Nagkagulo na ang media sa labas ng El ZaCo building nang dumating kami. Hindi ko alam paano nila nalamang pupunta ako rito ngayon. Pero inaasahan ko nang mangyayari ito dahil na rin sa ginawang eksena ni Uncle Aro kahapon sa mall tour namin. Idagdag pang sa sasakyan niya ako sumakay kahapon. For sure ay may mga media na nakapalibot lang sa amin kahapon. Hindi ko lang alam kung maniniwala ba sa sinabi ni Uncle Aro na siniguro niyang walang nakasunod sa amin kahapon nang papunta kami sa townhouse niya. Hindi ko alam kung alin sa mga sinabi niya ang totoo at alin ang hindi. Naiinis pa rin ako sa kanya. Pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil nagpauto na naman ako sa kanya. Hindi na ako nadala. Pero hindi rin ako sigurado kung tama nga kami ng hinala ni Brylle na kapag nakapag-invest na ako