Havana 1

1495 Words
Nagpasalamat ako sa uber na sinakyan ko matapos niyang maibaba lahat ng dala kong gamit ng nakarating na kami sa port. Ngayon na kasi ang araw kung saan magbo-board na ako sa luxury cruise ship na sasakyan ko for 28 days. I just graduated from senior high school with the highest honor. Sa vacation ko, ginusto ko na sumakay sa isang cruise ship na binigay naman sa akin ng aking mga magulang as a reward. I am also turning 19 soon at nakapasok pa ako sa isang prestigious university and a scholar at that. Pero sa ngayon, hindi ko muna iisipin ang pagiging busy ko as a student college soon. I will just enjoy my fantastic vacation all by myself. I am not a spoiled child, although only child lang ako. Pero kung may binibigay man sa akin ang aking parents, ‘yon ay dahil may gini-give back din ako sa kanila. Nagpapasalamat ako at binigay nila sa akin ‘toh kahit may kamahalan, my parents are rich kaya okay lang. Akalain mo’ng ang kinuha nila na cruise itinerary ay from Singapore to Tokyo na halos isang buwan ang aabutin. Excited na talaga ako! Isang malaking trolley bag pa talaga ang dala ko with a huge backpack for my trip! Nakasuot ako ngayon ng beige square pants na may tali sa gitna, a casual white, semi crop top shirt, a black cap, shades, and white Gucci slides on my feet. I want to travel comfortably kaya ganito ang outfit ko. I hold on to my cap dahil malakas ang hangin sa port at naglakad ako papalapit sa malaking barko. Pinakita ko sa staff na naroon ang lahat ng kailangan na ipakita. Nang ma-confirm ako na isa ako sa mga guest, tinulungan ako ng isa sa mga staff na naroon na dalhin ang aking mga dalang gamit. Sa deck 6 kami pumunta kung nasaan ang aking deluxe veranda suite. Ito talaga ang pinili ko, tutal nag-iisa lang naman ako. Natuwa ako ng makita ang aking suite, saktong sakto sa single na katulad ko! I have my own bathroom, wala nga lang bathtub but my own private balcony is enough to compensate for it. May queen size bed at kaharap non ay isang flat screen TV. There is also a sitting area na katabi ng floor to ceiling glass window papunta sa balcony at kitang-kita ko ang magandang view. Nagpasalamat ako sa staff, binigay niya sa akin ang keycard at ni-lock ko ang pinto ng lumabas na siya. Mabilis akong naglakad palapit sa balcony, binuksan ko ang glass door at lumabas tapos ay matamis akong ngumiti nang makita ko ang amazing sunset. Hapon na kasi at 7:00 PM ang departure ng barko, that’s why I will enjoy this beautiful sunset coloring up the sky. Doon ko naisip na sana may makilala ako dito na isang mabait na guy at makasama siya kahit ngayong cruise lang na ito. I wanted to be alone but making friends is not bad either. Nang tuluyan ng lumubog ang araw, bumalik ako sa loob at umupo naman ngayon sa malambot na kama at nilabas ang brochure na nasa aking bag. Apat na araw na din ako dito sa Singapore para umattend sa 3 night pre-cruise land program. Kaya may brochure ako at alam ko ang itinerary ng cruise. Nakaplano na din ako ng mga gagawin ko but it may change, it depends kung may maka-meet nga ako! Maraming foreigners at sana yong iba single din katulad ko. Tinignan ko ang oras at malapit na palang mag-7PM, kaya mabilis kong inayos ang aking sarili at lumabas ako ng aking suite para makita ang pag-depart ng barko. Umakyat ako papunta sa upper deck kasabay nang pag-siren ng barko. Lumapit ako sa railings at nakita ko ang mga tao sa baba na binabaklas na ang mga tali. Nakita ko ang pag-angat ng malaking anchor. Kinuha ko ang aking phone at nag-take ng video sa mga nangyayari. Habang ini-slide ko ang aking shot na pa-horizontal, may nahagip ang aking camera na kinatigil ko. Mula sa di-kalayuan may nahagip ang aking camera na isang lalake. Maybe in his late 30s and he’s looking through the distance at parang ang lungkot ng kanyang aura. But nonetheless, he’s so gwapo at hindi ko alam kung pinoy ba siya o foreigner. He has this light tan color on his skin, chinito ang mga mata, strong jawline, black short hair and a slight stubble on his face. His lips were pink and thick, his body is also thick and well built, kahit nakasuot pa siya ng denim jacket na humahapit sa ma-muscle niyang mga braso. He is also tall, maybe 6’2 ft. in height and broad shoulders. Kahit mature na ang kanyang age, attractive pa rin siya. Obvious naman sa mga babaeng nakatingin rin sa kanya. Agad kong binaba ang aking phone na nakatutok sa kanya at umiwas ako ng tingin ng lumingon siya sa gawi ko. Nagsimula ng mag-cruise ang malaking barko sa malawak na dagat kaya mahangin. Niyakap ko ang aking sarili dahil medyo lumalamig na. Ang tanga ko lang at hindi ako kumuha ng jacket. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kawalan. My journey will start now at sana naman maging maganda ang kalabasan ng aking adventure. Natigilan na lang ako ng may malaking denim jacket na bumalot sa nilalamig ko na katawan. it was warm at sobrang bango. Nang lumingon ako, nakita ko ang lalake na tinutukan ko ng aking phone camera kanina. Naglalakad na siya palayo at hahabulin ko sana nang may sumulpot na staff ng barko sa aking harapan at in-offeran ako ng champagne. Nagpasalamat naman ako, kinuha ang flute and I took a sip of the bubbly beverage. Nang tumingin ulit ako sa lalake, wala na siya sa deck na kinalungot ko. Hawak ang champagne flute, bumalik na rin ako sa aking suite. Pagpasok ko, nakita ko na lang sa kama ang isang complimentary basket na binibigay sa mga guests. May laman itong red wine, fruits, chocolates, may scented candles din, scented essential oils, mga snacks, souvenirs and fluffy slippers na may kasamang fluffy body towel. Kumuha ako ng apple at kinain yon. Tapos in-open ko ang video folder ng aking phone. Napangiti ako at kinilig nang makita ang mukha ng gwapong lalake na nakunan ko kanina. He’s so dreamy at para siyang lead actor sa mga korean drama na napanood ko. I wonder kung kasama niya ang kanyang girlfriend, or worst kasama niya ang kanyang pamilya. Hay naku! Sayang naman kung ganon, type ko pa naman siya. Sabi ko na nga ba at mga mature men talaga ang type ko. Malakas akong bumuntong hininga at inubos ko ang aking champagne. Pero nag-iisa siya sa deck kanina at malungkot, baka naman naghiwalay sila ng jowa niya at nag-cruise siya para makalimot. Kung gano’n man, hayaan mo daddy at ako mag-aalaga sa’yo kahit sa cruise lang na ito. Pag nagkita kami ulit at nalaman ko na single siya, I will make my move. Mahina akong napatili at gumulong ako sa kama dahil sa kilig! After kong kiligin at nangangarap na kasama ko si hunk daddy, inayos ko na ang aking mga gamit sa maliit na closet na naroon na katabi ng bathroom. Nilagay ko sa hanger ang aking mga cocktail dresses, at yong mga casual clothes ko sa drawers na naroon din. Pagkatapos kong mag-ayos ng aking mga gamit, nag-half bath ako at nagsuot ng isang sleeveless, white floral printed, silk dress, na may fit bodice at flared skirt na lagpas sa aking tuhod. I partnered it with turquoise chandelier earrings, nude strappy sandals at isang turquoise coloured shawl. I pulled up my long hair in a messy bun and tendrils of my hair on the sides. Light makeup lang ang nilagay ko sa aking mukha. When I am satisfied with my look, nagtungo ako sa deck 11 ng barko para puntahan ang isang restaurant doon. Nagugutom na rin kasi ako at dahil sa sobrang excitement ko, hindi na ako nakakain ng lunch kanina. Agad akong inasikaso ng matrei’d nang pumasok ako sa restaurant which serves italian cuisine. May pinakilala siyang waiter sa akin na siyang magse-serve at pinaupo ako sa isang table na malapit sa floor to ceiling glass wall. Gusto ko sana sa labas, sa mismong veranda, kaya lang mahangin kaya dito na lang ako sa loob. May mga tao na rin na naroon at masayang kumakain. Karamihan sa kanila ay may partners, kaya medyo awkward dahil nag-iisa lang ako. Inabutan ako ng menu ng waiter at sinalinan niya ako ng red wine. Agad akong umorder at lumapit din ako sa buffet table ng appetizers at kumuha ako ng salad. Habang kinakain ko ang aking greens, may tao na lang na humila sa katapat kong upuan at umupo siya doon. Napakurap ako dahil ito ‘yong lalake kanina na pinagpapantasyahan ko sa aking suite. Matamis siyang ngumiti sa akin at nakatitig lang ako sa kanya. “Can I join you, miss?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD