“Hindi ka ba babalik sa mansyon?” tanong ko habang nakayakap sa baywang niya.
Nakahiga kami parehas sa maliit na kama dito sa treehouse, nakahiga ako sa braso niya habang yakap yakap ko siya.
“Gusto mo talagang nakikita ako lagi.” natigilan ako sa sinabi niya. Naiinis na hinampas ko ang dibdib niya.
“Ang kapal mo.” nakasimangot na sabi ko.
Natatawang humarap siya sakin at kinurot ang pisngi ko. Niyakap niya ako sa baywang at mas inilapit ang katawan sakin.
“Bakit? Ayaw mo ba akong nakikita?” tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya saka napakagat sa ibabang labi ko.
“Syempre gusto, gusto kong nakikita ka lagi.” nahihiyang sabi ko.
Dinampian niya ko ng magaan na halik sa labi.
Natigilan ako nang marahan niya kong ilayo sa kanya. Agad siyang napabangon sa kama. Napakunot ang noo ko.
“Dapat ligawan muna kita.” seryosong sabi niya. Napaawang ang labi ko.
“Kailangan pa ba 'yon? Matanda kana, gusto mo pang manligaw.” natatawang sabi ko.
Naningkit ang mga mata niya sa sinabi ko. Natawa ako sa naging reaksyon niya. Naiirita talaga siya kapag sinasabihan ko siyang matanda.
“I'm just 29, hindi matanda 'yon.” masungit na sabi niya.
“Hindi mo na ko kailangang ligawan, sasagutin naman kita eh.” sabi ko na lang at kinurot ang matangos niyang ilong.
“No, you didn't experience that stage with me. I'll court you.” seryosong sabi niya at napatitig sa sahig na para bang ina-analyze niya ang sitwasyon.
“Bahala ka na.” natatawang sabi ko na lang.
Muli siyang napatingin sakin. Napangiti siya at muli akong siniil ng halik sa labi.
“Akala ko ba nanliligaw ka pa lang? Bakit nanghahalik kana agad?” natatawang tanong ko.
Hindi na niya sinagot ang tanong ko, niyakap niya lang ako ng mahigpit.
“Kapag niyaya kitang magpakasal, papayag ka?” tanong niya habang nakayakap sakin. Agad akong tumango.
“Oo naman, kahit saan pa yan papayag ako. Kahit nag-aaral pa lang ako payag pa rin ako, basta ikaw ang papakasalan ko.”
Naramdaman ko ang pagngiti niya dahil sa sinabi ko.
Natigilan ako nang may maalala ako. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.
“Bakit?” tanong niya saka hinawakan ang pisngi ko.
“G-Gusto mo pa rin akong pakasalan kahit hindi ikaw ang unang lalaki na pinakasalan ko? Kahit hindi ikaw ang una?” tanong ko at napatitig sa mga mata niya.
“Anong hindi ako ang una? Y-You mean, ginawa niyo na ni McKaile---fvck.” huminga siya ng malalim na para bang pinapakalma niya ang sarili niya.
Teka, na-misinterpret niya yata ang sinabi ko.
“Hindi mo na ba ako tanggap dahil do'n? Sabagay, mas deserve mo ang babaeng malinis at inosente.” sabi ko at umarteng malungkot.
Gusto kong matawa sa reaksyon niya. Iniisip niya ba talagang ibinigay ko kay Yvo ang p********e ko? Para sa kanya lang ang lahat lahat sakin.
“It doesn't matter. Wala na kong pakialam kung sino man ang una, pangalawa, pangatlo... Masaya na ko basta ako yung huli. Gusto ko wala ng susunod sakin, gusto ko ako na yung huli at wala ng iba.” puno ng sinseridad ang asul niyang mga mata.
“Sigurado ka?” tanong ko. Ngumiti siya sakin at tumango.
Muli niya kong hinila para yakapin. Kinikilig na napangiti ako at ginantihan siya ng yakap.
Kanina pa siya nangyayakap at nanghahalik ah.
“Duwag ako at walang paninindigan pero mahal na mahal kita Lovely. Matatawa ka kapag nalaman mo kung gaano ako kabaliw sayo dati pa.” mahinang usal niya saka dinampian ng halik ang leeg ko.
“Gaano ka ba kabaliw sakin?” tanong ko.
Pinipigil ko lang talaga pero pakiramdam ko sasabog na ko dahil sa kilig.
“Dapat si Eion ang tanungin mo, alam niya kung gaano ako kabaliw sayo.” sabi niya habang nakayakap pa rin sakin.
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at kinurot ang pisngi niya.
“Uuwi na ko Dash, baka nag-aalala na sila do'n.” pagpapaalam ko sa kanya.
Napasimangot siya sa sinabi ko. Nanggigigil na kinurot ko ang pisngi niya. Ang cute.
“Mamaya na, dito muna tayo.” tila nagpapaawang sabi niya saka hinawakan ang kamay ko.
“Hindi pwede Dash, nahuli na nga tayo ni Manang Lorena nung isang beses eh, binuhat mo pala ako papunta sa mansyon.” panenermon ko.
“Ano naman kung makita nila tayo?” narinig kong bulong niya.
“Syempre, baka kung anong isipin nila.” pangangatwiran ko.
Mas lalo siyang napasimangot.
“Kinakahiya mo ko?” pagd-drama niya.
Nagtatampong napaiwas siya ng tingin sakin. Umalis siya sa kama at nagalakad patungo sa bintana.
Napangiti ako sa inasta niya. Parang bata talaga 'to, kagigil.
Niyakap ko siya mula sa likod. Pinaharap ko siya sakin saka ko siya siniil ng halik sa labi.
“Hindi kita kinakahiya, nakakahiya lang talaga kay Ma'am Shenna. Sorry na, wag ka ng magtampo, ang cute cute mo eh.” natatawang sabi ko at kinurot ang pisngi niya.
“Cute daw, anakan kita diyan eh.” bulong niya saka napaiwas ng tingin.
Pakiramdam ko nag-init ang buong mukha ko dahil sa sinabi niya. Hinampas ko siya sa dibdib.
“D-Dash! Kay Rash mo ba natututunan yan?”
Napangisi siya at muli akong hinalikan sa labi.
“Hindi tayo pwede sa kamang yan, masisira yan panigurado.” mahinang usal niya saka pinasadahan ng halik ang leeg ko.
“D-Dash...” daing ko nang maramdaman ko ang kamay niya sa loob ng damit ko.
“I love you.” sabi niya habang nasa leeg ko pa rin ang labi niya. Napakapit na lang ako sa batok niya.
“Mahal na mahal din kita Dash.”
Napasabunot ako sa buhok niya nang maramdaman ko ang paghawak niya sa kanang dibdib ko.
“Dash!”
Ipinasok niya ang kamay sa bra ko. Nako, delikado na ko nito.
“Why sweetheart?” malambing na tanong nito. Napakagat ako sa ibbang labi ko nang maramdaman kong minamasahe niya ang dibdib ko.
“Gusto mo pa ring umuwi?” tila paos na tanong niya.
“A-Ang daya mo naman eh.” naramdaman ko ang pagngiti niya sa sinabi ko.
“Bakit ako madaya?” tanong niya.
Hinampas ko ang braso niya. Napangisi siya at inalis ang kamay sa loob ng damit ko.
“Yang kamanyakan mo talaga eh, may pasabi sabi ka pa na manliligaw ka. Meron bang manliligaw na minamanyak ang nililigawan niya?” nakangusong tanong ko.
Napangiti na lang siya at niyakap na naman ako.
“Meron.”
“Oh sige nga, sino?” tanong ko at niyakap din siya.
“Ako.”
Natatawang hinampas ko ang braso niya. Ano naman kayang klaseng panliligaw ang ginagawa niya?
“Dash, uuwi na ko.” sabi ko at kumalas sa pagkakayakap niya.
“Ihahatid kita.” sabi niya saka hinawakan ang kamay ko.
“Wag na, ang lapit lapit lang naman ng mansyon eh.”
“Baka may mangyari pang masama sayo, makakapatay lang ako.”
Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa sinabi niya.
“Shall we?” nakangiting tanong niya.
Nauna siyang bumaba ng treehouse, sumunod ako. Inalalayan niya ko pababa.
Hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami papuntang mansyon.
“Dash.” yumakap ako sa matipunong braso niya.
“Hmm?”
“Wala lang.” sabi ko at napangiti. Natigilan siya sa paglalakad at napatingin sakin.
“Niloloko mo naman ako eh.” sabi niya.
Napatingin ako sa asul niyang mga mata. Napangiti ako at dinampian ng halik ang kamay niyang hawak ko.
“Ang saya saya ko talaga, akala ko hindi na dadating ang araw na 'to.”
Napatitig siya sa mga mata ko. Huminga ako ng malalim para pigilin ang pagluha ko. Ang saya saya ko talaga ngayon.
Kinuha niya ang kamay ko at dinampian din 'yon ng halik habang nakatitig sakin.
“Wag ka ng mawawala sakin ulit Lovely, lagi ka na lang sa tabi ko. Okay?” seryosong tanong niya.
Napangiti ako at tumango. Wala akong balak na iwan siya ulit, kahit ano pang sitwasyon, hinding hindi ko na siya iiwan ulit.
“Sobrang saya ko rin. Just being with you like this, makes me the happiest man.”
Muli akong napangiti at dinampian siya ng banayad na halik sa labi. Panay ang ngiti ko ngayon, ang saya saya ko na pakiramdam ko nananaginip lang ako.
“Damn.” nagtatakang napatingin ako sa kanya.
“Bakit?” tanong ko.
“Gusto na kitang pakasalan agad.”
Hinampas ko siya sa dibdib. Natawa siya at hinawakan ang kamay ko saka ako muling niyakap.
“Malapit na tayo sa mansyon.” natatawang sabi ko.
“Gusto ko lagi kang nakikita.” malambing na sabi niya.
Naglakad na kami pauwi ng mansyon. Tumigil kami sa paglalakad ng nasa tapat na kami ng malaking gate.
“Umuwi kana, baka may gagawin ka pa.” sabi ko.
“Kiss.” sabi nito at inilapit ang mukha sakin.
Kahit natatawa ako sa kanya. Dinampian ko pa rin ng halik ang labi niya.
“Isa pa.”
Hinalikan ko ulit siya sa labi. Namimihasa na ang manliligaw ko ah.
“Tama na, nawiwili kana eh.” natatawang sabi ko.
Kinuha niya ang phone niya sa bulsa niya. Napakurap na lang ako nang magflash ang phone niya nang itapat niya 'yon sakin.
“Bakit mo ko pinicturan? Hindi ako ready eh.” nakasimangot na sabi ko.
“Titingnan ko 'to paggising ko bukas...” sabi niya habang nakatitig sa phone niya.
“...patunay na hindi panaginip 'to.”
Muli ko siyang dinampian ng halik sa labi.
“Ang cute mo talaga.”
Napapitlag kami parehas nang magbukas ang gate.
“Kailan ba matatapos yan? Nilalanggam na kami dito.” nakangiwing sabi ni Calli.
“Fvck.” mahinang mura ni Dash.
“Ayos kambal, may natutunan ka naman pala sakin. I'm a fvcking good teacher.” sabi ni Rash na para bang proud na proud siya sa sarili niya.
“B-Bakit kayo nandito?” gulat na tanong ko.
“Wala lang, gusto lang namin masaksihan ang kakornihan ng isang Dash Pierce Farthon.” nang-aasar na sabi ni Eion.
“May voice record ako ng sinabi ni Dash. Two hundred pesos lang pag nagpapasa.” sabi ni Tyler at inangat ang phone niya.
“150 na lang, ang mahal naman.” sabi ni Leo at nilabas ang phone niya.
“100 na lang pag sakin, may utang ka saking bente nung sumakay tayo ng jeep kahapon.” sabi ni Dark.
Napakurap ako, nakikisali rin pala si Dark sa mga kalokohan ng Danger Zone.
“Tangina mo, bente lang utang ko sayo tapos 50 pesos ang bayad.” pagrereklamo ni Tyler.
“Bakit kayo sumakay ng jeep kahapon?” nakakunot noong tanong ni Leo.
“Wala lang, for experience.” tipid na sagot ni Dark.
“Ang tatanga niyo, bakit hindi niyo ko sinama?” nagtatampong tanong ni Eion.
Binatukan ni Tyler si Eion.
“Pagod kana ba?” tanong sakin ni Dash. Hindi na lang niya pinansin ang pinag-uusapan ng Danger Zone.
“Hindi pa naman, bakit?”
“Pumasok kana sa loob para makapagpahinga kana. Don't mind those idiots.” sabi niya at binalingan ng tingin ang Danger Zone na nag-uusap pa rin tungkol sa mga walang kwentang bagay.
“Good night, umuwi kana rin sa unit mo at magpahinga.” sabi ko at hinaplos ang pisngi niya.
“I love you.” malambing na sabi niya at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya.
Napapitlag ako nang akbayan ako ni Calli.
“Tama na yan, ang sakit niyo sa mata.”
Tumalim ang tingin ni Dash kay Calli. Hinila ako ni Dash palayo kay Calli at tinadyakan ito.
“Tangina, ang sakit!” napahawak siya sa hita niyang tinadyakan ni Dash.
“Anong gagawin mo kapag inakbayan ko si Bianca?” masungit na tanong ni Dash.
“Papatayin kita.” sabi ni Calli.
“Gano'n din ang gagawin ko kapag hinawakan mo ulit si Lovely.” hinampas ko braso ni Dash.
“Tss, ano ba kayo? Ang seseloso niyo.” sabi ni Rash at napailing.
“Talaga? Buhok nga lang ni Melody ang mahawakan ko sinusuntok mo na ko.” sabi naman ni Leo.
“Syempre, sakin lang si Melody. Ikaw ang mas OA, kausapin ko lang si Irish nagiging halimaw ka kaagad.” sabi naman ni Rash.
“Akin lang si Irish.” sabi naman ni Leo.
“Fvck! Umalis nga kayo diyan, gusto ng magpahinga ni Lovely.” naiinis na sabi ni Dash.
“Paalis na rin kami. Wala lang kaming magawa sa buhay.” sabi ni Eion.
“Sige, sumabay kana sa kanila Dash.” nakangiting sabi ko.
“Wag kang mag-alala Lovely, kaming bahala kay Dash.” sabi ni Leo at kinindatan ako.
“Gusto mong dukutin ko yang mata mo Leon Scott Faller?” masungit na tanong ni Dash.
Natigilan ako. Diba galit sila sakin? Bakit ang bait naman nila ngayon?
“Alam naming naguguluhan ka sa kinikilos namin ngayon Lovely, weird talaga kami eh.” sabi ni Tyler at napakibit balikat.
“Pero kapag may dumating na problema sa inyong dalawa, siguradong tutulong kami.” seryosong sabi ni Eion.
Anong ibig niyang sabihin do'n?
***
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin pagkatapos kong magshower. Napangiti ako, hindi naman siguro ako nananaginip ngayon diba?
Natigilan ako nang magvibrate ang cellphone ko. May text message galing kay Dash.
I love you, gazillion times.
Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa text niya. Parang ewan naman 'to.
Nagvibrate ulit ang cellphone ko.
No. I love you, immeasurably.
Tumalon ako sa kama at tinakpan ang bibig ko para pigilin ang tili ko.
“Kyaaah!” hindi ko na napigil ang kilig ko. Nagtatalon na ko sa kama.
Nagtext ulit sakin si Dash.
I can hear your screams. Kinikilig ka noh?
Nanlaki ang mga mata ko. Naririnig niya ko? May super powers ba siya?
Bumaba ako ng kama at dali daling binuksan ang bintana ng kwarto ko.
Bumungad sakin si Dash na nakatayo habang hawak ang phone niya. Bumaba ang tingin ko sa suot niya, nakashort at sando na siya.
“Akala ko nandoon ka sa unit mo?” tanong ko.
“Namiss kita agad eh.”
Walang kahirap hirap na umakyat siya sa bintana ko at pumasok sa kwarto ko.
Agad niyang sinara at ni-lock ang bintana.
“Dash---”
Agad niya kong siniil ng malalim na halik sa labi. Tinugon ko na rin ang halik niya kahit nagulat ako.
Napakapit ako sa batok niya nang dahan dahan niya kong ihiga sa kama habang patuloy akong hinahalikan sa labi.
