"What is your favorite color?" Louie said as he started caressing her back. Gamit ang lonang pantakip sa mga sirang lamesa, nakagawa sila ng makeshift na kama. Inilatag iyon ni Louie sa semento at ngayon nga ay nakahiga sila doon. Nakaunan siya sa braso ni Louie habang yakap-yakap niya ang baywang ng lalaki. Ilang oras na ba silang nandoon? Isa? Dalawa? Tatlo? Celine lost her sense of time. Ni hindi niya nga alam kung nasaan na ang mga kaibigan o baka hinahanap siya ni Liam dahil hindi man lang siya nakapag paalam dito, and her phone is turned off. Pagkatapos nilang pagsaluhan ni Louie ang mainit at maalab na halik na 'yon, niyakap lang siya ng lalaki. Niyakap siya nito hanggang sa tumigil siya sa pag iyak na hindi niya namalayang ginagawa niya. And then they lay down. Looking at the sky