Maaga akong nagising kinabukasan, naghanda talaga ako para sa muli namin na pagkikita ni Kloss ngayong umaga. Sobrang tagal ko kaya sa shower, then nagsuot ako ng isang blue chiffon maxi skirt at white sleeveless top. Naglalagay ako ng aking bangle earrings sa aking tenga ng may kumatok sa pinto. Natigilan ako saglit, I check myself in the mirror one last time at lumakad na ako palapit sa pinto tapos ay binuksan ito. Nakita ko ang nakangiting mukha ni Kloss looking so handsome as ever, wearing a black and white stripe polo, and black jeans.
Lumapit siya at dinampian niya ako ng halik sa pisngi gaya ng ginawa niya kagabi at binati niya ako ng goodmorning. Nakiliti ako sa kanyang ginawa at pa-shy din akong binati siya. Niyaya niya na akong kumain ng breakfast. Bumalik ako sa loob para kunin ang aking sling bag at lumabas na. Habang naglalakad kami papunta sa cafe ng ship, natigilan ako saglit nang hinawakan niya ang aking kamay. Hindi niya ito binitiwan kahit nandoon na kami.
“How was your sleep?” Tanong niya sa akin habang nakaupo na kami sa isang table at may kapeng iniinom at pastries na nasa mesa.
“Okay naman…” Sagot ko sa kanya. “Yakap ko kasi ang jacket mo kaya hindi ako nalamigan.” Bahagya siyang tumawa at pinisil ang aking kamay na hawak pa rin niya hanggang ngayon. Akala nga ng staff kanina na couple kami, hindi namin kinonfirm at hindi rin naman dineny, basta magkasama kami, yon lang yon.
“That’s good to hear.” Inilapag niya ang kanyang phone sa mesa at inislide ito palapit sa akin. Nagtataka naman ako na tinignan ito. “Nakalimutan ko na hingin ang number mo, nagkausap pa sana tayo bago tayo matulog.”
“I guess mas mabuting hindi mo kinuha ang number ko kagabi,” sabi ko at napataas kilay naman siya. “Kasi baka hindi tayo nakatulog pag nag-usap pa tayo, eh di pareho tayong puyat at hindi fresh ngayong umaga.” Malakas siyang tumawa na kinangiti ko at hinalikan niya ang aking kamay.
“Your right… baka hindi ko ma-end ang call ko sa pakikipag-usap sayo. You're fun to talk with, and I am happy that we are having breakfast together.”
“Ako din naman, thank you for inviting me for breakfast today. Do you have any plans for the rest of the day?” Tanong ko sa kanya.
“Nope, but I want to spend the day with you, is that okay?” Tumango naman ako at matamis akong ngumiti sa kanya. “Ano nga palang plano bukas? We are going to stop over in Thailand.”
“Snorkeling…” Tipid kong sagot at kumagat sa pastry na kinuha ko kanina. The rich butter taste flows to my mouth at mahina akong napaungol.
Nang tumingin ako sa kanya, he was staring at me with lustful eyes. Inabot ng kanyang kamay ang aking mukha at pinahiran ng kanyang thumb ang gilid ng aking labi at dinilaan niya ito. Parang may sumundot sa aking bandang ibaba at nagsimulang kumibot ang aking gitna na kumatas pa dahil sa ginawa niya. I am so turned on right now, my body feels so hot ng dahil lang sa gesture niyang yon. Paano pa kaya pag may nangyari nga sa amin? Ang landi ko talaga at yan ang iniisip ko ngayon!
“Snorkeling seems fun… ‘Yon din ang nasa itinerary ko bukas.” Malalim ang boses niyang sabi sa akin. “Let’s have fun tomorrow, yeah?” Lumunok ako at uminom ako ng tubig tapos ay pinaypayan ko ang aking mukha sanhi ng kanyang pagngisi.
“O-okay Kloss, sigurado naman akong mage-enjoy ako pag ikaw ang kasama ko.” Malambing kong sabi sa kanya at ngumiti siya.
“Oh Vany, sisiguraduhin ko talaga na mag-eenjoy ka at hindi mo ito makakalimutan. Do you want to explore the ship with me?”
“I would love that…” Tuwa ko namang sabi. Tinuloy na namin ang pagkain ng breakfast, at nag-usap pa kami tungkol sa gagawin namin bukas.
Nagsimula na kaming mag-explore sa buong barko pagkatapos ng aming breakfast. Sa laki nito, hindi ko alam parang kulang ang isang araw para mag-tour sa buong ship. Ang dami niya kasing amenities. May iba’t-ibang restaurants, may lounge for entertainment, may bar, may spa and fitness. May mga boutiques rin kung saan nagbebenta ng mga damit, jewelry, bags at souvenirs. Lastly is the pool area kung saan doon karamihan tumatambay ang mga tao. It’s like a hotel but it’s floating over the sea going to different places. Maraming guest pero hindi halata dahil nga sa laki at lawak ng barko.
Nag-enjoy kami ng husto ng Kloss sa pamamasyal sa buong ship. We had lunch on the pool grill, kung saan kumain kami ng grilled seafood, drinking some fruit shakes and tasting their delicious ice-cream. Sunod namin na pinuntahan ang boutiques, window shopping ganon. Bababa naman kami ng barko sa lugar na pag-stop over namin kaya plano ko na bumili ng souvenir sa bawat lugar na yon.
Nang hapon na, tumambay na lang kami sa pool deck, umupo kami sa reclining chairs na nakapaligid doon at pinanood namin na dalawa ang sunset. Sa pool grill ulit kami kumain ng dinner dahil na rin sa ganda ng view at refreshing ambiance. Kumain kami ng pizza with french fries on the side, I drink a mojito habang beer naman ang sa kanya. Mostly families ang naroon, but we don’t mind the noise dahil masaya naman kaming magkasama. We laugh, we flirt and everything is smooth between our interactions. Wala pa akong nakikilalang lalake na katulad niya and I am glad that I met him here.
Nang malalim na ang gabi, hinatid niya na ako sa aking suite at ng niyaya ko siyang pumasok muna, bahagya akong nagulat nang pumasok siya. Sa sitting area kami umupo na magkatabi at binigyan ko siya ng bottled water. Hindi na ako uminom ng strong drink kanina para maganda ang pakiramdam ko sa excursion namin bukas. Excited na nga ako, eh, at hinihiling na sana ay bumilis ang oras but at the same time, hindi rin para makasama ko pa siya ng matagal. Hawak niya ulit ang aking kamay and we were saying tender words with each other. Magkalapit din ang aming mga mukha at hindi nawala ang ngiti namin sa labi.
“Ayoko pang mahiwalay sayo Vany, I want to stay here with you longer…” Husky ang boses niyang sabi at napakagat naman ako ng aking labi.
“You can stay here a bit longer, I don’t mind…” Sabi ko sa kanya at malakas siya na huminga ng malalim tapos ay tuluyan siyang humarap sa akin. Masuyo niyang hinaplos ang aking pisngi at napadila naman ako ng aking labi making his eyes light up.
“Pag tumagal pa ako rito baka kung ano pang magawa ko sayo.” Pabulong niyang sabi at napailing ako.
“Are you going to hurt me?” Tanong ko sa kanya.
“Of course not!” Bigla niyang sabi at hinawakan niya ang dalawang kamay ko. “Hindi kita sasaktan Vany, hindi ko kayang gawin ‘yon sayo.”
“Kung gano’n, anong pinag-aalala mo? You can do what you want with me as long as you won’t hurt me. Alam ko’ng sandali lang tayo na nagkakilala but you showed how kind of a man you are. You never took advantage of me kahit ako pa ang unang nagi-initiate.”
“Oh baby…” Tuwa niyang sabi at hinaplos niya rin ang aking labi gamit ang kanyang thumb. “You shouldn’t trust me this fast.” Napakunot-noo naman ako. “Thank you, but I don’t think I deserve your trust.”
“Kloss, you’ve been nice and sweet and a gentleman to me. Sapat na yon sakin, can we at least enjoy this cruise ship together?” Lumambot ang kanyang mukha.
“Yes we can Vany…” Pagkasabi ‘non, unti-unti niyang inilapit pa ang kanyang mukha. Napapikit na lang ako ng sinakop na niya ang aking bibig. Walang pag-aalinlangan naman akong tumugon sa kanyang halik. His kiss is gentle and he coaxes my lips to follow his movement and I did. When he slip his tongue, sinipsip ko ito sanhi ng kanyang pag-ungol. Hinawakan ko ang kanyang mukha at mas nilaliman pa ang aming halikan.
The sensation was overpowering, the tingles ran through my body making my insides clench with delight. It is a toe curling, mind blowing kiss that I never experienced before and it is so special to me. Nang maghiwalay na ang aming mga labi, pareho kaming breathless. I feel so hot all over and when he smiles with adoration in his face, parang may sumundot sa puso ko. “Not yet baby… Now is not the time… I have many plans for us with this development.”
“Mmm… I’m counting on that.” Tumawa siya at hinalikan niya ulit ako. Pagkatapos ‘non, nagpaalam na siya at hinatid ko siya sa pinto. Masakit man na pakawalan siya ngayong gabi, marami pa namang chances, marami pang oras. Ang sabi nga sa isang quote, ‘good things come to those who wait.’