Chapter 1 - He's Back

1833 Words
"Cut!" Napahinga naman nang maluwag si Brylle at kaagad na napaatras ng isang hakbang palayo sa akin. "Sayang naman," pang-aasar kong sabi sa kanya at pinandilatan niya lang ako ng mga mata. "Kaderder ka talagang bruha ka!" mariin ngunit mahina niyang sagot sa akin. Inilingkis ko ang braso ko sa braso niya at iginiya siya papunta sa hairdresser namin. "I love you too, Brylle." Bago pa man makapagsalita si Brylle ay nilapitan na kami ni Direk Manuel. "Ang sweet pa rin ninyong dalawa kahit off cam. Talaga bang wala kayong relasyon?" Gusto ko na sanang matawa kaso lihim na akong nakurot ni Brylle. "Ayaw po naming matulad sa ibang love teams. Nagkarelasyon, nagkahiwalay, at sa huli pati careers nila ay naapektuhan. Okay na kami sa ganito, best friends at komportable kami sa isa't isa." Narinig kong napa-oh ang ilang sa mga nakikinig. Ang iba naman ay napapatili dahil kinikilig kay Brylle. Habang ako naman ay nagpipigil ng tawa. "Ano naman ang masasabi mo roon, Rhia?" tanong ulit ni Direk Manuel. Tumikhim muna ako at ngumiti. "May nagaganap na pa lang interview dito, direk? Magkano talent fee namin?" At sabay-sabay silang napatawa. "Kahit kailan ka talaga, Rhia. Alam na alam mo kung paano patatahimikin ang mga interviewer," natatawang saad ni Direk Manuel at tinalikuran na kami. "Set ulit after thirty minutes." "Ang swerte ko talaga at natagpuan kita, Rhia," bulong niya sa akin na halatang nagpipigil na mapatili. Si Brylle Ortega ay love team ko ng apat na taon na. May anim na taon pa bago matapos ang kontrata ko sa kanya. Oo, sa kanya at hindi sa TV network management. May talent agency kasi na pag-aari si Brylle. Siya ang nakadiskubre sa akin at ako lang din ang nakadiskubre sa sikreto niya. Ang hindi kasi alam ng lahat ay pusong mamon si Brylle. Hindi lang halata kasi lalaking-lalaki ang galawan niya at kaya niyang kontrolin ang sarili pati na rin ang boses niya. Hindi naman siya iyong bading na nagsusuot ng mga damit pangbabae o hindi naman kaya ay nagme-make up. Minsan pa nga ay umiiyak siya sa akin dahil gustong-gusto niya nang lumantad. Ako ang nahihirapan para sa kanya. "Mas maswerte ako at nakilala kita, Belle," bulong ko sa kanya. Ako mismo ang gumawa ng pangalang Belle para sa kanya. "Ay, oo! Impakta ka pala," bulong niya sabay takbo papalayo sa akin. Hindi na ako nakasagot pa dahil kaagad na siyang nilapitan ng personal assistant niya. Nilapitan naman ako ni Michelle— ang personal hairstylist at make-up artist ko kaya hindi na ako makabanat pa kay Brylle. Umupo na ako sa harap ng hairdresser ko. Nakita ko kaagad ang repleksyon ko sa salamin. Sinong mag-aakala na ang tagapagmana sana ng El Zamora Corporation ay biglang naging mahirap at ngayon ay sikat na artista na. Ang buhay nga naman, parang ferris wheel. Minsan nasa itaas, kadalasan nasa ibaba. At habang umiikot ito ay halo-halong emosyon ang lulunod sa puso natin. Hindi pa rin nawawala sa puso at isipan ko ang mga nangyari limang taon na ang nakalipas. Sa isang iglap lang ay nagbago ang daloy ng buhay ko. Nagpapasalamat talaga ako at nakilala ko si Brylle. Nilapitan naman kaagad ako ni Jenny— ang personal assistant ko. Siya rin ang nagsisilbing secretary ko— tagaayos sa lahat, mga susuutin ko, schedule ko, all in one ko siya at talagang maaasahan ko since day one. Nakilala ko siya sa kalye, oo sa kalye. Matanda lang ako ng dalawang taon sa kanya. "Ate Rhia, may isiningit ako sa schedule mo. Since TV guesting lang naman, it will only take thirty minutes." Binigay niya sa akin ang tablet at inabot ko naman iyon. "For