“D-Dash...” sabi ko at marahang tinutulak ang dibdib niya.
“Dash!”
Hindi na niya pinansin ang pagrereklamo ko, muli niya kong siniil ng halik sa labi.
“Namimiss kita bawat segundo.” sabi niya sa pagitan ng paghalik sakin.
Dinampian niya ko ng halik sa noo saka ako tinitigan sa mga mata.
“Para naman tayong teenager nito.” natatawang sabi ko.
“I don't mind sneaking in like a thief just to see you.” sabi nito at binigyan ako ng gwapong ngiti.
“Saan ka matutulog?” tanong ko at hinaplos ang buhok niya.
“Do'n na lang sa kwarto ko dito.” sabi niya at umupo na, umupo rin ako sa tabi niya.
Pinaupo niya ko sa kandungan niya. Napangiti ako saka siya dinampian ng halik sa labi.
“I love you Dash.”
Namula ang magkabilang tainga niya. Natawa ako sa reaksyon niya. Hinawakan ko ang magkabilang tainga niya na namumula.
“Ang obvious mo naman kiligin.” sabi ko habang hawak pa rin ang tainga niya.
“Kiss.”
Napahigikhik ako nang ngumuso siya. Grabe, ngayon ko lang nakita na ngumuso si Dash. Ang cute cute niya.
Hinalikan ko siya sa cute niyang labi.
“Ang cute mo ngayong araw Dash, nakakagigil ka.” kinurot ko ang pisngi niya.
Napasimangot na lang siya. Grabe, ang cute cute niya talaga. Bakit na ganito siya ngayon?
“Nagugutom ako.” natigilan ako sa sinabi niya.
“Bakit hindi ka kumain?” tanong ko.
Umalis ako sa kandungan niya. Hinila ko siya patayo.
“Halika, ipagluluto kita. Tulog na naman sila ng ganitong oras eh.”
Binuksan ko ang pinto sa kwarto ko. Hinawakan ko ang kamay ni Dash at agad kaming nagtungo sa kusina.
“Anong gusto mong kainin?” tanong ko at binuksan ang ref.
“Ikaw.” natigilan ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko namula ang buong mukha ko.
“Ano?” tanong ko at hinarap siya.
Napangisi siya sa reaksyon ko. Dinampian niya ko ng halik sa noo.
“Kahit ano, basta ikaw ang nagluto.” sabi na lang niya. Sinuntok ko siya sa braso. Puro talaga kalokohan 'to.
“Gutom ka ba talaga?” nakapamaywang na tanong ko.
Kinuha niya ang chocolate ice cream sa ref. Agad ko 'yong kinuha mula sa kanya.
“Kay Sir Prince 'to eh, magagalit 'yon kapag walang naabutan na ice cream sa ref.”
Napasimangot siya at kinuha ulit sakin ang ice cream.
“Akong bahala kay Yelo, gusto ko ng ice cream.”
Kumuha siya ng dalawang kutsara at binigay sakin ang isa.
“Pupuyatin kita mamaya, kailangan mo ng energizer.” nakangising sabi niya. Hinampas ko siya sa dibdib.
Sinaluhan ko na rin siya sa pagkain ng ice cream.
“May pasok ka ba bukas?” tanong niya saka ako sinibuan ng ice cream.
Tumango lang ako dahil may ice cream pa ko sa bibig.
“Susunduin kita sa school.”
“Bakit?” tanong ko.
“Doon ka matulog sa unit ko.”
Nasamid ako sa sinabi niya. Agad siyang tumayo at kumuha ng baso at nagsalin ng tubig saka 'yon inabot sakin.
“D-Doon ako matutulog sa unit mo?” hindi pa rin makapaniwalang tanong ko.
Napaiwas siya ng tingin sakin at nahihiyang napakamot sa batok niya.
“Kung ayaw mo, okay lang.” sabi niya, namumula na naman ang magkabilang tainga niya.
“Gusto ko!”
Natigilan siya at napatingin sakin.
“Are you sure?” tumango ako sa tanong niya.
“Pero siguradong hahanapin ako nina Karen, anong sasabihin ko?”
Ngumiti lang siya at hinalikan ako sa labi.
“Akong bahala.”