Dinala siya ni Jicko sa isang lugar na hindi pamilyar sa kaniya. Kalahating oras din silang bumabyahe at sa buong byahe nila ay iyak lang siya ng iyak. Hindi na siya nagawang pigilan ni Jicko, ni ang paghawak ay hindi niya na pinayagan pa na hawakan siya ni Jicko. Nang makarating sila nagkusa siyang lumabas ng sasakyan. "Kaninong bahay 'to?" "Halika sa loob." niyaya siya ni Jicko sa loob. Maganda ang bahay kompleto sa gamit simply lang ito. Two story house siya hindi siya malaki. Tama lang ito para sa tatlo o apat na tao. "Kaninong bahay ito?" inulit niya ang tanong niya. "Sa'tin." nagtataka niyang nilingon si Jicko. Ngumiti ito sa kaniya. "Pinagawa ko ito two years ago. Nang mga panahong iyon ay mag-isa din ako tulad mo. Sinabi ko sa sarili ko na kung sino man ang taong para talag