13
"Louie!" Napalingon si Louie nang biglang may tumawag sa kanya sa kalagitnaan ng soccer practice nila. Nasa soccer field sila at napakalayo nila sa tao kaya inakala niya, nagkamali lamang siya ng rinig.
"Louie!" Again. That voice sounds familiar. He knew he heard that before, hindi niya lang maalala kung saan at kung kailan niya iyon narinig.
"Louie Martin Lopez!" There, he heard it again, this time clearer. Nagpalinga-linga ng tingin si Louie hanggang sa makita niya ang isang babaeng kumakaway habang nakaupo sa may bench. She smiled at him. Pamilyar talaga ang babaeng ito sa kanya kaya kunot-noo siyang lumapit dito.
"Uhh.. Hi?" Kiming ngiti niya. He's still trying to figure out kung sino ang babae.
"Oh, don't tell me nakalimutan mo na kaagad ako, I just change my hair color, hindi mo na kaagad ako kilala?" Hindi niya talaga maalala kung saan niya nakilala ang babae at nahihiya naman siyang aminin ito ay tumango na lang siya bilang sagot. "Oh my God! Si Pearl 'to. You know? We had s*x sa Vegas."
Saka lang niya naalala ang babae. Ang babaeng iniwan niyang natutulog sa Vegas after their wild night.
"Pearl! What are you doing here?!" Takang tanong niya. He was just playing it cool, pero ayaw niyang nandito ang babae. Malakas ang kutob niyang hindi magandang ideya na nasa Pilipinas, at sa St. Celestine ang babae.
Lalo pa ngayong nagkakamabutihan na silang dalawa ni Celine.
"Well, I did mention before that I have plans of studying in the Philippines. And since wala naman akong kakilala dito except from you, edi hinanap kita!" Malanding tawa pa nito habang pinagmamasdan siya. Napansin pa ni Louie na nagpapataas-baba ito ng tingin sa katawan niya sabay kagat-labi. Saka niya lang naalala na hapit na hapit sa kanya ang soccer uniform na suot niya ngayon at alam niyang bakat sa shorts niya si 'junjun'. Plano niya kase sanang akitin si Celine mamaya dahil alam niyang pupunta ang babae sa field para magdala ng lunch at sabay-sabay silang kumain.
'Such a good wife material,'
"Ni hindi ka man lang nagpaalam sa akin na check out n'yo na pala nung araw na 'yon, sana man lang sinabihan mo 'ko. I missed you. Buti na lang alam ko ang buong pangalan mo at madali na lang magresearch!" Excited na sabi nito sa kanya. "Anyway, I just finished enrolling, samahan mo naman ako oh, I think I'm a lost baby girl." Tumayo pa ang babae at akmang yayakapin siya nung biglang sumigaw si Brad.
"Papiii, oras ng practice, nambababae kang animal ka!" Binato siya nito ng bola na agad din naman niyang nasalo. Parehong-pareho sila ng itsura ni Brad, pawis na pawis at maputik ang katawan. "Hi Miss, mawalang-galang na muna ha, kailangan kong agawin si Papi sa'yo,"
"Pearl. You can call me Pearl." Nakangiting sabi nito kay Brad. "And uh, okay lang. Willing to wait naman ako, wala din naman akong ibang pupuntahan e." Kumindat pa ang babae bago ito naupo ulit sa bench.
"Hi Pearl, I'm Brad. Sorry ha, kailangan kase talaga siya e. Mamaya mo na pati ituloy yung naudlot mong yakap kay Papi, we're dirty, you know." Sabi pa ni Brad.
"Oh, don't worry. I like dirty. Louie knows that." Pearl said while biting her lower lip.
Hinila siya ni Brad papalayo kay Pearl. Tinignan nito ulit ng isang beses pa si Pearl bago naisipan ni Brad na itanong sa kanya kung sino ang babaeng 'yon at bakit hindi niya ito kilala.
"Ang lakas ng arrive n'un ah. Parang bagyo e."
"Remember that day sa Vegas, nung umaga na 'ko nakabalik sa kwarto?"
"Put--- siya ang kasama mo n'un, Papi?" Hayop, anong ginagawa niyan dito? Namiss mo?" Pang aasar pa nito sa kanya. Sinapak niya ng mahina si Brad hanggang sa makalapit silang dalawa kina Iñigo, Liam, Toby at Stephen na abala sa pagbibigay ng pointers at technics sa mga gustong sumali sa varsity.
"Ni hindi ko na nga siya kinontak pagbalik natin ng Pilipinas tapos sasabihin mo namiss ko? Ulul ka ba?
"Malay ko ba naman kung namiss mo ang husay at galing niya kaya mo siya pinapunta sa Pilipinas." Kantyaw pa nito sa kanya. "Okay 'yan Papi, itayo mo ang bandila ng Pilipinas. This time, tayo na ang mananakop, hindi na tayo ang sasakupin." Nanakbo si Brad noong malapit na sila sa mga ito. "Mga Papi, si Louie binata na. Bilog na utot--, aray!"
Napaigtad si Brad ng bigla siyang dambahin ni Louie sa likod.
"Jutaena mo Papi, hindi ako nakikipag biruan sa'yo."
"Ako ba nakikipagbiruan sayong kupal ka?" Singhal ni Louie sa kaibigan.
"Oh, ano na namang nangyari?" Tanong ni Iñigo sa kanila. Dinismiss nito ang mga trainees bago sila naupo sa gitna ng field. Nasanay na silang dito mag usap dahil malawak ang soccer field at walang makakarinig sa kanila ng hindi nila nalalaman.
"Nakikita n'yo yung chix sa may bench?" Sabay-sabay silang nilingon si Pearl na kumaway sa kanila pabalik.
"Siya lang naman ang nakabinyag kay Louie sa Vegas." Mayabang na anunsyon ni Brad na parang siya at hindi si Louie ang hinahanap ng babae.
At dahil siraulo din ang mga kaibigan nila, sabay-sabay din ang mga ito na kumaway kay Pearl, bumaling kay Louie, yumuko at tinawag itong "Master"
"Mga siraulo." Natatawa na lang ding sabi ni Louie. Tinignan niya ulit si Pearl na ngayon ay abala na habang binabasa yung laman ng folder na hawak niya. Hinala ni Louie ay syllabus ito ng dalaga dahil habang binabasa nito ang mga nakasulat doon ay nagpapalinga-linga ito na tila pilit inaalam kung saan siya dapat pumunta.
"Gutom na me. Wala pa ba si Mommy?" Narinig niyang tanong ni Brad. Sakto namang nakita na niya si Celine na papalapit sa kanila. May hawak itong dalawang plastic na alam niyang may laman na mga pagkain nila.
Tila tumigil ang mundo ni Louie habang pinagmamasdan ang pinakamagandang babaeng nakilala niya. Parang nag slow motion ang lahat. Everything around them stopped moving kaya naman maging ang bahagyang pagtaas ng palda nito dahil sa lakas ng hangin ay naging kaakit-akit sa paningin niya.
'Yeah baby, come to papaa..' bulong niya. Tila narinig ng babae ang sinabi niya kaya bigla nitong binitiwan ang mga plastic na dala nito at nanakbo papunta sa kanya.
'Louie,'
'Louie,' nakangiting sabi ng dalaga ng malapit na ito sa kanya.
"Hoy, potaenamow Papi! Kanina pa kami tawag ng tawag sa'yo. Para kang tangang nakatulala d'yan. Ano 'yan, epekto ni Pearl?" Sigaw ni Brad sa kanya.
Saka lang siya tumigil sa pag-iimagine na nanakbo papalapit sa kanya si Celine at nakita niya ang babae na natigilan sa paglalabas ng mga pagkain sa plastic na dala nito at tinitigan si Louie.
"Pearl?" Tanong ni Celine. She's looking at him intently and he saw the hurt in her eyes. Ganun na ganun ang nakita niya sa mga mata ni Celine noong nakita nito sila Louie at Pearl na papalabas ng elevator.
"Yes Mommy, yung nakakembelar ni Louie sa Veg-- urgh!" Sinapak ni Louie si Brad sa panga, dahilan para magulat silang lahat.
"Tang'na mo Brad, nakakain ka ba ng p**e ng manok nung bata ka pa? Bakit napakadaldal mo?!" Singhal ni Louie sa kaibigan. Naiirita na talaga siya, ito yung kinakatakot niya e. Ang magkita sila Celine at Pearl dahil hindi niya alam kung paano i-eexplain kay Pearl na kung ano man ang nangyari sa kanila sa Vegas ay dala lang ng emosyon niya at kung paano niya din ipapaliwanag kay Celine na wala namang namamagitan sa kanilang dalawa ni Pearl.
"Eh, bakit ba? Totoo naman 'di ba?" Nakakalokong sabi pa ni Brad na walang ideya sa pagbabago ng mood nilang dalawa ni Celine. "Ay teka, let's invite her sa ating picnic, para makilala din namin siya."
Tumayo si Brad at akmang maglalakad na ito papunta kay Pearl nung hinawakan ni Louie ang kamay nito. No. Hindi pa handa si Louie na magkausap ang present at past niya.
"Napaka damot mo naman Papi, anong gusto mo sosolohin mo lang siya?" Tinapik ni Brad ang kamay ni Louie at nagjogging siya papalapit sa babae. Tinignan ni Louie si Celine ng mariin na nakatingin din sa kanya bago ito nag iwas ng tingin at ipinagpatuloy ang paglalabas ng mga tupperwares at mat sa plastic.
Liam helped her too. Nakita niya pang nginitian ng matamis ni Celine ang kaibigan bago nito niyakap si Liam habang nakatingin sa kanya.
At para siyang pinapatay ng selos sa nakikita niya.
"Guys, si Pearl. Pearl, mga kaibigan ko, si Liam, Toby, Iñigo, Stephen and Mommy Celine." Isa-isang pakilala ni Brad sa kanila. "At syempre, si master uten, Louie. Kilala mo na naman siya 'di ba?"
"Oh yes, we're well acquainted, actually." Sabi nito sabay kindat sa kanya.
Isa-isang tinitignan, kinamayan at nginitian ni Pearl ang magkakaibigan pero pagdating kay Celine, matagal niya pa itong tinitigan na parang inaalala kung saan niya nakita ang babae. Ganun din naman ang ginawa ni Celine sa kanya. At napansin ni Louie ang higpit ng hawak ni Celine sa kamay ng babae at ang plastic na pagngiti nito.
"Nice to meet y'all." Sabi ni Pearl. Inalalayan ito ni Brad na maupo sa tabi ni Louie. At dahil naka-mini skirt ang dalaga ay hirap na hirap itong maupo. Louie, being a gentleman that he is, removed his shirt at ipinatong 'yon sa lap ni Pearl. Pearl removed her wedges saka siya nag- indian seat at ipinatong ulit ang damit ni Louie sa lap niya.
"Thanks love." Sabi pa nito sabay halik sa pisngi ni Louie na ikinagulat niya, at ng mga kaibigan niya. He's looking at Celine, he can't help it. Gusto niyang magpaliwanag sa babae ngunit nakita niya itong nakayuko at sigurado siyang hindi nito alam na hinalikan siya ni Pearl dahil nung magtama ang tingin nilang dalawa, nginitian lang siya nito sabay abot ng plato sa kanya.
-----