Nagpatuloy ang lihim na pagkikita nila Louie at Celine sa likod ni Liam. Alam ni Celine na mali pero habang tumatagal na nakakasama at nakikilala niya ang lalaki ay lalo siyang nahuhulog dito. Mas gusto na nga niyang kasama si Louie kaysa kay Liam at mas excited pa siyang basahin ang mga mensahe nito kaysa sa nobyo. Naguguilty siya pero ayaw niya pa rin namang bitiwan si Liam. At mas lalong ayaw din naman niyang tapusin ang kung anong meron sila ni Louie. She wanted this, steady. Whatever she and Louie is having, it's steady. And she likes it.
Naging okay ang resulta ng huling dalawang exams na kinuha niya dahil inspired siya. Nagkausap na sila ng maayos ni Louie and she's starting to consider his offer. Nasa States sila Liam, Brad at Iñigo kaya malaya silang dalawa na mag-date ng hindi natatakot na baka may makakita sa kanilang dalawa at magsumbong kay Liam. Nasa Sta. Catalina si Toby habang kasama ni Stephen si Samantha dahil may mga inaayos na papeles ang mga magulang nila. Nalaman din ng mga ito recently na ang mommy ni Samantha at ang Daddy ni Stephen talaga ang totoong magkarelasyon, ginamit lang nila ang dalawa para pagtakpan ang relasyon nila dahil kasal pa ang mommy ni Samatha at ang Daddy nito.
Naka sem-break sila at tatlong linggong hindi magkikita-kita kaya sa tatlong linggong 'yon, sinabi ni Celine sa sarili niya na hindi muna niya iisipin si Liam.
I-eenjoy muna niya si Louie at ang atensyong binibigay nito sa kanya na dapat si Liam ang gumagawa. Hindi naman siya nagagalit na mas inuuna nitong bigyan ng pansin ang ibang bagay o tao kaysa sa kanya, pero sana man lang sana, nararamdaman ng kasintahan na unti-unti lumalayo ang loob niya dito.
Kaya nga siguro mas excited siya kay Louie, kase bago, mas may thrill at mas may excitement itong ibinibigay sa kanya.
He's giving her butterflies she thought only Liam can give.
Kagaya ngayon, nasa isang private resort silang dalawa sa Palawan, she's very comfortable with him, pero wala pang nangyayari sa kanilang dalawa hanggang ngayon. Una dahil hindi naman din interesado si Louie na may mangyari sa kanila, pangalawa ayaw niyang mawala yung magic kapag nagmadali siya sa climax. He said he's contented with just a kiss, contented with just hugging her and being with her.
Natatawa na lang siya nang maalala yung huling sinabi ni Lena nung makausap niya ito sa telepono para ipaalam na babalik sila Iñigo para asikasuhin siya. Nangyari iyon bago bumyahe sila Liam.
'Oh di ba, naglalandi ka na lang din, ayaw mo pang itodo. Nahiya ka pa mare, magjugjugan na kayo! Itodo mo na kalandian mo!'
Eksaheradang sabi pa nito sa telepono. Kahit hindi niya nakikita, alam niya kung anong ekspresyon ng mukha nito. Alam niyang kung malapit lamang siya ay nasabunutan na siya ni Lena.
'Ewan ko ba naman sa 'yo, Celine. Anong katangahan naman 'yang pinaiiral mo?' Narinig niya pang may kumalabog sa kabilang linya. 'Sorry, dumulas yung lampshade. Sayang nga e, wala ka dito, baka sa ulo mo 'yun tumama para matauhan ka!'
Nakagat na lang si Celine ang labi niya para hindi siya matawa ng malakas sa inaasal ng kaibigan. Alam naman niyang nagbibiro lang ito sa part na baka sa ulo niya tumama 'yung lampshade pero ipinagpapasalamat niya na lang din na ilang libong kilometro ang layo nila sa isa't-isa.
'Naman mare, kung hindi lang ako binakuran nung hudas na si Stephen baka maging kaagaw mo pa ako kay Liam e. Tapos ikaw, nasa 'yo na, parang gusto mo pang pakawalan.'
Hindi naman niya gustong pakawalan si Liam e, naiisip niya lang na ayaw niyang maging unfair dito. Pero hangga't kayang itago, bakit kailangan pang ipagsabi?
"Anong iniisip ng prinsesa ko?" Tanong ni Louie sa kanya matapos itong maupo sa lounge chair sa tabi niya. Inabot nito sa kanya ang four season juice na kinuha ng lalaki sa loob para sa kanya habang nagsa-sunbathing siya.
"Wala, masaya lang ako. As in masaya ako. I feel special."
"You are special. Why are you having doubts?" Umayos ito ng upo at humarap sa kanya. "Celine, hindi mo makukuha ang atensyon ko noon pa lang kung hindi ka espesyal. Para ka ngang rebisco crackers e. May pasobra pa." Kumindat pa ito sabay halik sa mga kamay niya.
Gan'un pa rin naman, para pa rin siyang teenager na kinikilig sa mga ginagawa at sinasabi ni Louie. Pero mas kontrolado niya na ngayon ang emosyon niya. He can still take her breath away, pero hindi na siya nauutal. He can still make her so hot, but now it's tolerable.
"Dapa ka, lalagyan kita ng sunblock sa likod. Baka magka sunburn ka n'yan." Aya nito sa kanya na agad naman niyang sinunod. She's wearing a yellow two piece bikini na binili niya para lamang sa get away nilang ito ni Louie. She doesn't like yellow. Pero ang sabi ng lalaki ay bagay ito sa kanya kung kaya sinunod niya ito.
She wanted to impress him, afterall.
Naglagay si Louie ng sunblock sa palad niya saka dahan-dahan iyong ihinagod sa balikat niya. Kinalas pa nito ang pagkakatali ng bra niya sa likod at gan'un na lang ang kabang naramdaman niya nung lumapat ang malamig na kamay ng lalaki sa likuran niya.
Malamig ang mga kamay ni Louie. Ngunit ang init na dala nito sa sistema niya ay nagbigay ng kakaibang sensasyon sa pagkatao niya. Bawat hagod ay bumubuhay sa pagnanasang pilit niyang tinatago at pinaglalabanan. Ika nga ni Lena dati,
'Binubuhay nito ang katawang-lupa niya.'
Marahan pa nitong minasahe ang likod niya, focusing on her shoulders and waist area at hindi naiwasan ni Celine na mapapikit at mapaungol habang pinipisil ni Louie ang bewang niya.
"Nakakalibog ka naman pakinggan." Bulong nito sa tenga niya. Naramdaman niyang lumapat ang dibdib nito sa likod niya. "Kung gan'yan din lang kasarap ang maririnig ko kapag naging akin ka na, bakit ko pa patatagalin pa?"
'Bakit nga ba? Bakit hindi nila magawang magpaka selfish kahit ngayon lang?'
Kase andyan pa si Liam. Kase gusto niyang panghawakan si Liam. Kase selfish siya at ayaw niyang may mawala na kahit isa sa kanilang dalawa. Ayaw niyang mamili. Kase kahit papaano, umaasa pa ring siyang babalik yung nararamdaman niya para sa nobyo at kase.. kase alam niyang mahal pa rin niya ang lalaki pero mahal niya din si Louie.
"But don't worry, not now. Not today. Ayaw ko rin namang madaliin ka, I don't want you to feel pressured. I like you, i want you. But I'm not taking your choices away. Ang sarap kaya sa pakiramdam nung pinili, hindi pinilit."
-----
Isang linggo na ang nakakalipas pagkatapos ng byahe nila ni Louie. Nasa Metro na din sila Liam dahil nagsisimula na ang enrollment nila para sa third year. Ibinalita sa kanya ni Liam na nasa maayos na sitwasyon na si Lena at nagawan nila ng paraan na matapos nito ang play hanggang sa bago siya manganak. Naka-alalay din kay Lena ang kapatid ni Stephen na si James kung kaya't kahit papaano ay nabawasan ang iniisip niya.
Naging madalang ang pagkikita nilang dalawa ni Louie kaya sa telepono na lang sila madalas mag usap. Kadalasan ay kapag nasa apartment na lang siya ng mga ito saka lang sila nagkakaroon ng kaunting nakaw na oras para sa isa't-isa. Mukhang hindi napapansin ni Liam na may kakaiba sa kanya pero kase naging abala din sila sa pag aayos ng mga requirements at sa soccer practice at para sa try outs ng mga gustong makasali sa soccer varsity ng Sta. Catalina na silang magkakaibigan ang in-charge, dagdag pang nasa student council din sila while Celine spent most of her time helping and assisting new and incoming applicants for the next school year.
Parte rin naman siya ng student council, pero hindi siya nakikialam sa mga desisyon ng anim. Sila-sila na nga lang, nagtatalo na e, makikisali pa ba siya? She acts more like the referee. Kapag tipong may malapit nang magsuntukan, saka lang siya magbibigay ng opinyon niya, hence the reason why they call her "Mommy."
Actually, si Brad ang pasimuno ng pagtawag sa kanya ng gan'un ng mga kaibigan niya, sumunod na lang 'yung iba.
Ngayon nga ay abala ang mga kaibigan, at dahil ayaw niya rin namang magkulong sa bahay at wala naman siyang aabutang tao sa apartment, naisip niyang tumulong sa enrollment process at pag-eencode ng mga incoming students at mga transferee.
At habang inaayos niya ang master list sa admin office, isang application form ang nakatawag ng pansin niya. She'll never forget that face. Ito lang naman kase ang mukha ilang araw naging dahilan ng pagseselos niya. Hindi niya pa nga pala naitatanong kay Louie kung sino ang babaeng 'yon.
Pero, dapat niya pa bang malaman ang tungkol dun? Kailangan pa bang ipaliwanag ni Louie kung sino ang babaeng 'yon at kung anong namamagitan sa kanilang dalawa? Ni wala nga siyang karapatang magtanong at magselos dahil hindi naman sila, manghingi pa kaya ng explanation?
Pero anong ginagawa ng babaeng ito sa Pilipinas at bakit ito mag eenroll sa school nila? May contact pa rin kaya ito at si Louie at ito na din ang nagsabi sa babae kung nasaan siya?
Gusto niyang ilagay sa shredder ang application form ng babae. No application form, not an official student. Not an official student, not a problem. Pero hindi naman siya gan'un kasama. Medyo malandi lang siya, at slightly insecured but she's not evil.
"Pearl." That's her name. She clearly remembers what she looked like. An angel, a model wanna be. She's everything a guy wants and more. Malayong-malayo sa kanya. She's just average looking. Alam niyang kung papipiliin, mas pipiliin ni Louie ang babaeng ito, she knew what that girl is capable of, ipinagmalaki pa nga ni Louie 'yon sa mga kaibigan nila e.
Bakit bigla na naman niyang naramdam ang mga bagay na hindi naman niya dapat maramdaman? Why is she feeling so insecure now?
-------