Dahan-dahang naglakad si Jicko patungo sa kinaroroonan ni Erin. Nag-aalala siya at baka ano ang mangyare sa dalaga. Gabi na at madilim pa sa dalampasigan. Dumistansiya lang siya ng konti sa dalaga. Pinagmasdan lang niya itong naglalakad habang binabasa ang mga paa sa tubig. Maya maya pa ay naupo ito sa tabi. "Universe, wala bang sign diyan?" aniya nito habang nakatingala sa langit. Sa isip niya ay hindi pa rin talaga nawawala ang paniniwala ng dalaga sa Universe kahit pa ilang beses na siyang binigo nito sa mga hinihiling niya. "Bakit ganoon, ang daya mo talaga. Bigyan mo naman ako ng sign oh, Ayoko ng ganito ang sakit sa puso nakakalito. Isang sign lang Universe." Hindi niya alam kung ano ibig-sabihin ng dalaga sa hinihiling nito. Ilang minuto din ang tinagal bago niya naisipan na