TANGHALI na nagising si Erin araw ng martes. Tumama sa kaniyang mukha ang init paglabas niya sa veranda sa kaniyang kwarto. Inextend niya ang leave niya ng dalawang araw. Pero ginagawa pa rin niya ang ibang trabaho kahit naka-leave siya.
Matapos mag-ayos ay nagpasiya na siyang bumaba para kumain.
"Hindi ka papasok?" agad niyang tanong kay Julie pagkababa niya
"Maya maya pa may dadaanan pa kasi ako." matamlay na sagot sa kaniya ng kaibigan
"Wait? May problema ka ba?" hinawakan niya ang noon nito. "Wala ka naman lagnat o sakit. So may problema ka nga?" sinisigurado niya talaga kalagayan ng kaibigan baka nga kasi may sakit. Pero minsan kapag matamlay ito may problema lang na iniisip.
"Gaga, pagod lang ako kasi nga diba? pag-uwi ko kagabi deretso tulog na ako lagi kasi akong overtime e paano nakaka-badtrip ang Jared na iyon. Daig pa si Boss kung gawin akong alipin."
Natawa naman siya sa pagmamaktol ng kaibigan.
"Sige lang girl tawanan mo lang ako."
"Alam mo kasi friend, iyang ganiyang pag-iinarte mo sige pupusta ako magkakagusto ka din sa Jared na iyan. Diyan kasi nagsisimula sa pagiging hate mo sa kaniya tapos mauuwi sa love."
"Alam mo din ikaw, Sagutin mo na si Jicko nang magkajowa ka na hindi iyong lovelife ko pinoproblema mo. Naku girl kahit hindi na ako magka-jowa basta ayoko lang makita pagmumukha ni Jared. Nakakainis talaga inaraw-araw pangba-badtrip sa'kin."
Ayaw man niyang sabihin pero alam niyang magiging tama ang hula niya.
Hindi rin naman maikakailang hindi mareklamo si Julie sa trabaho. Tulad niyan kahit pagod na pagod na. Hindi iyan nagrereklamo sa Boss nila o kasama. Well, maliban sa kaniya na sumbungan nito kapag may kinaiinisan sa trabaho.Kung ikukumpara sa kaniya mas masipag si Julie magtrabaho. Hindi rin kasi pressured sa area niya kasi madami naman sila doon. Compared sa area niya na tatlo lang sila kaya mas tambak ang trabaho.
"Bakit tinanghali ka ng gising?" tanong ni Julie sa kaniya
"Bumabawi lang sa pahinga, noong umuwi kasi kami hindi ako nakatulog ng maayos."
"Oo nga pala hindi ka pa nagku-kwento sa'kin kung ano ang nangyare sa pag-uwi mo sa inyo."
Napatigil siya sandali saka nag-isip at humugot ng malalim na paghinga.
"Masakit parin Julie, nararamdaman ko pa rin iyon sa puso ko. Noong makita ko ang anak nila na kamukhang-kamuka ni Dave. Doon ko napagtanto na hindi kami ang tinadhana para sa isa't-isa. Pinahiram lang siya ni Universe sa'kin. Pero hindi talaga siya para sa'kin. Noong nakausap ko siya. Bumalik sa'kin ang lahat kung ano kami noon. Kung paano ang turingan namin noon. Naisip ko rin siguro naging magandang dahilan nalang ang birthday ni Daddy para makapag-usap kami. Pero hindi ko nasabi lahat sa kaniya. Lahat ng sama ng loob, sakit na kinimkim ko sa kaniya mula ng maghiwalay kami." aniya, saka humugot ulit ng malalim na paghinga. Pinipigilan ang maiyak.
"Pero okay na rin iyon atleast napakita mo sa kaniya kung ano kana ngayon. Pinakita mong hindi ka mahina dahil sa nasaktan ka."
"Naisip ko rin na kailangan ko ng maglet go. Kailangan ko na siyang kalimutan. Kailangan ko ng bitawan at iwan ang lahat sa nakaraan.Na kailangan ko ng alisin iyong sakit sa puso ko. Gusto ko na ulit mahalin muna ang sarili ko. Baka iyon ang magiging paraan para sumaya ako at hindi na isipin pa ang ginawa niya."
"Mabuti naman at naisip mo na iyan. Matagal ko ng pinapaalala sayo na sarili mo muna. Kailangan mo ng kalimutan ang meron kayo kasi hindi na mababalik pa iyon. Magsimula ka ulit, sarili muna bago ang iba."
Pakiramdam niya ay nabunutan siya ng mga tinik sa puso niya na siyang dahilan din kung bakit laging may pumipigil sa kaniya para kalimutan si Dave. Ang dami niyang realization matapos ng pag-uusap nila ni Dave.
Matapos nila mag-usap ni Julie, pumasok na ito sa trabaho. Habang siya inaaliw nalang muna ang sarili sa pag-scroll sa social media account niya.
Hanggang sa nakita niya ang post ni Jicko.
"Love yourself first, kasi kapag natapos mo na mahalin ang sarili mo. Ako naman iyong magmamahal sa'yo."
Kumunot ang noo niya ng mabasa iyon. Kakaiba ang dating sa kaniya ng linyang pinost ni Jicko. Hindi niya maintindihan kung para saan at para kanino iyon.
'Ang swerte ng mamahalin niya.'
Bigla niyang nasabi sa sarili. Hindi naman maiwasan na mapaisip siya. Wala siyang nalaman na may naging girlfriend ito gaya rin ng sabi ng mga pinsan niya noong nasa probinsya sila.
'Sana lahat ng lalaki gaya mo.'
Agad naman niyang pinagsasampal ang sarili sa iniisip. "Ano ka ba Erin, Wag mo na pakialam ang buhay ng iba. Sarili mo muna." aniya.
Nilog-out nalang niya ang f*******: account niya. Ginawa nalang niya ang trabaho niya para bukas pagpasok niya ay wala na siyang masyadong gagawin.
Inabot siya ng alas otso ng gabi sa pagta-type at pagbabasa ng mga sinend na email sa kaniya.
Tumigil lang siya ng makaramdam siya ng gutom. Saka siya bumaba at nagpasiyang magluto.
Habang nagluluto siya at may nag-doorbell.
"Alas otso palang umuwi na ba agad si Julie. Ang aga naman." sabi niya sa pagtataka kung sino ang nag-doorbell.
Nang buksan niya ay nagulat siya ng tumambad ang mukha ni Jicko.
"Jick, nandito ka?"
"Sorry naka-istorbo ba ako? Hindi ka kasi pumasok and hindi kita matawagan kaya pumunta nalang ako. May ipapakita lang ako sayo na report. Hindi ko kasi alam kung okay na ba ito alam ko kasing matutulungan mo ako dito. Pero kung busy ka bukas nalang natin pag-usapan."
"Ano ka ba? okay lang, halika pasok ka muna. Kumain kana ba? Dito ka nalang maghapunan nagluto kasi ako."
"Nakakahiya naman nagpapatulong na ako makikikain pa."
Gusto niya tuloy matawa. Natural talaga kay Jicko ang pinapakitang reaction nito. Sobrang bait na akala mo hindi pa nakabasag ng pinggan.
"Marunong ka pala mahiya?" natawa siya ng bahagya.
"Grabe ka naman hindi pa naman ganoon kakapal ang mukha ko."sabay hawak pa nito sa mukha niya.
"Biro lang, basta dito kana kumain ah. Wala kasi si Julie late na kasi iyon pumasok baka late din iyon ng uwi."
"Gusto ko sanang tumanggi pero naaamoy ko na ang niluluto mo parang ayaw ko ng tumanggi pa." natawa ito.
Special recipe niya ang kare-kare. Ito ang unang beses na ipapatikim niya sa iba bukod kay Julie ang sarili niyang lutong bahay.
"Mapaparami yata ako ng kain nito, mukhang masarap itong kare-kare mo."
'Mas masarap akong magmahal kaysa diyan sa niluto ko.'
Gusto sana niyang isatinig iyon. Pero baka ano ang isipin ni Jicko.
"Hindi ako magaling magluto makakalimutan mo lang pangalan mo pagkatapos mo kainin iyan."
"Okay lang makalimutan ang pangalan huwag lang ang nagluto nitong ulam."
Pumick-up line na naman ito.
"Puro ka talaga biro. Kumain nalang tayo habang mainit pa."
"Hindi naman kasi biro iyong sinabi ko." sagot pa nito
Napayuko naman siya sa hiya, pakiramdam niya namula ang mukha niya.
Aminin man niya o hindi. Napapakilig siya ni Jicko sa mga simpleng biro nito sa kaniya. Akala kasi niya noon seryoso ito. Kasi tahimik lang din ito noon pa. Bihira lang niya nakakausap at hindi sila ganoon talaga ka-close para matawag na magkaibigan.
"Ang sarap nga ng luto mo. Baka makalimutan ko na ang daan pauwi neto, kung ganito kasarap ang ulam ko araw-araw baka araw-araw din akong makikikain dito." pabiro nito ulit.
"Bakit wala ka bang kasama sa bahay mo para ipagluto ka?"
"Wala, gaya niyo ni Julie ako lang din mag-isa nanirahan dito sa maynila. Nasa probinsya kasi sila Lola ang parents ko naman nasa abroad pareho. Every two years kung umuwi kasi nasanay na kami na sila Lola ang kasama namin. Simula din noong magpasiya akong mag-trabaho dito e dito na ako nag-stay masyadong malayo din kasi ang byahe kung uuwi ako sa amin. Dumadalaw lang ako doon kapag may pagkakataon."
"Kaya pala, Hayaan mo kapag may time ako magdadala ako ng ulam sa office isasama ka namin ni Julie."
"Talaga? aasahan ko iyan ah."
Natutuwa siyang nagustuhan ni Jicko ang niluto niya. Bukod kasi kay Julie ay wala pang pumupuri sa niluluto niya.
