Matapos maoperahan si Dave ay nanatili ito sa ICU. hinihintay ng mga doctor kung kailan ito magigising. Umuwi muna si Erin para kumustahin si Danica. Hinatid daw kasi ito ng kapatid ni Dave dahil walang magbabantay sa kanila. Lahat kasi ng nandoon ay may mga trabaho kaya uuwi muna siya. Nami-miss na din niya ang bata kahit ilang araw pa lang niya itong hindi nakikita. Pagpasok pa lang niya sa bahay ay sinalubong na agad siya ni Danica. "M-Ma M-a M-Ma" nagulat siya sa sinabi ng bata. "Akala niya siguro ikaw ang Mama niya." aniya ng Tita Marisa niya. "Nasanay kasi siya Tita na ako nag-aalaga sa kaniya." "No baby, I'm Tita Erin. Ti--ta. Ti--ta Erin. " pagtuturo niya sa bata. "M-Ma M-a." Tawang-tawa ang tita niya. Kinarga niya si Danica ay dinala sa kwarto. Pawis na pawis kasi ito sig