Chapter 9 - The Board Of Directors

1709 Words

Nasa loob na kami ng conference room. Nakatayo ako sa harapan ng sampung member ng board of directors na prenteng nakaupo, habang hindi inaalis ang mga tingin nila sa akin. Seryosong mga tingin iyon kaya hindi ko alam kung natutuwa ba sila sa presensya ko. Bale katorse kaming lahat ang naririto, kasama sina Kuya Neil, Tita Amanda, at Uncle Aro na kanina pa pala naririto. Ni hindi ko nakitang nilingon niya ako o kahit sulyap man lang. Putris! Bakit dismayado yata ako? Sandali lang. Kailangan ko na bang mag-move on? Eh, ano ba kami? Oo nga. Ano nga ba kami? Hindi ko maalalang may napag-usapan kami tungkol sa kung ano nga bang label namin. Isang araw ay nangyari na lang na nagkamabutihan kami hanggang sa naghalikan at nagdilaan. Maryosep! Talagang naiisip ko pa ang mga bagay na iyon sa mg

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD