"Anong nangyare diyan sa mukha mo? Buong araw kana yatang nakabusangot." nilapitan siya ni Julie.
Pareho silang nakaupo sa maliit nilang sofa sa sala. Habang siya inaabala ang sarili sa pinapanood kahit wala naman siyang maintindihan roon. Naglalakbay ang isip niya sa nakitang post ni Jicko kasama si Gayle.
"Nakita mo ba post ni Jicko?" wala sa sarili niyang tanong.
"Ha? Alin doon?"
"Iyong naka-tag kay Gayle."
"Gayle? as in si Gayle na pinsan mo?"
Tumango siya bilang sagot.
"Wait nga let me check, pero ano ba ang meron?"
Abala si Julie sa paghahanap sa mismong post na sinabi niya kaya nagkwento nalang din siya kung ano ang meron. "So ayon nga hindi ba? sinabi ko na sayo na may nagugustuhan siya. I guess si Gayle iyon. Kasi base naman sa kwento ni Jicko iyong taong gusto niya may mahal pa daw na iba e si Gayle galing iyon sa breakup and kahit naman sabihin na ilang buwan na ang nakalipas. Hindi naman agad mawawala iyon or makakapagmove-on kasi tulad namin ni Dave dati matagal na din sila ng boyfriend niya." aniya
"Ito ba? Itong magkasama sila sa picture?" tumango naman siya nang ipakita ni Julie ang tinutukoy niya.
"Oh e bakit matamlay ka? e magkasama lang naman sila sa picture. Hindi ba nga magkababata kayo e nasa caption naman iyong masaya daw siyang nagkita sila ulit e masaya din naman si Jicko noong nagkita kayo ulit inaraw-araw pa nga e."
"Ano ka ba Julie iba naman kasi iyong samin. Natural magkasama kami sa trabaho e araw-araw talaga posible kami na magkita."
"So anong pino-point mo ngayon? ba't ka nagkaka-ganiyan?"
"Hindi ko alam." kumunot naman ang noo ni Julie sa naging sagot niya.
Kagabi ay hindi siya nakatulog ng maayos kakaisip niyon.
"Noong nag-asaran kami tinanong ko siya kung may gusto ba siya sayo. Ang sabi niya sa'kin ay hindi ka mahirap magustuhan. Iyon nga lang ay ayaw din daw niya na isipin mo na sinasamantala niya ang setwasyon dahil nakikipaglapit siya sayo. Gusto niya lang makilala ka. Dahil alam niyang hindi ka pa handa para pumasok ulit sa isang relasyon. Ramdam ko ang senseridad sa mga sinabi niya. Kasi girl kung sakali mang magmamahal ka ulit gugustuhin kong si Jicko ang makatuluyan mo o katulad niya ang magiging sunod mong makarelasyon. Iyong tipo ng tao na kaya kang hintayin maging handa at hindi ipipilit ang sarili niya para mahalin."
"Kaso hindi ako iyong gusto niya."
"So you mean may gusto ka din sa kaniya kaya ka nagkakaganiyan dahil nagseselos ka na magkasama sila ng pinsan mo? ganoon ba?"
"Hindi ko alam."
Totoong hindi niya alam basta nalang siya nakaramdam ng pagka-walang gana
Sa haba ng sinabi ni Julie isa lng ang naintindihan niya. May gusto si Jicko sa kaniya. Pero may karugtong na tanong siya sa sarili. Nalilito siya sa kung ano ang dapat gawin.
Tama nga naman ang kaibigan niya hindi pa siya handa ulit pumasok sa isang relasyon pero hindi naman ibig sabihin na sinasara niya ang pinto sa puso. Ayaw lang din niya magmadali dahil natatakot siyang magkamali ulit ng taong pipiliin niyang mahalin.
"Ang tanga ko talaga, mali talaga ang sinabi ko. Nabigla lang kasi talaga ako sa mga kinikilos niya. Pero hindi naman ibig-sabihin niyon ay ayaw ko na siyang maging kaibigan. Ayaw ko lang talaga madaliin. Kung may gusto siya sa'kin wala naman akong problema doon. Argh! Nakakalito na."
"Alam mo girl, ang mabuti mong gawin kausapin mo si Jicko. Mag-usap kayo ng masinsinan, after all naging mabuti siya sa'yo. Naging mabait siya sa'tin. Wala naman siyang ginawang ikinasama natin hindi ba?"
"e paano ko nga kakausapin ni anino niya hindi ko nga makita tapos ayan pa makikita ko magkasama sila ni Gayle. Hinintay ko siya kahapon sa Lobby pero kalahating oras na ang lumipas wala akong Jicko na nakita."
"Nako naman girl, edi puntahan mo sa department nila. E tutal nakokonsensya ka naman sa sinabi ko edi ikaw na mag-effort para makapag-usap kayo no?"
Hanggang sa paghiga niya naiisip pa rin niya ang sinabi ni Julie. Kaya napagdesisyonan niyang kakausapin si Jicko kinabukasan.
-
Maaga siyang nagising nag-iwan nalang siya ng note kay Julie na mauuna siyang pumasok. Alam niya kasing tuwing araw ng byernes ay maagang pumapasok si Jicko. Minabuti na rin niya iyong maaga siya para wala pa masyadong tao pagdating niya.
Matapos buksan ang computer at inayos ang dapat ayusin ay saka na siya nagtungo sa office ni Jicko.
Pagdating niya doon ay wala siyang Jicko nakita.
"Excuse me? Nandito ba si Mr. Jicko Revieno?" tanong niya sa isang babaeng nasa labas ng office.
"Wala po siya Ma'am e, naka-leave po siya last wednesday pa po."
"Sige Miss thank you."
Bumalik siya sa office nila na bigo at 'di nakausap si Jicko.
Hindi niya maintindihan pero nalulungkot siya. Nakokonsensya talaga siya sa ginawa niya sa binata.
Dumaan pa ang mga araw, linggo hanggang sa maging isang buwan wala na siyang naging balita pa kay Jicko.
"Nakabusangot ka na naman nasa harap ka ng pagkain hoy!" suway ni Julie sa kaniya.
"Isang buwan na wala akong balita kay Jicko mula ng mag-leave siya."
"E, bakit hindi mo tawagan?"
Natigilan siya, bakit nga ba hindi niya naisip iyon. Dali-dali siyang pumunta sa kwarto niya para kunin ang cellphone niya.
Agad niyang dinampot ang cellphone at idi-nial ang numero ni Jicko. Pero, naka-tatlong tawag na siya ay hindi pa rin ito sumasagot.
Muli siyang bumaba.
"Ano? Nakausap mo na?"
"Ayaw sagutin ang tawag ko e."
"Baka busy lang tawagan mo nalang mamaya. Siya sige na magluluto muna ako ng hapunan natin."
Binuksan nalang niya ang f*******: niya habang hinihintay maluto ang ulam nila.
Abala siya sa pag-scroll sa f*******: nang may mapansin siyang isang post.
Isang post ng babae na naka-tag kay Jicko.
Marquita Gayle Garza is with Jicko Kael Revieno
Wag mong antayin na mapunta sa iba bago mo marealize na ang swerte mo pala.
579 Likes 150 Comments 25 Shares
Napakunot ang noo niya sa nabasa. Pakiramdam niya ay sinasabi ni Gayle na ligawan na siya ni Jicko bago mahuli ang lahat.
May ilang litrato siyang nakita na magkasama ito sa isang party. Two weeks ago pa ang post na iyon. Sa isip niya, kaya ba hindi niya nakikita si Jicko dahil kasama nito ang pinsan.
Ayaw man niyang isipin pero bakit ganoon? Bakit pakiramdam niya nasasaktan siya habang nakikita niya ang litrato ng dalawa. Kung tutuusin wala naman kakaiba sa litrato. Ilang linggo siyang ginugulo ng sarili niyang isip kung paano niya kakausapin o makakausap si Jicko gayong hindi naman niya alam kung saan ito hahagilapin. Tapos ito pa ang makikita niya.
'Ganiyan ba kadali sayong sumuko. Hindi porque nasabihan lang kita ng hindi maganda itutuon mo na ang atensyon sa iba. Hindi mo ba alam na ilang linggo na kitang hindi maalis sa isip ko. Ilang gabi mo na akong hindi pinapatulog ng maayos. Nakakainis kana!'
Para siyang tangang kinakausap ang sarili habang kaharap sa screen ng phone niya.
'Teka? bat naman ako namumublema e wala naman akong gusto sa kaniya. bahala nga siya tama na iyong ilang araw niyang ginugulo utak ko'
Inabala nalang ni Erin ang sarili sa trabaho pinilit na huwag isipin si Jicko.
"Guys Listen.."
Agad silang nagtipon ng bigla silang tawagin ng isa sa mga department head nila.
"Next week, Magkakaroon tayo ng team building. Sa palawan ang venue since nandoon naman ang isa sa branch natin. And sabi ni Boss Jared na mas maganda kung doon tayo kasi gusto din niya tingnan ang branch natin doon. So maghanda na kayo kayo sa Monday na ang alis natin and 3 days tayo doon guys. Huwag kayo masyadong ma-excite dahil hindi ang lugar ang dahilan ng pagpunta natin doon malinaw ba?" ani ni Miss. Sanchez
Ang iba ang masayang-masaya at excited na sa team building samantalang siya nasa table niya lang pinagpatuloy ang trabaho.
Hindi siya excited na pumunta doon, kung pwede nga lang hindi sumama ay iyon ang gusto niya.
Maya maya pa ay biglang tumunog ang cellphone niya. Si Julie ang nasa kabilang linya.
"Oh? napatawag ka?"
"Girl bumalik na si Jicko."
Natigilan siya saglit sa narinig. Kasabay niyon ang biglang kaba na naramdaman niya. Kung noon ay gusto niya makausap si Jicko ngayon ay ayaw na niya itong makita ni ang kausapin ay ayaw niya. Siya na mismo ang lalayo at iiwas. Hindi naman sa ayaw niya makipagkaibigan. Ayaw lang niyang magkaroon sila ng ugnayan lalo na ngayon na alam niyang ang pinsan nitong si Gayle ang nagugustuhan ng binata.
"Hmm, mamaya nalang Julie madami pa akong tatapusin."
Agad niyang pinutol ang pag-uusap nila. Baka kung saan pa mapunta ang usapan nila mas hahaba lang lalo na kung si Julie ang magku-kwento.
Ayaw nga niya isipin ang tungkol kay Jicko pero nananadya naman ang pagkakataon sa kaniya.