CHAPTER 1

1189 Words
"Erin, Sorry kanina ka pa ba naghihintay sinamahan ko pa kasi ate mo ang dami kasi ng mga test paper na pinadala si ma'am." Paliwanag ni Dave ng mahuli ito sa oras na usapan nila ni Erin. "Ayos lang, ano tara gutom na ako e ikaw kasi pinaghintay mo ako dito." Ginulo naman ni Dave ang buhok niya. "Alam mo ikaw kaya ka tumataba kasi minu-minuto kang nagugutom." hinampas naman niya sa balikat si Dave sa pang-aasar nito sa kaniya. "Hoy! Hindi ako mataba no? Healthy lang ikaw napaka-bully mong lalaki ka!" Humalakhak naman ito at naunang maglakad sa kaniya. "Ako lang naman ang bully sa buhay mo isa pa ako lang ang bully na mahal na mahal ka." bigla naman siyang namula sa sinabi nito. "Kita mo? Kinikilig ka. Ang dali mo talagang pakiligin." "Tse! Tigilan mo nga ako puro ka kalokohan." Sabay silang naglakad patungo sa paborito nilang lomihan. Tuwing hapon pagtapos ng klase nila doon talaga sila pumunta para kumain ng lomi. Inakbayan siya ni Dave habang naglalakad. Minsan ay nahihiya siya tuwing ginagawa ni Dave iyon sa kaniya. Lalo na kapag tinitingnan sila ng mga tao. Kahit sanay siyang ganoon si Dave ay naiilang pa rin siya. "Oh, Dave nandiyan na pala kayo? Alas singko na ah. Akala ko ba hanggang alas tres lang ang klase niyo?" bungad sa kanila ni Aling Malia ang may-ari ng lomihan. "Hay naku nay Malia. Pinaghintay nga po ako niyan ng isang oras. Tinulungan niya pa kasi si Ate Claire." paliwanag ni Erin sa matanda. "O siya umupo na kayo at ihahanda ko na ang pagkain niyo" "Salamat nay" ani Dave Kilalang-kilala na sila ni Aling Malia. Nanay na ang tawag nila dito wala kasi itong anak nasa singkwenta pa ang edad at maagang nabiyuda. Nang makauwi sila hindi mawala ang ngiti sa labi ni Erin. Kahit yata araw-araw silang magkasama ni Dave ay hindi siya magsasawa. Masyado niya itong mahal na halos ayaw na niyang mahiwalay dito. Kontento na talaga siya sa simpleng ginagawa ni Dave sa kaniya. Konting paglalambing lang ng nobyo ay para na siyang nililipad sa ulap. Mahal na mahal niya si Dave at pinangako niya sa sarili niyang ito lang ang lalaking mamahalin niya at gusto niyang makasama habang buhay. "Hoy! Pambihira Erin tulala ka naman. Kung saan-saan na naman lumilipad ang isip mo." suway sa kaniya ni Julie isa sa kaibigan niya. Muli na namang naalala ni Erin ang masayang sandali nila ni Dave noon. "Hulaan ko si Dave na naman ba iyan? Ano ka ba Erin dalawang taon na ang nakalipas magmove-on kana maawa ka sa sarili at sa puso mo." alam ng kaibigan niya ang lahat. Mula ng maghiwalay sila ni Dave ay wala ni isa sa mga kaibigan niya ang nagbanggit o nagtanong man lang sa kaniya tungkol sa totoong nangyare sa relasyon nila. Ang alam lang ng mga ito ay naghiwalay sila at nangibang-bansa si Dave. Pero ang katotohanan ay nasa puso pa rin niya. Hindi niya maalis dahil hanggang ngayon hindi niya magawang tanggapin ang totoo. Hindi mawala sa puso niya ang sakit na kahit ilang taon na ang lumipas ay dala-dala niya pa rin ang sakit. Pinili niyang bumukod sa pamilya niya dahil iyon lang ang paraan niya para hindi lalong masaktan. Tatlong taong relasyon nila ni Dave ay nabalewala. Dahil lang sa isang pagkakamali. Pero hindi niya kailanman sinisi ang kapatid o si Dave sa nangyare. Dahil kung talagang mahal siya ni Dave hindi siya nito ipagpapalit sa kapatid niyang si Claire. Matagal na niyang napatawad si Dave at Claire. Pero iyong puso niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin makalaya sa sakit. Ayaw niyang kamuhian ang sariling kapatid, nagparaya siya dahil ayaw niyang lumaking walang ama ang pamangkin niya. Lalong hindi matatanggap ng puso niya kapag nangyare iyon kaya pinili niyang palayain si Dave. "Kung ganoon lang kadaling alisin ang sakit, sana hindi mo iyan sinasabi sa'kin ngayon Julie. Tara na balik na tayo sa trabaho." Tuwing break time lang sila nagkakaroon ng pagkakataon mag-kwentuhan ni Julie. Masyadong istrikto ang amo nila lalo na kapag oras ng trabaho. Nang matapos ang trabaho niya ay inayos niya isa-isa ang mga gamit niya at nagpasiya ng lumabas sa opisina. Kasalukuyan siyang nagta-trabaho bilang isang editor sa isang publishing company. Kunot-noo naman siyang napatingala sa kalangitan ng umaambon na. "Ang malas ko naman nakalimutan kong magdala ng payong." sabi niya sa sarili. Sumilong muna siya sa waiting area habang hinihintay na tumila ang ulan. Pero mukhang minamalas talaga siya. Mag-iisang oras na siyang nakatayo sa waiting area ay hindi pa rin tumitila ang ulan. Naisipan niyang tawagan si Julie, nauna kasi itong umuwi sa kaniya. Kasama niya si Julie sa apartment na tinutuluyan niya. Pero sobrang malas niya at saktong lowbat ang cellphone niya. "Ano ba namang araw 'to ang malas-malas ko." inis niyang aniya sa sarili. Wala na din dumadaan na jeep sa lugar na iyon dahil alas dyes na ng gabi. May dumadaan naman na taxi pero may pasahero naman. Naghintay pa siya ng ilang minuto at baka may dadaan na sasakyan. Hanggang sa may huminto na isang kotse sa harap niya. "Erin, pauwi kana ba?" si Jicko ang may-ari ng sasakyan na huminto sa harap niya. Kababata niya ito at pareho sila ng company na pinagta-trabahuan iyon nga lang magka-ibang department sila kaya hindi sila nagkikita o nag-uusap man lang. "Oo sana kaso walang sasakyan na dumadaan." Binuksan nito ang pinto. "Halika na sumabay kana sa'kin ihahatid na kita. Umuulan na mahihirapan ka talaga makasakay dito lalo na sa ganitong oras." ani nito "Okay lang ba? Baka makaabala pa ako sayo." "Halika na malamig na diyan." hindi na siya tumanggi pa. Bukod sa gusto na niyang umuwi at magpahinga. Sobrang pagod na rin niya. "Salamat talaga Jick, kanina pa talaga ako nag-aabang ng masasakyan e kaso puno na. Tinatawagan ko nga si Julie hindi naman sumasagot hanggang sa nalowbat ang phone ko. Nakakainis nga e, ang malas ko yata sa araw na'to. Buti nalang dumating ka hulog ka talaga ng mga tala sa umiiyak na kalangitan." natawa naman sa kaniya si Jicko. "Alam mo, hindi ka pa rin nagbabago. Iyang paniniwala mo sa universe at mga bituin parin ang bukang bibig mo." "Wala naman dapat kasi na baguhin. Ako pa rin 'to ano ka ba?" Panay tawa at kwentuhan lang ginawa nila sa buong byahe nila pauwi. Hindi niya inaasahan na si Jicko pa ang maghahatid sa kaniya, huling pag-uusap nila ay noong araw ng kasal ni Dave at ng ate niyang si Claire. At totoong naniniwala pa rin siya na kapag humiling ka sa tala sa langit ay matutupad ito. Maliban sa isang kahilingan niyang hindi binigay sa kaniya. Iyon na yata ang araw na ayaw na niyang balikan pa. Iyong araw kung kailangan nadurog ang puso niya. Pinangako niya sa sarili niya na kung magmamahal man ulit ang puso niya sisiguraduhin niyang iyon na ang huli. Ayaw na niyang magkamali ulit. Ayaw na niyang masaktan ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD