I was waiting for my dinner to arrive, pumunta ako sa pinaka-upper deck ng barko para kumain sa isang italian restaurant na highly recommended dahil sa masasarap nilang italian dishes. Buffet style ang kanilang antipasto/appetizer at dessert but for the rest of the courses, may waiter na magse-serve sayo. The menu was not really familiar to me at ang hahaba ng pangalan ng main courses, mabuti na lang at mabait ang waiter na tinulungan ako. Enjoying my glass of red wine, medyo awkward akong nag-iisa dito dahil lahat ng kasabayan ko na kumakain ng dinner ay couples.
Haysss… Ganyan talaga pag inuuna muna ang studies kaysa sa lovelife. I mean, I dated only one guy and my first was not that good. Pareho kaming walang experience at nangyari ito ng pumunta ako sa birthday party niya. We wanted to do it, but after that, we realized na hindi kami para sa isa’t-isa. He remained nice to me though hindi katulad ng ibang teenage guys na pinagmamayabang pa ang kanilang s****l skills. He’s a good guy at okay lang na naging first ko siya, although the experience was not that enjoyable.
Bumuntong hininga ako at kinain ko na lang ang aking salad. While I am eating, bigla na lang may humila sa katapat kong upuan at nagulat ako ng umupo doon ang lalakeng nakunan ko ng video kanina. The same guy na nagbigay ng kanyang jacket kanina habang nagde-depart ang barko. He was wearing a dark blue, button down shirt and white pants at bahagya siyang nakangiti sa akin.
“Can I join you, miss?” Tanong niya sa akin. His voice is smooth and deep, making my insides clench with desire at matiim din siyang nakatitig sa akin. “Miss?” Sabi niya ulit at napakurap naman ako, na parang nagising sa isang panaginip.
“S-sure…” Nauutal kong sagot at ngumiti siya ulit.
“Ang awkward naman kasi pag mag-isa lang akong kumain and then I found you here. Buti na lang, I’m Kloss.” Pakilala niya sabay abot ng kanyang kamay na tinanggap ko. Pinisil niya ang aking kamay habang ang kanyang thumb ay hinaplos ang aking inner wrist na nagpanginig sa aking katawang lupa.
“Havana, my name is Havana.” Pakilala ko din sa kanya at nahihiyang ngumiti. Hindi niya binitawan ang kamay ko at hinayaan ko lang naman siya. Ihhhh! At least may ka-partner na ko kahit hindi naman talaga kami magkasama.
“You have a cute name, kagaya mo.” Napakagat labi naman ako para pigilan ang kilig ko. Binitawan niya lang ang kamay ko nang dumating ang waiter na sinerve ang main course meal ko at nagtaka ako dahil meron na din sa kanya. “I ordered earlier,” sabi niya sakin. “Hindi naman siguro kita inabala, Havana?”
“No, medyo awkward din ako dahil nag-iisa din ako. Hindi ko naman akalain na couples pala ang kumakain dito,” sagot ko sa kanya.
“I think this is a romantic spot for couples at night. You didn’t choose to eat outside?”
“Uhm, masyadong mahangin. Oh, salamat nga pala sa jacket kanina. Kung alam ko lang na nandito ka, ibinalik ko na sana. Wala ka ba talagang kasama? Baka may asawa ka at nag-away lang kayo at nandito ka dahil nagkatampuhan kayo.” Bahagya siyang natawa.
“I travel alone, Havana, and I guess you do too?” Tumango lang naman ako. “So, what brings a pretty girl like you, traveling alone in a big ship like this?”
“It’s my gift… Gusto kong ma-experience ang isang cruise kaya ito ang hiniling ko sa aking parents. I think I deserve it.” Amused siyang ngumiti sa akin.
“I’m glad at hindi lang ako ang single na nandito. Maybe we can spend the cruise together. Go to places in the itinerary they prepared for us. Kung gusto mo lang naman Havana.” Matamis naman akong ngumiti.
“I would love that, and please, just call me Vany, naiilang din kasi ako sa name ko. I am also glad you're here Kloss, single and alone.” Makahulugan kong sabi at tumawa lang siya.
In-enjoy namin ang aming masarap na dinner habang nagkukwentuhan. Pinag-usapan din namin ang mga balak naming excursions during the cruise at akalain mo na magkapareho kami. That’s why we decided na magsama na lang. Not as lovers but as friends pero pwede naman na ganun din. I don’t mind kung mas matanda siya sa’kin. Mas mature, mas marami ang experience ‘di ba? Ano ba yang naiisip ko, ngayon lang kami nagkakilala, ‘yan na agad? Malandi ka Havana!
Nag-focus na lang ako sa pagkain at sa usapan namin. Pero hindi nawala sa aking tingin ang kanyang kakisigan and how smoothly he talks, how sweet and gentle he is. Ang gaan na ng loob ko sa kanya kahit ngayon lang kami nagkausap. Ang weird din ng reaction ng aking katawan sa kanya. Kaya palagi akong nauuhaw dahil sa init ng kanyang tingin. How he smiles sexily at me just makes my center quiver in anticipation. Pati nga ang pag-inom niya ng wine, ang sexy rin at madali lang niya akong patawanin.
Sabay kaming kumuha ng dessert sa buffet, at hindi nawala ang kilig ko habang kasama ko siya. Pagkatapos namin na kumain ng dinner, naglakad-lakad muna kami sa paligid ng deck at tumigil lang kami ng nasa pool na kami. Humarap kami sa view kung saan nakikita pa rin namin ang city lights dahil hindi pa naman kami gaano’ng nakakalayo. Ang sarap din ng simoy ng hangin at medyo naibsan ang init ng aking katawan dahil na rin sa rami ng wine na aking nainom. Wala siyang gaano’ng itinanong tungkol sa buhay ko at maging ako rin. Mas mabuti na rin siguro yon dahil maghihiwalay din naman kami after ng cruise na ito. Just his company is enough for me. Nagkwento siya ng kanyang adventures sa iba’t-ibag lugar and I was really enjoying it. Isang oras yata kami na nandoon nang sabihin niyang ihahatid na niya ako sa aking suite and I oblige.
“My suite is just above you,” sabi niya sa akin habang binubuksan ko ang aking pinto ng maihatid niya ako sa aking suite. Ngumiti naman ako at niyaya ko muna siyang pumasok sa loob pero tumanggi na siya.
“I bet your staying in a fancy suite,” sabi ko sa kanya at bahagya lang siyang tumawa.
“I want to stay in a big space. Maybe you can visit me sometime, we can hang out in my spacious living room or balcony. You can even use the bathtub if you want.” Nakakatukso niyang sabi sa akin sabay hawak niya sa aking kamay.
“Pag-iisipan ko ang offer mo, although the bathtub sounds tempting…” Malambing kong sabi sa kanya at matamis naman siyang ngumiti.
“Look Vany, alam ko na ngayon lang tayo nagkakilala, but I like talking with you. I hope we can spend our time here on the cruise together.” Tumalon ang puso ko sa kanyang sinabi at pinaikot niya ang kanyang thumb sa aking inner wrist katulad ng ginawa niya kanina, bringing me a tingling comfort.
“Of course, ang sarap mo din naman na kasama, eh,” sabi ko sa kanya at parang kumislap ang kanyang mga mata sa aking sinabi. “Uhm, thank you sa paghatid sa akin… Sandali, kukunin ko nga pala yong jacket mo.” Akma akong papasok pero pinigilan niya ako at hinila ako palapit pa sa kanya. Magkalapit na ngayon ang mukha namin, medyo nakatungo lang siya ng konti kasi nga matangkad siya. Oh my gosh! Nakakatunaw ang kanyang tingin! Huwag ka Kloss, baka bumigay agad ako sayo! And he smells, really, really good!
“Huwag na Vany, you can keep my jacket. It will warm you up at night…” Malalim ang boses niyang sabi at uminit ulit ang aking mukha. Nahihiya akong nagpasalamat sa kanya. Natigilan ako ng hinawakan niya ang aking mukha at binigyan ng isang halik ang alam ko’ng namumula ko na pisngi. “Breakfast tomorrow?” Tanong niya at tumango lang ako. “Goodnight baby, I will see you in the morning.”
“Y-yeah… See you Kloss…” Hinalikan niya pa ang aking kamay at tuluyan na niya akong pinapasok sa aking suite. Siya rin mismo ang nagsara ng pinto na sinabi niyang i-lock ko na. Narinig ko ang papalayo niyang yabag sa labas at mahina naman akong tumili, tumakbo palapit sa kama at bagsak na humiga roon at nagpagulong-gulong sa kilig.
Kakasimula pa lang ng cruise at may nakilala na agad akong isang hunk! Ang sweet pa niya, kinilig pa ako ng husto ng tinawag niya akong baby! Kinuha ko ang kanyang jacket na nakatupi at nasa aking unan tapos inamoy ko ito. Hindi ko alam kung makakatulog pa ko! Pero kailangan, dahil magkikita kami bukas, breakfast, so I need a beauty rest.
Bumangon na ako at naghugas ng aking mukha at ginawa ang aking night routine. Suot ang isang oversized shirt at boyleg underwear, humiga ako sa kama. Nagbasa muna ako sandali sa aking reading app. Nang inaantok na ako, humiga na ako sa kama. Yakap ang kanyang jacket, pinikit ko ang aking mga mata at tuluyan na akong nakatulog.