SAKTONG pagbaba niya ng sasakyan ay siya ring pagbaba ni Jicko sa sasakyan nito.
"Erin, mauna kana sa loob. Bibili lang muna ako ng materials may nakalimutan kasi ako. May oras pa naman ako, diyan lang ako sa may book store sa unahan bibili." ani Julie sa kaniya.
Kumaway lang siya bilang paalam. Agad naman siyang pumasok sa elevator sa parking area. Magsasara na sana ito nang biglang may isang kamay na humarang. Mukha agad ni Jicko ang bumungad sa kaniya.
"Ang aga mo yata ngayon?" tanong nito.
"Maaga pa ba ang alas syete?"
"Medyo, anyway tinext ako ni Dave ininvite niya ako sa Sabado birthday raw ng father in law niya. E diba Daddy mo iyon?"
Hindi agad siya nakasagot. Bakit iimbetahan ni Dave si Jicko? Sa pagkakaalala niya ay hindi close ang dalawa.
"Si Dave? Ininvite ka sa birthday ni Daddy? Kailan pa kayo naging close ni Dave?"kunot-noo niyang tanong kay Jicko.
"He's my cousin, second degree. Hindi niya siguro na kwento sayo kasi hindi naman kami ganoon talaga kalapit sa isa't-isa. Noong last year na nagkaroon ng reunion ang family namin doon lang kami nagkaroon ng chance na mag-usap."
"Ahh, kaya pala."
"Pupunta ka for sure sa sabado. Sabay ka nalang sa'kin. Sunduin nalang kita sa apartment niyo? Ano deal?" nag-approve sign pa ito sa kaniya sabay ng pakikipag-deal nito na isasabay siya nito sa sabado papunta sa kaniya at susunduin pa siya.
Wala naman siyang problema sa ganoon. Dahil malapit na kaibigan naman ng family nila si Jicko. Palagi niya itong nakikita sa mga family gatherings nila. Mapagkakatiwalaan naman din niya ito.
Iyon lang ay baka ano ang isipin ng pamilya niya kung bakit sila magkasama. Iniisip kasi niya na ngayong alam niyang magpinsan pala itong si Jicko at ang ex niyang si Dave. Pakiramdam niya ay ang awkward tingnan kung magkasama silang pupunta doon.
"Titingnan ko muna, hindi pa kasi din ako nakapag-file ng leave."
"Its okay, you can call me anytime kung ano ang sagot mo sa alok ko." pagkasabi niya niyon ay bumukas na ang elevator.
"Mauna na ako sayo ah, see you when I see you. Take care." dagdag pa ng binata at saka ito naglakad palayo.
Hanggang sa makarating siya sa mismong office nila.
"Good morning Erin." masayang bati ni Misty sa kaniya.
"Ang saya mo yata ngayon friend ah."
"Ano ka ba! Everyday naman akong happy. O siya siya sige na mauna na ako sa pwesto ko."
Sumampa agad siya sa upuan niya saka nilapag ang bag niya sa table. Agad na binuksan ang computer para makapag-simula agad sa trabaho niya.
"Good morning Erin."
"Hi Kian,"
"Iba yata ang aura mo today girl, anong meron?" sa tingin palang ni Kian sa kaniya ay halata ng mang-aasar ito.
"Wala naman ah, ikaw kung ano-anu napapansin mo magtrabaho na nga lang tayo. Para maaga tayong matapos."
"Bakit? May lakad ka ba?" tanong nito.
"Wala naman, magfi-file sana ako ng leave. Kasi birthday ni Daddy sa sabado. Nangungulit ang Mommy na umuwi ako alam mo naman na Daddy's girl ako."
"Ay talaga?naku ang mabuti pa mag-file kana ngayon kasi aalis si Sir mamayang tanghali. Balita ko lilipad papuntang states si Sir. Iyon kasi narinig ko bago ako pumasok."
"Naku! Buti nalang talaga nagsabi ka. Sige wait lang pupuntahan ko muna si Sir sa office."
Agad naman siyang nagtungo sa opisina ng amo niya.
Nang akma na niyang bubuksan ang pinto ay agad rin itong bumukas.
"Oh, Erin ikaw pala, nga pala ngayon ka na magpaalam kasi aalis si Sir mamaya." ani Jicko sa kaniya.
"Iyon na nga ipinunta ko dito. Ikaw ba? Nagpaalam kana?"
"Oo tapos na sige pasok kana. Marami pa kasi ako tatapusin."
Tinalikuran na siya nito saka naman siya pumasok sa opisina ng boss niya.
Nang matapos makapag-paalam ay saka na ulit niya tinapos ang trabaho.
Masaya na si Erin sa trabaho niya. Sabi niya ay gusto niya maging abala sa lahat ng bagay. Kasi tuwing nag-iisa lang siya at walang ginawa pakiramdam niya ay para siyang mababaliw. Kung ano-anu lang kasi naiisip niya hanggang sa malulungkot nalang siyang bigla.
Bandang tanghali ay nag-text si Julie sa kaniya na hindi muna sila sabay mag-lunch dahil madami itong tatapusin. Si Kian naman ay diet daw kaya ayaw mag-lunch. Kaya wala siyag choice kundi ang kumain mag-isa.
Habang nakaupo at kumakain mag-isa.
"Pwede ba akong maki-share dito?"
Agad siyang nag-angat ng ulo. Ang nakangiting mukha ni Jicko ang nakita niya.
"H-ha?"
"Sabi ko pwede ba maki-share dito?"
"Yeah, yeah sure. Pasensya na lutang ako ngayon. Ang dami kasing inisip."
"Kasali ba ako diyan?" pakunwari nitong tanong
"Kasali saan?"
"Diyan sa iniisip mo."
"Baliw, palabiro ka talaga bakit problema ka ba para isipin ko?"
"Kung pwede lang maging problema bakit hindi? Kung ang kapalit naman niyon ay ang isipin mo lagi."
Muntik na siyang mabulunan dahil sa sinabi ni Jicko sa kaniya.
"Alam mo ikaw ang mais mo. May sakit ka ba? Nagugulat ako sa'yo. Baka naman naambunan ka kahapon. Naku! Kasalanan ko pa." dahil sa naiilang at nahihiya hindi na niya malaman ano ang sasabihin.
"Biro lang, pinapatawa lang kita ang seryoso kasi ng mukha mo parang byernes santo."
"Infairness natawa ako doon ah. Salamat, kumain na nga lang tayo. Puro ka talaga kalokohan."
"Sa sabado ah, susunduin kita, nahihiya kasi ako kung ako lang. Medyo matagal na din mula ng huli akong sumama sa mga family gathering."
Hindi mapigilan ni Erin na titigan si Jicko. Simply lang ito. Magalang, masayahin, palabiro. Kung iisipin ay nasa kaniya na ang lahat.
"Bakit ka naman mahihiya, kilala ka naman ng family namin."
"Ah basta, susunduin kita wala ng aangal." natatawa siya sa kakulitan nito.
Naalala niya ganiyan na ganiyan si Dave noon sa kaniya. Iyon nga lang noon iyon, hindi na ngayon.
Kahit anong gawin niya hindi niya pa rin kayang alisin si Dave sa puso niya. Si Dave pa rin kahit alam niyang wala na. Matagal ng tapos ang storya nilang dalawa.