Inabot sila ng alas dyes ng gabi sa paggawa ng report ni Jicko, mabuti nalang at natapos na niya ang trabaho din niya.
"Aba! may bumisita pala dito hindi ako nainform my friend." pang-aasar ni Julie.
Kadarating lang nito naabutan silang dalawa ni Jicko na nasa sala abala sa ginagawa.
"Ang sweet naman ng pagbisita mo Jicko, Ang daming pagkain sa mesa, samantalang kapag ako kasama ni Erin ni tubig hindi ako magawang ipaghanda niyan."
"Hoy Julie, manahimik ka nga. Ikaw talaga pinapahiya mo'ko."
"Ay girl wag ka mahiya si Jicko lang iyan hindi ba? Jick?" kumindat pa ito.
Napatakip tuloy siya sa mukha niya sa sobrang pagkahiya.
Natawa naman si Jicko, "Ang sarap nga ng kare-kare na niluto niya e."
"Aba! Girl nasaan na ang Kare-kare sakto nagugutom ako. Nakaka-stress talaga si Jared. Gusto ko na mag-resign sa sobrang inis ko sa kaniya."
Dumiretso ito sa kusina habang nagtatalak tungkol sa nangyare sa kaniya buong araw sa trabaho.
"Sino daw iyong Jared?" tanong ni Jicko. Halos pabulong na at sobrang lapit ng bibig nito sa pisngi niya.
Muntikan tuloy magdikit ang labi nila nang lingunin niya ito.
"Sorry," ani nito.
"It's okay, Si Jared iyong anak ni Boss. Inis na inis si Julie kasi araw-araw daw puro utos sa kaniya minsan sinasama din siya nito kahit saan ito magpunta kaya ayan si Julie kada uuwi laging nagtatalak ng mga reklamo niya. Minsan nga tinatawanan ko nalang kasi feeling ko may gusto iyong anak ni Boss sa kaniya. Pero hula ko lang naman. Maganda naman si Julie hindi ba? madami naman nagkakagusto sa kaniya ewan ko lang talaga sa kaniya ba't hanggang ngayon ay single pa din since birth iyan ah. Hindi talaga siya nagkaroon ng jowa. Masyado kasi siyang mapamahiin gusto niya kung sino first boyfriend niya ay iyon na ang magiging last."
Mahaba niyang kwento.
"Ahh kaya pala." natawa din ito
"Sa haba ng sinabi ko iyan lang sinagot mo. Tinawanan mo pa ako." inismiran niya si Jicko.
Natawa ulit ito. "Kasi naman sino si Jared lang ang tanong ko tapos ang haba ng kwento mo. Nakakatuwa lang sobrang detalyado mo magkwento."
"Ganoon talaga ako ayoko kasi iyong iisa lang isasagot ko tapos dadami ang itatanong sa akin. Ikaw naman parang hindi ka sanay ganito na ako dati pa."
"Matagal-tagal na kasi mula noong huli tayong mag-usap."
Tama nga naman, nasa probinsya pa sila pareho noon. Hanggang sa kinasal ang kapatid niya at si Dave ay hindi na ulit sila nag-usap o nagkita ni Jicko. Nabalitaan nalang niya na pareho pala sila ng pinapasukang kompanya. Kaso magkaibang department nga lang kaya hindi talaga sila nag-uusap.
Pasado alas onse ng gabi nagpaalam na si Jicko sa kaniya.
"Salamat sa masarap na hapunan Erin. Kita nalang tayo sa office bukas. Salamat din sa pagtulong mo sa'kin. Maasahan ka talaga."
"Ano ka ba? wala iyon magkaibigan naman tayo kaya ayos lang iyon."
"Julie, mauuna na ako ah." paalam nito kay Julie.
"Ingat ka Jick."
"Erin una na ako. Goodnight."
"Goodnight din Jick, Ingat ka sa pag-uwi mo ah."
Nang maisara na niya ang pinto.
"Magtapat ka nga sa'kin my friend, Ano ba talaga namamagitan sa inyo ni Jicko?"
"Anong klaseng tanong ba iyan?"
"Syempre tanong. Ano nga?"
"Magkaibigan, Ano pa ba?"
"Talaga? kasi sa nakikita ko parang may something e."
Umupo siya sa tabi ni Julie.
"Magkaibigan lang kami, May nagugustuhan siya iyon ang sabi niya sa'kin. Kaya tigilan mo ako sa kakasabi sa akin ng ganiyan. Ang bait lang talaga ni Jicko. Ganiyan naman talaga siya kahit noon pa e."
"Ahh" tango-tango lang si Julie.
Pero halata sa kaniyang hindi naniniwala sa paliwanag ng kaibigan. Siguro nahahalata din niya paano tumingin si Jicko kay Erin. Kung paano niya pakitunguhan si Erin ay ibang-iba sa pakikitungo nito sa mga kakilala din nila kahit sa office o sa labas. Kahit sa kaniya na kaibigan at kakilala ni Erin.