Chapter 11

3077 Words
“Eat up.” matipid na sabi ni Yvo at inilagay ang plato sa mesa. Hindi ako kumain, tinitigan ko lang ang pagkain na hinanda niya sakin. Kasal na ko sa kanya, nakakainis lang ang katotohanan na kasal na ko sa lalaking 'to, sa lalaking tinuring kong tunay na kaibigan. “Ayokong kumain.” sabi ko at inilayo ang plato sakin. Nandito niya ako dinala sa mansyon niya. Ilang beses ko na siyang pinilit na dalhin na lang ako bahay pero hindi siya pumayag. Napabuntong hininga si Yvo at kinuha ang plato. Akmang aalis na siya pero agad kong hinawakan ang kamay niya. “Yvo, y-yung pagkakaibigan natin, wala lang ba 'yon sayo? Hindi mo ba talaga ako tinuring na kaibigan?” pakiramdam ko nag-iinit ang sulok ng mga mata ko. Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya at hinarap ako. “Ten months, endure this sh*t for ten months. Magd-divorce rin tayo pagkatapos ng sampung buwan.” natigilan ako sa sinabi niya. “T-Totoo?” tanong ko. Tumango siya at muling inilagay ang plato sa mesa. “Kaya kumain kana, babalikan mo pa si Dash diba?” napangiti ako sa sinabi niya. “S-Salamat Yvo.” sabi ko at nagsimula ng kumain. Kahit papaano pakiramdam ko bumalik ang kaibigan ko. *** Madalas wala si Yvo dito sa mansyon, sabi ng sekretarya niya lagi raw itong busy sa trabaho. Kahit gustong gusto ko tumakas, hindi ko naman magawa dahil sa dami ng nagbabantay sakin. Pakiramdam ko nasasakal na ko, ni hindi ko magawang makalanghap ng sariwang hangin. “Yvo!” agad akong lumapit sa kanya nang makauwi na siya. Hinubad niya ang coat niya at niluwagan ang neck tie saka ako binalingan ng tingin. Napatikhim ako, mukhang pagod siya ah. “Pwede ko bang mabisita sa ospital ang Tita ko? Pumayag kana, namimiss ko na talaga sila eh. H-Hindi ako tatakas, promise!” Tinitigan niya ko sa mga mata at pilit na hinuli ang mga tingin ko. Napalunok ako, parang sinusuri niya kung nagsisinungaling ako o hindi. “I'll go with you.” sabi nito at muling kinuha ang coat. Napakurap ako. “Kaya ko naman mag-isa, saka hindi naman ako tatakas.” nakatungong sabi ko. “Kahit naman tumakas ka malalaman ko pa rin kung nasaan ka.” sabi niya pagkasuot sa coat niya. Napabuntong hininga ako, wala na talaga akong pag-asa na makatakas. “What the hell are you waiting for? Mag-ayos kana.” masungit na sabi nito. “Ha? Ngayon na agad?!” gulat na tanong ko. “Bakit? Ayaw mo? Wag na lang.” akmang huhubarin niya ulit ang coat pero agad ko siyang pinigilan. “Hindi! Mag-aayos lang ako!” excited na sabi ko at agad na nagpunta sa kwarto ko para mag-ayos. Pagkatapos kong mag-ayos agad na kaming lumabas ng mansyon at sumakay sa kotse. Tahimik lang kami nang paandarin na ng driver niya ang sasakyan. “Pwede ba akong lumabas paminsan minsan Yvo? Naboboring ako lagi.” tanong ko at nilingon siya. “That's too much to ask for Lovely.” malamig na sabi niya at binaling na lang ang tingin sa labas. “Para naman akong preso.” bulong ko at napaiwas ng tingin sa kanya. Hindi na lang siya nagsalita. Napabuntong hininga ako. Ilang buwan ko pang titiisin ang kabaliwan na 'to. Ang sakit sa ulo. Agad na pinagbuksan ng driver si Yvo. Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako, agad na kong lumabas ng kotse. Excited na kong makita sina Tita Claudette. Natigilan ako nang maramdaman kong hinawakan ni Yvo ang kamay ko. “A-Anong ginagawa mo?” tanong ko habang pilit na tinatatanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko. “Introduce me to them as your husband.” seryosong sabi nito at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. “Nababaliw kana ba?! Gusto mo bang atakihin sa puso ang Tita ko?” tila hindi makapaniwalang sabi ko. “Mas aatakihin siya sa puso kapag pinatagal mo pa.” sabi nito at hinila ako habang hawak hawak ang kamay ko. “Yvo naman, magugulat talaga sina Tita. Baka may masama pang mangyari sa kanya, baka mapatay lang kita!” sabi ko habang pilit na inaalis ang kamay niya. Hindi naman siya nakinig at hila hila pa rin ako papunta sa room ni Tita Claudette. “We're here.” sabi ni Yvo at tumigil sa tapat ng pinto ni Tita Claudette. “Yvo, makinig ka muna saki---” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla na lang niyang buksan ang pinto. Napatingin samin sina Tita Claudette at Lia. Pinilit kong tanggalin ang pagkakahawak ni Yvo sa kamay ko. “T-Tita Claudette.” sabi ko at nag-aalangang ngumiti sa kanila. “Ate, sino yan?” tanong ni Lia at ininguso si Yvo. Tumikhim si Yvo bago nagsalita. “Ako po si Yvo Ruis McKaile, asawa ni Lovely.” napapikit ako ng mariin sa sinabi niya. Halata ang pagkagulat sa mga mukha nila, nag-alala ako nang biglang namutla si Tita. “P-Pwedeng iwan mo muna kami Mr. McKaile.” pakiusap ni Tita. Tumango lang si Yvo saka agad na ring lumabas ng silid. Napalunok ako at napatungo. Nahihiya ako, hindi ko na alam kung paano sila kakausapin. “Come here Lovely.” seryosong sabi ni Tita Claudette. Lumapit ako sa kanila at umupo sa upuan na katabi ng hospital bed niya. “Siya ang nagbayad ng hospital bills at mga utang natin diba? Siya rin ang nagbayad ng tuition fee ni Lia. Siya 'yon hindi ba?” napalunok ako sa tanong niya. “S-Siya po.” nakatungong sabi ko. Hinawakan ni Tita Claudette ang kamay ko. “Iyon ba ang dahilan kaya mo siya pinakasalan?” tanong niya. Naramdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko dahil sa tanong niya. “S-Sorry po Tita, sorry Lia. H-Hindi ko na kasi alam ang gagawin, wala na talaga akong pagpipilian.” pinahid ko ang mga luhang tumatakas mula sa mga mata ko. Napabuntong hininga siya at dahan dahang bumangon saka ako hinila para yakapin. Lumapit din si Lia at niyakap ako. “W-Wag kang magsorry, kami dapat ang nags-sorry dahil kinailangan mong gawin ang bagay na hindi mo gusto para lang sa kapakanan namin, nakakahiya Lovely. Sobra akong nahihiya sayo.” gumaralgal ang boses niya. “Wag niyo pong isipin 'yon, p-pamilya ko kayo. Lahat gagawin ko para sa inyo.” “Wag kang mag-alala Ate Lovely, kapag nakapagtapos ako, babayaran ko lahat ng utang natin sa lalaking 'yon.” napangiti ako sa sinabi ni Lia. “Oo, kaya mag-aral ka mabuti okay?” tumango lang siya. Tutuparin naman siguro ni Yvo ang usapan namin. Panghahawakan ko ang sinabi niya na maghihiwalay kami pagkatapos ng sampung buwan. *** “Bakit ba niya ko kinukulong?” tanong ko sa sarili ko habang nakatitig sa labas ng bintana. Dalawang buwan na ang nakakalipas simula ng ‘ikasal’ kami. Lagi siyang wala sa mansyon, madalas mag-isa lang ako at nanonood ng tv. Sa totoo lang para talaga akong preso. Ang daming bantay sa labas. Pinapayagan naman niya kong kausapin through video call sina Tita Claudette pero dapat nandoon din siya. Simula ng ikasal kami, isang beses pa lang akong nakalabas ng mansyon na 'to, yun yung araw na dinalaw namin sa ospital si Tita Claudette, hindi na nasundan 'yon. Kapag sinasabi ko sa kanya na gusto kong lumabas para bisitahin sina Tita kahit saglit lang, nagagalit siya. Ngayon ko nalaman ang tunay na kulay ni Yvo, hindi siya palangiti at palabiro gaya ng pagkakakilala ko sa kanya. Lahat ng pinakita niya sakin, pagpapanggap lang. Napatingin ako sa malaking wall clock, 8 pm na pala. Napabuntong hininga na lang ako at dumiretso na sa kwarto ko. Bukod kami ng kwarto ni Yvo na talagang ipinagpapasalamat ko. Walong buwan ko pa titiisin 'to, pagkatapos ng walong buwan papalayain na niya ko gaya ng pinangako niya. Magpapakamatay talaga ako kapag hindi siya tumupad sa usapan namin, seryoso 'yon. Pakiramdam ko nga mababaliw na ko dahil sa lungkot dito sa mansyon niya. Humiga na lang ako at natulog... Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may yumakap sakin. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa baywang ko at inilapit ang katawan niya sakin. Tuluyan ko ng idinilat ang mga mata ko nang maramdaman kong dinadampian nito ng halik ang balikat ko. Hinarap ko siya at agad na tinulak. “A-Anong ginagawa mo?!” kinakabahang tanong ko at mabilis na binalot ang comforter sa katawan ko. Amoy alak siya, mas lalo tuloy akong nakaramdam ng takot. “Ah!” napatili ako nang hilahin niya ang paa ko. Napahiga ako sa kama, agad naman siyang pumaibabaw sakin. “Yvo!” pilit ko siyang tinulak. Nanginig ang mga kamay ko nang hubarin niya ang polo niya at muling pumatong sa ibabaw ko. Diyos ko, ano ba 'tong ginagawa niya?! “Yvo! Wag!” hindi pa rin siya natitinag kahit anong pilit ko na itulak siya. Nag-alpasan ang mga luha ko nang siilin niya ng marahas na halik ang labi ko... ...ang labi kong si Dash lang dapat ang nakakahalik. “Y-Yvo! Please wag Yvo!” sabi ko habang patuloy sa pag-iyak. Napahagulgol ako ng iyak nang bumaba sa leeg ko ang labi niya. Nararamdaman ko rin na tinatanggal na niya ang pagkakabutones ng pantulog ko. “Yvo, w-wag mong gawin 'to...” Natigilan siya sa ginagawa niya. Napatingin siya sa mukha ko na puro luha. “S-Si Dash lang dapat, si Dash lang...” sabi ko habang patuloy sa pag-iyak. Tila natauhan siya at umalis sa ibabaw ko. “Lock your door.” sabi niya bago tuluyang lumabas ng kwarto ko. Kahit nanginginig ang mga tuhod ko, dali dali akong nagtungo sa pinto at ini-lock 'yon. Hinding hindi ko makakalimutan 'tong kahayupan na ginawa niya sakin. *** “Anong kailangan mo?” malamig na tanong ko kay Yvo. Naging malamig ang pakikitungo ko sa kanya sa walong buwan na nandito ako sa poder niya. Tatlong beses niya kong tinangkang pagsamantalahan kapag lasing siya, ni minsan hindi niya rin ako pinalabas sa mansyon na 'to. Kinamumuhian ko siya, sobrang kinamumuhian ko ang lalaking 'to na akala ko ay kaibigan. “Pirmahan mo.” sabi niya at may papel na inabot sakin. Nanlaki ang mga mata ko pagkakita sa papel na inabot niya. “Magdivorce na tayo, napirmahan ko na yan.” sabi niya at inabot sakin ang ballpen. Ngayon lang ako naging masaya sa sinabi niya simula ng ikulong niya ko sa mansyon na 'to. “S-Seryoso ka ba? Walong buwan pa lang tayong kasal. Bakit---” “Ayaw mo ba? Akin na yan.” sabi nito at akmang kukunin ang divorce papers mula sakin. “Hindi! Pipirmahan ko na!” Agad ko 'yong pinirmahan at inabot sa kanya. Napabuntong hininga siya saka tiningnan ang papel. “Malaya kana.” sabi nito. Gusto kong magtatalon sa tuwa, sobrang saya ko ngayon. Kailangan ko ng mag-empake. Pupuntahan ko muna sina Tita Claudette, pagkatapos uuwi agad ako sa Pilipinas. “Lovely...” napalingon ako kay Yvo. “Bakit?” galit pa rin ako sa kanya, galit na galit. “N-Nothing.” sabi nito at napaiwas ng tingin. Napakibit balikat na lang ako at agad na lumabas sa library. Sa wakas, malaya na ko... “Ibig sabihin divorced na kayo ni Yvo? Hindi mo na siya asawa?” tanong ni Melody. Tumango ako sa kanya. Natahimik siya at napabuntong hininga. “Ganon pala ang pinagdaanan mo, wala akong kaalam alam. Sorry.” bakas ang lungkot sa boses ni Melody. “H-Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag kay Dash 'yon, ni hindi ko nga alam kung papakinggan niya ko eh.” nag-init ang sulok ng mga mata ko. “Nasa sa kanya 'yon. Hindi niya makukuha ang sagot na gusto niya kung patuloy siyang magmamatigas. Parehas na parehas talaga sila ni Rash.” Napabuntong hininga ako. Kailan niya kaya ako papakinggan? *** “Bakit ka ba nagp-part time job? Mayaman naman si Lolo eh.” pangungulit sakin ni Tristan. “Ayokong umasa ng umasa kay Lolo, saka madali lang naman ang trabaho dito.” sabi ko na lang. Nagtatrabaho akong cashier ngayon sa isang fast food chain at si Tristan naman ay nangungulit sakin ngayon. Subsob ako sa trabaho at pag-aaral. Ito ang paraan ko para makalimot kahit papaano. Ilang beses kong sinubukan na kausapin si Dash, pero walang nangyayari. “Bakit hindi na nagtuturo si Dash sa Farthon University?” natigilan ako sa tanong ni Tristan. “Teka, bakit Dash na lang ang tawag mo sa kanya?” pag-iwas ko sa topic. “Tinatawag ko siyang ‘Sir Dash’ dati dahil professor ko siya, ngayon hindi na kaya Dash na lang.” sabi niya. “So bakit hindi na siya nagtuturo?” tanong pa niya. Napabuntong hininga ako. “Busy kasi si Dash, alam mong hindi basta basta lang na kompanya ang pinapatakbo nila.” pagdadahilan ko na lang. “I'm not convinced with your alibi.” may pagdududang sabi niya. “Edi wag kang maniwala.” sabi ko na lang at napaiwas ng tingin. “Eh ikaw, bakit ka nagkakaganyan?” tanong niya. “Anong ibig mong sabihin?” pagmamaang-maangan ko. “Alam mo kung anong ibig kong sabihin.” seryosong sabi nito. Hindi ko na lang sinagot ang tanong niya. Wala siyang alam sa nangyayari, ayoko ring sabihin, baka kung ano pang maging reaksyon niya. Natigilan ako at napatingin sa may glass wall ng fast food chain. Pakiramdam ko kasi kanina may nakatingin sakin. Nanlaki ang mga mata ko nang magtagpo ang mga matanamin. Agad siyang napaiwas ng tingin sakin. “T-Tristan, saglit lang. Ikaw munang bahala dito.” “Ano?!” Dali dali akong lumabas ng fast food chain at hinabol siya. Naiinis na inihagis ko ang