A/N: McKaile is pronounced as (Mak-keyl)
Nanghihinang napaatras ako. Natahimik ang Danger Zone, mukhang nagulat sila sa sinabi ni Dash.
"Iuwi na natin si Dash, kung ano ano ng sinasabi niya." sabi ni Eion at inalalayan si Dash.
"S-Sorry..." natigilan sila at napatingin sakin.
"...sorry Dash, p-pero sana hayaan mo kong magpaliwanag." sabi ko at pinahid ang luhang dumadaloy sa pisngi ko.
"Bukas kana magpaliwanag, kapag hindi na lasing si Dash." seryosong sabi ni Rash.
Natigilan kami nang mapaklang tumawa si Calli.
"Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, gagawa ako ng paraan para hindi mo siya malapitan man lang." sabi ni Calli habang nakatingin ng masama sakin.
"I'm not really surprised, si Yvo Ruis McKaile lang naman ang pinakasalanan niya." malamig na sabi ni Trevor at tumayo.
"Ang tagal kang hinintay ni Dash, tapos ito lang ang igaganti mo sa kanya." seryosong sabi ni Eion habang nakatingin sakin.
"Hinding hindi mo na malalapitan ang kakambal ko..." natigilan ako sa sinabi ni Rash.
"...hindi ako papayag na malapitan mo pa ulit si Dash."
"Tama na yan, iuwi na natin si Dash." sabi ni Tyler.
Lumabas silang lahat sa VIP room habang bitbit si Dash. Si Chiara lang ang naiwan dito sa loob.
"I already told you, stay away from Dash. Pero ang tigas ng ulo mo." sabi nito at agad ring umalis ng VIP room.
Nanghihinang napaupo ako. Napahagulgol ako ng iyak.
Hindi ko naman ginusto 'yon eh, hindi ko naman ginustong ikasal sa lalaking 'yon.
***
"Good morning Lovely. Ang aga mo yatang nagising ngayon."
Nakatulala lang ako sa mga bulaklak, wala akong lakas na magsalita o lingunin man lang ang bumati sakin.
"May problema ba?" napapitlag ako nang tumabi sakin si Karen. Agad akong napaiwas ng tingin.
"W-Wala naman, puyat lang ako." sabi ko at pilit na ngumiti.
Napabuntong hininga siya at tumingin sakin.
"Hindi ka talaga magaling magpalusot." sabu niya at hinawakan ang kamay ko.
"Anong problema?" tanong niya, puno ng sinseridad at pag-aalala ang mga mata niya.
Napahikbi ako. Kanina ko pa gustong umiyak, pero hindi ko kaya. Ayokong madamay sila o mag-alala.
Niyakap ako ni Karen at pinasandal sa balikat niya. Tuluyan na kong napahagulgol ng iyak. Hindi ko na talaga kaya.
"Sige lang, wag mong pigilin ang mga luhang yan." sabi nito habang hinahaplos ang likod ko.
"A-Ang sakit Karen, sobrang sakit..."
Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko, gusto kong ipaliwanag ang totoo. Gusto kong sabihin na hindi ko 'yon ginusto.
Madami akong gustong sabihin pero hindi ko alam kung saan magsisimula, ni hindi ko alam kung papakinggan niya ko. Paniniwalaan niya ba ako? O iisipin niya na nagsisinungaling lang ako.
Ang bigat sa pakiramdam, sa sobrang bigat hindi ko na alam kung paano hahakbang.
Yung tingin sakin ni Dash kagabi, yung pagbibitaw niya ng mga salita, ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya.
"Hindi na kita tatanungin kung anong problema, hahayaan lang kita na maglabas ng sakit at sama ng loob." sabi ni Karen habang patuloy sa paghaplos sa likod ko.
Gaya ng sinabi ni Karen, hindi na siya nagtanong o nagsalita. Patuloy lang siya sa paghaplos sa likod ko habang wala akong tigil sa pag-iyak.
***
"Magpahinga ka muna kung hindi mo talaga kaya." sabi ni Karen at kinuha ang mop mula sakin. Tipid na ngumiti lang ako sa kanya.
"Kaya ko naman, wag ka ng mag-alala saki---"
"Where's Dash?" natigilan kaming mga katulong nang dumating ang ilan sa miyembro ng Danger Zone, kasama si Chiara.
Medyo lumayo kaming mga katulong sa kanila. Napatungo na lang ako.
"I'm here."
Napalunok ako nang marinig ko ang boses na marinig ko pa lang, bumibilis na ang t***k ng puso ko.
"Dash! Bakit may dala kang maleta?" agad na lumapit si Ma'am Shenna kay Dash.
"Babalik na po siya sa unit niya Tita Shenna, hindi na rin po siya magtuturo sa Farthon University." seryosong sabi ni Eion at kinuha ang maleta ni Dash.
"B-Bakit biglaan naman yata?" tanong ni Ma'am Shenna.
"Hindi ko hahayaan na magtagal pa dito si Dash." sabi ni Rash at binalingan ako ng masamang tingin.
"Stop the crap. Let's go, I'm tired as fvck." malamig na sabi ni Dash at agad na lumabas ng mansyon.
Tumingin sakin ang Danger Zone. Agad akong napatungo.
"Aalis na kami." sabi ni Rash.
Napapikit ako ng mariin nang makaalis na sila. Agad namang nagbulungan ang mga katulong.
"Bakit naman kaya biglang umalis si Sir Dash?" tanong ni Anna.
Napatingin sakin si Karen at hinawakan ako sa kamay.
"Mag-usap kayo ni Sir Dash, baka maayos niyo pa yan." sabi niya at ngumiti.
"S-Saglit lang ako." sabi ko at agad na nilapag ang basahan sa table.
Agad akong tumakbo palabas ng mansyon. Umaandar na ang van na sinasakyan nila.
"Saglit lang!" sigaw ko at hinabol ang sasakyan.
Hindi tumigil ang van, patuloy lang ito sa pag-andar. Pinilit kong bilisan ang pagtakbo kahit parang bibigay na ang mga tuhod ko.
"Dash! Dash saglit lang! Dash---aah!"
Tuluyan na kong nadapa. Napapikit ako ng mariin nang maramdaman kong nagkasugat ako sa tuhod.
Tumigil ang van sa pag-andar. Napatungo ako nang marahas na magbukas ang pinto ng van.
"What the hell is your problem woman?!" galit na sabi ni Calli.
Napalunok ako nang lumabas na rin ang iba sa van, maliban kay Dash.
Pinilit kong tumayo at tumakbo papalapit sa van pero agad akong tinulak ni Chiara. Napaupo naman ako sa kalsada.
"Wag mo kong subukan Lovely." seryosong sabi ni Chiara.
"N-Nagmamakaawa ako, kahit isang minuto lang. G-Gusto kong makausap si Dash kahit saglit lang..." kusa ng tumakas ang mga luha mula sa mga mata ko.
"Iba rin ang isang 'to, ano? Liligpitin ko na ba?" malamig na sabi ni Dark.
Nagtayuan ang mga balahibo ko sa sinabi niya, naramdaman ko rin ang panginginig ng mga tuhod ko.
"Hindi pwede, baka mapatay ka ni McKaile." nakangising sabi ni Eion.
"I said I'm tired." natigilan ako nang marinig ko ang malamig na boses na 'yon.
Napatingala ako, lumabas na pala ng van si Dash at malamig itong nakatingin sakin.
"Please just stop, I'm fvcking tired Mrs. McKaile."
Panandalian yatang tumigil sa pagtibok ang puso ko dahil sa sinabi niya.
Mas masakit pala kapag sa kanya manggagaling ang mga salitang 'yon.
***
"Lovely! Ipaliwanag mo sakin, b-bakit galit na galit si Rash sayo? Nag-away pa kaming dalawa kagabi, hindi ko nagustuhan ang mga binitawan niyang salita tungkol sayo." nag-aalalang sabi ni Melody.
Nandito ako sa bahay nila ni Rash, sinakto niya na nasa trabaho si Rash at wala sa bahay.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya.
"T-Totoo ang sinabi ni Rash, masama akong babae." nag-init ang sulok ng mga mata ko.
Ito na naman, iiyak na naman hanggang sa hindi ko na kaya.
"I-Imposible, hindi ka kasal sa ibang lalaki, hindi diba?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko.
"K-Kinasal ako kay Yvo." natigilan siya sa sinabi ko.
"Ano?" tila nanghina siya at binitawan ang kamay ko.
"Pero maniwala ka, h-hindi ko ginusto 'yon..."
"A-Ano ng gagawin natin Ate Lovely? H-Hindi ko kakayanin kapag nawala si Mama." sabi ni Lia habang patuloy sa pag-iyak.
Napabuntong hininga ako at nanghihinang umupo sa sofa.
"G-Gagawan ko ng paraan, mapapagamot natin si Tita at makakapagtapos ka ng pag-aaral."
Merong stage four colon cancer si Tita Claudette, nalulugi na rin ang kompanya nila, kaya talagang naaawa ako kay Lia, napagdaanan ko rin kasi 'to. At malaki rin ang naitulong nila sakin, sila lang ang tanging kamag-anak namin na kumupkop sakin at itinuring ako na pamilya.
"Ate Lovely, paano kaya kung tumigil muna ako sa pag-aaral?" natigilan ako sa sinabi ni Lia.
"Hindi, dalawang taon na lang makakapagtapos kana." sabi ko at hinawakan ang kamay niya.
Kailangan kong gumawa ng paraan para mapagamot si Tita Claudette, malala na ang lagay niya. Hindi ko na nga rin alam kung paano pa makakabayad sa ospital eh.
Kahit ako naman, hindi ko rin kakayanin kapag nawala si Tita Claudette.
Halos lahat yata ng trabaho napasukan ko na, maliban na lang sa maduduming uri ng trabaho siyempre.
Kailangan kong makaipon ng pera pangpagamot kay Tita Claudette. Kaya talagang hindi ako nakakapagpahinga ng ayos kakatrabaho, tumutulong naman si Lia at nagpapart time job din siya.
Hindi rin sapat ang natitirang pera ni Tita Claudette. Hindi ko na rin alam ang gagawin sa mga utang na kailangan naming bayaran.
"Bwisit na buhay 'to." naiinis na sabi ko nang matapos na kong makapaglinis.
Wala namang nakakaintindi ng sinabi ko, madalang ako makakita ng Pilipino dito.
Nagtatrabaho ako ngayon sa ospital kung saan naka-admit si Tita Claudette bilang janitress, maganda ang ospital na 'to, gusto ko ditong mapagamot si Tita Claudette dahil na rin malaki ang tyansa na gumaling siya.
Pera na lang talaga ang kulang.
"Bakit naman bwisit ang buhay?" napapitlag ako sa lalaking nagsalita mula sa likuran ko.
Naka-uniporme rin siya na pang-janitor at nagm-mop ng sahig. Napakurap ako, janitor ba talaga ang lalaking 'to? Ang gwapo niya.
Bakit hindi na lang siya nagmodel o nag-artista? Mas bagay sa kanya 'yon.
Napatingin siya sakin at ngumiti. Ang gwapo ng lalaking 'to, dumagdag pa sa kagwapuhan niya ang berdeng mga mata nito.
Pero mas gusto ko pa rin ang asul na mga mata...
"Pilipino ka?" tanong ko sa kanya. Napatango siya.
"Half." napatango na lang ako sa sinabi niya. Halata naman na hindi siya purong Pilipino.
"Half? Ano yung kalahati?" pag-usisa ko pa.
"Irish." nakangiting sagot niya.
Napatango na lang ako, kaya pala ang gwapo niya.
"By the way, I'm Yvo." pagpapakilala nito at inilahad ang kamay.
"Lovely." nakangiting sabi ko at nakipagkamay sa kanya.
"I hope we can get along, we're both Filipino after all." nakangiting sabi niya. Tumango lang ako.
"By the way, bakit bwisit ang buhay para sayo?" natatawang tanong niya.
"Wala, nakakabwisit lang. Sunod sunod ang kamalasan sa buhay ko eh." sabi ko na lang at muling pinagpatuloy ang paglilinis.
"Suwerte na ang susunod niyan, konting tiis lang." sabi niya at tinapik ako sa balikat.
"Ikaw Yvo, bakit janitor ka? Pwede ka naman maging model o artista." natawa siya sa sinabi ko.
"Ibig sabihin, gwapo ako sa paningin mo?" nakangising tanong niya.
"Oo, magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ka gwapo. Kaya bakit mas pinili mong maging janitor?" tanong ko pa sa kanya. Napakibit balikat siya.
"I'm bored, paulit ulit na lang ang nangyayari sa buhay ko. I want my life to be exciting this time." sabi niya at pinagpatuloy ang pagm-mop.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Mayaman ka ba?" tanong ko pa sa kanya.
Lumapit siya sakin at may ibinulong sa tainga ko.
"Hindi lang ako basta mayaman, sobrang yaman ko." bulong niya.
Natatawang hinampas ko ang balikat niya.
"Ang yabang mo ha." natatawang sabi ko.
"Bakit? Totoo naman ah, sobrang yaman ko pagdating sa kagwapuhan." mayabang na sabi niya.
Naging close kami ni Yvo kahit hindi ko pa siya gaanong kakilala. Masasabi kong mabait siya at masarap kausap, napapagaan niya rin ang loob ko minsan.
Matalik na kaibigan na ang turing ko sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito Yvo?" nakapamaywang na tanong ko sa kanya.
Nandito siya at nagtatrabahong waiter sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko, ano na naman kayang trip ng lalaking 'to?
"Waiter ako dito." painosenteng sabi niya.
"Bakit waiter ka naman ngayon?" nakataas kilay na tanong ko at kinuha ang order ng costumers. Kinuha niya rin ang order ng costumer.
"Bakit? Masama bang maging waiter?" tanong niya.
Napairap ako at binalingan siya ng tingin.
"Sinusundan mo ko noh? Nung una sa ospital, ngayon naman sa restaurant, baka bukas pati sa coffee shop na isa ko pang pinagtatrabahuhan, nandoon ka rin." masungit na sabi ko.
Natawa lang siya sa sinabi ko at ginulo ang buhok ko.
"Bored nga kasi ako sa buhay." sabi na lang niya at kinindatan ako.
"Baliw ka talaga." sabi ko na lang at napailing.
Hindi kaya may gusto na sakin si Yvo?
Agad akong napailing. Hindi naman siguro, at hindi rin siya pwedeng magkagusto sakin. Mahal ko pa rin si Dash, at wala yatang balak magmahal ng iba ang puso ko, si Dash lang.
Pero tama pala talaga ang hinala ko...
"Gusto kita Lovely." natigilan ako sa sinabi niya.
Niyaya niya kong kumain sa isang restaurant, may dahilan pala kaya niya ko niyaya dito.
"A-Ano?" hindi yata nagprocess ng ayos sa utak ko ang sinabi niya.
"Sabi ko gusto kita Lovely, gustong gusto kita." seryosong sabi nito habang nakatitig sa mga mata ko.
Napatungo ako at nabitawan ko ang tinidor na hawak ko.
"S-Sorry Yvo..." nasabi ko na lang.
"...mahal ko pa rin ang lalaking naiwan ko sa Pilipinas. Mahal na mahal ko pa rin siya." nakatungong sabi ko.
Tumayo siya at lumapit sakin. Hinawakan niya ang baba ko at maingat na iniangat ang mukha ko. Nagtagpo ang mga mata namin.
"It's alright, I understand." nakangiting sabi niya at hinaplos ang pisngi ko.
"M-Magkaibigan pa rin tayo diba?"
Alam kong ang selfish ng hinihiling ko, pero best friend na ang turing ko sa kanya. Ayokong mawala ang pagkakaibigan nami .
"Of course, mo grá." nakangiting sabi niya.
"Ano? Negra?" nakakunot noong tanong ko.
"Wala, sabi ko magkaibigan pa rin tayo kaya wag kang mag-alala." napangiti ako sa sinabi niya.
"Can I kiss you?" natigilan ako sa tanong niya.
"Syempre hindi, si Dash lang---" natigilan ako nang siilin niya ng magaan na halik ang labi ko.
Hindi agad ako nakagalaw, natulala ako na nagulat.
"Sorry, nadulas yung labi ko." palusot niya.
Sinuntok ko siya sa tiyan. Natatawang kinurot na lang niya ang ilong ko.
"Wag mo ng uulitin 'yon, magagalit ako." pananakot ko sa kanya.
"Hindi na, remembrance lang 'yon sa pag-amin ko sayo." natatawang sabi niya.
Kung nandito lang si Dash, paniguradong bugbog sarado na 'tong si Yvo. Matindi pa naman magselos si Dash.
Napailing na lang ako, wala talagang araw na hindi ko naiisip si Dash.
***
"Si Dash Pierce Farthon pala siya ah." sabi ni Yvo habang ini-istalk si Dash sa internet. Wala naman kasing social media account si Dash.
"Oo, ang gwapo noh?" nakangiting tanong ko.
"Pwede na, pero lamang pa rin ako ng tatlong paligo." natawa ako sa sinabi niya.
"Si Dash ang pinakagwapo para sakin." sabi ko at tinitigan ang picture naming dalawa sa cellphone ko.
"Ouch naman Lovely ko! Nasasaktan ako." maarteng sabi nito at napahawak pa sa puso niya. Natatawang hinampas ko na lang siya sa braso.
Kahit madalas magbiro si Yvo, ramdam kong nasasaktan siya kapag nababanggit ko ang tungkol kay Dash.
Posibleng nakalimutan na ko ni Dash o kaya hindi na niya ko mahal, pero hindi ko alam kung bakit parang may pinanghahawakan pa rin ang puso ko kahit alam kong malabo na.
"Kapag bumalik ka ng Pilipinas tapos hindi ka niya mahal, ako na lang ang sasalo sayo ha." seryosong sabi niya. Napaiwas ako ng tingin.
"Nagbibiro kana naman." sabi ko na lang at pinagpatuloy ang pagm-mop.
"Seryoso ako Lovely." napatingin ako sa seryosong mga mata niya.
"Sorry Yvo."
Sa totoo lang nakokonsensya ako, gusto kong mawala na ang nararamdaman niya para sakin at ituring na lang niya kong kaibigan pero alam ko namang hindi madali 'yon.
"Ayan kana naman sa sorry mo eh. Wala kang kasalanan, kusa akong nagkagusto sayo." sabi niya at ginulo ang buhok ko na lagi niyang ginagawa.
"Ate Lovely!" napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Lia.
Agad siyang lumapit sakin. Natigilan ako ng mapansin kong mugtong mugto ang mga mata niya.
"Bakit Lia?!" nag-aalalang tanong ko.
"N-Ninakaw ni Tito Gregory ang natitirang pera natin, paano na natin mapapagamot si Mama?!" natatarantang sabi niya habang patuloy sa pag-iyak.
"Ano?!"
Nanginig ang mga tuhod ko. Nanghihinang napakapit ako sa pader, agad naman akong inalalayan ni Yvo.
"A-Anong gagawin ko?" naiiyak na sabi ko at napasabunot sa sariling buhok ko.
***
"Ano? Bayad na ang expenses natin sa ospital?" gulat na tanong ko kay Lia. Nakangiting tumango siya.
"Oo ate Lovely! As in lahat, gagaling na si Mama!" tuwang tuwa na sabi niya.
Napaisip ako sa sinabi niya, paano nangyaring bayad na ang gastusin dito sa ospital?
"At alam mo ba ate, hindi ko na kailangang magbayad ng tuition fees and such, bayad na lahat pati mga utang ni Mama! Wala na tayong problema ate!"
Bayad na pati pangpa-aral ni Lia at mga utang ni Tita Claudette? Paano nangyari 'yon? Sino ang nagbayad ng mga 'yon?
"Hindi ka ba nagtataka Lia? Sino naman ang nagbayad ng mga 'yon?" nagtatakang sabi ko.
"Hindi na mahalaga 'yon Ate Lovely. Gagaling na si Mama." bakas ang tuwa sa mukha niya kaya hindi na ko nagsalita.
Medyo nakaka-kaba lang, baka may kapalit ang lahat ng 'to.
"Miss Lovely Lopez." natigilan ako nang pumasok ang lalaking naka formal attire.
"B-Bakit po?" tanong ko.
"Good evening, I'm Franz Smith, Mr. McKaile wants to talk to you." napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Mr. McKaile? Who is he?" nagtatakang tanong ko.
"He's the owner of this hospital, and he paid for your aunt's hospital expenses." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
Napagdesisyunan kong sumama sa kanya. Gusto ko rin kasing makausap ang 'Mr. McKaile' na 'yon, marami akong gustong itanong sa kanya.
"Sir." sabi ni Franz at kumatok sa opisina siguro ng may-ari ng ospital na 'to.
"Come in." narinig kong sabi ng tao sa loob.
Nakatungong pumasok ako sa opisina. Iginiya ako ni Franz paupo sa may couch. Tipid na ngumiti lang ako at umupo na.
Nakatalikod ang lalaki sa pwesto ko at nakatingin sa bintana. Medyo pamilyar sakin ang built ng katawan niya. Napailing na lang ako.
Lumabas na si Franz ng opisina. Nanatili akong nakatungo, kinakabahan ako. Ano kayang gusto niyang kapalit?
Natigilan ako nang may papel siyang inilapag sa tapat ko. Ano 'to?
"Sign it."
Nanlaki ang mga mata ko sa pamilyar na boses na 'yon.
"Yvo?" gulat na tanong ko habang nakatitig pa rin sa kanya.
Siya ang may-ari ng ospital?!
"The one and only." sabi niya at umupo sa may kalapit na sofa.
Parang ibang tao siya ngayon. Naka-business attire siya, at bukod pa ro'n walang emosyon sa mga mata niya.
Parang hindi siya ang Yvo na kaibigan ko, siya ang Yvo na may-ari ng ospital.
Binalingan ko ng tingin ang papel na binigay niya sakin.
"Marriage contract?!" gulat na tanong ko sa kanya.
"Yes Lovely, it's a marriage contract. I already signed it, pirma mo na lang ang kulang." walang emosyon na sabi niya. Napalunok ako at mapaklang tumawa.
"Nagpapatawa kaba Yvo?! Kung nagbibiro ka pwes hindi nakakatuwa!" sabi ko at napatayo.
"By the way, hindi pa ko nagpapakilala ng ayos sayo. I'm Yvo Ruis McKaile, the ony heir of McKaile Enterprises. It's nice to formally meet you Ms. Lopez." parang wala lang na sabi nito.
"Bakit mo pinapapirmahan sakin ang marriage contract na 'to Yvo?! Sagutin mo ko!"
Naguguluhan na ko sa kanya, ibang iba siya ngayon.
"Because you have to Lovely, wala kang choice kundi ang pakasalan ako." seryosong sabi niya.
Pinunit ko ang marriage contract na nasa kamay ko.
"Wala akong panahon makipagbiruan sayo Yvo at ililipat na lang namin sa ibang ospital si Tita." malamig na sabi ko at akmang lalabas ng opisina niya nang magsalita siya.
"Walang ospital na tatanggap sa inyo." natigilan ako sa sinabi niya.
Galit na nilingon ko siya. Napakibit balikat na lang siya at prenteng umupo sa swivel chair.
"Kahit saang lupalop ng mundo niya pa siya dalhin, hindi siya tatanggapin sa kahit saang ospital, and come to think of it. Medyo malala ang lagay niya." malamig na sabi niya.
Naikuyom ko ang mga kamo ko. Dapat hindi ko na lang siya pinagkatiwalaan! Akala ko tunay na kaibigan siya, halimaw pala ang isang 'to!
"Tinuring kita na kaibigan Yvo, bakit mo 'to ginagawa?" naluluhang tanong ko.
Napasandal siya sa swivel chair at tinitigan ako sa mga mata.
"Lahat ginagawa ng tao para sa mga mahal niya sa buhay..." seryosong sabi niya.
"...kaya sabihin na lang natin na ginagawa ko 'to para sa mahal ko sa buhay."