“Dash...” mahinang usal ko.
Tama nga ang hinala ko, nandito sa tree house si Dash.
Napatingin siya sa pwesto ko, pero agad din siyang napaiwas ng tingin saka napangisi.
“I'm imagining you again.” tila wala sa sariling sabi niya at sinipa ang bote ng alak malapit sa kanya.
Napatingin ako sa mga bote ng alak na nakakalat, may ash tray rin na puro upos ng sigarilyo.
Pulang pula na ang mukha at leeg niya dala ng kalasingan, malamlam na rin ang mga mata niya at parang bibigay na ang katawan niya anumang oras.
“Dash naman! Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?!” agad akong lumapit sa kanya. Inalis ko ang mga bote ng alak at ash tray sa paligid niya.
Natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya, may luhang dumaloy sa pisngi niya.
“I'm really a loser...” sabi niya at mapaklang tumawa kahit na patuloy ang pagdaloy ng mga luha sa pisngi niya.
“D-Dash...”
Nanghihinang tumayo siya at niyakap ako. Naramdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko nang maramdaman ko ang mga luha niya.
“I-I wish I'm emotionally strong just like my father. S-Sana kasing tapang niya ko, sana kaya ko ring harapin at lagpasan yung mga problema ko gaya niya...” napatigil siya.
“...d-duwag ako Lovely, takot ako. Mabilis akong sumuko, wala akong kwentang tao.” parang patalim sa puso ko ang mga sinasabi niya.
“N-Normal lang yan Dash, lahat ng tao may kahinaan.” sabi ko at niyakap din siya.
“Napakaduwag ko Lovely. H-Hindi ko nagawang habulin ka nung umalis ka, hindi kita nagawang sundan, h-hindi kita nagawang damayan sa mga problema mo, hindi ko nagawang pigilan ang kasal niyo, h-hindi ko magawa ngayon na tanungin ka kung bakit mo ginawa 'yon...”
“...ni hindi ko nga kayang sabihin na m-mahal na mahal kita eh.” natigilan ako sa sinabi niya.
Nanghihinang bumigay ang mga braso niya bago siya napahagulgol ng iyak. Hindi ko namalayan na naiyak na rin pala ako.
“Wala akong kwenta.”
Patuloy lang siya sa pag-iyak habang nasa mga bisig ko siya.
Ngayon ko lang siya nakita na ganito, pinapakita niya sakin ngayon ang totoong nararamdaman at mga kahinaan niya.
Mukhang hindi lang ako ang nasasaktan saming dalawa, nasasaktan din siya. Nasasaktan din si Dash kagaya ko.
“Dash...” pinahid ko ang mga luhang tumatakas mula sa mga mata ko.
“You don't deserve a coward and a selfish man like me, h-hindi ka map-protektahan ng isang duwag na katulad ko.” napailing ako sa sinabi niya.
Nanghihinang napahiga siya sa kama, napaibabaw ako sa kanya dahil magkayakap kami.
Napabuntong hininga siya at napapikit.
“This warm embrace feels like a real one. This is the best dream that I ever had.” paos na sabi niya at nas hinigpitan ang pagyakap sakin.
Iniisip niya talaga na panaginig lang 'to?
“Dash.”
“Hmm?”
“Mapapatawad mo pa ba ako?” tanong ko. Kailangan kong samantalahin hangga't lasing siya.
“Ako, mapapatawad mo ba ako?” natigilan ako sa tanong niya.
“Wala ka namang kasalanan sakin, ako ang may kasalanan sa---” natigilan ako nang haplusin niya ang pisngi ko.
“Ayoko munang magising.” sabi niya saka dinampian ng halik ang noo ko.
“B-Bakit?” tanong ko at tumunghay saka siya tiningnan.
Nanghina ang mga tuhod ko nang magtagpo ang mga tingin namin. Napangiti siya habang nakatitig sa mga mata ko.
“Sa panaginip lang ako may lakas ng loob na gawin 'to, hindi na naman kita kayang lapitan kapag nagising na ko.” sabi niya at dinampian ako ng magaan na halik sa labi.
“Dash.”
“Hmm?” tanong niya habang nakatitig sakin.
“M-Mahal mo ba ako?” nag-ipon talaga ako ng lakas ng loob para itanong yan sa kanya.
Saglit siyang natahimik habang nakatitig sakin. Napalunok ako, dapat ba hindi na ko nagtanong?
“Mahal kita noon, pero mahal pa rin kita hanggang ngayon. Mahal na mahal kita Lovely.” buong pagsuyong sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.
Muling tumakas ang mga luha mula sa mga mata ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at napahagulgol ng iyak.
“Bakit ka naiyak?” tanong niya habang hinahaplos ang buhok ko.
Ngayon ko lang narinig na sinabi niyang mahal niya ko. Ang tagal kong hinintay na marinig mula sa kanya ang mga salitang 'yon.
“You naughty woman...” natigilan ako at napatingin sa kanya.
“Sinasamantala mo ang kalasingan ko.” seryosong sabi niya.
Agad akong napaiwas ng tingin, pakiramdam ko pulang pula na ang mukha ko ngayon.
“Niloloko mo naman ako, hindi ka naman lasing eh.” sabi ko at sinuntok siya sa dibdib.
“Lasing ako.” sabi niya. Naramdaman kong inaamoy niya ang buhok ko.
“Dash, totoo bang mahal mo ko?” tanong ko sa kanya.
Natigilan ako nang hindi siya sumagot, naramdaman ko rin na mabigat na ang paghinga niya. Nakatulog na pala siya.
Inayos ko ang pagkakahiga niya sa maliit na kamang hinihigaan namin. Humiga ako sa tabi niya at niyakap siya.
“Mahal na mahal kita Dash.”
***
“Lovely.”
Nagising ako nang makarinig ako ng katok sa pinto. Pinilit kong bumangon kahit medyo nahihilo pa ko.
Natigilan ako at napatingin sa paligid. Bakit nandito na ko sa kwarto ko? Kasama ko si Dash kagabi sa tree house.
“Lovely, gising kana ba?”
Napailing na lang ako at dali daling binuksan ang pinto.
“Kayo pala.” sabi ko at tipid na ngumiti sa kanila.
Nandito sina Anna, Karen, Lea at Jane sa tapat ng pinto ko.
“Ikaw na babae ka, bakit bigla kana lang umalis kagabi?” nakapamaywang na tanong ni Anna.
“N-Nagpahangin lang ako sa labas.” pagdadahilan ko.
“Nagpahangin? Eh nakatulugan na nga namin ang paghihintay sayo, nag-alala kami.” seryosong sabi ni Karen.
Paano ako nakauwi dito? Naglakad ba ako habang natutulog?
“P-Pasensya na talaga, hindi ko na uulitin.” hinging paumanhin ko sa kanila.
“Dapat lang aba, sobra kaming nag-alala sayo.” sabi naman ni Lea.
“Pasensya na kung pinag-alala ko kayo. Maliligo lang ako ha, may pasok pa ko eh.” paalam ko.
“Sige na nga, pero sesermunan ka ulit namin mamaya.” sabi naman ni Jane. Napangiti lang ako at tumango.
Lumabas na ko ng kwarto dala dala ang bag ko pagkatapos kong maligo at magbihis.
Dumiretso ako sa kusina at naabutan ko si Manang Lorena na naghuhugas ng mga pinggan.
“Magandang umaga po.” magalang na pagbati ko sa kanya.
“Magandang umaga rin Lovely.” nakangiting sabi niya.
Umupo ako malapit kay Manang Lorena at pinanood ang ginagawa niya.
Napabuntong hininga ako, hanggang ngayon iniisinip kung paano ako nakauwi dito sa mansyon.
“Nakita ko na inuwi ka ni Sir Dash kaninang madaling araw.” natigilan ako sa sinabi ni Manang Lorena.
“Wag kang mag-alala, wala akong pagsasabihan.” nakangiting sabi nito at pinunasan na ang mga kamay niya.
Nasapo ko ang noo ko nang maalala kong nakatulog nga pala ako sa tabi niya.
Ibig sabihin natauhan na siya na hindi panaginip ang nangyari kagabi? Ano kayang reaksyon niya nung nakita niya ko?
“Ito ang sandwich, baunin mo.” sabi ni Manang Lorena at inabot sakin ang ginawa niyang sandwich.
“Salamat po, sige po mauna na ko.” nakangiting sabi ko.
Kailangan ko munang magconcentrate sa pag-aaral.
***
“Lovely!” napalingon ako kay Tristan nang tumakbo siya papalapit sakin.
“Bakit?” tanong ko habang kinakain ang ginawang sandwich ni Manang Lorena.
“Yan, kumain ka ng kumain, payat ka na nga, lalo ka panh pumapayat. Baka next week, kalansay kana lang.” napairap ako sa sinabi niya.
“OA mo naman.” sabi ko na lang at sinabayan siya sa paglalakad.
“By the way, kilala mo ba magiging temporary prof natin sa isang subject?” tanong niya.
“Ewan ko, wala rin naman akong pakialam.” sabi ko na lang.
“Si Mr. Calli Freenwar.” napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.
Napapikit ako ng mariin, ano naman kayang pagpapahirap ang gagawin sakin ng Danger Zone ngayon?
“Sigurado ka?” tanong ko sa kanya.
“Oo nga, pinagkakaguluhan nga siya ng mga estudyante kanina eh.”
Sana lang talaga makasurvive ako. Si Calli Devin Freenwar ang kilala ko na may kakaibang topak sa Danger Zone. Mahirap basahin ang totoong nararamdaman at iniisip niya.
Napabuntong hininga na lang ako at nagtungo na lang sa room namin.
Pero hanggang sa room namin, si Calli pa rin ang pinag-uusapan.
“Excited na ko mamaya girls!”
“Una si Sir Dash, ngayon namin si Calli!”
Naiiritang sinalpak ko na lang ang earphones ko dahil sa nakakarinding tilian nila. Kung makatili naman ang mga 'to, akala mo naman concert ng BTS.
Kung sila excited, ako naman nabibwiset. Ano naman kayang pinaplano nila? Hindi ako naniniwala na magtuturo si Calli dito ng walang motibo.
Buong maghapon, umikot lang ang isip ko sa kung ano ang pinaplano ng Danger Zone.
“Good afternoon.”
Natahimik kami dahil sa baritonong boses na 'yon. Napapikit ako ng mariin at napahilot sa sentido ko, patay na ko nito.
“Ang gwapo talaga ni Sir Calli.”
“Sisipagin na ko pumasok sa subject na 'to.”
Napairap na lang ako sa mga narinig kong bulungan. Kung alam lang nila, nasa loob ang kulo ni Calli. Para sakin mas matindi pa siya kina Hunter, Trevor at Dark, silang tatlo ang pinakasupladong miyembro ng Danger Zone, pero para sakin mas matindi si Calli dahil magugulat kana lang sa mga kahayupan na kaya niyang gawin.
“Bakit ganyan ang mukha mo? Mukha kang natatae.” tiningnan ko lang ng masama si Tristan. Bwisit na lalaki 'to.
“Tigilan mo ko, nabibwisit ako.” sabi ko na lang at ibinaling ang tingin kay Calli na nagsasalita sa unahan.
Napasinghap ako nang napabaling sakin ang tingin niya, at ang mas ikinagulat ko pa ay ang pagngiti at pagkindat niya sakin.
“Kyaah!” nagtilian ang mga kaklase ko.
“OMG! Kinindatan ako ni Sir Calli!” kinikilig na sabi ng babae sa harapan ko.
Naningkit ang mga mata ko, ano bang ginagawa ng lalaking 'to?
“Ikaw yung kinindatan niya noh?” bulong sakin ni Tristan. Napabuntong hininga na lang ako.
“Ano naman kayang pakay ng lalaking 'to?” tanong ko.
Natigilan ako nang magvibrate ang phone ko.
From: Unregistered number
It's me, Calli. Magkita tayo sa garden pagkatapos ng klase. Pumunta ka, sisirain ko ang buhay mo kapag hindi ka pumunta
Naiiritang pinatay ko ang screen ng cellphone ko. Napatingin ako kay Calli na nakatingin rin sakin.
Kahit ayaw ko, napilitan akong pumunta na lang sa garden nang matapos ang klase.
Napairap ako nang makita ko si Calli na prenteng nakaupo sa may bench habang hinihintay ako.
“Anong kailangan mo sakin?” agad na tanong ko nang makalapit na ko sa kanya.
Napangisi siya at tumayo. Nanliit ako nang tumayo siya, bakit puro matatangkad ang miyembro ng Danger Zone?
“Just play along Lovely, ikaw naman ang makikinabang dito.”
Napalunok ako at napaatras nang mapansin kong naglalakad siya papalapit sakin.
“B-Bakit ka lumalapit?”
Sasaktan niya ba ako? Alam kong galit sila sakin, pero grabe naman! Wala namang sakitan.
“Kumalma ka Lovely, hindi kita sasaktan. Mapapatay ako ni Dash pag nagkataon, kumalma ka lang.” sabi nito nang tuluyan na niya kong nahawakan sa braso.
Napakunot ang noo ko nang ilapit niya ang mukha sakin at hinaplos ang pisngi ko. Kung ibang babae lang siguro ako, baka nagtitili at kinilig na ko.
“Mabilis lang 'to.” nakangising sabi niya. Ang lapit lapit na ng mukha niya sakin.
“Konting lapit mo pa sa mukha mo, tatadyakan ko yang p*********i mo.” natawa siya sa sinabi ko.
Nilayo na niya ang mukha sakin.
“Okay na 'yon.” napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
“Ano?”
“Wag ka ng magtanong ng magtanong, just go with the flow.”
Ano bang pinagsasasabi nito? Ang weird niya talaga kahit kailan.
Napakurap na lang ako nang makaalis na siya.
***
~~~3rd Person's POV~~~
“Hoy! Kayong mga lalaki kayo! Anong pinaplano niyo?!” nakapamaywang na tanong ni Melody sa Danger Zone.
Nagpunta siya sa headquarters ng Danger Zone para komprontahin ang mga 'to.
“Pigilan mo nga yang asawa mo Rash Pierre.” seryosong sabi ni Eion habang tutok na tutok sa laptop nito.
Napabuntong hininga si Rash saka lumapit sa asawa.
“Melody, baka ma-stress ka. Makakasama 'yon para sa bata.” sabi ni Rash at hinawakan ang tiyan niyang medyo malaki na.
“Manahimik ka! Hoy kayo! Alam niyo ba ang hirap na pinagdaanan ni Lovely! Wala kayong alam, sarado yang mga isip niyo! Pare-parehas kayo!” naiinis na sabi ni Melody.
“Mrs. Farthon, kalma.” nakangising sabi ni Tyler.
“At ikaw Calli! Anong pakay mo sa pagtuturo sa Farthon University?! Para pahirapan si Lovely?! Grabe, ang i-immature niyo! Mga lalaki ba talaga kayo?!” napapikit ng mariin si Melody at napahawak sa tiyan niya.
“Ano ba kasing ginawa naming mali?” natatawang tanong ni Leo.
“Aba nagtanong ka pa talaga! Kahit hindi nagsasabi sakin si Lovely, alam ko ang mga kagaguhan na ginawa niyo sa kanya! Pati ikaw Rash Pierre, ang sasakit ng mga binitawan mong salita kay Lovely! Pati kayo! Mga punyemas kayo!” naiinis na sabi ni Melody.
“Melody, kumalma ka nga muna.” pinaupo ni Rash ang asawa sa sofa.
“Alam niyo ba kung bakit napilitan si Lovely na magpakasal sa Yvo na 'yon?! Hindi niyo alam ang pinagdaanan niya! Wala kayong alam---”
“Mrs. Farthon, let me remind you that I'm Eion Tristan Fernandez. Alam ko ang lahat ng bagay.” natigilan si Melody.
“A-Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Melody.
“Asawa ko, una pa lang alam na nila na ikinasal si Lovely kay Mr. McKaile.” paliwanag ni Rash.
“Eh bakit wala kayong ginawa?! Tumunganga lang kayo!” inis na tanong ni Melody.
“Medyo na-late kami, nalaman na lang namin, kasal na si Mr. McKaile at Lovely. Syempre kami, hindi kami pwedeng basta kumilos, kailangan namin ang opinyon mismo ni Dash. Pero lagi kaming pinipigilan ni Chiara, baka daw ma-stress lang si Dash kapag nalaman niya. Saka isa pa, hindi ordinaryong tao ang McKaile na 'yon.” paliwanag ni Eion at tinanggal ang salamin niya sa mata.
“So ibig sabihin, hindi niyo kaya si Yvo? Kayong lahat, hindi niyo kaya si Yvo?!” sarkastikong tanong ni Melody.
“Kayang kaya namin siya Mrs. Farthon. Kahit ako mag-isa kaya ko siya eh, ang problema, nasa kanya ang Tita at pinsan ni Lovely, kapag kumilos kami, hindi namin alam kung anong posibleng gawin niya sa mga kamag anak ni Lovely.” dagdag ni Leo.
“To be honest, that man is a fvcking weirdo.” sabi ni Dark at ipinatong ang mga paa sa mini table.
“...and dangerous.” dagdag ni Trevor.
“At isa pa, sa tingin ko...” napatingin silang lahat kay Eion.
“...sa tingin ko wala siyang p*********i. Mas gwapo rin ako sa kanya ng sampung paligo.”
Tiningnan nila ng masama si Eion.
“Tang ina mo! Seryoso kami dito.” sabi ni Tyler at binatukan siya.
“Eh teka, kung ganon pala bakit umarte kayo na parang gulat na gulat kayo sa nangyari? Nagalit pa kayo kay Lovely!” nakapamaywang na sabi ni Melody.
“Wala, trip lang namin.” sabi ni Rash at inakbayan si Melody.
“Syempre kailangan umarte kami na nagulat kami. Hindi alam ni Dash na may alam kami tungkol sa kasal na 'yon.” paliwanag ni Eion.
“To be honest, hindi ko alam kung bakit nadamay ako sa kagaguhang 'to.” masungit na sabi ni Dark.
“Syempre, para lumiwanag naman sa dark world mo. Ang boring ng buhay mo eh.” sabi na lang ni Eion, tiningnan naman siya ng masama ni Dark.
“Eh bakit pati ako inartehan nitong lalaking 'to?!” galit na tanong ni Melody at itinuro si Rash.
“Ewan ko sa gagong yan, pati ikaw dinamay sa acting namin.” sabi ni Calli at binato ng unan si Rash.
“Eh kasi naman, nung pinlano natin ang acting natin, saktong wala akong magawa sa bahay. Nakipag-away na lang ako kay Melody.” paliwanag ni Rash.
“Bakit mo ba pinakasalan yang abnormal na yan Melody?” masungit na tanong ni Trevor.
“Hindi ko nga rin alam eh.” sabi ni Melody at napabuntong hininga.
“Grabe kayo sakin.” parang bata na sabi ni Rash.
“Kayo ang grabe, mga wala kayong magawa sa buhay.” panenermon ni Melody.
“Sinubukan lang namin maging kontrabida, masaya naman pala.” nakangising sabi ni Eion.
“Nakahanda na ba yung pictures?” tanong ni Leo. Napakunot ang noo ni Melody.
“Anong pictures 'yon?!”
“Wala, pinagplanuhan lang namin 'yon. At si Calli ang best actor namin don.” nakangising sabi ni Tyler.
“Bakit ba lagi na lang ako ang naganap na malandi? Una kay Melody, ngayon naman kay Lovely. Ako lang naman yung matino dito eh, punyeta talaga.” pagrereklamo ni Calli.
“Pero may isa akong bagay na ipinagtataka.” napatingin silang lahat kay Eion.
“Siguraduhin mo na seryoso yan, mapapatay kita.” masungit na sabi ni Trevor.
“Bakit pinalaya ni McKaile si Lovely at ang Tita niya? Pakiramdam ko may iba pang pinaplano ang gagong 'yon eh.” suspetiya ni Eion.
“Kung meron man, edi pigilan na lang natin.” sabi ni Rash.
Natahimik si Melody. Ano nga kayang pinaplano ng Yvo na 'yon kay Lovely?
~~~Lovely's POV~~~
“Ang gwapo talaga nung transferee at parehas kaming law ang course. Nakakakilig!” pagk-kwento ni Jane samin.
“Ipakilala mo sakin, malay mo ako ang type niya.” pagsingit ni Karen.
“Heh! Akin lang siya.” sabi naman ni Jane. Napangiti na lang ako sa pagkukulitan nila.
Natigilan ako nang magring ang cellphone ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang natawag.
“S-Sasagutin ko lang 'to ah.” pagpapaalam ko sa kanila. Napatango na lang sila at pinagpatuloy na ang pagk-kwentuhan.
Sinagot ko na ang tawag nang makalayo na ko sa kanila.
“H-Hello.”
“Anong meron sa inyo ni Calli?” malamig na tanong niya.
“Samin ni Calli?” seryoso ba siya sa tanong niya?
“Bakit kayo magkasama sa garden?” natigilan ako sa tanong niya.
“May pinag-usapan lang ka---”
“Bakit magkalapit yung mukha niyo?” napangiti ako sa tanong niya.
“Nagseselos ka ba Dash Pierce?” natahimik siya sa tanong ko, paniguradong namumula na naman ang tainga no'n.
“W-Whatever.” sabi na lang nito at agad na binaba ang tawag.
Nakarinig ako ng huni ng mga ibon sa kabilang linya. Malamang nasa tree house siya.
***
“Dash...”
Tama na naman ang hula ko na nasa tree house nga si Dash.
Napaiwas siya ng tingin sakin. Lumapit ako sa kanya kahit pakiramdam ko bibigay na ang mga tuhod ko dahil lang sa presensya niya.
“I-I want to ask you something.” sabi nito habang hindi pa rin makatingin sakin.
Umupo na lang ako sa tabi niya.
“A-Ano 'yon?”
Napabuntong hininga siya bago nagsalita.
“Bakit mo pinakasalan si McKaile?” natigilan ako sa tanong niya.
Napatungo ako at hindi agad nakapagsalita. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya ang totoong dahilan ko, maiintindihan niya ba ako kung sakali?
“W-Wala akong choice Dash, ipit na ipit ako sa sitwasyon eh...”
Pinaliwanag ko sa kanya ang tunay na dahilan kung bakit ko pinakasalan si Yvo.
Hindi siya nagsasalita at nakikinig lang sakin. Nakaramdam ako ng kaunting kaba, baka iniisip niya na nagawa lang ako ng kwento.
“Minahal mo ba siya?” tanong niya saka napatitig sa mga mata ko.
“Oo, minahal ko siya...” para siyang naubusan ng kulay sa sinabi ko.
“...bilang kaibigan. Akala ko kasi totoong kaibigan siya nung una, 'yon pala may motibo siya.” sabi ko na lang at napabuntong hininga.
Natahimik kaming parehas. Huni ng mga ibon at mga dahong hinahangin lang ang ingay na naririnig namin.
“I-I'm sorry.” natigilan ako sa sinabi niya.
“Kasalanan ko kung bakit nangyari 'yon sayo. Kung sana sinundan na lang kita at dinamayan, sana sakin kana lang nanghingi ng tulong. K-Kung naging matapang lang sana ako...”
“...Bakit ba kasi ang duwag ko?” tanong niya at natawa ng mapakla.
“D-Dash.”
Napapikit siya at humiga sa kama. Tinakpan niya ang mga mata niya gamit ang braso niya, pero hindi nakatakas sa paningin ko ang pagdaloy ng mga luha mula sa mga mata niya.
“Kahit ikaw pa ang pinakaduwag na tao sa buong mundo, m-mahal pa rin kita.” natigilan siya sa sinabi ko.
Tinanggal niya ang braso na nakaharang sa mga mata niya. Napangiti ako at pinahid ang mga luha niya.
“Mahal kita kahit ano pang mga imperfections mo, m-mahal kita kasi ikaw si Dash Pierce Farthon.”
Bumangon siya at niyakap ako ng mahigpit. Naramdaman ko ang marahang pagyugyog ng balikat niya, naiyak pa rin siya.
“G-Gagawan ko ng paraan para mapawalang bisa ang kasal niyo ng gagong 'yon. Sorry kung ngayon ko lang gagawin 'to, alam ko gago ako pero itatama ko na lahat ng 'to ngayon. A-Alam kong medyo huli na pero malalagpasan natin 'to, babawi ako sayo---” kumalas ako sa pagkakayakap niya at natatawang tinakpan ang bibig niya.
“Divorced na kami ni Yvo, matagal na.” natulala siya sa sinabi ko.
Muling dumaloy ang mga luha sa pisngi niya. Natatawang pinahid ko ang mga luha niya kahit naiyak na rin ako.
“B-Bakit ang iyakin mo ngayon Dash? Nakakapanibago, hindi pa kita nakitang umiyak ng ganito five years ago.” natatawang sabi ko.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Siniil niya lang ako ng halik sa labi. Kumapit ako sa batok niya at walang pag-aalinlangan kong tinugon ang halik niya.
“Mahal na mahal kita Lovely.”
Natigilan ako sa sinabi niya. Inilayo ko ng kaunti ang mukha ko at tinitigan siya sa mga mata.
“D-Dash...”
Ako na mismo ang humalik sa labi niya.
“L-Lasing kaba Dash? B-Baka nabibigla ka lang o kaya---” muli niya kong hinalikan sa labi.
“Hindi ako lasing...” nakangiting sabi niya.
“...mahal na mahal na mahal kita Lovely.”