CHAPTER 9

1472 Words
Nawawalan na siya ng pag-asang magiging maayos din sila ni Jicko, sa nakikita niya masaya naman ito sa mga bago niyang kaibigan. "Tss, akala ko ba ay wala siyang close sa department nila." aniya sa sarili Naiinis siya sa sariling iniisip. Nag-iwas nalang siya at dumiretso sa kabilang table saka nilapag ang dalang mga papel. Nakabusangot niya itong binasa isa-isa. May gagawin kasi silang activity kaya inaayos niya ang mga ito. "Hi Erin right?" napaangat siya ng tingin ng marinig niyang may lumapit sa kaniya. "Yes Sir?" Ngumiti ito saka nilahad ang kamay. "Hi, Im Jared from printing department. Ito pala ang pinapabigay ni Boss medyo late na kasi kadarating ko lang para ma-print iyan." tinanggap niya ang isang libro. "Thank you Sir," iyon lang ang sagot niya. Sinuklian ulit siya ng ngiti ni Jared. "Jared nalang wala naman tayo sa office e. Hindi rin kasi ako sanay na tinatawag na Sir kapag nasa labas ako ng work." "Nakakahiya po, anak po kayo ni Boss kaya Sir po itatawag ko sa inyo." "Jared nalang mas gwapo sa pandinig ko." Sumang-ayon lang siya ayaw niya ng pumalag pa baka masamain pa. Ito ang unang beses na nakita niya ng personal ang anak ng Boss nila. Hindi tulad ni Julie na halos araw-araw nitong nakakasama. Mabait naman pala ito ibang-iba sa pagkaka-kilala niya sa kwento ni Julie sa kaniya. "May maitutulong ba ako? Free naman ako saka wala din kaming ginagawa sa group namin. Andoon lang sila oh, abala sa pagkain." sa gawi ni Jicko ang tinuro ni Jared. "You mean sila Jicko at mga kasama niya ang ka-group mo?" tanong niya at tumango naman ito. Dahil nag-offer naman ito ng tulong kaya pumayag nalang siya. Abala din kasi si Julie kaya hindi na niya ito inabala pa. Panay kwento naman si Jared sa kaniya ng kung ano-anu. "Ikaw pala ang editor ng mga pini-print namin. Hindi kataka-taka, maganda na magaling pa kumilatis." napayuko siya sa hiya. "Alam mo, hindi naman talaga ito ang hilig ko. Since lumipat ako ng manila hindi ko alam ano talaga ang gusto ko. And then nalaman ko na may hiring sa company niyo so I grab the opportunity.Nandito rin kasi ang bestfriend ko kaya until now nandito parin ako." aniya. Hindi talaga siya sanay mag-kwento pero mukhang mabait naman itong si Jared kaya napa-kwento tuloy siya. "Ikaw bakit naisipan mo na dito mag-work." "Well, actually hindi ko rin forte ang ganitong trabaho. Sa madaling salita napilitan lang ako. Si Dad talaga nagpumilit na umuwi ako dito." kumunot ang noo niya sa sinasabi nito nalito rin siya sa ibig nitong sabihin. "What do you mean.?" "Gusto ni Dad ako mag-manage ng Company." "Ahh, kaya po pala. Mabait naman si Boss, Hindi naman mahirap ang trabaho maliban lang kung may sunod-sunod na order." "Masaya ka ba sa trabaho mo sa Company?" "Oo naman po. Mahirap din po maghanap ng ibang trabaho." "Tama nga naman good for you sana magtagal ka pa sa company." "Sana nga po." saka niya ito nginitian. "I'll go ahead mag-prepare pa kami sa event mamaya. See you around." Nanatili lang siyang nakaupo habang tinatanaw si Jared palayo. Natampal niya ang noon niya. Nakakahiya ka Erin "Hoy! Tapos kana ba diyan anong nangyayare sayo para ka naman nakakita ng multo." pagtapik ni Julie sa kaniya. "Arghh! Nakakahiya talaga." naitakip niya ang kamay niya sa mukha ng niya. "Hoy! Ano ba nangyare? Tigilan mo nga iyan para kang baliw." "Eh, kasi kanina may lumapit sa'kin. Binigay sa'kin itong libro para sa activity mamaya.." "Oh tapos?" "Tapos, tinulungan ako sa pag-aayos ng mga papel na'to sa printing department daw siya. E n'ong binanggit niya ang pangalan niya siya pala anak ni Boss." nagpapadyak pa siya sa paa niya sabay tinakpan ang mukha ng mga papel na hawak. "You mean, si Jared Esperanza?" Tumango siya bilang sagot. "Naku girl, mag-iingat ka kasi matinik daw sa mga babae iyon. Siya nga iyong kinukwento ko sayo na panay utos nakakainis na. Kung ano-anu pinapagawa sa'kin." "Mabait naman siya." "Anong sabi ko? diba nga matinik sa babae. Malamang way nila iyon para makuha ang babaeng gusto nila maging victim. Maganda ka pa naman sexy pa. Hindi malabong type ka niyon." "Tigil-tigilan mo'ko Julie. Tigilan mo na kasi kakapanood ng mga kdrama kaya ka ganiyan mag-isip about lovelife e at sa mga way ng mga lalaki paano manligaw sa babae. Hindi naman lahat katulad ng napapanood mo." "Pinapalalahan lang kita friend." Binalewala muna niya ang sinabi ni Julie at sabay silang bumalik sa mga silid nila para maghanda. Bandang alas syete ng gabi ay nagtipon silang lahat sa labas. May malaking field doon na puno ng mga berdeng d**o. Sa gilid niyon ay may mga poste ng ilaw na nakapalibot. May ilang puno din na siyang nagsilbing desenyo sa paligid. "Okay guys listen, our activity for this evening will be called. Desire of my Heart. Gaya ng mga kwento na pina-published natin. Lahat iyon ay may kaniya-kaniyang aral na dulot sa atin. Now its time to have a version of your own story. Ask yourself kung ano talaga laman ng puso mo ano ang gusto o mga desire na hindi mo mailabas. May mga question diyan sa papel na hawak niyo and isulat niyo sa isang papel ang sagot. Later mag-eexchange tayo ng papel at ito ang twist. Ang sino man ang makakuha ng papel mo o kanino man na papel ang makuha mo. Keep niyo muna and tomorrow morning, may isa pa ulit tayong activity na gagawin." Nagdadalawang-isip si Erin sa isusulat niya bukod sa hindi naman siya sanay maglabas ng saloobin niya ay mas lalong ayaw niya iyon ipaalam sa iba. Pero ayaw din naman niyang mapahiya kaya sasagutan nalang niya ang tanong sa activity. No choice nalang siya, baka isipin ng iba hindi siya patas kaya ng team building kasi after nito for sure marami silang matutunan na pwede nila e-apply sa work nila as an employee or sa sarili nila mismo. Sa kabilang banda naman ay tahimik na sinusulyapan ni Jicko si Erin. Kahit hindi sila nagpapansinan, pero bawat galaw at ginagawa ng dalaga ay gusto niyang malaman. Sabi pa ni Jared sa kaniya ay mukhang maayos naman ito. Masayahin daw kausap, aaminin niyang nakaramdam siya ng konting pagseselos. Ginusto din naman niya iyon, mabuti nalang at napakiusapan niya ang anak ng Boss nila. Ka-batch niya si Jared noong college. Nag-abroad lang ito dahil sa family business din nila. Pero last year ay pinauwi ng Daddy niya para ito muna ang mag-manage ng publishing company nila. Nagsimula na silang sagutan ang mga tanong sa papel. Kahit hindi niya alam ano ang isusulat, Paano nga ba niya isusulat ang laman ng puso niya. Kung may pagsasabihan man siya niyon ay gusto niya doon sa taong mahal niya. Iyong matagal na niyang tinago-tago na hindi niya rin masabi. "Bahala na nga." aniya sa sarili at nagsimula ng magsulat. Nang matapos ang activity nila ay sabay silang naghapunan. Ang iba ay pinili munang magkwentuhan. Ang iba naman ay nagpasiya ng magpahinga ng maaga. Napalingon naman siya ng makita niyang papunta sa dalampasigan si Erin. Gusto niyang lapitan ang dalaga pero kada gusto niyang ihakbang papalit ang mga paa dito ay tila may pumipigil naman sa kaniya. Iniisip niyang baka hindi siya pansinin ni Erin dahil sa hindi din niya pagpansin neto nang ilang linggo. Sabi pa ng ibang katrabaho nila ay may napapansin sila kay Erin nitong nakaraan lalo na kay Kian na medyo close din niya kasama ni Erin sa department nila. Lagi daw itong wala sa mood, bigla-bigla nalang naiinis. Iyong nang-aaway bigla kahit maliit na pagkakamali lang. Aaminin niyang nagulat siya sa nalaman at iniisip na baka ay may kasalanan din siya kung bakit naging ganoon si Erin. Kahit noong nasa sasakyan sila ay ganoon din ang inaasal nito. Kaya nagdadalawang isip siyang lapitan ito. May tatlong araw pa sila sa palawan. Gusto niya ay bago sila bumalik ng manila at maayos na ulit sila ni Erin. Nahihirapan na din siya sa setwasyon. Namimiss na niya kausap si Erin. Namimiss na niya itong kasabay kumain, Namimiss na niya ito tuwing tinutulungan siya sa report niya. Namimiss na niya titigan ito ng malapitan. Namimiss na niya makita ulit mga ngitin nito kapag kaharap siya. Iyong simpleng joke lang ay napapatawa na niya ito kahit napaka-corny ng joke niya. Namimiss niya ito bawat minuto at oras. Hindi niya kayang sa malayo na lang niya ito nasisilayan. 'Ikaw kasi Jicko bakit mo pa iniwasan mamimiss mo din naman' wala sa sariling aniya. Para na siyang baliw kinakausap ang sarili habang minamasdan mula sa malayo si Erin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD