Chapter 14

2986 Words
"Minsan hindi kita maintindihan. Nung mga nakaraang linggo mukha kang payatot na bangkay, ngayon naman parang ang ganda mo at walang problema." napapailing na sabi ni Tristan. Napakunot ang noo ko. "Panlalait ba yan o compliment?" natawa lang siya at pinitik ako sa noo. "Panlalait na compliment." sabi na lang niya. "Teka nga, bakit ba madaling madali ka?" nakakunot noong tanong niya. Sinuksok ko na lang ang mga libro at notebook ko sa bag ng basta basta. Naghihintay na si Dash sa car park. "May pupuntahan lang ako." sabi ko at agad na sinukbit ang bag ko. Napabuntong ako nang sumunod pa siya sakin palabas ng room. Ang kulit kulit talaga ng lalaking 'to. "Saan ka pupunta? May kikitain ka noh?" pagsuspetya niya habang nakasunod pa rin sakin. "Hoy Tristan, may klase ka pa. Ipinapaalala ko lang." sabi ko at piningot ang tainga niya. "Ihahatid lang kita sa labas, bakit ba?" sabi nito habang nakahawak sa tainga niyang piningot ko. "Hindi mo na ko kailangang ihatid. May mga paa naman ako." nagpatuloy na ko sa paglalakad, at ang mokong, todo sunod pa rin. Napabuntong hininga ako nang makalabas na kami sa school, nilingon ko si Tristan at tininginan siya ng masama. "Bumalik kana sa loob, babatukan kita eh." pananakot ko sa kanya, hindi naman natinag. "Sino ba kasing kikitain mo? Isusumbong kita kay Lolo eh." napairap ako sa sinabi niya. Para talagang bata 'to, at idadamay pa talaga niya si Lolo. Sasapukin ko na 'to eh. "Kailangan kong siguraduhin na mapagkakatiwalaan ang kikitain mo." sabi ni Tristan at nginitian pa ko. Natigilan ako nang maramdaman kong may matipunong braso na umakbay sakin. "Don't worry, mapagkakatiwalaan naman akong tao." sabi ng pamilyar na boses ng umakbay sakin. "D-Dash..." Lumingon siya sakin at dinampian ako ng halik sa labi. Agad akong napatingin sa paligid. Nakatingin samin ang mga estudyanteng nasa labas din! "Namiss kita." malambing na sabi nito. Pakiramdam ko nag-akyatan ang lahat ng dugo sa mukha ko. "Ikaw naman Lovely, hindi mo naman sinabi sakin na si Kuya Dash pala ang kikitain mo, edi sana hindi na kita sinundan dito." napaawang ang labi ko sa sinabi ni Tristan. Ano daw? Kuya Dash?! "Ipagkakatiwala ko na sayo ang pinsan ko, sige mauna na ko." tinapik ni Tristan ang balikat ni Dash. Ngumiti lang si Dash at tumango. "Let's go." pagyaya ni Dash. Tulala pa rin ako hanggang makarating kami sa kotse niya. Agad ko siyang sinuntok sa braso nang makapasok na kami sa kotse. "Bakit?" tanong niya. "Bakit bigla mo na lang akong inaakbayan at hinahalikan sa tapat ng school? Ang daming nakakita satin..." sabi ko at tinakpan ang namumula kong mukha. "...nakakainis ka." dagdag ko pa. Inalis niya ang kamay ko na nakatakip sa mukha ko. Hinawakan niya 'yon at dinampian ng halik habang nakatingin sa mga mata ko. "Ayan kana naman, kinakahiya mo na naman ako." tila nagtatampong sabi niya. "H-Hindi naman sa ganon, nahihiya lang talaga ak---" "Edi kinakahiya mo nga ako." Nagtatampong binitawan niya ang kamay ko. Pinilit kong magpigil ng tawa, para siyang nagtatampong bata. "Hindi kasi 'yon, PDA kasi yung ginawa natin. Hindi kita kinakahiya, saka bakit naman kita ikakahiya?" Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan. Napatingin siya sakin saka ako dinampian ng halik sa labi. "I love you Dash." nakangiting sabi ko sa kanya. Napaiwas siya ng tingin, natawa ako nang namula na naman ang magkabilang tainga niya. "Wag mo kong tawanan." nakasimangot na sabi niya. "Amg cute mo kasi eh." natatawang sabi ko. Pinaandar na niya ang kotse. Hinawakan niya ang isang kamay ko habang nagmamaneho. "Nagugutom ka ba? Anong gusto mong kainin?" tanong niya habang tutok na tutok ang mga mata sa daan. "Ikaw." Agad niyang naipreno ang kotse dahil sa sinabi ko. Namumula ang tainga na napatingin siya sakin. "Ano?" Natawa ako sa reaksyon niya. "Joke lang!" natatawang sabi ko. Naningkit ang mga mata niya. "Masamang magbiro ng ganyan, sineseryoso ko yan." seryosong sabi niya at muling pinaandar ang kotse. "Nga pala, hindi pa ko nagpapaalam kina Ma'am Shenna." sabi ko habang pinaglalaruan ang kamay niya. "Ako ng bahala do'n." sabi na lang niya. Sinukat ko ang kamay naming dalawa. Grabe, ang laki ng kamay ni Dash. "Ang laki ng kamay mo Dash." sabi ko. "Maliit lang talaga ang kamay mo." napanguso ako sa sinabi niya. Hinawakan niya ang buong amay ko. Grabe, sakop na sakop niya ang kamay ko, malaki talaga ang kamay niya. "May mas malaki pa kaysa sa kamay ko..." napatingin ako sa kanya. "Ano 'yon?" tanong ko. Hindi niya ko sinagot, napangisi lang siya. Pakiramdam ko namumula na ang buong mukha ko. Alam ko na ang ibig niyang sabihin! "Bastos ka talaga!" sabi ko at hinampas siya sa dibdib. "Bakit? Wala naman akong sinasabi eh." patay malisyang sabi niya. "Wag mo kong lokohin, alam ko ang ibig mong sabihin. Psh." sabi ko at napaismid. "Malaki naman talaga eh, mahaba pa." nakangising sabi pa niya. Agad kong tinakpan ang magkabilang tainga ko. "Ang bastos mo talaga, hindi kita papansinin sige ka!" nakasimangot na sabi ko. "My legs are big and long, what the hell are you thinking woman?" natatawang tanong niya. "Ewan ko sayo." nakangusong sabi ko. "But if you're thinking about my friend in between my legs, yes, he's big and freakin' long too." Muling umakyat ang dugo sa mukha ko. Hinampas ko ulit siya sa braso. "Gusto mong may sabihin akong sikreto sayo?" tanong niya. "Ano naman 'yon?" nakataas kilay na tanong ko. Baka kalokohan na naman yan eh. "I'm a virgin." Saglit akong natahimik sa sinabi niya at tinitigan siya. Bigla akong natawa nang marealize ko ang sinabi niya. "Why are you laughing?" tanong nito. Napahawak ako sa tiyan ko dahil sa kakatawa. "Grabe! Bentang benta sakin yang joke mo ah." natatawang sabi ko at hinampas pa siya sa braso. Natigilan ako nang mapansin kong seryoso ang mukha niya. Napakurap ako ng tatlong beses. "S-Seryoso ka?" tila hindi makapaniwalang tanong ko. "Yes, fvcking serious." "Pano nangyari 'yon? Ang gwapo gwapo mo, ang macho mo, ang yaman mo, tapos wala ka pang naikakamang babae sa buong buhay mo?" napatango siya sa sinabi ko. "It's just that no other woman can satisfy me, they can't attract me the way you can. They can't make my heart beats faster, and I only want to have s*x with someone who can make me fall in love with her more just by staring at her. And only you can do that." Kinikilig na napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa sinabi niya. Ganon din naman ako, ibibigay ko lang ng buo ang sarili ko sa taong mahal na mahal ko, at si Dash 'yon. "Stop smiling like that, I know it sounds gay." sabi nito, namumula na naman ang magkabilang tainga niya. Nahihiya siya. "Hindi ah, nakakakilig nga eh. Saka kahit naman virgin ka pa o hindi, mahal pa rin kita ng sobra sobra." Napangiti siya sa sinabi ko. Muli niyang dinampian ng halik ang kamay kong hawak niya. Itinigil na niya ang kotse sa may car park ng condominium na tinutuluyan niya. Agad niya kong pinagbuksan ng pinto. Hinawakan niya ang kamay ko at agad na sinara ang pinto ng kotse pagkababa ko. "Um-order na lang tayo ng pagkain kung gusto mo." sabi niya pagkapasok namin sa condo. "Gusto ko ng French fries." sabi ko at yumakap sa braso niya. "French fries lang?" tanong niya pagkasakay namin sa elevator. Agad niyang pinindot ang pinakamataas na floor. "Oo, maraming maraming French fries." kinurot niya ang ilong ko. "Gusto mo ipagluto kita?" tanong niya sakin. "Sige!" agad na sagot ko. "Pero pritong itlog lang ang kaya kong lutuin, madalas pang nasusunog." natatawang sabi niya. Napasimangot ako. "Bakit si Rash masarap magluto? Laging sinasabi ni Melody na mas masarap pa magluto si Rash kaysa sa kanya." sabi ko. "Bakit? Gusto mo ba sa lalaki yung masarap magluto? Okay, mag-aaral na kong magluto." napangiti ako sa sinabi niya. "Hindi na kailangan, gusto ko ako ang magluluto para sayo." nakangiting sabi ko. Magkahawak kamay kaming lumabas ng elevator. Agad kaming nagtungo sa silid na may nakalagay na '1413'. Ito na siguro ang unit niya. "1014 ang passcode." bulong niya sakin. Namula ang buong mukha ko. "Birthday ko yan eh." nakangusong sabi ko. Dinampian niya ng halik ang nakanguso kong labi. Pinindot na niya ang passcode at agad na kaming pumasok sa loob. "Gusto mo ipagluto kita?" tanong ko sa kanya. Napatingin ako sa kabuuan ng unit niya. Grabe, dalawang bahay yata ang katumbas ng unit na 'to. Medyo dark ang kulay at ang design, mahahalata mong lalaki talaga ang nakatira. Napangiti ako nang maamoy ko ang amoy ni Dash sa unit. Umupo ako sa couch, agad namang tumabi sakin si Dash. "Lovely." sabi nito at inakbayan ako. "Hmm?" "Mas gusto mo bang maging housewife?" natigilan ako sa tanong niya. "Sa totoo lang mas gusto ko maging housewife..." hinawakan ko ang kamay niya saka sumandal sa balikat niya. "Bakit?" "Gusto ko kasi hindi maramdaman ng magiging anak ko na mag-isa siya. Lumaki kasi ako na laging wala ang mga magulang ko sa tabi ko, lagi silang busy. Ayokong maramdaman ng magiging anak ko ang lungkot na naramdaman ko." Naramdaman kong dinampian niya ng halik ang buhok ko habang hinahaplos niya 'yon. "Magiging anak natin..." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ha?" tanong ko at tiningnan siya. "Sabi mo magiging anak mo lang, magiging anak natin dapat. Hindi ka naman makakagawa ng bata ng mag-isa lang diba." Nag-akyatan ang dugo sa mukha ko dahil sa sinabi niya. Agad ko siyang hinampas sa dibdib. "Nakakainis ka, ang seryoso ng usapan natin eh." nakasimangot na sabi ko. "Okay seryoso na..." "...gusto kong maging tatay na katulad ni Yelo." seryosong sabi niya. Napatingin ako sa asul niyang mga mata. "Bakit?" tanong ko. "Malaki ang responsibilidad niya, milyon milyong empleyado ang sinuswelduhan niya at umaasa sa kanya, pero ni minsan hindi siya nawalan ng panahon samin. Yes, he's cold but he's warm towards us. He's not a perfect father and husband but he loves us more than himself. Hindi siya nawawalan ng oras saming mga anak niya at hindi man lang nabawasan ang pagmamahal niya kay Mama mula noon hanggang ngayon. For me, he's the perfect father. That's why I want to be just like him, I want to be a perfect husband and father in the future." puno ng emosyon na sabi niya. Napangiti ako sa sinabi niya. Mukhang totoo nga talaga ang madalas ikwento samin ni Ma'am Shenna, perpektong asawa at ama si Sir Prince. "Perfect ka para sakin..." napatingin siya sakin. "...perfect ka para sakin kasi mahal na mahal kita." sabi ko saka hinaplos ang pisngi niya. "I love you so much Lovely, I love you more than myself." puno ng sinseridad na sabi nito habang nakatitig sa mga mata ko. Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Inilapit niya ang mukha niya sakin saka ako banayad na hinalikan sa labi na agad ko namang tinugon. Napakapit ako sa balikat niya nang mas palalimin niya ang paghalik sa labi ko. Napahiga na ko sa couch habang nasa ibabaw ko naman siya, patuloy pa rin kami sa paghahalikan. Napapitlag ako nang tumunog ang cellphone ko na nasa bag ko. "Dash, y-yung cellphone ko." sabi ko sa pagitan ng paghalik niya. "Mamaya na 'yon." tila paos na sabi nito. Napapikit ako ng mariin nang bumaba sa panga ko ang halik niya. "Dash..." marahan ko siyang tinulak. Umalis na siya sa pagkakadagan sa ibabaw ko at napakamot na lang sa kilay niya. "Tanginang istorbo." narinig kong bulong niya. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bag. Napasinghap ako nang makita ko kung sino ang natawag. "Dash! Natawag si Ma'am Shenna." kinakabahang sabi ko. "Sagutin mo." kalmadong sabi niya. Napalunok ako bago sinagot ang phone. Ni-loud speaker ko pa para marinig din ni Dash. "H-Hello po Ma'am Shenna." "Nasaan ka ngayon Lovely? Tapos na ang klase mo diba? Umuwi kaba sa Lolo mo?" sunod sunod na tanong ni Ma'am Shenna. "Lovely! Hindi ka man lang nagpapaalam! Lukaret ka!" napapikit ako ng mariin nang marinig ko rin ang boses nina Karen sa kabilang linya. "Ah eh, a-ano po kasi..." Napasinghap ako nang hablutin ni Dash ang cellphone ko. "Don't worry, she's with me." tila wala lang na sabi ni Dash. "D-Dash? Ikaw ba yan?" tanong ni Ma'am Shenna. Rinig na rinig ko ang side comments nina Karen. "Opo, don't worry. Hindi ko naman papabayaan ang girlfriend ko." Narinig ko ang pagsinghap nila sa kabilang linya. Gulat na napatingin ako kay Dash, kinindatan lang ako ng impakto. "G-Girlfriend mo na si Lovely? OMG!" tila hindi makapaniwalang sabi ni Ma'am Shenna. "Opo, nandito si Lovely sa unit ko. Dito siya matutulog." Nasapo ko ang noo ko dahil sa sinabi niya. Mapapaaga ang buhay ko dahil kay Dash eh. "Okay, basta alalahanin mo na nag-aaral pa si Lovely. Hayaan mo muna siyang makapagtapos bago mo siya anakan. Okay?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ma'am Shenna. Si Ma'am Shenna ba talaga ang nagsabi no'n o may masamang espirito lang na sumapi sa kanya? Napakurap na lang ako nang matapos na ang tawag. "Bakit mo sinabi 'yon?!" naiinis na sabi ko at hinampas siya sa braso. Hinila niya ko paupo sa kandungan niya. Nakasimangot na yumakap na lang ako sa batok niya. "Sorry na, malalaman din naman nila 'yon eh. Saka wag kang mahiya kay Mama at Yelo, mabait naman sila." sabi niya saka dinampian na naman ng halik ang labi ko. "Alam ko naman 'yon. Eh kasi... Hay! Sige na nga." "I love you." nakangiting sabi nito. "Psh, I love you too." nakangusong sabi ko. "Galit ka sakin? Hindi mo na ko mahal?" tanong nito. Kinurot ko ang pisngi niya. "Hindi ako galit, at mahal na mahal kita. Baliw 'to." natatawang sabi ko. Ang cute niya lang magdrama, kagigil. "May pagkain ba sa ref mo? Ipagluluto kita." sabi ko at agad na umalis sa kandungan niya. "Sige, nandon lang ako sa kwarto ko. Tatapusin ko muna yung ginagawa ko." sabi nito at tumayo saka tinuro ang isang pinto. "Okay. Magluluto lang ako." tumingkayad ako at hinalikan siya sa labi. Natigilan ako nang hawakan niya ang baywang ko. "Wag ka na lang kaya magluto, ikaw na lang ang kakainin ko." nakangising sabi niya. Namula ang mukha ko. Agad kong hinampas ang dibdib niya. "Heh! May gagawin ka pa diba?" kumalas ako sa pagkakayakap niya. Agad akong nagpunta ng kusina. Wow! Ang ganda ng kusina niya, sayang, hindi naman siya marunong magluto. Binuksan ko ang ref, napakunot ang noo ko. Ice cream, beer, tubig, itlog at manok lang naman ang laman ng ref niya. Napakamot ako sa batok ko. Fried chicken na nga lang ang lulutuin ko. Nagsimula na kong magprito ng manok. Napailing na lang ako, bakit ba ako naghahanap ng maraming pagkain sa ref ni Dash, hindi naman marunong magluto 'yon. Napangiti ako, kailangan ko pang galingan sa pagluluto para ako ang laging magluluto pag mag-asawa na kami. Nilagay ko sa plato ang naluto ng fried chicken. Kumuha ako ng dalawang beer sa ref niya. Nagtungo na ko sa kwarto ni Dash. Naabutan ko siyang tutok sa laptop niya. May mga tambak rin na kung ano anong papel sa table niya. Nilapag ko sa bedside table ang beer at platong may fried chicken. "Dash, wala namang masyadong laman yung ref mo eh." sabi ko at kumuha ng isang fried chicken at kinagatan 'yon. Nakasuot na siya ng pambahay. Naka T-shirt lang siya at short. Napasimangot ako nang hindi niya ko pinansin. Niyakap ko siya sa leeg habang tinitingnan ang mga tina-type niya. "I'll just finish this, para wala ng abala." sabi nito. "Mamaya na yan, ako muna ang pansinin mo." paglalambing ko sa kanya. "Matatapos na 'to." sabi na lang nito. Napasimangot ako. Inilabit ko ang labi ko sa tainga niya at may binulong sa kanya. "Ayaw mo talaga akong pansinin?" bulong ko sa tainga niya. Ang loko, hindi talaga nagpatinag. Tuloy pa rin siya sa ginagawa niya. Napasimangot na lang ako at inilagay ang chicken sa plato. Magsh-shower na nga lang ako. Kainis siya, ayaw niya kong pansinin. Nagtungo ako sa banyo. Grabe, ang ganda ng banyo niya. Nagsimula na kong magshower. Kinuha ko ang bath robe na nakasabit pagkatapos kong magshower, ang bango ng bath robe. Naaamoy ko si Dash. Sinuot ko na ang bath robe at agad na lumabas ng banyo. Ipinunas ko sa buhok ko ang towel na kinuha ko. "Dash. Hindi ka pa ba tapos diyan?" lumapit ako sa kanya. "Hindi pa." napasimangot ako sa sagot niya. Ayaw mo kong pansinin ha. Tinanggal ko ang pagkakabuhol ng bath robe at hinubad 'yon. Nakahubad pa naman ako, as in hubad talaga. "Dash, nalaglag yung bath robe ko." Napalingon siya sakin, agad kong kinuha ang bath robe at nang-aakit na isinuot 'yon ulit. Napakagat ako sa labi ko nang mapalunok siya. Tingnan lang natin kung maipagpatuloy mo pa yang ginagawa mo. Napabuntong hininga siya at muling hinarap ang laptop niya, bumagsak ang balikat ko. Natigilan ako nang tumayo siya at agad na sinara ang laptop niya. "Sinusubukan mo talaga ako Lovely." Napaatras ako nang humarap siya sakin. "Nagjojoke lang ak---" Agad niya kong sinugod ng halik sa labi, bumagsak tuloy kami sa kama. "You're a fvcking tease." mahinang usal niya. Naramdaman ko ang pagtanggal niya sa pagkakabuhol ng bath robe. "Akala ko ba may ginagawa ka pa." Saglit siyang tumigil sa paghalik sakin at tiningnan ako ng masama. "Sa tingin mo ipagpapatuloy ko pa 'yon pagkatapos mong ipakita sakin ang katawan mo." Nagmamadali niyang hinubad sakin ang suot kong robe. Bakit ba madaling madali siya? Naglakbay ang tingin niya sa kabuuan ng katawan ko. Ngayon ako nakaramdam ng hiya, nag-init ang mukha ko. Para niya kasi akong kakainin ng buo kung titigan niya ko. "I don't mind losing my virginity now." tila paos na sabi nito. Napangiti na lang ako... Ako din naman eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD