"Mama Erin, bili tayo niyan oh!" hinila-hila ni Danica damit niya nang makita nito ang isang laruan ng dumaan sa bayan. "Baby, nagmamadali kasi tayo baka hinahanap na tayo ni Daddy. Babalikan na lang natin iyan next time ah, madami ka pa naman toys e, hindi ba turo ko sayo mag-save ng money para sa future." Limang taon na si Danica. Sa tatlong taon na nakasama niya ang bata ay halos siya na ang kinikilalang ina nito. Si Dave naman ay weekend lang kung umuwi dahil sa trabaho nito. Masaya naman siya kahit papaano dahil naging magkaibigan ulit sila ni Dave. Balita niya ay may girlfriend na ito hindi naman niya ito nilihim sa lahat. Bata pa naman siya at pwede pa ulit mag-asawa. Iniiwan lang nito si Danica sa kanila every weekdays kapag sabado at linggo ay kinukuha nito si Danica. Minsan n