Chapter 9

3598 Words
“Magpinsan kami?” tanong ko at tinuro pa si Tristan. Nagkatinginan kaming dalawa. Maya maya ay napahagalpak kami ng tawa. Nahampas ko pa si Tristan sa braso dahil sa pagtawa. “Kanina magkapatid, ngayon magpinsan naman.” natatawang sabi ni Tristan. “Magpinsan daw tayo.” natatawang sabi ko rin. “Yeah, and pigs can fly.” dagdag pa ni Tristan. Natigilan kami nang mapansin naming seryosong seryoso ang mukha nina Dash at Eion. Napatikhim si Tristan at napakamot sa kilay niya. “Alam niyo, isa lang pinsan ko kaso hindi ko siya nakilala. Pero imposibleng si Lovely ang anak ni Tito Beniko. Ang pangit kaya ni Lovely.” natigilan ako sa sinabi ni Tristan. “Magkapangalan ang Tito mo at Papa ko!” natutuwang sabi ko sa kanya at hinampas pa siya sa braso. Natahimik si Tristan at napatingin kina Dash. “Mukhang pinsan ko nga siya.” seryosong sabi ni Tristan. “Of course, hindi pa ko nagkamali sa impormasyong binibigay ko.” sabi ni Eion. “Ano ba kayo? Paano ko naman magiging pinsan si Tris---” Natigilan ako nang maalala kong hindi ko pa pala nakikilala ang pamilya ni Papa. Lagi siyang iwas dati kapag naitatanong ko ang tungkol sa pamilya niya. “Beniko Lopez ba ang pangalan ng Tito mo?” tanong ko kay Tristan. “Beniko Johnsohn Lopez.” seryosong sabi nito. Napatakip ako sa bibig ko. Magpinsan nga kami ng lalaking 'to! Kaya pala kamukha ni Tita Benicia (nanay ni Tristan) si Papa at magaan din ang loob ko sa kanya. Natigilan ako nang bigla akong hawakan ni Tristan sa braso. “Pumunta tayo sa amin. Matagal ka ng hinahanap ni Lolo.” sabi nito. “T-Teka, hindi pa ko handa. Sa ibang araw na lang.” nakatungong sabi ko. Paano kung itaboy lang ako ng lolo ko? Paano kung hindi siya maniwala na apo niya ko? Paano kung hindi niya ko tanggapin? “Matagal ka ng hinahanap ni Lolo. Mahal ka ni Lolo, maniwala ka sakin.” seryosong sabi nito. Napalunok ako. “S-Sa ibang araw na lang. Ihahanda ko muna yung sarili ko.” napabuntong hininga siya sa sinabi ko. “Sige, kung yan ang gusto mo.” sabi na lang niya. Napatingin ako kay Dash na seryosong nakatitig sakin. “May pag-uusapan lang kami ni Lovely.” sabi ni Dash. Napatikhim si Eion at sinara ang laptop niya. Agad siyang lumapit kay Tristan at inakbayan ito. “Pareng Tristan, wag kang mag-alala. Mapagkakatiwalaan naman si Dash.” nakangising sabi ni Eion. Hindi na nakapalag si Tristan nang mahila na siya ni Eion palayo. Naiwan kaming dalawa ni Dash dito sa garden. Napangiti ako at lumapit sa kanya saka siya niyakap ng mahigpit sa baywang. Ginantihan naman niya ang yakap ko. “Dash...” sabi ko habang nakayakap sa kanya. “Hmm?” tanong niya at dinampian ng halik ang buhok ko. “Angel ka ba?” natatawang tanong ko. Natawa lang siya at kumalas sa pagkakayakap sakin at tinitigan ako sa mga mata. “Seeing you genuinely happy, makes me happy too.” sabi nito at inipit ang ilang buhok sa likod ng tainga ko. Kinikilig na napangiti ako at dinampian siya ng halik sa labi. Namumula na naman ang magkabilang tainga niya. “T-Thank you kiss ba 'yon?” nauutal na tanong niya. Napangiti ako at tumango. “Thank you Dash.” *** “W-Wag na kaya Tristan, next time na lang.” sabi ko at hinila ang braso ni Tristan. Napabuntong hininga si Tristan at tiningnan ako ng masama. “Nandito na tayo eh, ngayon ka pa magb-back out?” sarkastikong sabi niya. Napasimangot na lang ako. “Eh kinakabahan ako eh.” nakasimangot na sabi ko. Nandito kami sa tapat ng malaking mansyon. Hindi ito yung bahay ng pamilya ni Tristan, mukhang lolo niya lang ang nakatira dito. Mali, lolo pala namin. “Ate Lovely.” seryosong sabi niya at hinawakan ang kamay ko. “Gustong gusto ni Lolo na makausap ulit si Tito Beniko. Pero hindi niya nagawa, nabalitaan na lang niya patay na si Tito. Sobrang nagsisisi siya na hindi man lang niya nakausap si Tito Beniko bago siya mamatay. Kaya gustong gusto ka niyang makita, matagal na. Sobrang nangungulila siya sa inyo ni Tito Beniko. At gusto niyang makabawi, hayaan mo siyang makabawi Ate Lovely.” seryosong sabi nito. Napabuntong hininga ako at tipid na ngumiti sa kanya. “Let's go?” nakangiting tanong niya. Huminga ako ng malalim bago tumango. Pumasok na kami sa mansyon. Agad kaming sinalubong ng babaeng medyo may edad na. “Nandito kana pala Tristan, naghihintay na ang mga magulang mo at ang lolo mo sayo. Teka, girlfriend mo ba siya?” nakangiting tanong nito. Napangiwi si Tristan. “No, that's gross.” nakangiwing sabi nito. “Oh siya, doon na kayo sa hapag. May mga pagkain ng nakahanda.” sabi nito at iniwan na rin kami. “Let's go.” sabi nito at naglakad na. Patingin tingin ako sa paligid habang sinusundan si Tristan. Ang ganda ng mansyon na 'to, hindi ko inaakala na ganito pala kayaman sina Tristan. “Tristan! Kanina ka pa namin hinihintay.” sabi ni Tita Benicia at tumayo saka nilapitan si Tristan. “Oh my God! Girlfriend mo na ba si Lovely?” gulat na tanong ni Tita Benicia. Mukhang hindi pa alam ni Tita Benicia na pamangkin niya ko. “Ah h-hindi po.” sabi ko at umiling pa. Napairap si Tristan, bakla ba 'tong pinsan ko? “That's gross.” sabi nito at agad ng umupo. “Umupo ka Lovely, sumabay kana samin kumain.” nakangiting sabi ni Tita Benicia. Tipid na ngumiti lang ako at umupo sa tabi ni Tristan. Nginitian din naman ako ni Tito Justin na tatay ni Tristan. “Manang Telya, pakitawag nga si Papa. Sabihin mo nandito na sina Tristan.” sabi ni Tita Benicia. Huminga ako ng malalim. Kinakabahan talaga ako, sobrang kinakabahan. Nanlalamig ang mga kamay ko. “Wag kang kabahan, matutuwa siya kapag nakita ka. Trust me.” bulong ni Tristan sakin. “Tristan! Where's my granddaughter?” Napaupo ako ng tuwid dahil sa narinig kong boses. Magkaboses sila ni Papa, namiss ko tuloy si Papa. Dumating ang may edad na lalaki, marami na siyang puting buhok pero mukhang malakas pa rin ang tindig niya. Ma-otoridad rin ang boses niya kagaya ng kay Papa, at magkamukha talaga sila. Naramdaman kong nag-iinit ang sulok ng mga mata ko. Naiiyak ako, gustong kumawala ng mga luha ko. “Lolo, siya si Lovely, yung sinabi ko sayo kanina. Ang nag-iisang anak ni Tito Beniko.” pagpapakilala sakin ni Tristan. Naramdaman kong napatayo si Tita Benicia, mukhang nagulat siya sa sinabi ni Tristan. Napatingin sakin ang lolo ni Tristan. Namumula ang mga mata niya, nanghihinang napakapit siya sa upuan. “L-Lovely...” sabi nito habang nakatitig sakin. Agad siyang lumapit sakin at niyakap ako. Doon na bumagsak ang mga luha ko. Niyakap ko rin siya pabalik, niyakap ko rin siya ng mahigpit. “P-Parang kayakap ko si Papa, parang yakap yakap ko lang siya.” naiiyak na sabi ko at napangiti. Pakiramdam ko yakap ko si Papa ngayon. Yung yakap ng lolo ko ang nagpaalala sakin ng yakap ni Papa. “A-Apo, apo ko.” naiiyak na rin siya. Naramdaman ko ang pagyugyog ng mga balikat niya dahil sa pag-iyak. “Lolo.” *** Tahimik kaming lahat sa hapag kainan. Namumula ang mga mata namin, pati si Tita Benicia ay napaiyak rin. “K-Kaya pala ang gaan ng loob ko sayo Lovely. Anak ka pala ni Kuya, pamangkin kita.” nakangiting sabi ni Tita Benicia at hinawakan ang kamay ko. Maluha luha parin ang mga mata niya. Hindi makatingin sakin si Lolo. Nanatili siyang nakatingin sa malayo. “May gusto ka bang itanong sakin apo?” natigilan ako sa tanong ni Lolo. Napalunok ako at napatungo. “B-Bakit po hindi kayo pinakilala sakin ni Papa? Bakit po wala siyang sinabi sakin tungkol sa inyo?” tanong ko at tumingin sa kanya. Napaiwas siya ng tingin at napabuntong hininga. “Galit sakin ang Papa mo.” natigilan ako sa sinabi niya. “Yung Mama mo, mahal na mahal siya ng Papa mo. Pero tinutulan ko ang relasyon nila.” sabi nito. “B-Bakit po?” “Kaaway natin ang pamilya ng Mama mo. Noon pa hindi na kami magkasundo kaya talagang tinutulan ko ang relasyon nila.” sabi ni Lolo at napabuntong hininga. “Pero dahil mahal na mahal ni Beniko ang Mama mo, sinuway niya ang gusto ko. Umalis siya sa poder ko.” sabi pa niya. “Hanggang ngayon pinagsisisihan ko pa rin na ginawa ko 'yon. Sana hindi ko na sila tinutulan, sana nilunok ko ang pride ko at kinausap si Beniko. Pero huli na ang lahat, w-wala na siya at hindi ko alam kung paano pa babawi sa kanya. Sobrang nagsisisi ako Lovely.” ramdam ko ang sinseridad sa boses ni Lolo. Natahimik ako, hindi ko alam ang sasabihin ko. “Sana hayaan mo kong makabawi sayo, dahil hindi ko 'yon nagawa sa Papa mo. Sana apo, sana hayaan mo kong makabawi sayo.” puno ng sinseridad na sabi ni Lolo. “Hindi niyo naman po kailangang bumawi.” sabi ko at ngumiti sa kanya. “Madami akong pagkukulang sayo bilang lolo mo.” puno ng pagsisising sabi nito. “Maayos na naman po ako, marami ring tumulong sakin.” nakangiting sabi ko. “Sino ang mga tumulong sayo para mapasalamatan ko sila?” tanong ni Lolo. “Tinulungan po ako ng pamilyang Farthon. Pinapaaral po nila ako, kasalukuyan din po akong katulong sa mansyon nila.” sabi ko pa. “Farthon?” tanong ni Tito Justin. “Opo, malaki po talaga ang utang na loob ko sa kanila.” sabi ko pa. “Hindi ka ba nahihirapan? Gusto mo dito kana tumira?” tanong ni Lolo. “Hindi na po Lolo, pero wag po kayong mag-alala dahil lagi akong pupunta dito para makabawi kayo sakin.” nakangiting sabi ko. Napangiti rin si Lolo sa sinabi ko “Salamat Lovely.” *** “Kitang kita ko na masaya si Lolo, sabi ko sayo eh.” sabi ni Tristan nang maihatid na niya ko dito sa mansyon. Hinatid niya ko gamit ang motor niya, may trauma pa rin siya sa pagsakay sa kotse. “Alam mo bang nagustuhan kita Lovely.” natigilan ako sa sinabi niya. “H-Ha?” nagustuhan niya ko?! “Nagustuhan kita, gusto kitang makita lagi, masaya ako kapag kasama kita.” sabi niya habang seryosong nakatingin sakin. “Pero lukso ng dugo lang pala yung naramdaman ko.” natatawang sabi niya at napakamot sa kilay niya. “Loko loko ka.” sabi ko na lang. “Ate Lovely. ” napatingin ako sa kanya. “Bakit?” “Kapag kailangan mo kami, wag kang magdadalawang isip na pumunta samin. Okay?” nakangiting tanong niya. Napatango na lang ako. “Oo naman.” sabi ko at tinapik siya sa balikat. “Sige, pumasok kana sa loob. Malamig na.” Sumakay na siya sa motor niya at sinuot ang helmet niya. “Bye pinsan!” nakangiting sabi ko at kinawayan siya. Tumango lang siya at pinaharurot na ang motor niya. Huminga ako ng malalim bago binuksan ang maliit na gate at pumasok. Hindi ko inaakalang dadating ako sa punto na makikilala ko ang pamilya ni Papa, masaya ako na medyo nanghihinayang. Natigilan ako nang mapansin kong nandoon silang lahat sa living room, ang mga katulong tulad ko, si Ma'am Shenna pati si Dash ay nandito rin. “Lovely!” pagtawag nila sakin. Agad akong lumapit sa kanila at umupo sa tabi nina Karen. “Big time pala ang lolo mo Lovely.” sabi ni Anna. Ngumiti lang ako sa kanya. “Iiwan mo na ba kami?” natigilan ako sa tanong ni Karen. Naramdaman kong napatingin sakin si Dash. “Maiintindihan namin kung aalis kana Lovely.” sabi ni Ma'am Shenna. “Napag-usapan na po namin ni Lolo, sinabi ko sa kanya na gusto kong manatili dito at pupuntahan ko na lang siya palagi.” nakangiting sabi ko. Tila nakahinga sila ng maluwag. “Akala ko iiwan mo na kami!” sabi ni Jane at niyakap ako. “Kailangan ko munang mabayaran ang lahat ng nagawa niyong lahat para sakin.” nakangiting sabi ko. “Iyan ka na naman eh!” sabi naman ni Lea. Napatingin ako kay Dash. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti. Napangiti rin siya. Hindi ko sila kayang iwan basta basta, pamilya ko rin sila. At mahal ko si Dash. *** “Edi masaya! Bigtime ka ulit!” sabi ni Melody sa kabilang linya. Napailing na lang ako. “Bigtime ka diyan.” sabi ko na lang at uminom ng tubig. Kakagaling ko lang sa school. Ginabi na ko dahil tinapos pa namin ang project namin sa Chemistry. “Neng ano kaba? Ang lolo mo na si Keano Ben Lopez ay isa sa pinakamayayaman sa bansa. Oh diba? Bongga kana, libre naman!” pangangatyaw pa niya. “Baliw ka talaga.” napapailing na sabi ko. “Magkaibigan tayo dahil parehas tayong baliw.” natatawang sabi niya. “Lovely.” napalingon ako sa tumawag sakin. “Dash.” “Sige na loka, mamaya na lang. Magmoment muna kayo ni Dash.” kinikilig na sabi ni Melody at agad na binaba ang tawag. Napasapo ako sa noo ko. Loka loka talaga ang babaeng 'yon! Naka-loud speaker pa man din ako! “B-Bakit Dash?” tanong ko para matakpan ang pagkapahiya ko kanina. “Nothing, pupunta lang ako sa bar ni Tyler. Baka hanapin mo ko.” nakangising sabi nito. “Kapal mo, bakit naman kita hahanapin?” natawa siya sa sinabi ko. Lumapit siya sakin at kinurot ang pisngi ko. “Baka lang naman hanapin mo ko.” nakangiting sabi nito. Hinampas ko ang kamay niya. “W-Wag kang magpakalasing, mahina ka sa alak.” napangiti siya sa sinabi nito. “Yes Ma'am.” sabi nito at dinampian ng mabilis na halik ang labi ko. Hahampasin ko na sana siya pero agad siyang nakalayo. Loko loko talaga. *** ~~~Third Person's POV~~~ “Fvcking damning shitting fvck, sumulpot ang gago. Himala.” nakangising sabi ni Tyler pagdating ni Dash. “Shut the fvck up moron.” malamig na sabi ni Dash at umupo sa tabi ni Calli. “Nasaan si Aldrin at Psyche?” tanong ni Henrick. “Hindi ko pinapunta. Kapag may nakapansin sa kanila dito magkakagulo na naman sa bar ko.” napapangiwing sabi ni Tyler. Sikat na singer at actor sina Psyche at Aldrin kaya pinagkakaguluhan talaga ang dalawang 'yon. “Mga gago!” napalingon sila kay Rash na kararating lang. “Anong ginagawa mo dito?” masungit na tanong ni Trevor kay Rash. Simula kasi nung ikinasal si Rash kay Melody, hindi na ito napunta sa bar ni Tyler. “May celebration tayo.” may kinuha si Rash sa bulsa niya at ipinakita sa kanila. “Kambal ang anak namin ni Melody.” nakangiting sabi nito nang maipakita sa kanila ang ultrasound picture ng anak nila ni Melody. “Wow, congrats!” pagbati nila dito. Halata na masayang masaya talaga si Rash simula ng ikinasal sila ni Melody. Kahit hindi aminin ni Dash, masaya siya para sa kakambal. Hindi rin kasi madali ang pinagdaanan nito para lang makuha si Melody. Dinaan niya ito sa matinding Farthon way. “Damn, I'm the happiest man.” nakangiting sabi ni Rash at muling itinago ang picture. “Pinayagan ka ba ni Melody na magpunta dito?” tanong ni Leo. “Lagi akong pinapayagan ni Melody, hindi lang talaga ako napunta. Mas gusto kong kasama siya buong magdamag kaysa makita ang mga panget niyong pagmumukha.” nakangising sabi ni Rash. Pinagbabato naman siya ng mga kaibigan. “Gago, lumayas ka sa bar ko.” sabi ni Tyler. Napailing na lang si Dash at inisang lagok ang alak sa baso. “Dash!” Natigilan sila at napatingin kay Chiara na padabog na naglalakad papalapit sa kanila. “Bakit Chi?” tanong ni Dash at inilapag ang baso sa table. “Let's talk outside.” seryosong sabi ni Chiara at agad na ring naglakad paalis. Kahit nagtataka si Dash, tumayo na lang siya at sinundan ang kaibigan. Minsan talaga may ugali si Chiara na hindi niya maintindihan. Tumigil si Chiara sa paglalakad nang makalabas na sila sa bar. “May problema ba Chiara?” seryosong tanong ni Dash at umupo sa may mahabang upuan. “I can't believe you Dash Pierce Farthon! Ano bang ginagawa mo?! Nasisiraan ka na naman ng bait dahil sa Lovely na 'yon!” naiinis na sabi ni Chiara. “Calm down Chiara, ipaliwanag mo sakin ng ayos ang gusto mong sabihin.” seryosong sabi ni Dash. May kinuha si Chiara sa bag niya at padabog na binigay 'yon kay Dash. “Ayan! Ipapaalala ko lang sayo dahil mukhang nakalimot kana!” Mahigpit na hinawakan ni Dash ang mga papeles at litrato na ipinakita sa kanya ni Chiara. Napapikit siya ng mariin at nilamukos ang mga 'yon. “Damn, how can I forget this fvcking s**t?” *** ~~~Lovely's POV~~~ Humiga na ko sa kama para matulog. Tiningnan ko ang cellphone ko. Hindi nagtext o tumawag si Dash, siguro lasing na naman 'yon. Napapitlag ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad akong bumangon at sinagot ang tawag ni Tyler. “Bakit Tyler? May problema ba?” tanong ko. “Lovely, pwede ka bang pumunta dito sa bar ko ngayon? Mukhang ikaw lang ang makakapagpakalma kay Dash eh. Ayaw niya rin kasing umuwi.” nag-aalalang sabi ni Tyler. Agad akong tumayo at kumuha ng jacket. “Sige pupunta ako, saglit lang.” *** Agad akong bumaba ng taxi at nagbayad nang makarating na kami sa bar ni Tyler. “Lovely.” agad na lumapit sakin si Tyler. “Nasaan si Dash?” nag-aalalang tanong ko. “Nasa VIP room sila, halika.” iginiya niya ko papasok sa bar niya. Maingay at masakit sa ulo ang mga nagkikislapang ilaw. Hindi talaga ako sanay sa mga ganitong klaseng lugar. Napatingin ako sa kulay pulang pinto na tinigilan namin. May nakalagay na Danger Zone sa pinto. Agad na binuksan ni Tyler ang pinto. Nag-aalangang pumasok na lang din ako. Malaki ang VIP room na 'to, mas malaki pa sa classroom namin. Di hamak rin na mas tahimik dito sa loob ng VIP room kaysa sa labas. Ang sakit sa tainga ng music. “Dash, umuwi kana.” Napatingin ako kay Chiara na pilit pinapatayo si Dash. Pulang pula naman ang mukha ni Dash at mukhang lasing na. Nandito pa rin ang mga kaibigan ni Dash. Dahan dahan akong lumapit sa kanya. “Dash...” napalingon siya sakin. “Anong ginagawa mo dito?” nakangising tanong niya sakin. “Lasing kana, umuwi na tayo.” sabi ko at hinawakan siya sa braso. Tumayo siya at inalis ang pagkakahawak ko sa kanya. “Don't fvcking touch me.” malamig na sabi niya. “What's your problem Dash?” tanong ni Cloud sa kaibigan. “Dash umuwi kana, mahina ka talaga sa alak.” sabi naman ni Eion. “Dash, bakit ka ba kasi nagpakalasing?” tanong ko sa kanya. Napatitig siya sakin at napangisi. Maya maya tumawa na siya ng nakakaloko. “Bakit Lovely? Bakit kamo ako nagpakalasing? Why don't you ask yourself?” natigilan ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? “Para akong gago Lovely! Hindi, ang gago gago ko.” puno ng hinanakit na sabi niya. “Dapat galit ako sayo, tangina! Limang taon mo kong pinaghintay eh! Pero anong ginawa mo?!” galit na sabi niya. Natahimik ang Danger Zone, mukhang kagaya ko, hindi rin nila maintindihan kung anong ibig sabihin ni Dash. “Isang tingin mo lang, marinig ko lang ang boses mo, isang ngiti mo lang! Tangina! Nawawala agad yung galit ko na parang walang nangyari, nakakalimutan ko kaagad yung ginawa mo sakin na parang gago.” sabi nito at mapait na tumawa. “D-Dash, ipaintindi mo sakin. Hindi kita naiintindihan.” sabi ko at akmang lalapit sa kanya pero agad siyang umatras. “Limang taon akong nagmukhang tanga Lovely. Limang taon tapos babalik ka na parang wala kang ginawang kagaguhan! Tapos ako...” puno ng hinanakit na sabi niya at itinuro ang sarili. “...makita lang kita nakakalimutan ko na agad yung ginawa mo. Puta, nagpapakagago na naman ako sayo.” sabi nito. Napalunok ako nang makita ko ang pagdaloy ng masaganang luha galing sa mga mata niya. “D-Dash...” naiiyak ako sa hindi malamang dahilan. Naiyak si Dash, naiyak siya ng dahil sakin. “Wag mo kong iyakan Lovely.” naging malamig ang tono ng boses nito. “Ikaw, ikaw ang sumira sakin Ms. Lopez.” nakangising sabi niya. “Mali, mali pala...” sabi nito at mapaklang tumawa. “...Mrs. McKaile.” Nanghihinang napakapit ako sa upuan dahil sa sinabi niya. “A-Ano?” gulat na tanong ni Tyler. “Dash, lasing kana talaga. Kung ano anong sinasabi mo.” sabi naman ni Rash. “D-Dash...” sabi ko. Nanghihina ang mga tuhod ko. Muling nangilid ang mga luha ko. P-Paano--- paano niya nalaman? “I-Ipapaliwanag ko---” “You don't need to.” malamig na sabi niya at lumapit sakin. Ang sama ng tingin niya sakin, puno ng lungkot at galit ang mga mata niya. Kusang nagbagsakan ang mga luha ko. Hindi ko na alam ang gagawin. “I don't wanna hear your stupid explanations...” malamig na sabi niya. “...Mrs. Yvo Ruis McKaile.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD