Nagulat si Erin nang padabog niyang marinig ang pagsara ng pinto. Kasunod niyon ang mga yapak ng sapatos na patungo sa kwarto niya. "Erin!" Boses ni Julie ang umalingawngaw. "Julie, huwag ka nga sumigaw dadalawa lang tayong nandito hindi ako bingi." "Aba! sisigaw ako kung gusto ko. Bumangon ka nga muna diyan at mag-uusap tayo." Hindi na siya nagsalita pa at kusa nalang bumangon. Masama ang tingin ni Julie sa kaniya ng kinuha neto ang upuan saka umupo sa harap ng kama niya. "Nagmadali talaga akong umuwi para kausapin ka. Kung hindi pa ako pumunta sa department mo ay hindi ko pa malalaman na nagpa re-sched ka ng day off mo. Pinagtataka ko din hindi pumasok si Jicko. Kagabi pa kita kinakatok dito sa kwarto mo pero hindi mo ako pinagbuksan kahit alam kong gising ka pa. So sabihin mo s