. Mabilis niyang sinipat ang wall clock na nasa kwarto niya bago muling pumikit. "Ang ingay mo, alas sais pa lang kaya ng umaga... 9am pa 'yung interview ko." Kung hindi ko pa alam na advance ng isang oras yung wall clock namin, nagkukumahog na talaga ko ngayon. "Aba bruha, maigi ang maaga no! Sabi nga first impression lasts, eh pano kung late ka? eh di bawas points na agad," nakapamewang pa sya habang sinasabi nya 'yun. Sabagay. Minsan may katwiran din naman tong pinsan ko kahit sobrang ingay niya. Kung nagtatanong kayo kung sino yung kausap ko. Well 'yun lang naman ang ever loving and ever loyal kong pinsan na si Art, short for arte, ay mali joke lang..short for Artery. Kahit ganyan kaingay iyan, mahal ako niyan at mahal ko rin siya dahil kami na lang yung natitirang magkamag-anak dito sa mundong ibabaw. Patay na kasi pareho ang mga magulang namin, namatay sila sa isang plane crash nung papunta silang Cebu. At ako naman si Shasha Salvador, 25yrs old, 5'6 ang height ko, hep! hindi ko po kamag-anak si Maja ha. Oh diba? Pangalan ko pa lang artistahin na. Hindi naman sa nagbubuhat ako ng bangko pero sabi nga ng iba, mukha nga daw akong artista. Siguro dahil na rin sa may spanish blood ako. My father is a spanish, nagkakilala sila ni mama sa Cebu. Isa sa mga bakasyonista ang tatay ko 'dun at si mama naman ay isa sa mga receptionist sa hotel doon. Nabighani raw agad si papa kay mama at doon na nga nabuo ang kanilang pag-iibigan at ako nga ang naging bunga. "Bru tama na nga iyang pag-emote mo, maligo ka na kaya. Male-late ka na talaga nyan!" muling pukaw niya sa akin. I rolled my eyes. Ayan umentra na naman itong pinsan kong sobrang ingay. "Ikaw kaya muna ang maligo? Madaling-madali ka eh! Parang ikaw 'yung may interview." "Mamaya na ko maliligo. Mauna ka na, mamaya pa naman ako papasok tutal wala naman na kaming gagawin ng mga studyante ko at tapos na ang exam. Hayahay week na kami". Opo, totoo po ang inyong nasa isip. Teacher po yang pinsan ko, hindi lang halata. "Oo na...teka nga insan, kung magluto ka na kaya ng almusal natin para paglabas ko mamaya kakain na lang ako ng bongga." Kumindat-kindat ako sa kaniya. Tinignan ko lang iyung magiging reaction nya, kasi ayaw na ayaw niya 'yung magluluto sa umaga, maigi pa raw na huwag ng kumain kesa magluto siya. Grabeng katamaran lang. "Okay!" tapos ngumiti pa sya at nagha-humming pa siya nung lumabas ng pinto. "Si Art ba talaga yun? bakit ang bait?" ayan nagsasalita na naman ako magisa, pero nagtataka talaga ko. Pinsan ko ba talaga yun. Nagkakamot akong pumasok ng banyo. Hayaan na nga, at least magluluto sya. Paglabas ko, syempre nagbihis na ako. Nakasuot na ko ngayon nung bagong bili kong corporate blouse and skirt, then nag-apply lang ako ng light make-up dahil maputi naman ako. "Bru tapos ka na ba? tara almusal na tayo". Tawag sakin ni Art. Nakapasok na pala ulit sya sa kwarto ko. "Bru may sakit ka ba? ikaw ba talaga yan?" Nilagay ko pa yung kamay ko sa noo nya. Kasi talagang naninibago lang ako sa kinikilos niya. Lalo na dyan sa pakanta kanta nya. "Tsk...ano ka ba? pagnagluto pala ko ibig sabihin may sakit ako? Wala kong sakit noh kaya tara na kumain na tayo at malelate ka na talaga." Hindi ko alam kung concern ba talaga tong pinsan ko eh. Tinignan ko muna yung sarili ko ulit sa salamin at ng makita kong okay naman na ko, as usual maganda pa rin, sumunod na ko sa pinsan ko palabas ng kwarto. Pagkatapos namin kumain nagpaalam na ko sa pinsan ko. Di naman ganub kalayo yung pinag-applyan ko kaya nakarating agad ako ng mas maaga pa sa interview ko. Ngayon nga nandito na ko sa harap ng MONTEFALCO Bldg. isa sa pinakamataas na building dito sa Makati. Pagpasok ko, binati agad ako ni kuya guard na wagas kung makangiti. "Goodmorning ma'am, check lang po tayo ng bag". Habang chine-check nya yung bag ko kuntodo ngiti si kuya guard. Yung totoo kuya? may sayad ka? anyway, syempre hindi ko sinabi yun baka palabasin ako bigla ni kuya diba. "Okay ma'am punta na lang po kayo sa may reception desk ng building, dun nyo na lang po sabihin yung sadya nyo". Nagdire-diretso na ko sa receptionist at agad naman nya akong binati. "Goodmorning ma'am, how may i help you?" wagas din makangiti si ate at umi-english, magkapatid ata sila ni kuya guard. Pero promise ang ganda ni ate ha. Parang bida sa mga koreanovela, ang kinis ng face. "I have an interview at 9am with Ms. Chen, she's expecting me today" Sabay ngiti din ng wagas sa kaniya. Ano ba yan nahahawa ako sa mga tao dito. Pero infairness ang gaganda nilang lahat kahit si kuya guard kanina may itsura. Yung totoo? Requirements din yun? Tapos nakita ko si ate ganda may kung anong tinitignan sa computer. "Ah yes ma'am, Ms. Salvador? Ms. Chen is at the HR, 17th floor. Do you have an ID ma'am so i can give you your pass." Inabot ko naman yung ID ko in exchange of that pass. Grabehan lang, ang hi-tech dito. After maibigay sakin ni ate yung pass ko, dumiretso na ko sa elevator and I press 17. Di naman nagtagal at nakarating na ko agad sa 17th floor. Paglabas ko ng elevator... Wow, HR ba talaga to at hindi Hotel? Paano ba naman kasi bukod sa Glass door na, carpeted pa yung floor tapos may reception desk ulit. Lumapit naman ako kay ate na, again maganda ulit, Required nga ata. "Goodmorning ma'am you must be Ms. Salvador?" ang ngiti ni ate...hindi naman wagas. Akala ko pati pag ngiti ng wagas required eh. "Yes" then i smiled at her. May kung sinong kinausap sya sa telephone then after a while, a guy came out from somewhere. Wow ang pogi, Zac Efron ikaw ba yan? as usual si kuya nakangiti din at ang pogi-pogi. Hmmm parang masarap magtrabaho dito ah, nakakabusog ng mata. Minsan lang lumandi, pagbigyan nyo na. "Goodmorning Ms.Salvador, Ms. Chen is not here at the moment..." What? wag mong sabihing pababalikin na naman ako nito sa ibang araw, sayang ang ganda ko "...but Ms. Montefalco,our vice president is expecting you." Hay kala ko pababalikin na naman ako eh, teka sino daw magiinterview sa akin? Montefalco? Vice President?....Bigla akong kinabahan, parang maiihi na ko sa kaba ko. Syempre Montefalco raw eh, ibig sabihin yung may-ari magiinterview sakin. OMG!!! "Anyway ma'am Ms.Cameron is waiting for you at the meeting room, come this way ma'am". Ayun nga at sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa meeting room na sinasabi nya. This is it pansit! Ang lakas ng kaba ko. Parang anytime lalabas yung puso ko. Then kuyang pogi open the door for me then nagsmile sya. Sige kuya ngiti ka lang para naman medyo mawala yung kaba ko, penge na ring number mo mamaya. "Goodluck" sabi pa nya sakin bago niya isara yung pinto. Nakita ko sa loob yung isang babae, ang tangkad nya, para syang model and ang puti. Nakatayo sya at nakatanaw sa Glass window. Sya na siguro si Cameron. Humarap sya sakin at ngumiti. Wow totoo nga ang sabi nilang mukhang anghel ang anak ni Don Alfonso Montefalco. "Goodmorning, You must be Ms. Sharmaine Salvador? have a sit" Tapos tinuro nya yung chair malapit sa kaniya. Dali dali naman akong pumunta dun at bago ako umupo i greet her "Goodmorning and thank you". "Ms. Chen is not around today, she's in the hospital because her mother is sick, but i guess Marco, my assistant told you that I'll be the one who'll interview you since Ms. Chen is not here". So Marco pala ang pangalan ni pogi, At yun pa talaga naisip mo ngayon Sham ha. Anyway mapapalaban ata ako ng english dito kay ma'am ah. "Yes ma'am" then i smiled at her. "By the way, may i introduced myself, Im Cameron Montefalco, Vice-president of Montefalco group of companies." nilahad niya yung kamay niya para makipag-shake hands na malugod ko namang tinanggap. Ang lambot lang ng kamay niya, walang panama yung kamay ko. Nagpatuloy lang siya sa pagsasalita. "I've seen your Curriculum Vitae and your other credentials and I'm quite impressed. You've graduated from UP." patango tango pa sya habang binabasa niya yung mga documents ko. "What's your course again?" "Bachelor of Science in Business Administration major in Management ma'am". Buti hindi ako nagstummer dun. Grabe pa naman yung nerbyos ko. "And you graduated Magna c*m Laude, Nice". Syempre proud ako, pinaghirapan ko ata yun. Lahat isinangtabi ko, kahit nga social life wala ako nun eh. Mula sa pagbabasa ng papers ko bigla syang tumingin sa akin mula ulo hanggang paa, then ask me..."What's your statistics Ms. Salvador?" Huh?Ano raw? Anong Statistics ba? "Come again ma'am?" "What's your vital statistics?" teka ano ba tong inaapplyan ko? beauty pageant? bakit may statistics pa....hmmm di naman kaya tomboy tong si Cameron kaya gustong malaman pati ang statistics ko. "If your thinking if I'm a lesbian that's why I ask your statistics, your wrong, I just wanted to know it that's all". Tapos ngumiti sya. Galing naman nitong bumasa ng isip. May lahi pa atang manghuhula. "It's not what I'm thinking ma'am but my statistics are 36-24-36." Oh diba ang sexy ko. Hindi sa pagmamayabang, lamon pa ko ng lamon nyan, masyado lng talagang mabilis tumunaw ang metabolism ko and i guess nagpepaid off ang pageexercise ko tuwing umaga. "Well, even your statistics are quite impressive too". Hindi raw sya tomboy huh!!!...tapos nabigla ako sa sinabi niya "Okay you're hired, my assistant will orient you later. Congratulations Ms. Salvador, welcome to the company". Yun lang tapos nakipag-shake hands na sya at bago sya lumabas... "It's my brother's request to hire a sexy secretary that's why I ask your statistics. Have a good day Ms. Salvador". "Thank you ma'am, have a good day too". Putek, ganun lang yun? at lumabas na nga sya then pumasok si Marco at iginaya ako palabas. Ipinakilala ako ni Marco sa lahat ng nasa floor na yun then pumunta na kami sa pinakafloor at office ng magiging boss ko. Kung alam ko lang na batayan na pala ngayon ang sexyness sa pagkakaroon ng trabaho, aba pinag-igihan ko pa sana ang pageexercise, nagbayad pa sana ko sa Gym. After ako ipakilala ni Marco the pogi sa iba, nagpaalam na ko. Sa monday pa ang start ko eh. Makauwi na ng masurprise ko naman ang pinsan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD