"Salamat Jick, kung hindi ka dumating baka mabulok na ako sa waiting area kahihintay ng sasakyan." ani Erin pagkababa niya ng sasakyan.
"Ilang beses kana nagpasalamat, qouta kana." sabay tawa nitong sabi. "Isa pa kahit sino naman na nasa ganoong setwasyon ay tutulongan ko. Kaya huwag mo na isipin iyon." dagdag pa nito.
"Pasok na ako, ingat ka sa pag-uwi mo. Salamat ulit." sabay kaway nito kay Jicko.
Pasado alas onse na ng gabi siya naka-uwi kaya sigurado siyang humihilik na si Julie. Mabuti nalang may duplicate key siya kasi minsan ay 'di sila sabay ni Julie kung umuwi.
Pero pagbukas niya ng pinto ay nakabukas pa ang ilaw sa sala ng apartment nila.
"Late ka umuwi, nakita ko may naghatid sayo sino iyon. Ikaw ah may 'di ka sinasabi sa'kin." bungad ni Julie sa kaniya.
Akala niya ay tulog na ito pero hindi pa pala. Abala pa ito sa paggawa ng report niya para bukas. Ganiyan talaga ang kaibigan niya kapag may hindi natapos na gawain sa office sa bahay na niya ito tinatapos para kaunti nalang ang gagawin niya kinabukasan.
"Gaga, si Jicko iyon. Nakita niya kasi ako sa waiting area. Wala ng masakyan kasi nga po umuulan. Tapos tinawagan kita hindi mo naman sinasagot hanggang sa nalowbat ang phone ko. Magpapasundo nalang sana ako sayo. Mabuti nalang dumaan siya kaya ayon nakisabay nalang ako. Isang daanan lang naman ang uuwian namin." paliwanag niya pa.
"Asus, may something kayo no? Tapos hindi mo lang sinasabi sa'kin." kantyaw sa kaniya ni Julie. Kinikiliti pa siya nito.
"Alam mo ikaw ang showbiz mo. Baka mamaya maissue pa kami naku! Ikaw talaga salarin."
"Malay mo naman sis iyan na ang hinihiling mong blessing kay Universe."
"Tigil-tigilan mo ako Julie, ayoko muna pag-usapan ang ganiyan. Maiwan na kita inaantok na ako gusto ko ng magpahinga. Anong oras na din maaga pa ako bukas. Ikaw matulog kana din sa office mo nalang tapusin iyan." aniya.
Agad siyang sumampa sa kama pagpasok niya sa kwarto.
Iniisip niya, siguro kung hindi siya niloko ni Dave masaya na sana sila ngayon. Pero sa kabilang banda magandang dahilan na rin iyong nangyare kasi hindi niya malalaman at hindi siya matatauhan na kahit gaano mo kamahal ang isang tao kung hindi ka sapat para sa kaniya ay hindi talaga kayo ang para sa isa't-isa.
Marami siyang natutunan mula sa sakit na dinulot ni Dave sa kaniya. Kahit tanggap na niya ang nangyare. Hindi pa rin niya masasabi na masaya na siya. Kasi hindi pa handa ang puso niya na buksan para sa iba.
KINABUKASAN, ginising siya ng alarm clock niya na bigay pa ng Mommy niya noong nagdesisyon siyang bumukod. Alas sais na nang umaga, Alas osto ang pasok niya kaya agad siyang bumangon at naghanda para pumasok.
Pagkababa niya ay saktong kakatapos lang ni Julie magluto ng agahan nila. Nakatoka kasi si Julie sa pagluto ng agahan nila palagi. Siya naman ang sa lunch or sa dinner nila depende kung anong oras sila matatapos sa trabaho. Minsan ay hindi rin sila sabay kumain kasi sa dami ng tatapusin nilang trabaho kaya kaniya-kaniya nalang sila.
"Medyo late kana yata ah, usually nauuna ka pa sa akin magising. E nauna ka rin matulog sa'kin pero huli kang nagising." ani Julie sa kaniya sabay lapag ng tasa na may lamang kape sa harap niya.
"Nasarapan lang sa tulog. Mabuti na rin iyon sobra ang tulog ko hindi agad ako mapapagod. Alam mo naman si Boss. Minsan may topak kahit wala naman masyadong gagawin ang dami pa rin pinapatrabaho. Pero mukhang madami-dami nga tatrabahuin ko ngayon. Naka-leave kasi isang editor sa department namin. Dalawa nalang kami ni Kian."
Tatlo silang Editor sa department nila. Di naman kalakihan ang sakop ng department nila pero sa kanila ang mas madaming ginagawa. Sa printing din hindi masyadong toxic sa mga gawain kasi madami naman staff sa area na iyon. Minsan nga ay nagrereklamo na ang iba kasi matagal ang process ng pag-eedit at pagsusuri ng mga iimprenta nila. Sinisigurado nila ang kalidad na mabibili ng customer.
"Hagard nga iyan manigurado. Buti nalang sa accounting department okay lang ang takbo. Maliban lang kung may delivery kasi minsan si Boss pinapaasikaso muna ang p*****t ng mga prints. Ang arte talaga ni Boss minsan." sagot pa ni Julie.
"Naku, bilisan nalang natin baka malate pa tayo traffic pa naman ngayon."
Nagkakasundo talaga sila sa lahat ng bagay ni Julie. Pero minsan kontra din ito sa kaniya. Sanay na din sila sa isa't-isa. Halos dalawang taon na din silang magkasama sa apartment.
Simula ng bumukod siya sa pamilya ay ang dami niyang natutunan at nagagawa ng hindi kailangan umasa sa pamilya.
Habang nasa byahe sila ay biglang tumunog ang cellphone niya.
"Hello, My? Napatawag kayo?" sagot niya sa kabilang linya.
"Anak libre ka ba sa sabado? Baka pwede ka naman dumalaw sa bahay. Birthday ng Daddy mo." aniya ng Mommy niya.
"Titingnan ko sa schedule ko pa. Magpapaalam nalang po ako kay Boss."
"O'sige anak. Aasahan ko iyan. I miss you. Take care."
"I miss you to My," saka niya binaba ang cellphone.
"Anong sabi ng Mommy mo? Ba't biglang napatawag?" tanong ni Julie.
"Birthday ni Daddy sa sabado. Nakalimutan ko, pinapapunta ako ni Mommy sa bahay."
Sa tagal niyang hindi nakakabisita sa kanila ay nakalimutan na niya pati mga mahahalagang okasyon sa pamilya.
"Pupunta ka?"
"Hindi ko alam, two years na akong hindi nakakabisita sa bahay."
"Kung pupunta ka makikita mo si Dave. Masasaktan kana naman."
"Iyon na nga. Pero wala naman na sa akin ang nangyare hindi ko lang talaga maiwasan maalala kapag nakita ko sila ni Ate."
"So pupunta ka nga?"
Kahit hindi niya sabihin ay alam na alam ni Julie magiging sagot niya.
"Birthday naman ni Daddy iyon isa pa hindi ako nakapunta last year kasi diba? May team building tayo sa baguio niyon. Baka magtampo na si Daddy sa'kin. Alam mo naman na Daddy's girl ako."
"Ikaw bahala, basta ang sa'kin lang huwag mo hayaan lamunin ka ng sakit na mararamdaman mo kapag nagkita ulit kayo ni Dave. Ipakita mo sa kanila na okay ka. Na kinaya mo na wala siya, na kaya mo ulit ngumiti kahit pa nasaktan ka niya."
Ganiyan siya kamahal ni Julie laging pinapaalala sa kaniya paano siya nasaktan.Kasi nga daw para matauhan siya kapag nagkita ulit sila ni Dave.
Alam kasi ni Julie kung ilang baldeng luha ang iniyak niya noon.
Hanggang sa makarating sila sa office nila ay iniisip pa rin niya kung ano ang mangyayare sa sabado. Handa naman siyang makita ulit si Dave. Iyong puso niya lang ang hindi pa handa. Wala paman din ay iniisip na niya ang magiging reaksiyon nilang dalawa oras na magkaharap ulit sila. Sana makaya niya, Iyon lagi ang pinapaalala sa sarili. Sana kayanin niyang tumingin kay Dave ulit ng hindi na nasasaktan.