11
"SAAN BA TAYO PUPUNTA?" Sigaw ni Celine sa tenga ni Louie. Ang sabi nito kanina ay kakain lang sila. Pero hindi naman inasahan ni Celine na may balak pa ata ang binata na kumain sa Batangas. Na ilang oras din ang layo mula sa Metro.
"Secret, basta kumapit ka lang ng mahigpit sa bewang ko para hindi ka mahulog." Balik sigaw nito sa kanya. Sasagot pa sana si Celine na nahulog na siya pero hindi niya nagawa dahil pinaharurot na nito ng todo ang motor niya. Napasigaw si Celine bago siya yumakap ng mahigpit sa natatawa pa ring si Louie. Hindi naman siya natatakot, alam niya kaseng hindi siya pababayaang masaktan ng lalaki.
'Utang na loob Celine, hindi sasaktan? Eh halos maloka ka na nga sa kakaisip tapos sasabihin mo hindi ka niya pababayaang masaktan? Bipolar ka ba?!'
Alam naman niyang para siyang timang sa ginagawa niya e. Napakarupok. Ni hindi niya pa nga nahihingan ng paliwanag ang lalaki tungkol sa mga nakita niya ay heto na siya, sumasabay na naman at nagpapadala kay Louie.
At hindi din naman niya palalampasin ang pagkakataong dumikit ng husto dito nang hindi niya kunware sinasadya.
He's so soft yet so hard. Napakabango din nito. Mahihiya ang araw dahil ni hindi man lang naamoy ni Celine na amoy araw at pawis ang lalaki kahit na ilang oras na silang nakababad sa arawan.
"Nakapikit ka ba?" Tanong pa nito. Tumango lang si Celine. At dahil nakahilig ang ulo niya sa balikat ng lalaki, alam niyang nakuha na nito ang sagot niya. "You shouldn't. Open your eyes, love. Ang ganda ng view."
Saka lang napansin ni Celine na huminto na pala sila sa dalampasigan. Naunang bumaba sa motor niya si Louie saka nito hinapit ang bewang ni Celine at hinila siya para makababa. And he never let go of her kahit na naglalakad na sila papunta sa dagat.
"A-akala ko ba kakain tayo?" Nauutal na tanong ni Celine. Nararamdaman na naman kase niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya dahil napakalapit sa kanya ng lalaki. His hands on her waist, his shoulder touching hers.
"Kakain tayo, pero hindi ko naman sinabing dito. gusto ko lang ipakita sa'yo. Pinagtatalunan namin ni Iñigo kung sino ang bibili nitong property na 'to e. So, gusto ko munang malaman ang opinyon ng expert kung maganda ba itong investment o hindi." Bahagyang lumayo si Louie para tanggalin ang leather jacket niya at ilatag iyon sa puting buhangin saka naupo. Inilahad nito ang kamay niya sa nakatayo pa ring si Celine at hinila niya ulit paupo sa hita niya. "Ano sa tingin mo, maganda ba?"
Ma-maganda naman." Napalunok si Celine habang hinahawi ni Louie ang buhok niya papunta sa kabilang side ng balikat niya saka nito hinalikan ang batok niya. "Pero bakit kailangan n'yo pang pagtalunan kung pwede n'yo namang paghatian?"
Natigilan si Louie sa ginagawa nitong paghalik sa batok niya. Ilang sandali pa ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito bago niya hinila si Celine para tumingin sa kanya.
"Pwede nga bang paghatian?" Mariing tanong nito sa kanya. Malaki ang hinala ni Celine na hindi na tungkol sa bibilhin nitong property ang pinag uusapan nila. Pakiramdam niya ay tungkol na sa kanya ang mga sinasabi nito. "Selfish akong tao Celine. Alam ko siya din." Isang malalim ba buntong hininga ang pinakawalan ni Louie bago siya nito niyakap.
"And she deserved to be owned by someone who's more than willing to put her first. Above all things."
Ilang beses napakurap si Celine. Ilang beses din niyang nalunok ang laway niya sa nanunuyo na niyag lalamunan ngunit wala pa rin siyang makapang sagot sa sinabing 'yon ni Louie.
"Louie, what are we doing? What are you doing?" Tanong niya sa lalaki.
"Ako, I'm kissing your neck, hugging you while watching the sun set." Narinig ni Celine ang mahinang pagtawa ng lalaki sa likuran niya. "I just realize, I can-- no, I want to do this all day, every day."
"Date me, Celine." Bigla niyang nilingon ang lalaki matapos nitong sabihin 'yon."
"Date? Date you?"
"Yeah.. Ano bang akala mo, gusto lang kitang tikman?"
"Oo!" Malakas na tawa ang isinagot nito sa sinabi niya.
"Technically speaking, gusto naman talaga kitang tikman. But, I wanted us to be romantically involved. I wanted you all by myself. Pero ayaw naman kitang agawin kay Liam. Gusto ko kusa kang pupunta sa akin. So I wanted you to have other options. I wanted you to know what it feels like to be mine. I wanted you to chose me."
----
Pagkatapos ng mga sinabing 'yon ni Louie, hindi na nakapag-react ng maayos si Celine. It was fine dahil ang sabi naman nito, hindi niya mamadaliin ang babae sa pagdedesisyon. He wanted his actions speak for what he truly feels. Paglubog ng araw ay inaya siya nito. At totoo namang kumain sila. Sa isang seafood restaurant sa isang liblib na lugar.
Ang sabi nga ni Louie, para walang makakilala sa kanilang dalawa.
Pagkatapos n'on ay hinatid na siya ng lalaki sa bahay. Halos gabing-gabi na rin nang makarating sila sa Metro at hinatid pa siya ni Louie sa loob ng bahay nila at humingi ng paumanhin sa mga magulang niya dahil ginabi sila sa labas. Kilala naman ng mga magulang ni Celine ang lalaki. Hindi iisang beses na itong nakaapak sa mansyon ng mga Abad, gayun din sila Liam at ang mga kaibigan nila.
Masayang-masaya pa si Celine habang naglalakad papasok sa kwarto niya. Hindi niya naman ine-expect na may ganoong side pala si Louie. Napaka attentive nito sa mga ayaw at gusto niya. He's possessive and sweet at the same time, nakalimot na sila sa oras.
At hindi niya din nagawang magdala ng telepono sa pagmamadali niya kanina kaya't ganoon na lang ang pag aalala niya nang makita ang napakaraming text at tawag ni Liam sa kanya. Nakalimutan niya ang lahat ng bagay habang magkasama silang dalawa.
Napaisip tuloy siya kung hinanap ba siya ni Liam kay Louie. Pero hindi niya maalalang gumamit ng telepono ang lalaki sa buong oras na magkasama sila.
Una niyang binuksan ang computer niya para sana magbasa-basa kahit papaano at magreview para sa exam nila kinabukasan pero naiwan niya pala itong naka on at naka log in sa kanyang social media account. Huli na para mag exit siya doon dahil nakita na siya ni Brad na nag view. He called her, pero hindi niya ito pinansin. Tumunog ang telepono niya at tumatawag si Liam. Agad niyang dinampot ang telepono niya ngunit hindi niya iyon sinagot.
Hindi niya alam kung anong sasabihin sa kasintahan. Naalala niya ang huling sinabi ni Louie bago sila tuluyang maghiwalay, na hindi niya naman kailangang iwan si Liam kung hindi siya sigurado sa nararamdaman niya. Ayaw din naman daw ng lalaki na nasa kanya nga si Celine ngunit pinagsisisihan naman nito ang desisyon na sa kanya sumama. He wanted her to really think about it, carefully. At handa din naman daw itong tanggapin ang desisyon niya kung talagang si Liam ang gusto niya.
Ilang sandali pa ay sinagot na niya ang tawag ng kasintahan. She doesn't know what to tell him, wala siyang maisip na palusot o alibi kung saan siya nagpunta at kung bakit ngayon niya lang nasagot ang tawag nito.
Maybe she just need to tell him the truth. Pero alam niya rin na magagalit ng husto si Liam, at baka mag away pa silang dalawa ni Louie.
'Bahala na nga!' She told herself.
"Love?" Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya matapos niyang sagutin ang tawag nito. Hinahanda na niya ang sarili niya, sa kung anong mangyayari pagkatapos nilang mag usap na dalawa.
"Thank God, you're safe. Muntik ko nang sapakin si Louie kanina pagdating e." Natatawang sabi ni Liam habang gulong-gulo naman siya.
"Alam mong?--"
"Na magkasama kayo ni Louie? Oo naman love. Pasensya ka na kung inabala ka n'ya ha, busy kase ako kanina pati yung mga kumag kaya ikaw ang naabala niya. By the way, ano sa tingin mo? Maganda ba yung lugar?"
"Ah.. ah.." Hindi alam ni Celine kung anong isasagot kay Liam. Ano bang sinasabi nito?
"Plano ni Iñigo patayuan ng private resort yung property e. Si Louie naman gusto ring bilhin yun saka iwan lang ng ganun, for public use. Para daw ma-enjoy ng mga ordinaryong tao na gustong maligo sa dagat."
"Ah. Tinanong ko kay Louie kung bakit ayaw nalang nilang paghatian ni Iñigo yung property tutal malaki naman 'yon masyado pero ayaw niya." She bit her lower lip. Hindi naman siya nagsisinungaling kay Liam. Totoo naman na napag usapan nila ni Louie ang tungkol don, pero andami niyang details na iniwan dahil hindi niya alam kung paano ito ipapaliwanag sa kasintahan. "Late na love, bukas na lang ulit. Pipilitin ko pa makapag review kahit papaano.."
"Hindi mo ba ako namiss?" Kahit hindi niya nakikita ang lalaki, alam niyang nakakunot ang noo nito at nanghahaba ang nguso para lang magpa cute.
"Liam.."
"Joke lang Love. Naglalambing lang e," natatawang sabi nito sa kabilang linya. "Sige na nga, pakakawalan na kita. See you tomorrow my love. I love you."
"I love you too," hinintay niyang ibaba ng lalaki ang tawag saka siya pabuntong-hiningang nahiga sa kama. Alam niyang mali ang mya ginagawa nila ni Louie at lalong mali ang nararamdaman niya para dito, pero bakit ganoon? Paano ito naging mali kung tama naman ito sa pakiramdam niya?
------