suot kong cap nang makaalis na ang kotse niya. Hindi ako pwedeng magkamali, si Dash ang nakita ko. Bagsak ang mga balikat na bumalik ako sa loob. “Sino yung hinabol mo?” Hindi ko na lang sinagot ang tanong niya. Sinubsob ko na lang ang sarili ko sa trabaho sa fast food chain pati sa mansyon. Hindi ako nagpahinga, gusto kong siguraduhin na hindi siya dadapo sa isip ko. Pagkatapos kong gawin ang mga trabaho ko, nagkulong na ko agad sa kwarto para mag-aral. Humiga na ko sa kama nang makaramdam ako ng antok. Napatitig ako sa kisame at mapait na napangiti. Kusang nag-alpasan ang mga luhang pinigil ko maghapon. Ang mga luhang 'to, ayaw talaga magpapigil. Kahit maghapon kong pagurin ang sarili ko sa trabaho at pag-aaral, maaalala at iiyakan ko pa rin pala siya bago ako matulog. Hindi ko pala matakasan 'yon. *** “Lovely, namamayat ka. Magpahinga ka naman kaya.” sabi ni Anna sakin. Tipid na ngumiti lang ako sa kanila. “Kailangan kong mag-ipon.” pagdadahilan ko na lang. “Bakit ka pa nag-iipon? Mayaman naman ang lolo mo eh.” sabi naman ni Jane, ayos. Parehas sila ng sinabi ni Tristan. “Hindi naman pwede na umasa lang ako sa lolo ko. Kaya ko naman ang sarili ko eh.” sabi ko na lang at pinagpatuloy ang pagwawalis. Hindi sila nagtatanong sakin tungkol kay Dash na ipinagpapasalamat ko naman, siguro ramdam nila na may problema kaming dalawa. “Ano na naman ba ang nangyayari sa kakambal mong yan Rash Pierre?!” Natigilam kami at napalingon kay Ma'am Shenna na may kausap sa phone niya. “Mukhang bumabalik na naman si Sir Dash sa dati.” sabi ni Karen at napabuntong hininga. “Bakit?” tanong ko habang hindi maalis ang tingin ko kay Ma'am Shenna. “Dati kasi, mga isang taon na siguro ang nakakalipas, laging nagpapakalasing si Sir Dash. Kapag ganon ang nangyayari, bigla na lang siyang nawawala. Tapos magugulat na lang sila bigla siyang susulpot sa opisina niya na parang walang nangyari. Pero pagdating ng gabi, magpapakalasing na naman siya at biglang mawawala.” pabulong na pagkwento ni Lea. “Anong nangyayari?” tanong ni Sir Prince at lumapit kay Ma'am Shenna. “Nawawala na naman si Dash pagkatapos magpakalasing!” napahilot si Ma'am Shenna sa sentido niya. “Bernard, hanapin niyo si Dash.” utos ni Sir Prince sa secretary niya. “Bumabalik na naman sa dati ang anak natin Ice, baka mapano pa siya.” niyakap na lang ni Sir Prince si Ma'am Shenna. Ako ba ang dahilan ng pagpapakalasing ni Dash? Natigilan ako nang may maalala ako. Alam ko na kung nasaan si Dash! “May pupuntahan lang ako saglit ha, kayo muna ang bahala dito.” inabot ko kay Karen ang walis. “Huy! Saan ka pupunta?” Hindi ko na sinagot ang tanong niya. Dali dali akong tumakbo palabas ng mansyon. “Lovely! Saan ka pupunta? Gabi na.” sabi ni Kuya Jed, na siyang naka-duty na guard ngayong linggo. “Saglit lang po ako!” sabi ko at dali daling lumabas ng gate. Alam kong nasasaktan din si Dash ngayon. Naiintindihan ko kung galit siya ngayon at sarado ang isip, naiintindihan ko. Tumigil ako sa pagtakbo nang nasa tapat na ko ng malaking puno. Umangat ang tingin ko sa tree house at mapait na napangiti. Ito lang ang lugar na alam kong pupuntahan ni Dash.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD