"So, where are you staying?" Narinig niyang tanong ni Stephen kay Pearl. Wala siya sa mood at wala siyang pakialam sa babaeng parang ahas na nakapulupot sa kanya. Mas may pakialam pa siya sa selos na nararamdaman niya habang naglalandian sila Liam at Celine sa harapan niya na para itong nasa sarili nilang mundo.
Tahimik lang siyang kumakain at tinatanggap ang mga piraso ng laman na isinusubo sa kanya ni Pearl.
"I don't know. I'm staying here, at the dorm. But I don't know how to get there yet. That's why I was asking Louie to accompany me," Nakaingos na sagot ng babae. Hindi niya magawang pansinin ang mga pasimpleng haplos nito sa kanya. He wanted to walk out, or punch someone named Brad, for inviting Pearl over. Either way, he needs to get away.
"Oh, why are you staying at the dorm? Hindi mo ba alam may multo dito?" Singit ni Stephen. "You can stay at our place, maluwag sa kwarto ko." Sabi pa nito sabay kindat sa babae.
"Manahimik ka Papi, mga da moves mo talaga e, noh? Isusumbong kita kay Sam d'yan e!" Sigaw ni Brad sa kanya.
"Masgsumbong ka, samahan pa kita." Sagot naman ni Stephen sa kaibigan. Binatukan pa niya ito bago kumuha ng shanghai sa plato ni Brad.
"Akin 'yan e!" Nakasimangot nitong sabi kay Stephen. Sinubukan pa nitong kagatin ang kalahati ng shanghai na nasa bibig na ni Stephen.
"He's weird.." Bulong sa kanya ni Pearl. "Is he a premature baby?" Natawa ng malakas si Louie sa tanong na iyon ni Pearl. Bakit hindi? Matagal na rin nilang tinatanong si Brad kung kinulang ba ito sa buwan o nalaglag at nabagok lang ito noong bata. "Or is he gay?"
Lalong napahagalpak si Louie sa huling tanong na 'yon ni Pearl. Minsan na rin silang nagduda sa kasarian ni Brad. Malaki ang katawan ni Brad. Sa kanilang anim ay mas nahihilig ang kaibigan sa pagbubuhat sa gym para daw kayang-kaya niya nang bumuhat ng relasyon kapag naging sila na ni Lena pero napaka-touchy nito sa kanila to the point na bigla na lang itong yayakap, manghahalik at mananapik ng pwet. Nasanay na lang sila na ganoon talaga ang lalaki kaya normal na sa kanila ang mga galaw nito.
"He's not gay. But I advise you to stay away from him." Ganting bulong niya dito.
"Why?" Takang tanong nito sa kanya. Bahagya pang umusog palayo si Pearl kay Brad na katabi niya nang mga oras na 'yon.
"Manyakis 'yan," sabi niya at sabay pa silang tumawa, dahilan para sa kanilang dalawa na mabaling ang atensyon ng mga kaibigan niya. Inilagay ni Louie ang daliri niya sa kanyang bibig, senyales na nagsasabing h'wag maingay si Pearl na nagets naman ng dalaga.
"Wala ka bang kamag-anak sa Pilipinas?" Iñigo asked. "And sa Europe ka ba talaga lumaki? Bakit ang galing mo mag-tagalog?" Leave it to Iñigo to ask questions like an investigator. Ito talaga sa kanilang magkakaibigan ang pinaka may trust issues. At si Toby, recently, because of what his ex- girlfriend did to him.
"My Nanay at Daddy always speaks in tagalog sa bahay. Kaya nasanay na din ako na magsalita ng tagalog." Humilig ito sa balikat ni Louie saka nagpatuloy sa pagsasalita. "As for my relatives here, meron siguro, pero hindi ako sigurado. Hindi ko sila kakilala and I'm just not comfortable with strangers." Pagpapatuloy nito.
"Para mo namang sinabi na sobrang close na kayo ni Louie at hindi na siya 'strangers' kaya siya ang hinanap mo,"
"Actually sa Vegas pa naman magaan na ang loob ko sa kanya, I feel so connected to him, and we had our moment."
Napatingin silang lahat kay Celine nang bigla itong umubo. "Sorry, nasamid ako." She said. Liam caressed her back saka nito iniabot ang isang baso ng tubig sa babae.
"Ahh.. that's so sweet," sabi ni Pearl habang nakatingin sa dalawa. "How long have you been together?" Nangalumbaba pa ito ngunit nakadikit pa rin kay Louie.
"Since first year." Proud na sagot ni Liam. Dalawang taon na lang, pwede ko na siyang ayain magpakasal."
Nag angat ng tingin si Louie dahil sa sinabi ng kaibigan. At halos bumaluktot ang kutsarang hawak niya yung nakita niyang nakangiti si Celine habang sinasabi iyon ng kaibigan niya, at nagawa pa ng babae na halikan sa labi si Liam kahit alam nitong nakatingin siya.
'Potang-ina!'
Tiim-bagang at pigil na pigil ang galit niya. Hindi niya alam kung anong laro ang ginagawa ni Celine pero hindi siya natutuwa. Nagseselos siya. Isang emosyon na matagal na niyang hindi nararamdaman dahil alam niya at secured siya sa feelings ni Celine para sa kanya.
"May kailangan pa akong gawin mamaya e, okay lang ba? Mahihintay mo ba ako?" Tanong ni Louie sa babae. "Or better yet, samahan mo na lang ako. I just needed a shower, run some errands and sasamahan kita kahit saan mo gusto." Kinindatan niya pa ang dalaga na naging dahilan para bigla siyang yakapin nito. Pasimple niyang tinignan si Celine kaya alam niyang nawala ang ngiti sa mukha nito at napalitan ng lungkot.
'Now we're even.' Sabi ni Louie sa sarili.
Hindi lang si Celine ang pwedeng maglaro ng tanga-tangahan. Kaya niya ring gawin 'yon. Hindi lang ang babae ang pwedeng manakit sa kanya. Kaya niya rin itong saktan.
-----
"Sana all may jowa." Pilit siyang tumawa sa kantyaw na iyon ni Brad habang pinagmamasdan na naghaharutan sila Louie at Pearl.
'Sige lang Celine. Masokista ka e, panoorin mo lang, ngiti ka pa. Kunware 'di masakit.'
Kung nagsasalita lang talaga at may nakakarinig at nakakabasa sa mga iniisip niya, baka wala siyang problema. Baka may maawa na sa kanya at hilahin na sa kanya papalayo sa lugar na 'yon para wala na siyang makita. Sa totoo lang, selos na selos na siya. Balak niya pa lang sanang kausapin si Louie at sabihing nag-enroll sa Celestine si Pearl kahit hindi niya alam kung paano ipapaliwanag dito kung bakit niya kilala ang babae. Hindi nga siya sigurado kung natatandaan man lang ba ni Louie na alam niya ang tungkol sa babae o hindi dahil sigurado siyang lasing si Louie noong gabing 'yon.
"He's not my boyfriend.. yet, but you know kung aayain ako ni Louie, madali naman akong kausap e, I know what I want and when I want something, i take it."
Parang sampal kay Celine ang mga salitang 'yon na binitiwan ni Pearl. It may not be the other girls intention, she may not know their story pero sapul na sapul sa kanya ang mga sinabi nito because Celine knows what she wants and she's not willing to take it. Not yet, atleast.
"Sure, I can join you in the shower if you want to." Sabi pa nito sabay kindat at kagat-labi kay Louie.
'Kalma Celine, kalma.'
"Tanginang 'yan, respeto naman sa mga single dito," sabi ni Brad sabay tingin kay Iñigo at Toby. Sila na lang kaseng tatlo ang walang girlfriend sa magkakaibigan. "Three-some tayo?" Pabirong aya nito sa mga kaibigan.
"Sige ba, basta pwet mo lagi ang papasabugin namin." Sagot ni Toby na naging dahilan para masamid na naman siya.
"Kadiri. Ang bababoy n'yo pa nga, irespeto naman natin ang shanghai. Hashtag shanghai supremacy." Sabi ni Brad na tumayo sumiksik sa tabi niya. Napaurong tuloy si Stephen palapit kay Louie ng wala sa oras.
Walo kase sila ngayon na nakaupo paikot sa field. Siya at si Liam, si Stephen katabi si Brad, si Louie, si Pearl habang nasa kabilang side naman sila Toby at Iñigo.
"Mommy oh, bet nila wetpaks ko." Parang batang sumbong nito sa kanya.
"Sino ba naunang mag aya? Hindi ba ikaw? Tapos ngayon nagrereklamo ka dahil payag sila." Natatawang sabi niya.
"Hindi naman kase ganun sa BL e. Walang sabugan ng pwet d'un!" Patuloy nitong pagsisintir.
"Tigil-tigilan mo nga kakapanood ng BL series Brad, wala na akong ibang narinig sa'yo kung hindi 'Sawadee Ka,' sa susunod may kasama nang ungol 'yang sawadee ka mo." Kinindatan pa ni Toby si Brad pagkatapos nitong sabihin 'yon. Lalo tuloy sumiksik sa kanya ang kaibigan.
"I'm jealous of you, sobrang close mo sa kanilang lahat," nakangiting sabi ni Pearl sa kanya. Halos makalimutan na nga niya ang babae dahil sa mga kalokohan ni Brad at ng mga kaibigan nito, heto at nagparamdam na naman ito sa kanya.
And mind you, nakangiti nga ito pero ang plastic ng dating sa kanya. Parang pilit na pilit at gustong sa kanya lamang ang atensyon ng mga kaibigan.
"First year pa lang kase kakilala ko na sila." Kiming sagot niya na lang.
"So I heard. But, I was wondering, si Liam lang talaga ang nanligaw sa'yo? Walang iba? I mean, never kang develop kahit isa sa kanila? Walang selosang nangyari, etc?"
Her heart skipped a beat sa tanong na 'yon ni Pearl. Tila alam ng babae na may something sa kanila ni Louie pero parang hindi din naman. She also saw Louie and Iñigo looking at her, waiting for her answer. Buti na lang talaga, best supporting friend si Brad kaya ito na ang sumagot sa tanong ni Pearl.
"May etits dati si Celine. Lino nga ang totoong pangalan n'yan e. Sabay-sabay pa kami nagpatuli n'yan e. Mapera lang talaga saka matagal niya nang pangarap maging babae so pinagbigyan namin. Si Liam naman may pagkabading din kase, matagal nang may gusto talaga kay Lino kaya sinuportahan niya na lang 'yung pangarap nitong isa na magka-vajayna.
Natahimik silang lahat sa sinabing 'yon ni Brad. Wala ni isang nagsalita, wala ni isang umimik kaya siguro inakala ni Pearl na totoo ang mga sinasabi nito. Pigil-hininga din si Celine habang hinihintay ang magiging reaksyon ng babae.
"Really?" Tumuwad ito para mapalapit sa kanya at matitigan siya ng maigi. At dahil maikling dress nga ang suot nito at mababa pa ang neck line, sabay-sabay na tumingin sa malayo ang mga kaibigan niya para lang hindi mabosohan ang babae. Nakita niya pang halos sabay hinawakan nila Louie at Iñigo ang laylayan ng dress nito para hindi umangat at ma-expose ang puwitan ng babae.
Eto ang gusto niya sa mga kaibigan niya, babaero man ang mga ito, alam nila kung anong ibig sabihin ng salitang respeto. They're treating girls the same way they treat her. With respect.
Si Louie lang naman ang gusto niyang bumastos sa kanya e. Char!
"Ang galing ng pagkakagawa sa'yo, ha. Natural na natural. And your boobs.." dumukwang pa ito para pisilin ang dede niya na ikina-singhap niya. "They're so soft, it looked so natural."
Narinig ni Celine ang sabay-sabay na mahinang ungol ng mga kaibigang lalaki. Bumalik sa pagkakaupo si Pearl at takang-taka ito nang makitang nakatalikod ang mga lalaking katabi nila.
"What are they doing?" Clueless na tanong ni Pearl. "Hey, bakit kayo nakatalikod?" Isa-isa na itong humarap sa kanila. Naiwan si Brad na nakatalikod pa rin habang bumubulong.
"Ehem.. mga papi, tulog muna ako. Gisingin n'yo na lang ako kapag tapos na sila Abella Danger at Darcie Dolce ha?" Biglang sabi ni Brad bago ito nahiga sa damuhan.
"Akala ko ba sa BL series ka naaadik, bakit kilala mo sila Bella at Darcie?" Tanong ni Stephen kay Brad sabay batok sa kaibigan.
"Magkaibang category 'yon, Papi. I'm just trying to widen my horizon. Syempre kailangan flexible ka din, hindi 'yong isa o dalawa lang ang alam mo. H'wag kang pakialamero d'yan. Kung gusto mong manghiram ng tape, magsabi ka lang."
"Sige, mamaya ah." Biglang nagbago ang tono ni Stephen sa alok na 'yon ni Brad.
"Oo ba, basta dala ka ng tissue."
Nakakunot ang noo ni Celine habang pinakikinggan sila Brad at Stephen. Wala siyang idea tungkol sa mga pinag uusapan nito o kung sino man ang dalawang babaeng binanggit ni Brad.
"H'wag ka agad basta-basta maniniwala kay Brad, Pearl. May pagka-autistic 'yan e. Pero kahit ganyan 'yan, mahal namin 'yan." Si Liam na ang sumagot kay Pearl. "Parang si Celine. Mahal na mahal ko."
Ikinagulat ni Celine nang biglang hawakan ni Liam ang panga niya para mapatingin siya dito at saka siya siniil ng halik.
Pero mas nagulat siya nung bigla na lang hilahin ni Louie si Pearl saka ito inakbayan habang puno ng panunumbat ang nabasa niya sa mga mata nito.
-----