"Erin!.." malakas na sigaw ni Julie mula sa baba.
"Erin, nandito na sundo mo bilisan mo na diyan." sa tuno ni Julie ay mukhang ito pa ang excited kaysa sa kaniya.
Wala naman talaga siyang balak umuwi, kung hindi lang dahil kaarawan ng Daddy niya ay talagang hindi siya uuwi ng probinsya.
Dalawang minuto bago bumaba si Erin, suot niya ang isang simpleng color gray na damit na hanggang tuhod. Nagmukha siyang bata sa suot niyang rubber shoes. Nilugay din niya ang medyo may pagka-curly niyang buhok.
"Bagets ang aura mo ngayon girl ah, children's party ba pupuntahan mo at naka-ganiyang outfit ka?" puna ng kaibigan sa kaniya.
"Alam mo ikaw, atribida ka talaga, o' siya aalis na kami ng sundo ko. Baka bukas na ako makakauwi kaya ilock mo ang mga pinto. Mahirap na baka manakaw ka." pabirong pahabol niya pa.
"Ay bet ko iyon girl. Para naman magka-jowa na ako. Ayoko matulad sayo ayaw magka-jowa bitter pa rin. Oo nga pala baka makalimutan mong nandoon ang ex jowa mo. Huwag marupok girl. Baka mamaya uuwi kang basag."
Minsan ganiyan magsalita si Julie akala mo biro lang pero real talk talaga mga lumalabas sa bibig ng kaibigan niya.
Pero atleast masaya siyang magkaroon ng prangkang kaibigan kaysa magkaroon ng plastik na kaibigan na wala naman pakinabang sa buhay mo.
"Sorry natagalan ako, may habilin pa kasi si Julie para namang hindi ako uuwi kung ano-anu pa ang habilin na sinasabi."
"Nakakatuwa talaga kayong magkaibigan. Iyong dalawa lang kayo pero ang saya niyo. Iyon bang kahit mag-away kayo pero ang sweet niyo pa rin sa isat-isa. Ganiyan ang nakikita ko sa pagkakaibigan niyo." komento ni Jicko.
"Ikaw ba naman magkaroon ng abnormal na kaibigan." sabay tawa niyang sabi.
Pinagbuksan siya ni Jicko ng pinto. Bigla naman siyang kinabahan ng magdikit ang mga braso nilang dalawa. Ang posisyon nila ay parang napayakap sa kaniya si Jicko habang pinagbubuksan siya nito ng pinto ng sasakyan. Sa sandaling iyon ay nakaramdam siya ng pagka-ilang.
Agad siyang sumakay para hindi mahalatang nailang siya sa ginawa ni Jicko. "Salamat." aniya.
Panay kwento naman ito ng kung ano, siguro nabobored lang si Jicko dahil medyo mahaba at malayo ang byahe papunta sa kanila.
"Namiss ko talaga ang buhay probinsya, iba kasi talaga ang buhay doon napaka-simply lang." kwento pa nito sa kaniya.
"Kung sakaling mag-aasawa na ako mas gusto ko manirahan kami sa probinsya. Simpleng buhay lang kasi talaga ang pinapangarap ko. Ikaw ba?" bigla nitong tanong sa kaniya.
"H-Ha?"
Hindi niya magawang makinig ng maayos kasi ang nasa isip niya, kung paano pakikitunguhan ang mga taong nanakit sa kaniya. Ngayong magkikita na ulit sila.
"Ang sabi ko ikaw ba anong gusto mo kapag nag-asawa kana?"
"Hmm, simply lang din ang mahalaga kasama ko iyong taong mahal ko." sagot niya.
Iyon kasi ang pangarap nila ni Dave noon. Simply lang basta ang mahalaga magkasama silang dalawa .
Naunang lumabas si Jicko ng sasakyan nang makarating sila. Agad naman itong sinalubong ng ibang kamag-anak nila na close din ni Jicko. Childhood friend sila ni Jicko pero hindi niya ito masyadong close noong mga bata pa sila. Noon kasi ay hindi siya mahilig makipaglaro sa lalaki. Mga pinsang babae lang ang kasama niyang maglaro noon.
Hindi agad siya lumabas ng sasakyan. Nabuhay ang kaba sa dibdib niya, matapos ang dalawang taon ay muli niyang makikita ang mga taong iniwan niya para isalba ang sarili niya. Binuo niyang muli ang sarili niya noong panahon na pakiramdam niya ay wala siyang kakampi.
"Ate Erin, mabuti at nakarating ka akala namin hindi kana uuwi rito sa'tin." sinalubong siya ng yakap ng pinsan niya.
"Pwede ba naman iyon, syempre namiss ko kayo e."
"Tita, nandito na po si Ate Erin." hinila siya nito papasok sa bahay nila.
Nakalimutan niya tuloy na kasama niya pala si Jicko.
"Jick, tara pasok na tayo." anyaya niya.
Isa-isa siyang sinalubong ng yakap ng mga kamag-anak niya. Sobrang namiss din talaga niya umuwi.
Kung hindi lang dahil sa kaarawan ng Daddy niya ay talagang wala siyang balak umuwi. Ayaw lang din niya na magtampo ang magulang niya.
"Happy birthday Daddy, namiss kita sobra." sabay halik sa pisngi ng ama. Niyakap din siya nito.
"Erin ang baby ko. Bakit ngayon ka lang umuwi. Magtatampo na talaga ako sayo. Kung hindi ka pa tinawagan ng Mommy mo ay hindi ka rin uumuwi gaya noong huling birthday ko." paglalambing sa kaniya ng Daddy niya.
"Daddy naman e, nandito na nga ako 'wag na kayo magtampo."
Panay kumustahan lang ang naganap. Hanggang sa dumating ang Ate niya at si Dave.
"Dave, nandyan na pala kayo. Nandito si Erin kadarating lang niya." magiliw na sabi ng Tita Nina niya.
Hindi siya nagsalita. Nanatili lang siyang nakaupo. Ngumiti lang si Dave sa kaniya tila ba nahihiya sa presensya niya doon. Sumunod naman si Claire na karga-karga ang anak nitong si Danica.
"Erin, mabuti at nakarating ka." masayang aniya ng ate niya.
"Tinawagan ako ni Mommy, hindi ko naman pwedeng palagpasin pa ulit ang birthday ni Daddy."
Pinilit niyang hindi mailang o makaramdam ng kahit ano dahil sa kapatid at sa dating nobyo niya. Binaling nalang niya ang atensyon sa pakikipag-kumustahan sa mga pinsan.
Nang nasa hapag na sila ay hindi pa rin matigil ang mga ito panay parin ang kwento nila.
"Bakit nga pala magkasama kayo ni Kuya Jicko Ate Erin? Siguro kayo na no?" panunukso ng pinsan niya.
"Maissue ka talaga hindi no, officemate ko kasi siya and ininvite din siya ni Dave kaya sabay na kami pumunta dito." mabuti nalang at abala din si Jicko sa pakikipag-usap sa ibang pinsan niya kaya hindi nito narinig ang sinabi niya.
Kahit hindi siya nakatingin kay Dave ay alam niyang nakatingin ito sa kaniya. Halos magkatapat lang ang inuupuan nila.
Iniiwasan lang talaga niya ang titigan ito. Takot siyang makaramdam ng kahit ano dahil alam niya na sa puso niya may puwang pa rin si Dave.
"Ay akala ko pa naman kayo na. Bagay pa naman kayo."
"Oo nga naman anak, bakit wala ka parin nobyo hanggang ngayon. Alam mo naman na tumatanda na kami ng Daddy mo. Baka hindi na namin maabutan ang apo namin sayo."
"Mommy talaga, baby nga ako ni Daddy kapag nag-asawa ako sino na ang tatawagin niyang baby." nagtawanan naman ang iba sa sinabi niya.
"Biro lang My, wala pa sa isip ko iyan My, focus muna ako sa trabaho ko. Gusto ko muna paglaanan ng panahon ang sarili ko. Ang love naman darating din iyan. Ayoko madaliin kasi baka mag-fail na naman."
Natahimik ang lahat matapos niyang sabihin iyon.
"Kumain na lang tayo ang seryoso naman ng usapan. Birthday ni Daddy kaya dapat happy tayo. Ako naman ginawa niyong topic porque ngayon niyo lang ako nakita ulit."
Agad din naman niyang binasag ang katahimikan. Hindi siya sanay na siya ang pinag-uusapan. At naiilang din siya sa topic lalo na at alam niyang kaharap lang niya ang mga taong nanakit sa kaniya.
Nang gabing iyon natapos ang kaarawan ng Daddy ni Erin sa isang masayang kwentuhan. Kahit pa may ilangan na naganap nakuha niya pa rin ngumiti.
"Bakit nasa labas ka pa? Malamig na ang mabuti pa ay pumasok kana."
napalingon siya ng magsalita si Dave sa likod niya.
Kahit hindi niya lingunin ay sigurado siyang makikilala niya pa rin ang boses nito. Kahit pa sa tagal ng panahon na hindi sila nagkita. Nakatatak pa rin sa isip niya ang lahat.
"Namiss ko lang ang lugar na ito. Matagal-tagal na rin simula ng nagpasiya akong pumunta sa maynila." aniya habang pinipilit ang sarili na kausapin si Dave nang hindi na ulit makaramdam ng sakit.
"Wala naman nagbago sa lugar na'to."
"Halata nga, iba kasi ang maynila. Nakakamiss pa rin ang manirahan dito sa probinsya."
"Ikaw, kumusta kana pala? Ang laki na ng pinagbago mo. Mas lalo kang gumanda." unang beses na kinamusta siya ni Dave. Mula noong makarating siya. Hindi siya nagawang kausapin ni Dave sa harap ng pamilya niya.
Ganoon din naman siya mas gugustuhin niyang hindi kausapin si Dave. Baka kung ano ang isipin ng makakita katulad ngayon.
"Matagal na akong maganda." natawa siya ng bahagya. "Maayos naman ako, wala naman nagbago sa'kin."
Sa pagkasabi niyang iyon ay hindi niya malaman saan huhugot pa ng lakas ng loob. Unti-unti siyang nanghihina sa presensya ni Dave. Kanina pa niya iniiwasan ang mga titig nito sa kaniya.
"Erin.." sabay silang napalingon nang tinawag siya ni Jicko.
"Jick, ano iyon." tumayo naman siya at nilapitan ang binata.
"May sinend kasi si Boss, itatanong ko lang sana opinyon mo kailangan na kasi ipasa to bukas."
"Dave, pasensya na sa istorbo ah." nilingo naman nito ang pinsan. "Pwede bang hiramin ko muna si Erin?"
"Yeah sure, kailangan ko na rin pumasok sa loob baka hinahanap na ako ng anak ko." paalam nito.
"Okay ka lang? Pasensya na naistorbo ko kayo."
"Ano ka ba, pasalamat nga ako sayo e. Kanina pa ako hindi mapakali." noon lang siya nakahinga ng maluwag nang tuluyan na silang iniwan ni Dave.
"Bakit? Hindi mo pa rin ba siya nakakalimutan? Siya pa rin ang mahal mo?"
Kahit itanggi niya ay alam niyang hindi iyon ang tamang sagot sa tanong.
"Hindi naman siya nawala dito e." sabay turo sa dibdib niya. "Gusto ko na siyang alisin dito. Kasi hirap na hirap na ang puso kong kalimutan siya. Hirap na hirap na ang puso kong magmahal ng taong hindi na kailanman magiging akin."
Hanggang sa hindi na niya mapigilan ang umiyak.
Walang anong salita ang lumabas sa bibig ni Jicko. Hindi niya malaman ano ang dapat sabihin. Niyakap nalang niya ito.
Nanatili lang sila sa ganoong setwasyon ng ilang minuto.
Bago narealize ni Erin na nakayakap siya kay Jicko. "Sorry, sorry nabasa ko tuloy ang damit mo."
"Its okay. Hindi ko naman alam na iiyakin ka pa rin pala. Wala pa naman akong dalang panyo." pagbibiro nito.
"Hindi ko pa nga nasauli sayo iyong panyo na binigay mo sa'kin noon." naalala niya noong lumabas siya ng simbahan sa araw ng kasal ni Dave at Claire.
Sinundan siya ni Jicko at inabutan ng panyo. Hindi niya makakalimutan ang araw na iyon na kahit yata mawala siya sa mundo ay nakatatak na sa isip niya ang araw na sobra siyang nasaktan.
"Sayo na iyon. Magagamit mo rin iyon. Basta wag ako ang maging dahilan ng pag-iyak mo."
"Ayan kana naman." at sabay silang nagtawanan.
"Halika na nga gawin na natin iyang pinapagawa sa'yo."
Sa kabilang banda. Masaya si Jicko sa nangyare. Kahit sa ganoong setwasyon at pagkakataon nakuha niyang mapatawa si Erin. Para sa kaniya ang ngiti ni Erin ay parang isang butuin sa kalangitan na kumikinang.
Alam niyang nasasaktan ito dahil sa pinsan niya. Noong una ay nahihiya siyang lapitan ito. Hindi sa ayaw niya makipag-kaibigan. Ayaw lang niya na may masabi ang pinsan niya sa kaniya o ng iba.
Kahit pa mas nauna siyang makilala nito kaysa sa pinsan niya. Kung alam lang niya na sasaktan ito ng pinsan niya ay sana hindi nalang siya nagpaubaya noon.
Pero nagpapasalamat pa rin siya na nangyare iyon. Nagpapasalamat siya na nauna ang pinsan niyang mahalin si Erin. Dahil mabait pa rin ang tadhana sa kaniya at binigyan siya ulit ng pagkakatao ngayon na mapalapit sa dalaga.
Araw ng lunes nang bumalik sila sa Maynila. Kapwa sila masayang nagpaalam. At nangakong babalik kung may pagkakataon.
" Jick dapat pagbalik mo rito may girlfriend kanang ipapakilala sa amin." habilin sa kaniya ni Pamela. Isa sa pinsan ni Erin na kababata din niya.
"Oo ba." tanging sagot niya.
Alam niya kasi ano ang ibig-sabihin niyon. Natawa nalang siya. Kasi iyon din ang gusto niya, na kapag bumalik siya sa lugar na ito sa susunod. Gusto niya ay maipakilala na niya sa lahat ang babaeng dadalhin niya sa harap ng altar.
"Nag-enjoy ka ba?" nakangiting nilingon niya si Erin sa tanong nito.
"Oo naman, noong mga bata pa kasi tayo ang lagi lang natin ginagawa ay maglaro lang. Ngayon ay ibang-iba na may mga asawa't anak na ang iba. Parang tayo nalang yata ang napag-iiwanan." natatawang sabi nito sa kaniya.
"Oo nga e, ikaw bakit wala ka pa rin girlfriend hanggang ngayon. Gwapo ka naman, may stable job. Perfect na."
"Iyon na nga ang problema. Hindi pa kasi handa ang babaeng mahal ko."
"So may nagugustuhan kana?"
"Oo, matagal ko na siyang gusto. Hindi ko lang masabi may mahal kasi siyang iba. Saka ko na lang sasabihin sa kaniya na may gusto ako sa kaniya. Marami pa naman pagkakataon e."
Sinabi ni Jicko iyon sa kaniya ng seryosong makatingin sa kaniya. Deretsong makatitig sa mga mata niya. Gusto niyang itanong kung sino ang tinutukoy nito. Pero natatakot siya na baka pareho ang sagot at nasa isip nilang dalawa. Agad niyang nakaramdam ng kakaibang kaba. Iyong kaba na ngayon lang niya mararamdaman sa tanang buhay niya.
"Ang swerte niya. Ang swerte niya sayo." iyon lang ang tanging naisagot niya.
"Tara na! Baka gabihin tayo."
Agad naman siyang sumakay sa sasakyan bilang pag-iwas.
Tahimik lang si Jicko sa byahe. Nilingon niya si Erin. Nakatulog na pala ito. Gusto niyang ihinto ang sasakyan at titigan itong natutulog. Sa ganoong paraan niya lang masisilayan ng malapitan ang mukha nito. Iyong mukha na hindi niya pagsasawaang titigan.
"Darating din ang araw na masasabi ko rin sayo ang laman nitong puso ko. At sana kapag dumating ang araw na iyon. Handa kana rin magmahal ulit." wala sa sariling naiusal niya.
Kontento na siya na ganito muna sila. Hahayaan na muna niyang maghilom ang sugat sa puso ni Erin. Hahayaan niya muna na mahalin muna nito ang sarili niya.
Pinapangako naman niya sa sarili niyang hindi niya hahayaan na masaktan ulit ito. Hinding-hindi na niya hahayaang mangyare iyon.