Nasaktan at patuloy na nasasaktan si Celine sa tuwing naaalala niya ang mga nangyari sa Las Vegas. Hindi rin nakatulong na wala siyang ibang mapagsabihan ng mga nararamdaman niya dahil malayo si Lena at gustuhin man niyang makausap ang kaibigan ay ayaw naman niyang dumagdag pa sa iisipin nito lalo na't dumadaan din ang kaibigan sa napaka-laking adjustments sa buhay niya ngayon.
Ilang araw na niyang iniiwasan si Louie. Ilang araw na din siyang matabang kay Liam. Mabuti na lang din at exam week na nila kaya't hindi siya masyadong kinukulit ng magkakaibigan. 'Yon nga lang, halos hindi rin naman siya makafocus sa pagre-review at natutulala na lang siya sa gitna ng exam kaya't ibinagsak niya halos lahat ng subject niya.
Wala namang pakialam ang mga magulang niya sa grades niya. She is, afterall, the sole heir of their mall chain. She can do whatever she wants.
But she cannot be with someone she wanted.
Fck.
Ilang araw nang nagrereply sa utak niya ang mga nakita niya sa elevator nung araw na 'yon. She saw how Louie kissed that girl with so much hunger and need she almost beg him yo be his next. She wanted that too. She wanted what that girl had. Pero ayaw niyang magaya sa babaeng hindi na ata nakita o kinausap man lang ni Louie hanggang sa makabalik sila sa Pilipinas. She's just one of Louie's s****l escapades.
'Do i really wanted to face that kind of consequences in exchange of having to taste him? Ipagpapalit ko yalaga ang friendship namin over my lust?'
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Celine bago siya tuluyang tumayo sa kama. She's idling, again. Na dapat sana ay ini-rereview niya na lang dahil may 2 pa siyang exams na kailangang kuhanin. Pero wala siyang gana sa buhay niya.
Sa susunod na linggo ay lilipad sila Liam, Brad at Iñigo sa States para puntahan si Lena. Nagawa nilang ihanap ang kaibigan ng apartment na titirhan niya pansamantala habang patuloy pa rin ang mga rehearsals nito sa Las Vegas. Nagawa din nilang kausapin si James, ang nakakatandang kapatid ni Stephen para asikasuhin si Lena at ang pamangkin nito.
Tama na rin siguro ang desisyon niyang h'wag sumama kay Liam kahit gustong-gusto niya ulit na makita si Lena. Naiilang pa rin kase siya sa kasintahan. Gusto niya nang makipaghiwalay dito pero paano? Anong sasabihin niyang dahilan? Na hindi niya na mahal ang lalaki at si Louie na ang tinitibok ng pepe at puso niya?
She doesn't want to hurt Liam. Masyadong mabait ang lalaki at hindi nito deserve na masaktan dahil lang sa naguguluhan siya.
Her phone vibrated for the nth time sa nakalipas na isang oras. Hindi niya tinitignan ang telepono niya pero alam niyang hinahanap na siya ng anim na lalaki sa buhay niya, Iñigo, Brad, Stephen and Toby included. Hindi niya alam kung paano haharapin ang mga lalaki at kung paano siya aarte ng wala siyang problema gayong wala siyang ibang gustong gawin kundi umalis at magtago kung saan wala sila.
She opened her computer and tried opening her social media account for the first time in ages at gan'un na lang ang gulat niya sa dami ng mga mensahe at missed video and phone calls na natanggap niya.
'So ganito n'yo ako ka-miss? Hanggang dito ba naman nagkakalat kayo?' Natatawang biro niya habang isinusulat ang mensaheng 'yon sa group chat nilang magkakaibigan.
'Bat ka naman kase nang iisnob? May regla ka ba?' Pang aasar na tanong ni Brad. Hindi niya na lang ito pinansin dahil nakita niyang may nagpop up na icon. Nag private message din sa kanya si Louie. Nagdadalawang isip pa si Celine kung babasahin niya o hindi ang mensaheng iyon ni Louie. Sa totoo lang, ayaw niya munang makausap ang lalaki, pero bakit? Hindi naman siya pwedeng magalit sa lalaki basta-basta ng walang dahilan. Hindi niya din naman pwedeng aminin na nagselos at nasaktan siya sa mga nakita niya sa Vegas dahil wala siyang karapatang magselos. Wala siyang karapatang masaktan.
Sino nga ba naman siya sa buhay ng lalaki?
Kaya naman binuksan niya ang message na 'yon ni Louie. At sa isang simpleng 'Hi,' nawala lahat ng anumang sakit na nararamdaman niya.
'Tangenang puso 'to! Malala ka na Celine.'
Pinag isipan niya pang mabuti kung paano magre-reply sa message na 'yon ni Louie nang hindi nahahalatang excited na excited siya. Ilang beses siyang nag-type at ilang beses niya rin itong binura dahil napansin niyang masyadong OA ang mga isinulat niya. Makalipas ang kinse minutos, nagsettle na lang din siya sa 'Hi,'
"Kamusta? Ang tagal mong di nagparamdam ah. Tama si Brad, may regla ka ba?"
"Baliw wala, nagpo-focus lang din ako sa pagre-review. Alam mo na, third year na tayo next sem." Kalmadong sagot niya kahit sa totoo lang, nagba backflip ang puso niya sa tuwa.
"Ows,"
"Oo nga." Natatawa at kinikilig siya habang nagrereply sa binata. Wala e, marupok siya pagdating kay Louie. Gusto niyang mahiga. Gusto niyang magpagulong-gulong sa kama at magpalamon sa kilig na nararamdaman niya ngunit hindi niya magawang buhatin ang computer niya at dalhin ito sa kama kaya nakuntento na lang siya hampas-hampasin ang throw pillow na nahagip ng kamay niya at magsayaw na parang baliw dahil wala namang makakakita.
"Labas tayo,"
Natulala si Celine sa sinabing 'yon ni Louie. Lalabas? As in kakain sa labas o pupunta sila sa labas? Sila lang bang dalawa o may iba pa silang kasama? Kinakabahan si Celine habang nag iisip kung anong isasagot sa mensaheng 'yon ni Louie. Paano siya magtatanong nang hindi halatang excited siya?
Bago pa lamang siya magsusulat ng reply ay narinig niya ulit na nagvibrate ang telepono niyang nasa center table. Agad siyang tumayo para kuhanin ito. Tumatawag si Louie. Walang dalawang pag iisip niyang sinagot ang tawag nito sabay nahiga sa kama.
"Ang tagal mo magreply e. Tara labas tayo."
"Saan muna nga kase tayo pupunta? Nagrereview ako.." sagot niya. Nagpagulong-gulong pa si Celine sa kama habang hinahaplos ang kwintas niya.
'Ano nga ulit? Paano nga ulit yung nasasaktan?' Biro niya pa sa sarili niya habang alam niyang para siyang tanga nakangiti habang kausap ang lalaking kanina lamang e dahilan kung bakit nagsisinyir siya at hindi makapag pokus ng husto sa pag aaral.
"Kakain. Nagugutom na 'ko. Labas ka na, Stroll tayo."
"Labas? Teka, nasaan ka?" Natataranta siyang tumayo sa kama at sumilip sa balcony niya. Doon niya nakita si Louie na kumakaway sa kanya. Nakasakay ang lalaki sa big bike nitong kasing angas ng dating niya. Nakahelmet, black leather jacket at shades pa ito na tila isang matinee idol sa napanood niyang lumang pelikula.
Celine's heart skipped a beat. Naging eratiko na naman ang bilis ng t***k ng puso niya sa hindi niya malamang dahilan. Liam can't do this to her. Not anymore atleast.
Tinanggal ni Louie ang helmet at shades niya bago kumaway kay Celine. And boy, nakalimutan niya bigla lahat ng sama ng loob niya sa lalaki.
"Ummm.. bakit hindi ka na lang pumasok at magpapahanda ako kay Manang ng makakain?" Wala sa sariling tanong ni Celine. Naconscious siya bigla sa kanyang itsura. Kung gaano mukhang kabango at kagwapo ni Louie, siya namang ikina mukhang basahan niya. Hindi naman mukhang basahan, pero nakasuot siya ng malaking white t-shirt na galing sa apartment at hindi niya alam kung sino sa anim ang may-ari, at wala siyang ibang suot sa ilalim. She doesn't wear bra at home, sanay na rin ang mga taon sa kanila na ganun lang siya manamit ngunit naka panty naman siya.
"Ayoko. May gusto akong ibang kainin."
Napahawak siya sa lalamunan niya matapos sabihin 'yon ng lalaki. Pwede bang i-suggest na siya na lang ang kainin nito? Or magkainan silang dalawa? Celine mentally slapped herself.
'Ano ba 'yan, Celine! Bat ang harot-harot mo?!' Kastigo niya sa sarili.
'Hindi lang marahot, marupok pa.' Ulit niya pa. Ilang beses siyang napalunok habang nakatingin kay Louie na kahit malayo ay nakikita niyang nakangiti sa kanya.
"Come on Lin, alam mong masama sa akin ang malipasan ng gutom, I get greedy. Really greedy." She saw him licking his lips and she immitated his action. Alam niyang may ibang ibig sabihin si Louie sa mga salitang binitiwan nito ngunit hindi na lang siya nag react. She's too busy focusing on her feelings to have time to notice other things.
"Oh-okay.. uhmm.. mag-magpapalit lang ako ng damit." Nauutal na sagot niya.
"Make it quick then. Kung tayo lang dalawa, mas gugustuhin kong kumain habang ganyang ang suot mo. You look delicious enough to be savored." Sagot nito sabay kindat sa kanya.
Pinatay niya na ang tawag nito bago siya nanakbo papasok sa kwarto at nagsisigaw. Nasa dibdib pa rin niya ang telepono habang nakasandal siya sa wall at kinakalma ang sarili. She's hyperventilating. Lalabas silang dalawa ni Louie, alone. Technically speaking, this is going to be their first date.
Naglakad siya papunta sa closet niya, nagpabalik-balik. kumuha ng ilang pares ng damit, humarap sa salamin, at nagpaikot-ikot.
'Sa dami ng damit ko, wala akong mapiling isuot!? Ilang beses pa siyang humablot ng damit sa dresser, nagsukat at naghubad ulit bago niya naamin sa sarili niyang hindi lang pagpili ng damit na isusuot ang problema niya. In fact, napakalaki ng problema niya.
She's in love with him. She's inlove with him and she doesn't know what he feels for her. She's no longer playing with fire, she wanted to get burned.
She loves him, that's for sure and she doesn't know how to deal with something, with something na hindi siya sigurado. It's not as if the feeling is mutual, alam niya naman kung ano lang ang kailangan ng lalaki sa kanya.
------