Prologue
NAGISING ako ng dahil sa tuloy-tuloy na pagtunog ng cellphone ko. My head hurt, para itong binibiyak, pero dahil sa patuloy na pagtunong ng cellphone ko ay unti-onting nagigising ang aking diwa.
"Nasaan ba kasi 'yon?" tanong ko sa aking sarili.
Hindi ko maimulat ang aking mga mata dahil sa tuwing gagawin ko 'yon ay pumipitik ang kirot sa aking ulo, pinilit ko na lamang kapain sa ilalim ng unan ang cellphone ko. Doon ko lang naman kasi madalas ilagay 'yon, o 'di kaya'y sa ibabaw ng mesang nasa tabi ng kama ko.
Nanatili lamang akong nakapikit habang pilit kong inaabot at kinakapa ang mesang nasa gilid ng kama ko. Hindi ko pa rin ito mahanap hanggang sa tumigil na lang 'yon sa pagtunog. Matutulog na lang sana ako ulit pero hindi na ako dinalaw ng antok. Ramdam ko pa rin ang sobrang sakit ng aking ulo at pati na rin ng aking katawan, pero ang lubos kong ipinagtataka ay kung bakit pati ang aking bataan ay masakit din.
Unti-onti kong iminulat ang aking mga mata kahit na dama ko pa rin ang kirot sa aking ulo, hindi naman na rin kasi ako makatulog kaya napagpasyahan kong gumising na rin ng tuluyan.
Pagmulat ko ay may nakita akong chandelier sa aking harapan. Hindi lang basta simpleng chandelier ang nakikita ko, kung 'di isang napakaganda at mukhang mamahaling chandelier.
"Wow! Ang gandang chandelier naman niyan."
Napangiti ako, ang bait yata ng pinsan ko ngayon. Nilagyan pa talaga ng chandelier ang kwarto ko at mukhang bagong pintura rin ang kisame dahil sa napakaputi ni'yon.
Bagong pintura? Eto na ba yung sinasabi niyang birthday gift niya sa'kin? Ang ganda naman. Pero baka hindi, kasi kuripot 'yon. Pero bakit mayroong ganito sa kuwarto ko? Patuloy kong tanong sa aking sarili.
Pinilit kong bumangon kahit masakit ang katawan ko. "Ano ba kasing pinag-gagagawa ko kagabi ? Ahhhhh!"
Napakasarap talagang mag-inat sa umaga.
Para bang kapag ginagawa ko 'yon ay naii-stretch ang mga buto ko, tapos nababanat rin ang muscles ko, sobrang sarap sa pakiramdam. Pagkatapos kong mag-inat ay napagpasyahan kong tumayo na at naiihi na rin ako dahil sa lamig.
Madaling araw pa lang ba? Bakit ang lamig?
Nagpupungas-pungas na tumayo na ako na bahagyang nakapikit pa rin ang mga mata. Makirot pa rin kasi ang aking ulo kaya hindi ako makadilat ng husto.
Natatandaan ko na, nagyaya nga pala ang magaling kong pinsan na magpunta sa bar para doon ko raw ibuhos ang sama ng loob ko sa buwisit na lalaking 'yon, na idaan na lang daw namin ang pagka-brokenhearted ko sa alak. Kaya hayun, uminom kami hanggang malasing ako.
"Eh, kung 'di ka ba naman kasi gaga, Sha. Lakas mong magpakalasing eh hindi ka naman sanay uminom. Naniwala ka na naman kasi sa pinsan mong may sayad minsan," aniya sa hangin.
Buwiset talaga, kung 'di lang naman talaga ko emo-emohan kagabi, hindi ako iinom ng alak. Kasalanan talaga 'to ng gagong lalaking 'yon eh!
Ihing-ihi na ko talaga, parang sasabog na ang pantog ko. Bakit ba kasi ang ginaw-ginaw? Patuloy lang ako sa paglalakad, kabisado ko naman na ang kuwarto kong 'to kaya keribels lang kahit nakapikit pa kong maglakad. Dire-diretso akong naglakad papuntang banyo, pero nang makapa ko ang dingding ay wala akong makapang doorknob. Pinilit kong idilat ang mata ko, nagtaka ako kung bakit dingding ang bumungad sa akin sa halip na pinto ng banyo. Pagharap ko naman sa kaliwa ay tumama ako sa isang cabinet na maliit doon.
"Aray! Syet!"
Tama nga ang sabi nila, sakit ng kalingkingan damay ang buong katawan. Napamura ako dahil hindi lang naman kalingkingan ang tumama sa mesang 'yon, pati legs ko. Hinimas-himas ko ang hita kong nasaktan nang mapadako ang mata ko sa isang painting na nasa aking harapan.
"Huh! Kailan pa nagkaroon ng painting sa kwarto ko? "Kailan pa 'to nandito?" tanong ko sa aking sarili.
Iniisip ko kung regalo rin ba 'to ng pinsan kong kuripot. Ano kaya ang nakain no'n at bigla yatang naging galante? Saka magreregalo lang bakit painting pa, tapos nude painting pa ng isang babae? Ano kayang pumasok sa utak no'ng babaeng 'yon? Ano ako lesbian?
Himas ko pa rin ang hita kong nasaktan nang maalala kong naiihi nga pala ko. Teka nasa'n na ba kasi yung banyo at naiihi na ko talaga, at teka kanina ko pa nararamdaman ang ginaw lang sa kwarto ko. May aircon? Ano birthday gift din?
"Ang ingay naman oh" Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses na 'yon. Napatingin ako sa painting. Hindi naman siguro ito ang nagsalita 'di ba?
"You're so loud, baby."
Napalingon ako sa aking kaliwa nang doon nanggaling ang boses, and from there, I saw a man sitting on the edge of the bed facing me with his oh-so-dashing smile, and what really caught my attention was the fact that he was naked.
"Eh ano naman kung naked siya?" bulong ko sa sarili ko sabay talikod.
Hindi pa ko nakakahakbang ng bigla ako muling mapaharap sa kaniya. Realization hit me hard on the face. The man was naked, and in my room or it's just what I thought. Pinagkatitigan ko siya habang nanlalaki ang aking mga mata, from head to toe and back to his head. Broad chest, six pack abs, and his other head...
"Y-your naked."
"Do you like it? Do you like what you are seeing? Because I'm absolutely liking the view in front of me." Then he winked at me. Huh? Ano raw? Anong view ba ang pinagsasasabi nito.
...in front of me.
Then it sank in my head. He's looking at me, he had those pervert smile curved to his face, and by instinct, I looked at myself too. My eyes widened.
OMG! Me, naked in front of him.
"s**t!" mura ko.
"Goodmorning, baby." He smiled.
No this can't be. Hindi pwedeng basta na lang niya naisuko ang bataan sa estrangherong lalaking ito!
"You, rape me!" Sikmat ko sa kaniya habang ang daliri ko ay nakaduro sa kaniya.
Nangunot ang noo niya pagkatapos ay malakas na tumawa.
"You came to me on your own and ask me to have s*x with you, woman."
Ako? Kusang lumapit sa kaniya? At ang pinakamasaklap pa, ako mismo ang nag-aya sa kaniya na makipag-s*x? Bakit hindi ko maalala?!
What have I done?!