17
"Ayoko Papi!" Mariing tanggi ni Brad sa pakiusap niya. "Bakit kailangan ako pa ang magbantay sa Pearl na 'yon?!" Kitang-kita ni Louie ang pang-hahaba ng nguso ng kaibigan sa pabor na hinihingi niya.
"Hindi mo naman babantayan e. Sisiguraduhin mo lang na walang magbibigay ng pyansa para makalabas siya." Ito na lang kase ang naisip niyang paraan para makawala siya kay Pearl nang hindi nito magagawang makalapit sa mga kaibigan niya. Ang hulihin si Pearl at ikulong sa jail booth buong araw.
"Eh, bakit kase? Akala ko ba jowa-jowaan mo 'yon? 'Bat gusto mong makawala sa kanya?"
"Ulul. Hindi ko girlfriend 'yon, ah." Mariin ding tanggi niya. "At saka, kung ako sa inyo, lalayuan ko yung babaeng 'yon, malakas ang sapi n'on." Sabi niya pa. "Sige na Papi, anong kapalit ba ang gusto mo para mapapayag kita?"
Saglit na natigilan si Brad sa offer niya. Buong akala ni Louie, mapapapayag niya na ito sa gusto niya.
"Nasa Amerika ang gusto kong kapalit ng hinihingi mong pabor, Paps." Mapait na ngiting sabi nito. "Hayst! Sige na nga, ako nang bahala!"
-----
Magkasama na ulit sila ni Pearl ng araw na 'yon. She's really acting like his girlfriend pero sa isip-isip ni Louie, sandali na lang naman ay makakawala na siya rito.
"Hi ate, pasensya na po, pero kailangan ka naming hulihin." Hinarang sila nang ilang estudyanteng incharge sa jail booth at nilagyan ng posas ang mga kamay ni Pearl. Tuwang-tuwa pa ito dahil gustong-gusto nito na nasa kanya ang atensyon ng tao. Isn't that the reason why she keeps on following them? To be known, to have an image.
"Louie! Bail me out, babe." Nakangiti pang sabi nito habang hawak-hawak siya ng mga humuli sa kanya.
'Bail me out my ass.' Natatawa na lang na sabi niya. 'Asta la vista, see you nevah!' Nagkalad siya papunta sa function hall ng St. Celestine. Alam niya kaseng doon niya makikita si Celine. Kailangan niyang makausap ang babae. Kailangan nilang magkaliwanagan at hindi niya na kayang makita na bumabalik na naman ito kay Liam at unti-unti na naman siyang nae-etcha pwera.
Nakita nga niya ang dalaga ngunit napapaligiran pa rin ito ng maraming tao kagaya kahapon. Well, she's a natural leader. Kahit pa anong sabihin nitong hindi, people are following her. Naghintay siya ng tamang oras para makausap ang dalaga ngunit ni hindi man lang ito nawalan ng kasama. She's always with someone, telling them what to do.
Nagugutom na siya at napansin niya ring halos alas dos na ng hapon ay hindi pa kumakain ang dalaga kung kaya't naisipan niyang pumunta sa canteen para bumili ng pagkain. Naisip niya din na pwede niya itong gawing palusot para masolo at makausap niya ang dalaga.
Umorder siya ng mga paboritong pagkain ni Celine. Tacos, fries, may budbod din siyang binili at strawberry shake. Pasipol-sipol pa siyang naglalakad pabalik sa function room. He's got a good feeling about this. Mag-uusap at mag-uusap silang dalawa. Maaayos nila ang kung ano mang problema nila dahil hindi siya papayag na mabalewala na lang lahat ng inumpisahan at pinaghirapan niya.
Pero hindi niya naihanda ang sarili niya sa kung ano man ang aabutan niya pagbalik.
Because he saw Celine being taken away. Naka-piring pa ito at imbes na posas ang nakalagay sa braso ng dalaga, corsage ang itinali nila rito.
Wala sa sariling sinundan ni Louie kung saan nila dadalhin ang babae. At natagpuan na lang niya ang sarili niyang naglalakad papalapit sa marriage booth, kung saan naghihintay din si Liam. Maganda ang pagkaka set up sa marriage booth ngayong taon. Hindi kagaya last year na parang hindi man lamang pinag isipan.
Napapaligiran ng marami at sariwang white rose ang paligid, maging ang make shift na altar ay maayos din ang set up. Ang mga monoblock chairs para sa mga bisita ay sinapinan ng puting tela na may nakasabit ding bulaklak sa likod. Liam is wearing a white long sleeved polo shirt, complete with bow and a coat. Sinuotan din nila ng mahabang belo si Celine at pinatungan ng mahabang puting palda ang maikling shorts na suot niya.
'Putang-ina!' Mahinang mura ni Louie. 'Fuvk. Fuvk. f**k!'
Napagtanto niyang sinadya ni Liam na maging ganoon ang set up sa marriage booth kasunod ng pag aya nito kay Celine kahapon na magpakasal. Naalala na naman tuloy niya kung ilang boteng alak ang ininom niya kagabe, makalimutan lamang ang eksenang paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya buong magdamag.
