CHAPTER 6

2038 Words
DUMAAN pa ang maraming araw at mas napapadalas pa ang bonding nila ni Jicko. Nagtataka na siya minsan kahit na hindi naman importante ay pinapatanong pa nito sa kaniya. Nagpapansin, iyan ang nasa isip niya. Sa kabilang banda ay wala naman siyang ibang nakitang dahilan na iba ang iisipin dahil kaibigan naman niya si Jicko. Niyaya siya nito tuwing lunch dahilan kasi ni Jicko ayaw niyang kumain mag-isa mas masaya kung may kasama. Madalas din silang tuksuhin ni Julie. Bagay daw silang dalawa. Gaya ng pinangako din niya noong nakaraan ay nagluto nga siya ng ulam at pinagsaluhan nilang tatlo iyon. Gaya ngayon na sabay ulit silang mag-luch. "Hi Jicko, wait mo lang si Erin nag-restroom lang siya saglit." "Okay lang Julie. May dala pala akong ulam. Nakakasawa na kasi minsan pagkain dito sa canteen kaya naisipan kong magluto. Ako naman ang babawi lagi nalang kasi si Erin ang nagdadala ng ulam nakakahiya." "Wow! talaga bang nakakasawa ang ulam dito o.." huminto ito saglit saka tiningnan si Jicko na may panunukso. "Baka naman gusto mo lang mapansin ka ng kaibigan ko? May gusto ka ba kay Erin?" prangkang tanong ni Julie kay Jicko. Natahimik ito saglit bago nagsalita. "Alam mo hindi mahirap magustuhan ang kaibigan mo. Iyon nga lang alam ko din na hindi naging maganda ang past relationship niya. Ayoko isipin niya na sinasamantala ko ang pagkakataon na malapit kami. Wala naman akong balak magmadali sa ganoong bagay." Pumapakpak si Julie na para bang namangha siya sa sinabi nito. Alam naman din ni Julie na hindi pa handa ang kaibigan niyang pumasok ulit sa isang relasyon. Pero kung sakaling buksan man ng kaibigan niya ang puso nito para magmahal ulit. Hihilingin niyang katulad ni Jicko ang makatuluyan nito. Kahit hindi niya ito lubos na kilala para ipagkatiwala ang kaibigan nakikita naman niyang mabuti ang hangarin nito. "Sana lahat ng lalaki katulad mo mag-isip. Hindi naman sa against ako if ever may something sa inyo ng kaibigan ko. Ang akin lang ay ayoko lang siyang masaktan. Nakita ko kasi paano siya nadurog noong iniwan at sinaktan siya ng dalawang taong mahalaga sa kaniya. Mahirap sa isang taong nagmahal, nagtiwala pero sa huli siya ang nasaktan at naiwang luhaan. Nakita ko na kahit sabihin niyang okay lang siya alam kong hindi. Madali lang kasi sabihin ang okay lang pero ang sinasabi ng mga mata niya ay salungat sa totoong nararamdaman niya." Hindi agad nakasagot si Jicko sa sinabi ni Julie. Hanggang sa dumating si Erin ay hindi n sila muling nag-usap pa tungkol doon. "Bakit hindi pa kayo kumakain?" tanong nito pagkaupong-pagkaupo. "Hinihintay ka namin." sagot ni Jicko. "Oy, ang sarap nito, adobong pusit." takam na aniya ni Erin. "Dala ni Jicko iyan girl." "Talaga? Naks! Ah marunong kana pala magluto hindi ka man lang nagkwento." "Ah-- eh? Sakto lang. May recipe book naman kaya medyo alam ko na.." "Pwede na mag-asawa si Jicko girl, ang swerte siguro ng magiging asawa nito." pagbibiro ni Julie nagpaparinig. "Tigilan mo nga si Jicko, Judeza. Baka ano isipin niyan." saway ni Erin sa kaibigan. "My god, don't ever call me like that. Mas gusto ko ang Julie." reklamo nito. Ayaw ni Julie na tinatawag siyang Judeza. Naaalala kasi nito ang kaisa-isang taong minahal niya pero iniwan din siya. Iyon lang kasi ang tumatawag ng Judeza sa kaniya. First Love ni Julie iyon hindi naging sila pero mahal na mahal ni Julie ang lalaking iyon. Kaya lang hindi sila meant to be. "Hindi okay lang naman Erin, oo nga naman Julie ang ganda pala ng pangalan mo. Bakit naging Julie?" tanong ni Jicko, sinasabayan nalang niya ang usapan ng magkaibigan. Minsan din ay hindi niya maintindihan ang mga pinag-uusapan ng dalawa kaya tumatahimik nalang siya habang nakikinig. "Judeza Luella, Julie for short. Ewan ko din sa magulang ko bakit iyan pinangalan sa'kin." "Maganda naman ah, mas maganda nga lang ang name ni Erin." sabay tawa pa nitong sabi. "Naks, ikaw ah. May gusto ka talaga sa kaibigan ko e." Natatawang nakaganti ng pang-aasar si Julie sa dalawa. "Well, hindi naman mahirap gustuhin ng kaibigan mo." saka ito lumingon kay Erin pagkasabi niya ng linya na iyon. "Yiehhh! My god. Magkaka-lovelife kana yata girl. Nararamdaman ko na." "Ikaw pala nakaramdam e bakit hindi nalang kayong dalawa tutal single naman kayo." Naiinis na aniya ni Erin. Saka ito tumayo at niligpit ang pinagkainan. Walang anong sinabi biglang nalang umalis at iniwan ang dalawa na nagtataka. "Hala patay! Nainis yata." "Sundan mo kaya Jick, saka ko nalang siya kakausapin pag-uwi namin." "Baka magalit iyon sakin." "Hindi iyan. Sige na kausapin mo na." Sinundan agad ni Jicko si Erin. Naabutan niya si Erin sa labas. "Erin, wait.." huminto ito matapos niyang tawagin. Agad niya itong nilapitan. "May problema ba? Bakit ka umalis agad doon?" "Ano bang intensyon mo?" "Anong ibig mong sabihin?" Nakipagtitigan ito sa kaniya saka muling nagsalita. "Akala mo ba hindi ko napapansin, nitong mga nakaraan. Sumasabay kana samin ni Julie maglunch, lagi mo akong niyayayang mamasyal tuwing wala tayong pasok. Lagi kang nagpapatanong ng kung ano-anu kahit alam kong kaya mo naman gawin ang trabahong iyon. Ano ba talaga intensyon mo?" natigilan siya sa sinabi ni Erin. "Gusto lang kita maging kaibigan. Kung masama pala sayo ang ginagawa ko. Ititigil ko na pasensya." Matapos niyang sabihin iyon ay hindi na niya hinintay na magsalita pa si Erin. Tinalikuran na niya ito at naglakad pabalik sa loob. Hindi niya pa kayang sabihin kay Erin ang nararamdaman niya. Hindi niya pa kayang aminin. Dahil alam niyang hindi pa ito handa. Kung aaminin man niya ang laman ng puso niya gusto niya iyong handa na rin si Erin. Nakaya niyang itago ang nararamdaman niya sa dalaga sa mahabang panahon. Kakayanin niya ulit ngayon. Para sa kaniya ang totong pagmamahal marunong maghintay, marunong magtiis. Kahit sa dinami-rami ng mga babaeng nakilala niya. Iisa lang ang sinisigaw ng puso niya si Erin lang iyon. Mula ng araw na inabutan niya ito ng panyo sa labas ng simbahan doon nagsimula ang kagustuhan niyang mas makilala pa lalo si Erin. Sa ngayon bibigyan muna niya ito ng pagkakataon na magmove-on kay Dave. Hindi naman ibig sabihin niyon na iiwasan na niya ang dalaga. Ayaw lang niya na malito ito sa mga pinapakita niya. Minsan kasi ay hindi niya mapigilan ang sariling iparamdam at ipakita rito na may gusto siya. Akala niya ay ayos lang kay Erin iyon. Hindi niya alam na nahahalata pala ng dalaga ang mga simpleng bagay na nagagawa niya. Alam naman din niya sa sarili niya na mali iyon hindi niya dapat minadali ang lahat. Hanggang sa pag-uwi ay hindi mapakali si Jicko kung ano ang gagawin. Masaya na sana siya dahil sa wakas naging malapit na siya kay Erin kahit papano. Kung dati ay nahihirapan siyang lapitan at kausapin ito. Iyong tipong pag-iisipan muna niya ng maraming beses kung ano ang sasabihin sa dalaga bago ito kausapin at ngayon binigyan na siya ng tadhana ng pagkakataon saka naman nagka-problema. Nang gabing iyon ay hindi niya magawang makatulog ng maayos. Kinabukasan ay nagpasiya siyang agahan ang pagpasok. Naisipan niyang puntahan si Erin sa apartment nito. Nang makarating siya doon ay saka naman nagbago ang isip niya. Naisipan niyang dumistansiya muna sa dalaga kahit ilang araw lang. Kasi kahit naman makapag-usap sila ulit ay ganoon pa rin ang maisasagot niya kung sakaling magtanong si Erin sa totoong intensyon niya dito. Kaya titiisin niya ulit ang malayo ang loob sa dalaga pansamantala kung iyon ang kailangan para sa kanilang dalawa. Hindi din siya handa na magtapat. Natatakot siyang mas mawalan ng pagkakataon para makuha ang puso ni Erin. Late na nagising si Erin, Matamlay at parang walang gana pumasok. Iyon din ang unang napansin ni Julie sa kaniya pagkababa niya para mag-agahan. "Girl, Sorry pala kahapon kung na-offend ka namin ni Jicko. Nagbibiruan lang talaga kami alam mo naman feeling close ako." Nanatili lang siyang nakalumbaba sa harap ng mesa. Habang pinaghahanda siya ni Erin ng makakain. "Ang lalim naman yata niyang iniisip mo nakalimutan mo ng nandito ako sa harap mo kinakausap ka." "Mali ba ako?" "Ha? Anong mali?" "Kasi kahapon hinabol ako ni Jicko, Nabigla kasi ako naitanong ko sa kaniya kung ano ang totoong intensyon niya. Kasi napapansin ko talaga lagi na siyang sumasama sa atin kumain, Niyaya niya akong lumabas na dati hindi naman niya ugaling gawin. Lagi siyang nagpapatulong sa'kin tungkol sa trabaho kahit napaka-simply lang naman ng gagawin. Ayokong isipin na nagpapansin siya pero iyon kasi talaga nakikita ko sa kinikilos niya nitong nakaraan." malungkot niyang pagkukwento kay Julie. Umupo si Julie sa harap niya saka hinawakan ang dalawa niyang kamay. "Erin alam mo nakikita ko din naman kay Jicko kung ano ang mga ginagawa niya sayo o kahit nandiyan ka sa harap niya. Napapansin ko din iyon. At sa nakikita ko may gusto siya sayo. Gaya nga ng sabi niya hindi ka mahirap magustuhan. Siguro ay natatakot lang siyang magsabi sayo ng nararamdaman niya dahil alam niyang nasaktan ka ni Dave ng sobra." "Isa pa tama ka naman mabait si Jicko, Hindi ba ikaw na rin ang nagsabi na wala pa siyang naging girlfriend e malay mo ikaw iyong taong tinutukoy niya na gusto niya pala." "Ano ka ba? malabong mangyari iyon no? kasi sobrang tagal na namin hindi nagkita at isa pa hindi talaga kami malapit ni Jicko masyado kahit noong mga bata pa lang kami." Ayaw niyang bigyang ng kahulugan ang sinabi ni Julie dahil alam niyang hindi naman siya iyon. Naniniwala siyang hindi siya ang babaeng nagugustuhan ni Jicko. Siguro mabait lang talaga si Jicko sa kaniya. "Pero nako-konsensya ako sa inasal ko sa kaniya kahapon. Nasigawan ko kasi siya Julie. Alam mo ano sabi niya, Gusto niya lang makipag-kaibigan pero parang binibigyan ko daw malisya ang pinapakita at ginagawa niya. Mali nga talaga ako." "Hay! Erin ang mabuti pa humingi ka nalang ng sorry kay Jicko. For sure maiintindihan ka naman niya. Isa pa hindi naman niya siguro ginawang big deal iyon." "Ang kaso noong matapos niya sabihin iyon bigla nalang niya akong tinalikuran. Siya yata ang na-offend ko." Gusto niya mag-sorry kay Jicko pero nahihiya din siyang humarap dito dahil sa ginawa niya. Sabay silang pumasok ni Julie. Nagpaiwan siya sa lobby inaabangan niyang pumasok si Jicko nagbaba-kasali. Gusto niya humingi ng sorry, kahit kinakabahan siya pero ayaw niyang simulan ang araw niya sa trabaho na may gumugulo sa isip niya. Pero halos magkakalahating oras na siya sa lobby at malapit na ang time in niya ay wala siyang Jicko na nakita. Kaya umakyat nalang siya at hindi na naghintay pa. Buong araw talaga siyang walang gana mag-trabaho. Ang isip niya ay halos sinakop na ni Jicko. Gusto tuloy niyang mainis hindi niya magawang mag-focus sa mga trabahong gagawin niya. Dumagdag pa sa iisipin niya si Jicko. 'Ginugulo mo talaga isip ko. Hindi ka pa nagpakita sa'kin ngayong araw ano nalang ang gagawin ko.' Napayuko siya sa mesa niya namumublema. "Erin okay ka lang? tara lunch muna tayo gutom na ako." anyaya sa kaniya ng kasama niya. "Sige mauna kana sunod nalang ako." Inayos niya muna ang mga gamit, pupuntahan na sana niya si Erin nang biglang may nagpop-up sa notification sa phone niya. Binuksan niya ito at tumambad sa kaniya ang isang post. Letrato ng dalawang tao. Jicko Kael Reveno tagged Marquita Gayle Garza 'Happy to see you again.' Muntikan na niyang mabitawan ang phone niya. Ngayon niya lang nalaman na close pala si Jicko at si Gayle na pinsan niya. Ngayon alam na niya sino ang babaeng tinutukoy ni Jicko na matagal na niyang gusto. Gaya niya galing din si Gayle sa isang failed relationship. Nasa abroad ito noong nabalitaan niyang naghiwalay si Gayle at si Marco na matagal na din nitong karelasyon. Nagbabalak na din sana silang magpakasal sa kasamaang palad pinagpalit si Gayle ni Marco sa ka-officemate nito. Dahil nasa malayo si Gayle kaya naghanap ito ng iba. Sa mga oras na iyon ay nakaramdam siya ng konting kirot sa puso niya hindi niya malaman kung bakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD