"Guys yung mga natirang designs sa stage, pakilabas na lahat oh, para alam natin kung saan pa pwedeng ilagay."
Naging abala si Celine nang mga sumunod na araw dahil nga sa preparation ng foundation week sa St. Celestine. Mabuti na rin yon, para wala siyang oras at panahong isipin ng isipin si Louie at ang babae niya. She spend most of her days trying to help, kahit hindi naman na siya kailangan. But at the end of the day, only her pillows knew how much she's hurting.
Pero hindi siya dapat masaktan, hindi siya dapat maging malungkot. Dapat nga matuwa pa siya dahil ang universe na mismo ang gumawa ng paraan para hindi siya magkasala ng tuluyan kay Liam. She may have caught feelings for Louie at baka banda-banda doon pa ay mapagtaksilan niya si Liam at magkamali siya ng pinili, mabuti na lang ay napigilan niya ang sarili niya.
Blessing na din siguro na dumating si impaktitang Pearl sa buhay nila.
"Yung mga booth sa labas? Okay na ba sila? Nakapag set up na?" Tanong niya pa sa isa sa mga organizers na nakapaligid sa kanya. Taon-taon kase, pumapayag ang principal at ang mga school organization na buksan ang St. Celestine para sa mga outsiders na mag set up ng mga booth at bazaar. The funds they will collect will go to random charitable institutions na sinusuportahan ng student council na hawak nila.
One of the recipients foundation na sinuportahan at sinusuportahan nila ay ang Gawad Kalinga foundation. Last year, dahil hindi kinuha ni Lena ang napanalunan niya bilang winner ng Celestine got talent ay dinonate na lang nila ito nang buo sa community.
Speaking of this foundation week, sobrang maraming bittersweet memories ng linggong ito para kay Stephen. Foundation week din kase ito nadevelop ng husto kay Lena, naamin na mahal niya ang babae, at sa mga panahong din ito siya iniwan ng babae sa ere.
Wala namang ibang pwedeng sisihin kung hindi siya.
Kaya naman kahit si Stephen pa rin ang presidente ng student council, hinayaan nila itong mawala at magmukmok sa rooftop para magmuni-muni, pagsisihan ang mga nagawa niyang kasalanan at isipin kung anong mga sinayang niya. He could've been happier now, and with a kid. Pero at least masaya siya, masaya silang dalawa ni Lena.
"Sobrang busy naman ng future wife ko," napasinghap si Celine kasabay ng hiyawan ang mga taong nakapaligid sa kanya nang bigla na lang sumulpot si Liam at ipulupot ang braso sa bewang niya. Hindi niya napansin ang pagdating nito pero hindi nakaligtas sa mga mata niya na nakatingin si Louie sa kanila kahit napakalayo na nito at nagsasabit ng mga banderitas kasama si Pearl. Iniiwasan niya na si Louie magmula noong araw na 'yon at hindi na din naman talaga mapaghiwalay ang dalawang 'yon, a clear proof na nakapili na si Louie. Sapat na yung mga nakita niya, at wala na silang dapat na pag-usapan pa.
Plus, Celine doesn't want to be an option.
"Liam!" Tinapik niya nang mahina ang braso ni Liam ngunit isiniksik lang nito ang mukha sa leeg niya.
"'Bat ang bango-bango pa rin ng baby ko kahit nakabilad sa araw?" Tanong nito sa kanya. "God, i wanted to live here." Sabi pa nito na lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Mas lalo tuloy naghiyawan ang mga nakapaligid sa kanila. Sino ba naman kase ang hindi kikiligin sa kanilang dalawa at hindi maiinggit sa kanya? Perfect couple nga ang tawag ng ibang estudyante sa kanila. Both gorgeous looking, pareho pang nanggaling sa mayamang pamilya. Liam is every teenage girl's fantasy come to life. Idagdag pang napaka-gwapo nito at stick to one sa kanya.
Sa anim na magkakaibigan, si Liam lang ang hindi na-involve sa ibang babae maliban sa kanya. Since first year sila, binakuran na talaga siya ng lalaki hanggang sa sagutin niya ito, hanggang sa magbago ang nararamdaman niya sa lalaki at hanggang sa pilit niyang ibinabalik yung feelings niya para dito.
"Tumigil ka nga sa pambobola mo d'yan-- Aaahhh!" Natawa na lang si Celine at bahagyang iniwas ang mukha sapagkat hinihipan nito ang taenga niyang napakalakas ng kiliti.
"Liam, isa!" Humarap siya dito ngunit nakapulupot pa rin ang kamay nito sa beywang niya. She tried making a poker face pero hindi rin iyon nagtagal dahil natawa na naman siya sa pagpapa-cute ng lalaki. Hinalikan niya ang ilong nito, dahilan para magtulakan ang mga tao sa paligid nila na tila nanonood ng shooting ng koreanovela. Saka lamang naalala ni Celine na nasa public place nga pala silang dalawa ni Liam at may iba pang kumuha ng litrato nila.
"Tapos na ba kayo ni Toby?" Tanong niya sa lalaki matapos siyang pakawalan nito at akbayan na lang. Tinantanan na sila ng mga audience nila kung kaya nakakapag usap na sila nang maayos na dalawa. Nagpunta sila sa mahabang table kung saan nakapatong ang ilan pang mga pang decorate sa stage. Binuhat siya ni Liam at iniupo sa lamesa. Pagkatapos noon ay pinaghiwalay nito ang mga hita niya and he settled in between her thighs.
"Hindi pa, pero namiss kase kita, e. Nauubos na ang energy ko. Kailangan ko ng tender love and care mo." Ani to sabay kindat. Pinagbigyan ni Celine ang gusto ng lalaki, niyakap niya ito ng mahigpit. Napansin ni Celine na basang-basa ng pawis ang lalaki, maging ang likod nito kaya kinuha niya ang panyo niya sa bulsa, tinulak si Liam para tumalikod sa kanya at saka iyon isinapin sa likod ni Liam.
"Celine,"
"Mmmm?"
"Nasabi ko na ba sa 'yong mahal kita?" Natigilan siya sa ginagawa niyang pagpunas sa likuran ni Liam dahil sa tanong na 'yon.
"Oo naman. Maraming beses na po." Ginaya niya ang ginawa ng lalaki sa kanya kanina. She wrap her arms around his torso habang nakatalikod ito sa kanya. Maging ang mga hita niya ay ipinulupot niya din sa katawan ng lalaki.
"Ugghhhh.." Liam groaned. "Why do you have to do this habang nakatalikod ako." Inis na tanong nito sa kanya. Natawa na lang ng malakas si Celine sa inaasal ng kasintahan. Hinalikan niya ito sa pisngi bago niya tinanggal ang kamay at legs niyang nakapulupot dito. Liam faced her. Nagpalinga-linga pa si Celine bago niya binigyan ng isang matamis na halik sa labi ang kasintahan.
Hindi niya inaasahan ang biglang pamumula ni Liam dahil sa ginawa niya. Saka niya lang narealize na nahihiya ito, at nagulat sa inasal niya. Kahit naman siya nagulat din, never silang naghalikan ni Liam in public. Never siyang nag-initiate na halikan si Liam, in public.
"Dapat siguro araw-araw, yayakapin kita kapag amoy pawis ako, no? My pheromones are driving you crazy."
"Hoy! Driving you crazy ka d'yan! Hmmmp-" Wala nang nagawa si Celine kundi yakapin si Liam at mapapikit matapos nitong bigyan siya ng masiil na halik. Ahh.. namiss niya ito, namiss niya ang boyfriend niya. Namiss niya ang mga moments nilang dalawa.
Nagsimulang maglikot ang dila ni Liam sa bibig niya. He's asking her to open up, to let him in, na pinagbigyan niya naman. She opened her mouth and Liam's tounge danced with her tounge. Ilang minuto rin sigurong tumagal ang paghahalikan nila nang dahan-dahang lumayo si Liam sa kanya. He took a deep breath and kissed the tip of her nose kaya napamulat siya. Hindi niya ine-expect na hanggang sa mga oras na 'yon ay nakapikit siya at ninanamnam ang halik na pinagsaluhan nilang dalawa.
"I was wrong, love. When I told you my pheromones are driving you crazy. It's the other way around, it's always the other way around. You drive me crazy. You always have that effect on me." Kinuha nito ang dalawang kamay niya at sabay iyong hinalikan. "I love you Celine, wala akong dalang engagement ring pero gusto pa rin kitang tanungin," binuhat ulit siya nito para makababa siya sa lamesa. Napasinghap na lang si Celine ng biglang lumuhod si Liam sa harapan niya. He took his ring from his ring finger saka iyon dahan-dahang isinuot sa daliri niya.
"Will you marry me?"
------
"Potang-ina!" Napamura na lang ng malakas si Louie habang pinagmamasdan sila Liam at Celine mula sa malayo. Kitang-kita niya kung paano halikan ni Celine si Liam sa pisngi, kung paanong hindi man lang umiwas ang babae ng halikan siya ni Liam, bagkus ay tila nasarapan pa ito dahil nakapikit pa ang babae habang nakikipaglaplapan sa kaibigan niya.
'May usapan tayo, 'di ba? Ako dapat 'yan 'di ba?' Nalamukos ni Louie ang banderitas na hawak niya sa sobrang galit. Napaka unfair naman ni Celine. Ni hindi nga nito hinayaan na makapagpaliwanag siya tapos ngayon, babalik siya kay Liam pagkatapos siya nitong bigyan ng pag asa na magiging sila!
Tumalikod na lang siya para hindi na makita ang ginagawa nila Celine kaya nakita niyang nasa tabi pa rin niya si Pearl.
"Kala ko ba napaka linis n'yang Celine n'yo, oh, bakit nakikipaglaplapan sa campus?" Pang asar na sinabi ni Pearl. Totoo nga ang banta nito sa kanya, hindi ito umalis sa tabi niya at kapag itinataboy niya ito palayo, makikita niya na lang ang babae na umaaligid sa mga kaibigan niya. kay Liam madalas.
"Will you shut up? You don't know what they're doing." Iritang tugon niya kay Pearl.
"You don't need to be a rocket scientist para lang iexplain kung anong nangyayari dito. Celine is not into you. You can't just accept the fact and leave them alone to be happy." Hinawakan pa ni Pearl ang braso niya at bahagya iyong hinimas. "You can be happier with me. We both know that."
"I said, shut up! Bakit hindi ka na lang bumalik sa pinanggalingan mo at tantanan ako? I was happier without you!"
Pearl gasped exaggeratedly. Isa pa ito sa ikina-iirita niya sa babae. Habang tumatagal ay lumalabas rin ang totoong ugali nito. She's not smart, and funny and easy to talk to. She's manipulative, obsessive, and she's getting on his nerves.
"Oh Louie, why are you hurting my feelings?" Nakita niya pang tumulo ang luha ng babae pero wala siyang naramdamang awa para dito. He knew she's just faking it because that's what she's good at.
"At dahil sinaktan mo ako, don't worry, sasaktan din kita." Hinawakan nito ang balikat niya at itinulak siya para humarap ulit kina Liam. At tiim-bagang siya habang pinagmamasdan si Liam na nakaluhod habang may isinusuot na singsing kay Celine.
-----