Totoo pala na kapag masaya ka kapalit niyon ay sakit at lungkot. Akala ni Erin ay magiging maayos na ang lahat, na magiging masaya na siya kasama ni Jicko pero kabaliktaran ng lahat ng iyon ang nangyare. Akala niya ay maayos na ang lahat sa pagitan ni Jicko at Gayle. Pero simula noong manganak si Gayle ay doon nagsimula na mas naging magulo ang buhay nila. Tatlong buwan ang nakalipas, pinanganak ni Gayle ang isang malusog na batang lalaki. Buong akala nila ay tahimik at magiging tahimik na ang pamilya ni Gayle tungkol sa issue. Pero nitong nakaraan ay hindi inaasahan ni Gayle na pupuntahan siya ni Gayle sa apartment nila ni Julie. Karga nito ang two months old baby niya at isang brown envelope. "Ano ito?" "Open it." Unti-unting binuksan ni Erin ang envelope at bumungad sa kaniya