Isa rin 'yon sa mga dahilan kung bakit inutusan niya si Brad na gawan ng paraang makawala siya kay Pearl. Gusto niyang tanungin si Celine kung pumayag ito sa alok ni Liam kahapon. Pero sa nakikita niya ngayon, mukhang hindi niya na kailangang tanungin ang dalaga, alam niya na ang sagot nito.
Naglakad siya papunta sa gilid. Gusto niya kaseng makita ang reaksyon ni Celine. Gusto niyang kahit kaunti, makita niya man lang na may doubt ang babae sa pakulong iyon ni Liam. Gusto niyang makita na maisip man lang siya ng babae at i-consider kung anong mararamdaman niya. Gusto niyang patunayan sa sarili niyang may tyansa pa rin siya.
Pero wala man lang siyang nakitang ganung reaksyon sa mukha ng dalaga. Tila masayang-masaya pa ito matapos tanggalin ang piring sa mga mata niya.
Nang magsimulang tumugtog ang paboritong kanta ni Celine, sinabihan na itong dahan-dahang maglakad papunta sa altar kung saan naghihintay si Liam. Nung narinig niyang nagsalita ang lalaking makasuot ng uniporme ng pari at nagtanong kung sino mang tumututol sa kasalang iyon, kulang na lang ay sumugod siya at sabihing tinututulan niya ang kalokohang 'yon. It was ridiculous, everything is. Ayaw niyang masaksihan ang pekeng pag-iisang dibdib nila Liam at Celine pero hindi rin niya magawang ilakad palayo ang mga paa niya. Tila napako siya dun, ninanamnam at ina-absorb lahat ng sakit.
He stayed until the end of that ceremony. Watched the two of them kiss, on the lips. In public. For the second time. Na tila ba ipinapakita at ipinagmamayabang nila sa buong St. Celestine na no one will ever come between them.
Itinapon ni Louie sa basurahan ang mga pagkaing dala-dala niya pa rin pala. Hindi niya na rin naisip na gutom pala siya. Gusto niyang mapag isa. Gusto nga niyang umalis pero ayaw niya. Gusto niyang magwala. Gusto niyang.. Gusto niyang hanapin si Brad at ayain ito ng suntukan. Anything, he wanted to release all the frustrations that is building up inside him. He was hurt. He felt so betrayed. So angry.
But despite all this, he really just wanted to see her. To talk to her and to kiss her the same way Liam did. He wanted to hug her. To make sure everything is all right.
----
Celine is still in cloud nine. Hanggang ngayon hindi niya pa rin maiwasang hindi mapangiti sa ginawang effort ni Liam. It was crazy and romantic at the same time. Hindi naman kase niya inaakalang gagawin ito ng kasintahan.
'Paano kung mag oo ako sa 'yo ngayon tapos bigla kang makakita ng iba? Paano kung bigla na lang mawala yung feelings mo para sa akin? Ayokong magaya d'on sa mga nakikita ko sa social media na sa akin nagpropose pero sa iba ikinasal.'
Ito ang isinagot niya kay Liam kahapon noong lumuhod ito sa harapan niya at ayain siyang magpakasal.
'Love naman, mukha bang naghahanap o may balak akong maghanap ng iba? Pangarap kong bigyan sila mama ng isang basketball team with matching cheering squad members sa 'yo tapos pinagdududahan mo pang baka bigla na lang mawala ang feelings ko para sa 'yo. H'wag gan'un Celine. Hindi Thompson ang apelyido ko.'
Sabay pa silang natawa sa sinabing 'yon ni Liam. Akala niya nagbibiro lamang ang lalaki kung kaya't pumayag na rin siya sa alok nitong kasal. They talked about it afterwards. Kung anong magiging motif ng kasal nila. Kung anong klase ng bulaklak ang gagamitin. She told him she wanted white roses. Para simple lang tignan and because it signifies pure intentions.
She's still walking on sunshine, nakangiti at nginingitian ang mga nakakasalubong kahit hindi niya kilala. Kinakanta ng mahina ang "wedding song" nilang dalawa. Malapit nang dumilim at unti-unti nang nagsisiuwian ang mga tao kaya kakaunti na lamang ang mga nakakasalubong niya. Balak sana muna niyang tumambay saglit sa opisina ng student council para hintayin sila Liam na as usual, may urgent meeting na naman.
Proud siya sa sarili niya. Buong araw na hindi sumagi sa isip nya si Louie. Which is a good thing for her. For both of them.
Isang liko pa sana bago siya makarating sa student council office ay may biglang humila sa bewang niya. Sisigaw sana siya pero tinakpan nito ang bibig niya. Natakot siya hindi dahil sa hindi niya kilala kung sino ang humila sa kanya kundi dahil kilalang-kilala niya kung sino 'yon. And she doesn't want to be with him.
Dinala siya nito sa may rooftop, sa likod ng mga nakatambak na sirang lamesa at bangkuan. Binitiwan siya nito at pinagmasdan lang ni Celine ang lalaki habang paro'ot parito ito ng paglalakad.
"Well?" Inip na tanong niya. She wanted to make it look like she's bored and uninterested. Pero sa totoo lang, kakaibang kaba ang nararamdaman niya sa mga oras na 'yon. Yung tipo ng kabang alam niyang ipagkakanuno siya ng katawan niya kaya dapat makalayo siya sa lalaki as soon as possible.
"Celine, what are you doing?" Tanong nito sa kanya. He's looking at her like she hurted him. As if hindi siya sinaktan ng lalaki.
"I was on my way to the office nung hinila mo ako. Ikaw, what are you doing?" Mariing tanong niya dito. She knew exactly what he meant when he asked her what she's doing. Pero wala siya sa mood para makipagtalo sa lalaki.
"You know what I meant." Tiim bagang na sabi nito sa kanya. Naglakad ito papalapit sa kanya kaya naman nagawang umurong ni Celine, hanggang sa mapasandal siya sa wall. "You know exactly what you're doing."
"Alam mo naman pala kung anong ginagawa ko, so bakit mo pa ako tinatanong?" Hinding-hindi siya magpapatalo sa lalaki, ngayon pa ba namang pakiramdam niya ginagawa siya nitong laruan na iisang tabi kapag sawa na at saka babalikan kapag may naglalaro na ulit na iba? "And why are you here? Hindi ba dapat kasama mo ang girlfriend mo?"
Napapikit si Celine nang biglang hampasin ni Louie ang pader sa gilid niya, hindi naman siya natakot, na excite pa siya, sa totoo lang.
"Hindi ko siya girlfriend." Matigas na saad nito.
"Hindi gan'on ang nakita ko." Mas matigas na sagot niya. Nakipaglaban pa siya ng titigan kay Louie ngunit sa huli, siya din ang unang nag iwas ng tingin dito.
"Hindi lahat ng nakikita mo ay 'yon ang totoo."
"So, anong totoo?" Inis niyang tanong. Gusto ba siyang pagmukhaing tanga ng lalaki? Anong hindi totoo sa nakita niyang nakapatong ito kay Pearl habang nakapulupot ang hita ng babae sa binti niya at ang kamay niya ay nasa leeg nito?
"H'wag mo 'kong gawing tanga Louie. Alam ko kung anong nakita ko at kung anong ibig sabihin n'un. Hindi ako gan'un ka-ignorante para gawin mong uto-uto!" Sigaw niya dito. "Ano? Nagsawa ka na sa kanya kaya ako na naman ang ginugulo mo? Alam ko naman e, alam ko naman na para sa 'yo challenge lang ako. Alam ko naman na kapag nakuha mo na ang gusto mo, balewala na rin ako sa 'yo!"
"Wala kang alam Celine,"
"Then tell me! Tell me! I'm not a toy Louie. At wala akong idea na mahilig ka pa lang maglaro ng barbie dolls. Pero hindi ako si Barbie! You can't play with me and my feelings!" Buong hinanakit na sabi niya. Naramdaman niyang may tumulong luha sa mga mata niya. Bakit hindi, ilang araw niya bang kinimkim lahat ng galit niya sa lalaki?
"Mahal kita Celine! Mahal na mahal!" Sinuntok ni Louie ang pader sa gilid niya bago ito lumayo, nagpalakad-lakad habang sinasabunutan ang sarili. "Hindi mo ba alam kung gaano na kita katagal na mahal? Mas una pa kay Liam! Pero binigyan mo man lang ba ako ng pagkakataon? Tinignan mo man lang ba ako ng higit sa pagiging kaibigan mo lang?! Hindi 'di ba? Ilang taon kong hinintay ang pagkakataong 'to tapos sasabihin ko lang na pinaglalaruan ko ang feelings mo? Na girlfriend ko si Pearl at nagsawa na ako sa kanya kaya bumabalik na naman ako sa 'yo?"
Lumapit ulit sa kanya ang lalaki. Kinuha nito ang kamay niya at pilit iyong inilagay sa ibabaw ng pantalon niya.
"Mukha bang kay Pearl 'to interesado? Galit ako sa 'yo pero mas galit na galit siya! Hindi ko alam kung saan ako lulugar sa 'yo pero ito," inalis nito ang kamay niya sa galit nitong ari at inilagay iyon sa kanyang dibdib. "At ito, alam nito, sigurado ito kung nasaan ka sa buhay ko."
Ilang beses napalunok si Celine habang nakatitig sa mga mata ni Louie. Napalitan ng lungkot ang kaninang punong-puno ng galit sa mga mata niya. He inch closer, naramdaman ni Celine ang biglang pagbilis ng t***k ng puso niya kasabay ng paghalik ni Louie sa mga luha niya. He took a step backward. And another. And another. At alam niyang kung wala siyang gagawin, tuluyang mawawala sa kanya ang lalaki.
Celine took the risk. Bahala na bukas. Hinila niya ang kwelyo ng damit ni Louie at ginagawan ito ng mainit na halik. The kiss they shared both washed away and ignited the flames inside her. They were both gasping when they come up for air. Out of breath but she knew. Celine knew, she needed more.
------