sure, magre-request sila ng kanta." Dahil sa talento ko sa pagkanta ay nagkakilala kami ni Brylle. Hindi lang basta ganda ang mayroon ako, 'no! Tumango ako at binalik kay Jenny ang tablet niya. "Okay. So pagkatapos ng set dito ay magbibihis na lang ako kaagad." "Yes po." May pinindot-pindot siya sa tablet niya at pinakita ulit sa akin iyon. "I think this outfit will do." Pakiramdam ko ay si Jenny talaga ang manager ko at hindi iyong manager namin ni Brylle. Yep, iisa kami ng manager. Parang wala naman iyong ginawa para sa akin. Tagatanggap lang yata iyon ng commission niya. Sa bagay, si Brylle na rin kasi mismo ang nagsabi na kahit nakakontrata ako sa kanya ay malaya pa rin akong magdesisyon para sa sarili ko at sa career ko. Malaya akong mag-model ng kahit na anong brand. Malaya akong suutin ang kahit na anong gusto ko. Malaya akong tumanggap ng kahit na anong endorsement. That was why I am so lucky to have Brylle. At bilang ganti sa kabutihan niya sa akin ay babaunin ko hanggang kamatayan ang sikreto niya. "Sige iyan na lang, Jenny," nakangiti kong sagot sa kanya. Lumapit naman si Nicole at naglagay ng isang basong tubig sa hairdresser. "Nagugutom ba kayo, Ate?" Umiling ako. "Okay lang ako. Kumain na ba kayo ni Joy?" "Tapos na, ate." Sina Joy at Nicole ay nagsisilbing runners ko— tagabili ng ganito-ganyan, tagabitbit ng mga gamit ko, parang mga personal maid ko. Si Lorna naman ang nakatoka sa lahat ng social media accounts ko. Hindi ako basta-basta nagkaka-issue sa social media dahil expert hacker si Lorna. Sina Nicole, Joy, at Jenny ay pinapaaral ko sa kolehiyo. Parehas kaming nag-aaral, online. Kapag kailangan ang presensya namin sa school ay pumupunta kami. Sinisiguro kong marami silang oras sa pag-aaral. Si Lorna naman ay fresh graduate at ako rin ang nagpaaral sa kanya. Silang apat ay sa kalye ko lang nakilala. Silang tatlo ay parehas na nasa second year college at ako naman ay huling taon ko na sa kolehiyo. Parehas din sila ng kinuhang kurso— Secretarial Course. Habang ako naman ay Business Administration— pinangarap ko na iyon dati pa. Dahil minulat ako ni Papa sa negosyo namin at sabi niya pa ay ako ang mamamahala ng kumpanya namin pagdating ng panahon. Kaso... Napabuntonghininga na lang ako. Ipagpapatuloy ko ang pangarap kong iyon, kahit hindi na para sa kumpanya namin. Plano kong magpatayo ng hotel and resort. May nabili na rin kasi akong lupa. "Ay, oo nga pala Ate Rhia, tumawag si Ma'am Sandra sa akin kanina. Ang sabi ay pupunta raw siya rito. May importante raw siyang sasabihin. May message daw siya sa iyo at mag-reply raw po kayo kaagad." Ibinigay naman ni Jenny sa akin ang cellphone ko. Nakatingin lang ako sa cellphone ko. Sa apat na taon ko sa pag-aartista ay ngayon lang ito nangyari. Kapag kasi importanteng bagay ay tumatawag lang si ate. Pero iyong pupunta siya rito ay ibang usapan na iyon. Gaano kaimportante at kailangan niya pa akong puntahan dito? Kinabahan ako bigla sa hindi malamang dahilan. Hinintay ko munang matapos sa pag-retouch si Michelle at sa pag-aayos ng buhok ko, saka ko binuksan ang mensahe ni Ate Sandra. "He's here." Iyon lang ang mensahe niya pero nagdulot iyon ng milyon-milyong emosyon sa akin. Sa pagkataranta ko ay nabitiwan ko ang cellphone at nagdire-diretso iyon sa sahig. Napatayo ako at hindi ko sinasadyang masagi ang basong dinala ni Nicole kanina. Umalingawngaw ang ingay ng pagkabasag nito. "A-Ayos ka lang po ba, Ate Rhia?" nag-aalalang tanong ni Jenny at kaagad namang pinulot ang cellphone ko. "Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Brylle nang makalapit at kaagad na hinawakan ang kamay ko. "You're trembling." Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili. Hindi ko inaasahan ito. Akala ko ay wala na siyang epekto sa akin. Pero mas lamang pa rin ang galit ko sa kanya. Inangat ko ang tingin kay Brylle at bumulong. "He's back." Gulat man ay hindi siya nagpahalata. Sa tingin ko ay gusto niyang sumigaw. Pero syempre, hindi pwede iyon sa imahe niya bilang lalake. Lalo pa at napapaligiran na kami ng mga staff. Kaya hinarap niya sila. "She's okay guys. Ahm, direk? Pwede bang resume na lang tayo bukas? I think napagod si Rhia." "Oh, sure! No problem!" Kaagad naman inanunsyo ni Direk Manuel na itutuloy na lang bukas ang taping. Alam nina Ate Sandra at Brylle ang tungkol sa amin noon ni Uncle Aro. Mahirap kasing kimkimin ang lahat kaya pinili kong ilabas baka kasi kung saan humantong iyong depression ko. Hindi ako iniwan ni Brylle hanggang sa makarating si Ate Sandra. "Sorry, Rhia... sana pala hindi na lang ako nag-message nang ganoon." Nakahawak si Ate Sandra sa mga kamay ko. Nasa isang coffee shop kami malapit sa building ng Union TV— ang TV network kung saan under nito ang talent agency ni Brylle. Hinarap ni Ate Sandra si Brylle. "Pasensya ka na, Brylle. Natigil tuloy iyong taping ninyo." "Ayos lang iyon, ate. Ang mahalaga ay iyong kalagayan ni Rhia," Brylle said, sympathetically. "Hindi biro ang nangyari sa inyo noon. I know, traumatized pa rin si Rhia. She's strong but everything has its own limit. Kaya hanggang kaya ko ay tutulong ako sa inyo." "Thank you so much, Brylle." "Ano ka ba, don't mention it!" At ayan na nga siya sa kabadingan niya. Iyong galaw niya na lalake, pero boses babae. Baka si Brylle lang iyan? Napatawa na lang kami ni Ate Sandra. "So, anong chika ba, Ate Sandra?" Nalipat naman ang atensyon ko kay ate at nakitang biglang sumeryoso ang mukha niya. Napansin kong huminga muna siya nang malalim bago nagsalita. "Pa-bunkrapt na ang El ZaCo." "What!" Halos sabay pa kaming napasigaw ni Brylle. Mabuti na lang at nasa pinakadulo kami ng coffee shop. "P-Paanong nangyari iyon?" Iyong kumpanya na pinaghirapan ni Papa ay mapupunta lang sa wala. "Kaya umuwi si Sir Aro—" "Don't use honorific, lalo na sa kanya," saad ko at ito na naman ang puso ko, kumakabog pa rin kahit marinig lang ang pangalan niya. "Hindi natin siya kilala." "Pero, Rhia, kumpanya iyon ni Papa." Maririnig ko na ang pag-aalala sa boses ni Ate Sandra. "Hahayaan mo bang mapunta lang iyon sa wala?" "Ano bang dapat kong gawin? Ang tanong ay kung may magagawa ba ako?" balik kong tanong kay Ate Sandra. "Wait lang," singit naman ni Brylle. "Anong koneksyon ng pag-uwi ni Aro sa nalalapit na pagkalugi ng El ZaCo?" "He will take over." Nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Ano bang dapat kong gawin? "Alam ko na." Sabay kaming napatingin ni Ate Sandra kay Brylle. "Mag-propose ka ng kasal kay Papa Aro—" Kaagad ko siyang binatukan. "Magpalit ka ng utak." "Ito naman, joke lang!" Inirapan niya ako. "This is my deal, bibilhin ko ang pinakamalaking shares sa stockholder at ipapangalan ko kay Rhia. Bayaran mo na lang ako kapag may bilyon ka na." "May bilyon ako, excuse you," pagmamayabang ko pero kaagad din akong napahinga nang malalim. "Nagawang nakawin ni Tita Amanda ang kumpanya sa akin. Sa tingin ninyo ay wala siyang gagawin kapag tumapak na ako sa kumpanya?" Napatango-tango naman sila. "Isa pa... siya pa rin ang suspek ko sa pagkamatay nina Mama at Papa." Bigla akong hinila ng nakaraan at damang-dama ko pa ang sakit mula sa mga panahong iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD