SAKTONG pagpindot ni Erin sa elevator ay siya ring pagharang ni Jicko sa pinto nito bago pa man ito sumara.
Napaatras siya at inisip nalang na wala siyang nakita. Kapwa sila tahimik na dalawa sa loob ng elevator. Hanggang sa makarating sila sa office ay hindi pa rin sila nagpansinan.
"Welcome back Jick! Nga pala may chic na naghihintay sayo doon sa office mo." salubong ng isa niyang kasama.
Napahinto naman si Erin nang marinig niyang may naghihintay kay Jicko.
'Kahit sino pa iyan wala akong pake!'
Aniya sa sarili, at walang lingon-lingon na dumiretso sa office nila.
"Anong nangyare sa mukha mo?" tanong ni Kian sa kaniya na mukhang kadarating lang din.
Nagtaka naman siya kaya hinawakan niya ang mukha niya sabay himas. "May dumi ba sa mukha ko?"
"Gaga wala, ibig kong sabihin bakit ang aga-aga daig mo pa may utang sa bombay na hindi mo mabayaran."
"Wala masama lang gising ko. Huwag mo na akong intindihin."
Hindi na niya pinansin pa ibang sinabi ni Kian. Nagsimula na agad siyang magtrabaho.
'Ang laki ng pinagbago niya, gumwapo yata siya lalo.'
'Gwapo sana pero hindi man lang niya ako pinansin kanina.'
'Porque hindi ko siya pinansin hindi rin niya ako papansinin nakakatampo kaya.'
"Argh! Nakakainis. Kung ayaw niya bahala siya sa buhay niya." nasabunotan niya pa ang sarili sa inis.
"Hoy! Anong nangyare sayo? Ayos ka lang ba? Anong binubulong mo diyan?!"
"Wala, sorry."
Hindi na niya magawang mag-focus. Buong araw na niya iniisip si Jicko. Pakiramdam niya ay hindi na buo ang araw niya. Mas lalo lang siyang nainis nang makitang may ibang kasabay si Jicko na kumain. Kung dati ay sa kanila ni Julie ito sumasabay kumain ng lunch. Ngayon ay iba na ang sinasamahan niya.
Sa loob niya ay sinisi niya ang sarili dahil sa mga nasabi niya kaya tuluyang lumayo ang loob ni Jicko sa kaniya.
Dumaan pa ang maraming araw. Unti-unti na siyang nawawalan ng gana. Araw-araw mainit ang ulo niya pati si Kian ay napapansin ang pagbabago niya. Nawala na ang dati niyang sigla parang sa isang iglap nagbago nalang siya bigla.
Kahit si Julie ay iyon din ang napansin.
"In-love ka?" napaangat siya ng tingin kay Julie.
Nasa sala silang dalawa tinatapos niya ang trabaho niya.
"Anong sinasabi mo?"
"Tinatanong ko kung in-love ka ba?"
"Kanino naman ako mai-inlove?"
"Kay Jicko."
Deretsahang sagot ni Julie hindi agad siya nakasagot. Parang pati sarili niya ay tinatanong niya.
"Ilang araw ka ng wala sa focus, minsan tulala ka wala sa sarili. Ang sabi ni Kian lagi mo siyang inaaway. Kung nandito ka naman sa bahay hindi ka makausap ng maayos. Nagpapaka-busy ka parang iyong trabaho mo buong araw ay dito mo na dinadala at tinatapos. Hindi ka dating ganiyang Erin. At bigla ka nalang naging ganiyan mula ng bumalik si Jicko."
Wala siyang maisagot sa kaibigan. Kasi pati sarili niya ay hindi alam ano ang totoo.
"Pasensya na. E kasi naman mula ng bumalik siya hindi na niya ako pinapansin. Kung tingnan niya ako parang hindi niya ako kilala."
"Alam mo Erin, kung hindi ka niya kinakausap bakit hindi ikaw gumawa ng paraan para mag-usap kayo. Hindi iyong sinisisi mo nang sinisisi ang sarili mo. Kasi kung ganiyan kayo sa isa't-isa e hindi mo talaga malalaman ang sagot sa mga gumugulo sa isip mo."
Mabuti pa ang kaibigan niya naiintindihan ang nararamdaman niya. Pero nalilito pa rin siya ano ang dapat gawin.
Ayaw niya na siya ang unang gumawa ng hakbang para mag-usap sila. Kasi hanggang ngayon nahihiya pa rin siya sa nagawa niya.
Muli na naman dumaan ang ilang araw. Ganoon pa rin ang nangyare paulit-ulit araw-araw siyang naiinis sa hindi pagpansin sa kaniya ni Jicko.
"Girl, late akong uuwi ngayon ah. Utusan na naman ang drama ko. Iyong anak kasi ni Boss ginawa na talaga akong tour guide. Na-stress na ang ganda ko. Mag-iingat ka alam mo naman walang masasakyan kapag late ka na mag-out. Sige na aalis na ako dumaan lang ako para sabihin iyon. Naghihintay na anak ni Boss mahirap na baka mapagalitan ako." paalam ni Julie sa kaniya. Aligaga naman ito at dali-daling umalis.
Saktong alas sais ng gabi niya napagpasiyahang umuwi. Dahil nga wala si Julie. Habang naghihintay ng masasakyan, nakita ni si Jicko palabas ng building kasama si Dionne isa sa mga kasama ni Julie sa finance department. Pareho itong nagtatawanan habang palabas ng building. Bigla na naman siyang nakaramdam ng inis.
Tuwing may kasamang iba si Jicko. Hindi niya rin maintindihan ang sarili bakit bigla nalang siyang nakakaramdam ng inis. Wala naman sa kaniya kung may kasamang iba iyong tao.
Bigla siyang nag-iwas ng makitang nakatingin si Jicko sa kaniya. Nagkunwari nalang siyang hindi niya ito nakita. Sakto namang may dumaan na jeep kaya dali-dali siyang sumakay.
Pero hindi paman nakakaalis ay nagulat siyang sumakay din si Jicko sa jeep kung saan siya sumakay.
Nagtataka siya kung bakit nag-commute ito gayong may sarili naman itong sasakyan.
Hindi pa rin siya pinansin nito, at kahit magkasama silang pauwi. Lahat ng inis sa katawan niya parang gusto na niyang ilabas pero nagpipigil pa rin siya. Lagi din kasi niyang naiisip na kasalanan niya kaya nawala iyong pagkakaibigan nila ni Jicko.
Hanggang sa makababa siya ng jeep. Hindi talaga sila nagpansinan nagmukha lang siyang parang hangin sa harap ni Jicko.
Kaya naman pagpasok niya sa apartment ay dumiretso na siya sa kwarto niya. Hindi niya namalayan sa kakaisip niya ay nakatulog na pala siya.
Nagising nalang siya ng marinig niya na may kumakatok sa kwarto niya.
"Hindi ka naghapunan? Alas onse na ng gabi?" salubong ni Julie sa kaniya pagkabukas niya ng pinto.
"Nakatulog kasi ako pagdating ko sumakit ang ulo ko. May pagkain ba?" nagkunwari nalang siya at iba ang dinahilan.
"Kita mo hindi ka pa nga nakabihis natulog ka nalang basta. Magbihis ka muna pagkatapos ay bumaba ka ipaghahanda kita."
Nagpapasalamat siya dahil may julie siyang kaibigan.
Bumaba agad siya matapos magbihis. Naabutan na naman niya itong naka-harap sa computer.
"Hindi ka pa magpapahinga?"
"Tapusin ko lang to may pinapaasikaso kasi anak ni Boss. Alam mo ba gusto ko na talagang sapakin iyang anak ni Boss. Sumusobra na siya sobrang stress na ng beauty ko girl. Lahat na lang sa'kin pinapagawa anong akala niya hindi ako busy. Kung dati ang dali lang ng trabaho ko tapos bigla siyang darating kung saang lupalop bigla akong uutusan ng kung ano-anu. Kulang nalang gawin niya akong taga linis ng kubeta nila. Naiiyak ako sa inis." pagkukwento pa nito sa kaniya.
Gusto niyang matawa kasi ngayon lang niya nakitang ganiyan ang kaibigan. Ito pa ang malala sa anak pa ng Boss nila e dati naman kahit ang daming pinapagawa si Boss samin hindi siya nagre-reklamo maliban ngayon sa kwento ng kaibigan niya. Tingin niya ay nakahanap na din ng kaibigan niya ng katapat. Hindi lang katapat mukhang magkaka-lovelife na rin ito. Nararamdaman niyang ito na ang pinakahihintay ng kaibigan niya.
"Bakit ngayon ka lang nagreklamo e dati naman hindi ka nagreklamo ah. Ikaw aminin mo nga? May crush ka sa anak ni Boss no?"
"Hoy! Kilabutan ka nga. Isa ka din e pareho talaga kayo alam mo reto nalang kita sa anak ni Boss balita ko single iyon." natawa ulit siya ipasa ba daw ba sa kaniya.
"Julie, tingin ko mas bagay sayo kaya no thanks."
"Ewan ko sayo. Kumain ka na nga lang. Tatapusin ko pa ito."
Hindi nalang siya nagsalita. Pero ngayon pa lang masaya na siya pra sa kaibigan niya.
Kinabukasan ..
Nagising siya sa lakas ng tunog ng alarm clock. Alas singko na nang tingnan niya masyado pang maaga pero kailangan na niyang bumangon para maghanda. Ngayon ang Team Building nila sa Palawan. Na-cancel kasi ito noong nakaraan dahil nagkaroon ng emergency sa isang branch nila.
Kaya halos isang buwan din bago nare-schedule ang Team Building. Masaya na rin siya kasi masyado siyang stress nitong nakaraan sa trabaho kaya nagkaroon na din siya ng chance na makapag-relax kahit papano tatlong araw din sila doon.
Kagabi pa lang ay naayos na niya ang mga dadalhin niya. Bitbit ang traveling bag niya agad siyang bumaba para maghanda ng makakain. Pero mas mauna pa palang gumising si Julie sa kaniya.
"Anong oras ka nagising? Ang aga mo." tanong niya sakin.
"Kani-kanina lang din. Nakaluto na ako kumain kana para makaalis na tayo." aniya.
Mabuti nalang talaga hinanda na niya ang mga gamit kagabi palang. Si Julie naman mas mabilis mag-ayos ng gamit kaysa sa kaniya kaya hindi na mahirap sa kaniya gawin iyon.
Saktong alas sais ng umaga sila nakaalis ng bahay. Alas syete ang call time before seven kailangan nasa labas na sila ng office. Sabay-sabay na daw kasi lahat pumunta. Mahirap na kung may maiiwan sa kanina ng eroplano.
Fifteen minutes before seven nakarating silang dalawa ni Julie.
"Okay guys, alam niyo na ang gagawin pagdating natin doon okay. May mga binigay a akong sobre sa inyo nandiyan nakalagay ang room number niyo doon. Iyong mga walang sasakyan makisakay nalang kayo sa mga kasama niyo okay? Tutal nag-agree naman ang lahat noong nakaraang meeting natin." sabi ni Devy isa sa mga department head.
Kaniya-kaniya na ang iba sa mga sasakyan nila.
"Oh, Mr. Revieno late ka yata?"
"Sorry Ma'm may dinaanan lang."
"Saan ka na niyan puno na ang ibang sasakyan. Hindi mo ba dala ang kotse mo?"
"Hindi po Ma'm e."
Late na nga ito hindi pa nagdala ng sasakyan.
"Ah Ma'm dito po sa amin may bakante pa." aniya ni Julie.
Gusto man mainis ni Erin sa kaibigan ay wala na siyang nagawa dahil siya naman ang mapapagalitan ni Devy kapag tinanggihan niyang sumabay si Jicko sa kanila.
Kaniya-kaniya pa rin silang sasakyan papuntang airport kasi hindi naman kaysa silang lahat sa service van ng company nila.
"Okay lang ba Julie? Nakakahiya, pwede naman mag-commute nalang ako papunta sa airport." sabi pa nito, pinanindigan ang hindi pagpansin sa kaniya ni Jicko.
Naging multo na talaga siya sa paningin ni Jicko at talagang hindi siya nito pinapansin.
"Ano ka ba? Huwag kana mahiya. Mas okay iyon may kasama kaming lalaki safe kami if ever."
Nakuha pang humirit ni Julie. Habang siya tahimik lang.
Dahil may kaibigan siyang mapang-asar imbes na papasok na siya sa sasakyan ni-lock ni Julie ang pinto sa harap.
"Hoy sumakay na kayo baka mamuti mata natin dito nakaalis na ang iba."
"Julie ano ba! Buksan mo pinto sa harap." inis niyang sabi.
"Girl, sa likod ka nalang umupo para may kasama si Jicko. Dali na girl hindi mo naman siguro bet na maiwan dito."
Kahit naiinis ay wala na siyang nagawa kundi ang umupo sa likod. Ayaw naman niyang maiwan at sila nalang din ang naiwan kaya no choice nalang siya.
Pareho lang silang tahimik ni Jicko sa likod. Ni isa ay wala talagang balak magsalita.
Nakinig nalang siya ng music saka sinuot sa tenga ang headset. Dahil boring at wala siyang makausap.
Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya at napasandal sa balikat ni Jicko. Suminyas naman ang binata kay Julie na hayaan nalang ang kaibigan na makatulog.
Sa kabilang banda.
Tahimik lang na minamasdan ni Jicko si Erin habang natutulog sa balikat niya.
Ilang linggo din niya itong iniiwasan, kahit para sa kaniya ay nahihirapan na siya. Mahirap iwasan at mas lalong mahirap pigilan ang nararamdaman.
Bawat araw, oras at minuto hindi kailan man nawala si Erin sa isip niya. Pinili lang niya iwasan muna ito. Pero hindi ibig-sabihin ay wala na siyang pakialam sa dalaga. Kaya hindi niya dinala ang kotse niya dahil bago pa man ang araw na iyon ng team building nila ay kinausap na niya si Julie na sasabay siya dito. Kahit alam niyang maiinis si Erin dahil hindi niya pa rin ito pinapansin o kinakausap man lang.
Mabuti nalang at mapapayag niya si Julie. Gusto niya lang naman makasama si Erin kahit sa ganoong paraan man lang. Kahit konting oras, kahit saglit lang sapat na sa kaniya iyon.
Nang malapit na sila ay saka pa napagpasyahan ni Julie gisingin ang kaibigan.
"Erin, wake up malapit na tayo."
Dahan-dahang minulat ni Erin ang mga mata niya. Nagtama naman ang mata nila ni Jicko nang bumangon siya sa pagkakahiga niya sa balikat nito. "Sorry." iyon lang ang nasabi niya dahil sa hiya.
Pagbaba nila saka niya hinampas si Julie.
"Ikaw ang dami mo ng kasalanan sa'kin. Bakit hindi mo naman agad ako ginising nakakahiya tuloy d'on sa tao nakatulog pala ako sa balikat niya."
"Duh? Ayaw mo non? Ang cute niyo nga tingnan e para kayong lovers."
"Ewan ko sayo ang dami mong alam dinadamay mo pa kami."
"Excuse me? Maganda lang talaga ako girl. And alam mo my friend Erin s***h Miss. Broken na indenial na ewan basta. Gigisingin naman sana kita. Kaso pinigilan ako ni Jicko. See? May care pa rin siya sayo, iyon nga lang hindi ka pinapansin. Sablay pa rin girl pero atleast may moment kayo. Ayieh!" panunukso pa ng kaibigan.
Aanhin naman niya ang care ni Jicko na sinasabi ni Julie kung hindi pa rin sila nagpapansinan.
"Care mo mukha mo! Aanhin ko naman iyan aber kung para lang akong hangin sa kapag magkaharap kaming dalawa. Parang care reaction lang sa f*******: iyan. Iyong nagpost ako tapos nag-care react siya parang ganoon lang. Para masabing may pake sa'kin. Ayoko na ipilit kung ayaw niya akong pansinin edi fine."
"Bitter mo naman girl. Affected na affected kulang nalang manakit."
"Ewan ko sayo, tara na nga baka maiwan tayo ng eroplano."
"Okay lang maiwan girl, hindi ka naman iiwan ni Jicko."
"Talagang hindi ka titigil Judeza?"
Natahimik nalang si Julie, ayaw kasi talaga nitong tinatawag siya sa totoo niyang pangalan.
Pero aaminin niya sobra siyang nasasaktan sa pagbabaliwala ni Jicko sa kaniya. Kahit sabihin pa ni Julie na may pake si Jicko sa kaniya. Para sa kaniya nawala na lahat ng pinagsamahan nila. Lalo na iyong panahon na masaya sila. Iyong kahit simpleng bagay lang napagkakasunduan nila pareho. Naglaho nalang bigla. Maraming beses na niya sinubukan kausapin si Jicko. Ngunit sa tuwing magtatangka na siyang kausapin ito pinangungunahan na naman siya ng takot at pagka-guilty niya. Kaya sa huli hindi niya ito nagawang kausapin.